LOGINKELLY JOANNE
“Miss, wait lang—”
“Bakit po?”
“Balik ka po sa loob,” sagot niya sa akin.
“Akala ko po cut-off na?”
“Kung gusto niyo pa rin po mag-apply ay sumama ka na lang po sa akin,” sabi niya sa akin kaya naman huminga muna ako ng malalim at sumama ako sa kanya. Ayaw ko naman na mag-inarte pa dahil hinabol na nga niya ako eh.
Habang naglalakad kami ay bumalik na naman ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba pero sobrang kinakabahan talaga ako. Feeling ko kasi ay may kakaiba na mangyayari ngayon. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa taas. Tahimik lang ako hanggang sa nakarating na kami sa iba pang mga applicants.
By batch ang interview nila. At dahil huli ako kaya ako na ang pinakahuli. Medyo naloka ako dahil ako na lang talaga mag-isa. Hindi pa nila ako isinabay sa tatlong nauna. Ako naman itong nakaupo lang dito matiyagang naghihintay na matapos ang iba. Medyo nahihiya ako dahil hindi ko nga natapos ang pag-aaral ko tapos mag-aapply ako bilang secretary pero isang taon na lang naman na sana ‘yon. Ang mga kasabayan ko ay halatang mga college graduate.
“Miss Mallen, it’s your turn na po,” nakangiti na sabi sa akin ng isang babae.
Kaya naman inayos ko muna ang skirt ko at naglakad na ako papasok sa loob ng room. Kinakabahan man ay kailangan ko ito para sa anak ko. Hindi ko man alam kung matatanggap ako pero gagawin ko ang best ko.
Iniwan rin ako ng naghatid dito kaya nilalamig ang mga kamay ko. Dahil hindi ko inaasahan na si Daddy Ninong ang nasa harapan ko ngayon. Seryoso lang ang mukha niya.
“Good morning, Sir,” kinakabahan ko na bati sa kanya.
“Sit down,” utos niya sa akin kaya naman umupo ako.
“Why should I hire you?” tanong niya sa akin.
“To be honest, Sir. It’s my first time to work but if you hired me, I’ll do my best to–”
“So, wala pang experience?”
“Willing to learn po ako, Sir.” kinakabahan na sagot ko sa kanya lalo na nakatingin lang siya sa mga mata ko.
“Kaya mo bang maging all rounded?” tanong niya sa akin.
“Opo, kaya ko po,” sagot niya sa akin.
“Kaya mong gawin ang lahat?”
“Kakayanin ko po,” sagot ko sa kanya.
“You’ll start tomorrow.”
“Tanggap na po ako?”
“Ayaw mo ba? Mas gusto mo ba sa company ng daddy mo?” tanong niya sa akin at hindi ko alam kung biro ba ‘yon o hindi. Tumayo na siya para umalis.
Mabilis akong tumayo at lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Masaya kasi ako at hindi ko kasi inaasahan na tatanggapin niya ako. Lalo pa alam ko na magkaibigan sila ni daddy.
“Thank you po, Daddy Ninong.”
“Dito sa office ay hindi mo ako ninong. I’m your boss kaya gawin mo ang trabaho mo,” sabi niya kaya mabilis akong lumayo sa kanya.
“I’m sorry po, Sir. Masaya lang po ako,” nahihiya na sabi ko sa kanya dahil ang seryoso niya pala talaga dito sa office niya.
“Just be on time and don't be late. Dahil ibibigay ko ang trabaho sa iba kapag hindi mo kayang maging on time sa trabaho mo,” sabi niya sa akin bago siya lumabas.
“Gagalingan ko sa trabaho ko, Daddy Ninong. Ayaw kong masayang ang pagkakataon na binigay mo sa akin,” sabi ko sa sarili ko at lumabas na rin ako dito.
Dadaan muna ako sa HR para ibigay ang mga requirements ko. Mabuti na lang talaga at naisip ko last time na kumuha ng ibang mga kailangan ko. Dahil nga balak ko na talagang maghanap ng trabaho. Ang iba namang requirements na wala ako ay to be follow na lang. Hindi naman strict ang HR nila mas maldita pa kanina ang nasa reception area.
