Share

Kabanata 2

"Oh bakit ngayon lang kayo? Kanina ko pa kayo tinatawag ni isa walang sumasagot."

"Etong si Macoy kasi masyadong madaldal. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi sa akin kanina. Saan niyo ba pinaglihi ang taong 'to, ma?" tugon ni Kiba bago umupo sa harap ng dining table.

"Hindi naman sa nagdadaldal ako. Nireremind lang naman kita sa possibility ng sumpa para naman kahit papaano e makapag-ingat ka," banat naman ni Macoy sabay upo rin kaharap ni Kiba.

Inilapag ng mama nila ang pinggan at kutsara sa mesa. "Bakit? Patungkol na naman ba yan sa sumpa ng mga Casanova?"

Ngumit si Kiba. "Ano pa nga ba? Iyan lang naman ang laging bukambibig ni Papa e saka itong mokong na ito," saad nito sabay bato ng binilot na tissue paper kay Macoy. Hindi rin naman nagpaawat si Macoy at bumilot rin ng tissue saka binato sa kuya.

"Totoo naman kasi yun! Di kita pipilitin kung ayaw mo talaga maniwala."

Nagbatuhan ulit ang magkapatid.

"Kayo talaga umagang-umaga nag-aasaran na naman kayo. Magsitigil nga kayo diyan," pag-aawat ng mama nila. "Saka wag niyo ngang sayangin yang tissue. Hindi kami nagtatae ng pera ng papa niyo para laging may pambili."

"E ma bakit ayaw niyo kasing tanggapin ang binibigay kong pera?" Sabi ni Kiba sa ina.

Napailing naman ang mama nito habang abala sa paglalagay ng pagkain sa plato ng dalawa. "Sariling pera mo iyan. Para sayo yan kaya gastusin mo para sa sarili mo."

"E kagustuhan ko naman na bigyan kayo ng kung anong mayroon ako."

Napahinto ang kanyang ina sa kanyang ginagawa. Tumingin ito kay Kiba. "Saka mo na lang kami bigyan kapag walang-wala na talaga kami ng papa mo. Saka binata ka at alam ko naman na marami kang pagkakagastuhan. Saka kakailanganin mo ngayon yan lalo na't nasisanti ka sa pinagtatrabahuan mo."

"May cafe naman ako kaya—"

"Pero malapit ng magsara," sabat ni Macoy dahilan para hindi maituloy ni Kiba ang kanyang sinasabi.

"Ikaw Macoy, wag kang sasabat sa matatanda ha," sermon ng kanyang mama.

"20 na kaya ako," nakangusong tugon nito sa ina.

Napamewang ang kanyang ina sa sinabi nito. "Aba't sumasagot ka pa ha."

"Umagang umaga nag-iingay na naman kayo. Ano bang pinag-uusapan niyo riyan?"

Tipong hahampasin na niya sana ito ngunit nahinto siya dahil sa pagdating ng kanyang asawa.

"Nandiyan ka na pala. Tamang tama naihain ko na agahan natin. Umupo ka na at kakain na tayo," saad ng kanilang ina sa kanilang ama na kabababa lang ng hagdan.

"Itong si Kiba ipinipilit na gamitin raw natin ang pera niya," sabi ng ina habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan ng ama.

Napatingin naman ang ama ni Kiba sa kanya. "Ipunin mo na lang yan muna, anak. Kaya pa naman namin ng mama mo e. Saka ibang bagay ang gusto namin ng mama mo," saad nito sabay ngiti ng pilyo.

Napahinto naman sa pagsubo ng hotdog na brown si Kiba sa huling sinabi ng ama. "A-Ano?" naguguluhang tanong niya sa ama.

"Apo. Gusto ko ng apo," nakangiting tugon ng ama. Muntik namang mabulunan si Kiba dahil sa tugon ng ama kaya napainom ito ng tubig.