Wala naman akong gagawin kaya uuwi na ako. Nahihiya rin naman kasi ako na magtagal pa dahil pinakisuyo ko lang ang anak ko. Bigla ko tuloy naisip kung paano ang anak ko bukas. Kaya naman mabilis kong tinawagan si Mavie habang hindi pa ako nakakababa.
“Beshy, may trabaho na ako.”
“What?! Really?! Oh my gosh! Congratulations, beshy! Sabi ko naman sa ‘yo eh matatanggap ka!” masaya na sambit niya.
“Kinakabahan pa nga ako kanina eh. Akala ko hindi ako tatanggapin dahil muntik ng mag-cut-off at ako ang pinakahuli sa lahat,” sabi ko sa kanya.
“Para talaga sa ‘yo ang–”
“Si Daddy ninong ang nag-interview sa akin,” putol ko sa sasabihin pa niya.
“Really?”
“Ang seryoso nga niya,” sabi ko sa kanya.
“Lagi namang serious si daddy. Wala namang bago sa kanya,” natatawa na sabi niya sa akin.
“Nanibago lang ako dahil ngayon ko lang kasi siya ulit nakita.”
“Ayaw mo naman kasing pumunta sa bahay. Kapag kasi niyayaya kita lagi ka namang tumatanggi,” sabi niya sa akin.
“Sorry, beshy. Nahihiya lang kasi ako. Pero may problema ako, bukas na kasi ako magsisimula sa trabaho kaya hindi ko alam kung sino ba ang mag-aalaga sa anak ko,” sabi ko sa kanya.
“Si Ate na lang muna, hihiramin na lang muna natin siya dito sa bahay.”
“Okay lang ba?”
“Oo naman, mabait si ate at sure ako na aalagaan niya ang baby natin. Kaya ‘wag ka ng mag-alala pa, okay?”
“Thank you, Mavie.”
“Always welcome, beshy.”
“Ako na lang ang magbibigay ng sahod ni ate,” sabi ko sa kanya.
“Hindi naman kailangan, pero sure ako na matutuwa siya kapag nag-abot ka sa kanya para dagdag na rin sa sahod niya,” sabi niya sa akin.
“Ako na ang bahala sa kanya,” sabi ko sa kaibigan ko.
“Kaya mo ito, beshy. Mahirap lang sa umpisa pero alam ko na kaya mo,” sabi niya sa akin.
“Kakayanin ko para sa anak ko,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Oo naman, ikaw pa ba,” sabi niya sa akin kaya napangiti ako.
“Sige, uwi na ako. Para makapag-pahinga naman si ate,” sabi ko sa kanya.
“Ingat ka po,” malambing na sabi ng kaibigan ko sa akin.
Nang mawala ang tawag ay sumakay na ako sa elevator pero nagulat ako dahil nasa likuran ko pala si daddy ninong.
“Uuwi ka na ba?” tanong niya sa akin.
“O–Opo,” sagot ko sa kanya.
“Wala ka pa rin bang balak na umuwi sa bahay niyo?” tanong niya sa akin.
“Saka na lang po kapag hindi na po galit si daddy,” sagot ko sa kanya.
“Mukhang hindi naman siya–”
“Daddy Ninong, puwede bang ‘wag mo na lang sabihin sa kanya na dito ako nagtatrabaho? Baka po kasi–”
“Kahit naman hindi ko sabihin ay malalaman niya,” sabi niya sa akin.
“Kailangan ko po ang trabaho na ito para sa anak ko.”
“Bakit hindi ka na lang humingi ng sustento sa ama ng anak mo, obligasyon niya an–”
“It was one night stand kaya hindi ko alam kung sino ang ama ng anak ko. At kahit pa kilala ko siya ay hindi ko siya guguluhin dahil kaya ko pong buhayin ang anak ko. Magsisipag po ako sa trabaho, kaya sana po ‘wag niyo na lang po sabihin sa daddy ko. Alam ko na kalabisan na po itong hinihiling ko pero gusto ko lang po talaga na magtrabaho,” sabi ko sa kanya.
Wala akong narinig na kahit na anong salita mula sa kanya. Tahimik lang siyang lumabas at ako naman ay naiwan na naman na mag-isa dito. Lumabas na lang rin ako dahil uuwi na ako. Mukhang mahihirapan ako kay Daddy Ninong bilang boss ko. Pero kaya ko ito, kakayanin ko. Mahirap man sa umpisa pero alam ko na kakayanin ko.
“Para sa anak ko, para sa kanya,” saad ko sa sarili ko.
MAVIE LOVELYMaaga pa lang ay gising na ako. Nag-aayos na ako para umalis. Hindi ko alam kung aalis ba ang daddy ko. Nagpaalam ako sa kanya na may pupuntahan ako. Hindi naman siya nagtatanong kung saan pero hinayaan lang niya ako. Kapag ganito na ako lang mag-isa ay hindi na ako nagpapahatid sa driver namin. Nagtataxi na lang ako o hindi kaya magbook ng masasakyan ko.Palabas pa lang ako sa subdivision namin nang may pamilyar na sasakyan ang nakaparada sa may gilid. “Ano ang ginagawa niya dito?” tanong ko sa sarili ko.“Good morning, sweetie,” nakangiti na bati niya sa akin.“Why are you here?”“Sabi ko naman sa ‘yo, sasama talaga ako.”“What?!”“Are you out of your mind?” “Stress nga kasi ako,” sabi niya at kinuha niya sa kamay ko ang bag niya.“Ipagtanggol mo ako kapag ako inaway ng cheater mong jowa ha,” sabi ko sa kanya.“Opo, pababayaan ba kita? Sagot kita,” nakangiti na sabi niya kaya inirapan ko na lang siya.“Tara na nga,” sabi ko sa kanya dahil sayang ang oras.Nagchange pla
MAVIE LOVELYHindi talaga ako nag-enjoy sa pinapanood ko dahil sa gurang na ito. Sa totoo lang ay pinilit ko na lang talaga na tapusin kahit pa wala na ako sa mood dahil sa naisip ko ang binayad niya doon. “Bakit ka sunod ng sunod?” tanong ko sa kanya.“Saan ka ba pupunta?”“Kakain na ako, kanina pa ako nagugutom,” sabi ko sa kanya.“Saan mo gustong kumain?”“Bakit mo tinatanong?”“Nagugutom na rin kasi ako kaya sabay na tayong magdinner,” sabi pa niya.“Puwede ka naman kasing kumain mag-isa. Bakit kailangan mo pang sumabay sa akin?” tanong ko sa kanya.“Mas masarap kumain na may kasama,” sabi pa niya sa akin.“Dito na lang,” turo ko sa kanya sa isang restaurant na nasa harapan ko lang.“Okay,” sabi niya at hinila na niya ako papasok sa loob.May nag-assist sa aming dalawa. Nang makarating na kami sa table ay agad kaming nag-order ng pagkain namin.“Uncle, that’s enough. Ang dami na, kaya ba nating ubusin ang lahat ng ‘yan?”“Kaunti lang ‘yan,” sabi niya sa akin.“Kuya, okay na ‘yang
MAVIE LOVELY Nagsimula na nga talaga ang palabas. Sarap ng kain ko ng popcorn habang itong nasa tabi ko ay tahimik lang rin na nanonood. Hindi pa naman nakakatakot. Kaya siguro wala pa siyang reaction. Kumakain kami ng popcorn at hindi ko na nga namalayan na sinusubuan ko na pala siya. Na gulat na lang ako nang maramdaman ko ang dila niya sa daliri ko. “Bata ka ba at nagpapasubo ka pa sa akin?” mataray na sabi ko sa kanya. “Ikaw kaya ang kusang nagsubo sa akin,” sabi niya kaya kumunot ang noo ko. “Talaga ba?” tanong ko pa sa kanya. “Yes, sweetie,” sabi pa niaya. “Parang hindi naman,” sabi ko na lang. “Ikaw–” “Shh, ‘wag kang maingay. Manood ka na lang,” sabi ko sa kanya dahil magsasalita na naman siya. Itong matandang ito talaga. Parang nagsisinungaling lang naman siya. Parang hindi naman ako ang nagsubo sa kanya. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Hindi naman kami close na dalawa. Pero may habit rin talaga ako na gano’n. Kapag kasama ko si King at Kelly na nagmomovie night ay lagi k