Napatawa naman ng mahina si Macoy ng marinig ito. "Paano naman kayo magkaka-apo e hanggang ngayon birhen pa rin si kuya. Malapit na magtrenta tapos wala pang napapasukang kweba."

Sabay na napatingin ang mag-asawang Casanova sa sinabi ng anak.

Napahinto si Macoy sa pagsubo. Ibinababa nito ang kutsarang hawak at itinaas ang kamay tanda ng pagsuko. "R-Relax, ma...pa, maging ako man e birhen pa rin." Naiilang na tugon nito.

"Ikaw Macoy ha, pag-aaral ang atupagin mo. Huwag ka munang mag-aasawa! Mahirap ang buhay at hindi biro ang bumuo ng pamilya," medyo pagalit na sermon ng kanyang ina.

"Eh bakit si kuya? Gusto niyo na magka-apo sa kanya."

"Iba ang kuya mo. Nasa tamang edad na siya. Samatalang ikaw e nasa kolehiyo pa lang," tugon naman ng kanyang ama.

"Sabagay. Malapit naman na kasi ang 30-year deadline ni kuya kaya—"

"Macoy!"

"Macoy!"

Chorus na sigaw ng magulang nito.

Napangiwi si Macoy. "R-Relax. Nagbibiro lang ang gwapong anak niyo."

Bahagya namang napatawa si Kiba.

"Naku, di na kayo nasanay kay Macoy. Saka di naman totoo yung sumpa. Kaya mabuti pa e kumain na lang tayo." Pag-aawat ni Kiba sabay subo ng pagkain.

Napatingin naman ng seryoso ang kanyang ama. Mukhang mahaba-habang sermon na naman ang aabutin ni Kiba. 

"Ilang ulit ko ng sinabi sa iyo, totoo ang sumpa, anak. Tignan mo ang nangyari sa pamilya natin. Sobrang yaman na sana natin. Kaya lang sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa pamilya natin. Kung hindi lang sana naging mapaglaro ang iyong lolo Perfecto sa pag-ibig ay baka mayaman na tayo ngayon."

Napailing si Kiba sa sinabi ng ama.

"Hindi dapat natin isisi ang nangyari sa sumpa na yan, Pa. Kung hindi naging sugarol at nalulong sa alak ang lolo Perfecto noon edi sana mayaman pa rin ang pamilya," wika niya sabay kagat ng hotdog.

Napabuntong hininga naman ang ama nito. Umayos ito sa pagkaka-upo. "Dahil sa sumpa iyon. At saka paano mo naman maipapaliwanag ang pagkamatay ng mga panganay na lalaki sa pamilya pagtungtong nila ng edad na trenta? Napahinto ito. "Gaya ng nangyari sa kuya ko...sa tito Alfredo mo."

Napahinto sa pagnguya ng kanyang kinakin si Kiba nang makita ang malungkot na mukha ng ama. "Pa, aksidente ang nangyari sa kanya."

Hindi agad umimik ang ama nito. Tila inaalala pa rin nito ang nangyari sa panganay na kapatid. Mayamaya pa ay ngumiti ito ng bahagya. "Baka nga aksidente lang ang nagyari. Pero anak wala namang mawawala kung maniniwala ka sa sumpa. Ayoko-"

"Don't worry. I won't die. Mabubuhay pa ako ng napakatagal," sabat ni Kiba bago muling itinuon ang pansin sa kinakain. Napabuga na lang ng hangin ang ama nito bago magsimulang kumain.

Pagkatapos mag-agahan ni Kiba sa bahay ng kanyang mga magulang ay agad itong nagbihis para magtungo sa pinapatakbo nitong coffee shop.

* * *

"Hoy Ms. Mira Segundo! Ang haba naman talaga ng hair mo ano? Akalain mo yun! Ikakasal ka na rin!"

"Narealize na niya siguro na you are the only one for him."

"And also, the one he sees to be the mother of his child."

Umalingaw-ngaw ang tawanan sa loob ng isang coffe shop. Mabuti na lamang at sila lang ang tao dito kung hindi baka nagreklamo na ang ibang mga customer.