MAVIE LOVELY“Mavie Lovely, hindi magandang biro ‘yan,” sabi niya sa akin.“Sino ba ang may sabi na nagbibiro ako–”Bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya. “Ano ba ang dapat gawin sa matabil mong bibig?” tanong niya sa akin kaya kunot noo akong nakatingin sa kanya.“Bakit, mali ba ang sinabi ko? I’m just stating facts,” sabi ko sa kanya.“Pero, grabe ka naman kasing magsalita.”“Masakit talaga ang katotohanan, boss. Hindi pa nga kita sinasabihan na tanga ka kasi nagpapa-uto ka sa cheater na ‘yon–”“Sinabi mo na nga. Oo, tanga na nga talaga ako,” sabi niya sa akin.“Buti naman at alam mo,” sabi ko sa kanya at lumayo na ako para simulan na ang trabaho ko.“Naawa lang ako sa kanila dahil wala silang mapupuntahan,” sabi niya sa akin.“Sana ganyan ka rin ka maawain sa anak mo noon,” mga salitang gusto ko sabihin sa kanya pero mas pinili ko na lang na manahimik.“Magtatrabaho na ako, boss. Gusto mo ba ng coffee?”“Yes, please,” sagot niya kaya naman pumunta na ako sa pantry.Nagti
MAVIE LOVELY“Saan po galing ito?” tanong ko sa kanya at hindi ko pa tinatanggap ang boxes ng sweets na hawak ni kuya.“Wala pong nakalagay, Miss Mavie.”“Wait lang po, kuya. May tatawagan lang po ako,” sabi ko sa kanya at mabilis kong tinawagan si gurang.“Galing ba ito sa ‘yo?” tanong ko agad sa kanya.“Yes,” sagot naman niya.“Why?” “Gusto ko lang,” sagot niya sa akin.Dahil sa sagot niya ay binaba ko na ang tawag at kinuha ko na sa rider ang boxes. Binigyan ko siya ng tip dahil sa paghintay niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon at binigyan niya ako. Pero gusto ko rin naman ang mga ito kaya ang isang box ay binigay ko sa mga kasama namin sa bahay at akin ang isa.Umakyat na ulit ako sa room ko at nag-aral na ulit ako. Habang nagbabasa ako ay kumakain ako ng binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung alam ba talaga niya ang gusto ko. Mahilig kasi talaga ako sa muscat grapes kaya sobrang nagustuhan ko ang cakes at mochi na pinadala niya. Malapit ko na ngang maubos kung h
MAVIE LOVELY“Grabe ka naman sa orangutan? Baka naman sinasabi mo lang ‘yan dahil–”“Kilabutan ka nga!” naiinis na sabi ko sa kanya at naglakad ako palapit sa kanya para ibigay ang hawak kong folder pero bigla na lang akong napatid.Nawalan ako ng balanse kaya naman mapadiretso ako sa kanya at hindi lang basta sa kanya dahil napaluhod pa talaga ako sa harapan niya. “Ouch!” sambit ko dahil ang sakit ng tuhod ko.“Sweetie, bakit ka nariyan? Mas gusto mo bang mag-usap tayo na nariyan ka?”“Eww! Bastos!” sabi ko at tatayo na sana ako pero dumulas naman ang sapatos ko kaya napasobsob na talaga ako sa danger zone niya.“Ohh, fvck!” bulalas niya.“Oh my gosh! Kadiri ka!” “Yuck!” sabi ko pa at pinilit ko na tumayo na pero ang letse ko na sapatos ay madulas talaga.Muli na naman napasobsob sa harapan niya at this time ay parang matigas na yata ito. Like, hindi naman tulad kanina pero ngayon ay nagulat ako dahil matigas niya. Muli na naman siyang napamura kaya kahit ako ay nabubwisit na rin ta




![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