"Ano ba kayo. Hindi pa naman sure na magpo-propose na siya sa akin e. He just invited me to have a dinner date with him," nahihiyang tugon ni Mira sabay s****p sa inorder nitong cortado.

"Sus! Wag ka na magpa-humble bes! Doon rin naman papunta yun," saad ni Dina — isa sa mga kaibigan niya.

"I agree. It's been ages since he last invited you for a dinner. If I'm not mistaken first dinner date niyo noong sinabi niyang manliligaw siya at ngayon... I also think na magpo-propose na siya," saad ni Lara, isa sa mga matalik na kaibigan ni Mira.

Hindi maitago-tago ni Mirah ang kanyang mga ngiti sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan. Sa loob nito, umaasa siya na sana totoo nga ang sinasabi sa kanya ng mga kaibigan niya. Matagal na kasing pangarap ni Mira ang maikasal kaya naman hindi niya mapigilang mag-imagine ng mga iba't-ibang senaryo sa isip nito.

Labis na pinaghahandaan ni Mira ang araw na maikasal siya. Muntik na ngang mawalan ng pag-asang maikasal pa ito dahil kahit kailan hindi nagpakita ng motibo ang kasintahan nito na gusto siya nitong pakasalan.

Kaya naman laking gulat na lamang niya ng ayain siya nitong makipag-dinner date. Noong sinagot niya kasi ang kasintahan niya noong nanliligaw ito e natigil na rin ang pag-aaya nito kahit na date pa man.

Kaya naman ang ending e mas madami pa siyang time na nailalaan sa hospital na pinag-tatrabahuan kaysa kanyang sariling lovelife.

Ayos lang naman ito sa kanya dahil kahit na workaholic ang nobyo nito e humahanap pa rin naman ito ng paraan para makasama siya.

"Isusuko mo na ba ang bataan sa kanya ngayon?" Tanong ni Dina sabay kurot sa tagiliran ni Mirah.

"Kung ready na siya," maikling tugon ni Mira na ikinakunot naman ng noo ng dalawa.

"Ready?" Chorus na tanong ng dalawa.

"Hindi ba dapat ikaw ang nagsasabi niyan at hindi siya? Bakit tila baliktad yata? Kunot noong tanong ni Dina sa kaibigan.

Ngumiti ng mapakla si Himig. Umiling ito. "I-I dont know. That's what he said. He's not yet ready to do it."

Naiiling na tumingin sa kanya si Mira. " I can't believe it. How could he say that when he's dating the campus muse? Is he gay or what?" Her face was utterly in disbelief.

"Hindi naman sa ganon. May goals kasi siya sa buhay. Saka he's just being respectful. Maybe he's not okay with sex outside the marriage. May pagka-conservative kasi yun."

Oo. Eto lang ang naiisip na rason ni Mirah kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa nila ginagawa ang karaniwang ritwal ng magkasintahan kahit na h***k pa man yan.

Maganda naman siya. Pwede nga daw siyang ihelera sa mga international runway model e. Maganda naman ang katawan nito. Isang doktor at galing sa mayamang pamilya. Kaya sinong lalaki ang tatanggi sa ganitong klase ng babae? Wala.

Sadyang marespeto lang siguro ang nobyo nito kaya wala pang nangyayari sa kanila.

At dahil malapit na siyang ikasal. Matutupad na rin niya ang kahilingan ng lola nito bago mamaalam sa kanya kahit na ang dating nito sa kanya ay biro lamang.

"Never fall in love with a Casanova. Stay away from a Casanova. Stay away from trouble, Mira."

'Casanova, huh? Sinong Casanova ba yan. Hindi pa ako nakakakita ng Casanova. Kahit kailan talaga laging may pagka-mysterious yang si lola. Sinaktan ba siya ng isang Casanova?' saad nito sa sarili nang maalala ang bilin ng lola.

''Buti na lang wala na si lola," bulong nito sa sarili bago humigop ng kape.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status