LOGINSNOW ANTONIO
“INHALE. EXHALE,” panay naman ang salita ko habang naglalakad. Kagabi pa ako hindi mapakali. Halos hindi ako makatulog dahil nga sa offer na binibigay sa akin ni Tucker. Bakit naman hindi ko tatanggapin? Imagine that, fifty thousand monthly ko tapos may bonus pa daw. Wala akong gagawin kundi magpanggap na girlfriend sa harap ng pamilya niya. “Snow! Hoy, Snow!” Napalingon naman ako dahil sa sigaw ni Yolly. “Kanina pa kita tinatawag sa gate. Parang ang lalim ng iniisip mo,” nakangusong sabi ni Yolly. “Ha eh. Ano kasi…pinalayas na naman kami sa inuupahan namin. Pero nakahanap na kami ng malilipatan.” “Ganoon ba. Gusto mo ba doon kayo sa bahay namin. May tatlong room pa iyon.” “Huwag na. May apartment na kami nahanap. Ang hirap maging mahirap,” malungkot na saad ko sa aking kaibigan. Tinapik naman ni Yolly ang balikat ko. “Ganoon talaga. Pero lahat naman ng sacrifices natin ay babalik. Basta trust him,” aniya sabay turo sa kalangitan. Tumingala naman ako at huminga ng malalim. Of course, I trust him. Sa lahat na pinagdadaanan namin ni Ate Kath sa buhay, siya lang ang gumagabay sa amin. “Punta tayo sa canteen, Snow. Libre kita.” “Wow. Buti ka pa maraming baon.” “Binigyan ako ng boss ni nanay kagabi, kaya ililibre kita!” Masayang hawak-kamay naman kami ni Yolly papunta sa canteen. Mabuti na lang pang masa rin ang mga paninda dito sa loob ng University. Or baka utos ito ng may-ari ng Crimson University. Mabait daw talaga somi Sir Kenjie. Iyon ang naririnig kong sabi-sabi na nakakilala sa kanya. After namin kumain ni Yolly, kanya-kanya na kaming pumasok sa aming klase. Medyo nakakaantok ang ibang subject, pero kailangan ko maging attentive. Ayoko mawala ang scholarship ko. Malaking tulong na rin ito sa amin ni ate. Bawas gastusin na rin. Pagkatapos ng buong araw na nakakaantok at sobrang drain sa buong klase, nakauwi na naman ako sa bahay na bunganga na naman ni ate ang bumungad sa akin. “Gago talaga! Porke mayaman ganyan ang trato sa akin! Abnormal talaga. Walang-hiya! Manyakis!” “Ate?” kagat-labing tawag ko naman. “Oh, nandito ka na pala. Kumain ka na dyan. May niluto na akong pagkain dyan. Aalis ako at may pupuntahan lang.” Napabuntong-hininga naman ako. “A-ate,” gusto ko sabihin dito na magtatrabaho ako. “Bakit? May problema ba? May bibilhin ka bang project? May pera pa naman dito.” “W-Wala po. Ahmmm…mag-ingat ka palagi,” hindi ko na sinabi na magtatrabaho ako. Dahil alam ko hindi niya ako papayagan. Baka magalit pa ito sa akin. “Magtipid-tipid muna tayo ng konti. At Snow, ang bilin ko sa'yo. Huwag-huwag ka muna mag-jowa! Magtapos ka ng pag-aaral. Saka huwag ka magbarkada sa mga mayaman, alam mo naman bad influence yan sila!” Nakasimangot naman ako. “Ate naman eh. Mag-eighteen na ako. Hindi na ako bata na paulit-ulit mo akong sinasabihan.” Hinila naman niya ang buhok ko at napahiyaw sa sakit. “Tumigil ka! Lahat na sinasabi ko, para yan sa'yo! Ayoko na Maryland ka sa akin!” Napabuga naman ako ng hangin. “Oo na po. Mag-aaral po ako ng mabuti. Iahon kita sa kahirapan.” “Hmmp! Sige na alis na ako!” Hoy Snow. Umayos ka. Mag-aral ka ng mabuti ako na bahala kumayod.” Tumango na lang ako. Ayoko na makipagsagutan kay ate kasi hindi naman ako mananalo dito. “Ingat ka po ate!” Sigaw ko naman habang pasakay na ito sa traysikel. Pagkaalis ni ate, agad naman ako naglinis ng bahay. Inayos ko na rin ang ibang gamit namin. Medyo makalat pa kasi at kakalipat lang namin. Naligo na rin ako at nag-review para bukas. Sa kalagitnaan ng aking pag-aaral, biglang tumunog naman ang cellphone ko. “HELLO?” “Hey, Snow?” baritonong boses ang sumagot sa kabilang linya. Napanganga na lang ako habang napatulala. His voice makes me tremble. “Y-YES? AHMMM…SINO ITO?” kunwaring tanong ko naman kahit alam ko na siya ito. Narinig ko naman ang tawa nito. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. As in, tawa pa lang kikiligin ka na talaga. “It's Tucker. I need you now. Can I picked you up?” Napagulong naman ako sa aking higaan. Parang hindi na ako makahinga. Baka magkaroon na ako nito ng heart disease. “H-HA, EH….. SIGE! NGAYON NA BA? S-SAAN TAYO MAGKITA?” “No. I'll pick you up. Can you give me your address?” “NO! W-WHAT I MEAN IS, A-AKO NA LANG ANG PUPUNTA DYAN.” natarantang sagot ko naman. “Oh…okay. I'll wait you. Take care,” agad naman nito pinatay ang tawag. Makahinga naman ako ng maluwag. Hindi puwede na malaman niya ang tinitirhan ko. Mabuti na lang na pumayag ito na ako na ang pupunta sa condo nito. Dali-daling nagbihis ako ng napakagandang dress ko at kinuha ko na rin syempre ang niregalo ni ate na bag at heels. Kahit papaano may tunay na gold din ako na binigay ni Kath noong eighteen birthday ko. Tiningnan ko naman ang aking sarili sa salamin. Hindi naman halata na isang kahig at isang tuka lang ang aking itsura. Kahit papaano naman, maayos at maganda ang dress ko. Agad naman ako umalis at pumara ng taxi papunta sa condo ni Tucker. “Good evening, ma'am. Snow?” tanong ng isang lalaki na naka-uniporme. Agad kasi ako sinalubong sa hallway. “Yes po. Hmmm..papunta ako kay…Tucker.” Tumango naman ang guard at hinatid ako sa elevator. “Nasa eight floor si Sir Tucker, and There's only one room in the eight floor,” aniya. “Thank you,” nahiyang sagot ko. Baka isipin nito na bayarang babae ako. Pagdating ko sa eight floor, parang bahay talaga ito. Hindi ko lang natandaan noong nakaraan na pumunta ako dito na lasing. Nagmamadali kasi ako umalis ng umaga na iyon. Lumapit naman ako sa pinto at kumatok. Pagbukas ng pinto, bumungad agad sa akin ang napakaguwapong nilalang. “Hi,” nakangiting bati niya sa akin. “H-Hello. Sorry medyo natagalan ako. Ano kasi..ma traffic.” “No worries. Hmm..pasok ka muna. Then later, aalis tayo.” Tumango naman ako. Dumiretso ako sa sofa at umupo. Pumunta naman si Tucker sa kusina at kukuha daw muna ito ng inumin. “Di ba doctor ka? I-imposible naman na walang babae naghahabol sa'yo. Ang guwapo mo. Sobrang guwapo pala. Saka m-mayaman ka. Parang sa'yo na ang lahat.” Tumawa naman ito na parang naaaliw sa akin. “No, I don't have a girlfriend. Ayoko sa babaeng naghahabol sa lalaki. Mas gusto ko na ako iyong nagpapakita ng interest.” Napainom naman ako ng tinimpla niyang juice. Huminga ako ng malalim. “And you? I just know your name. How about your surname?” seryosong tanong niya. “H-Ha. Ahmm.. Cabral! I'm Snow Cabral,” napalakas tuloy ang boses ko pagsagot. Sinasagad ko na talaga ang kasinungalingan ko. Napailing na nakangiti naman si Tucker. “So, do you have a sibling? Where’s your parents?” Sumasakit tuloy ang ulo ko kasi parang nasa investigation room ako. Ang hirap kapag lahat ng pagkatao ko ay puro kasinungalingan. Pero nandito na ako eh. Kaya wala ng atrasan. “Nag-iisang anak lang ako. Patay na ang both parents ko. Tinataguyod ko na lang ang aking sarili. Nagtatrabaho para may makain ako at pambayad sa apartment. Kaya lang natanggal na naman ako sa pinapasukan kong trabaho.” “Okay. So, are you aware that I always need you. I have a contract you need to sign. Anytime you can leave and forget this arrangements. I'll pay advance. Then if you need more money, just say it to me.” Tumango naman ako. “Salamat.” Bakit parang nasasaktan ako. Kung tutuusin, magpapanggap lang ako na girlfriend niya. No feelings attach. Pero deep inside, feeling ko babaeng bayaran pa rin ako. “And lastly. Ayoko na pinapakialaman ako. Just do your job. And if you don't want anymore, you're free to leave.” “S-Sure. Trabaho lang walang personalan,” pilit naman ako ngumiti. “Good. Magkakasundo tayo, Snow. And please, be private. I want a privacy in my life. Don't tell anyone, that I'm your boyfriend. Just only my family knows that you're my girl, okay?” Napalunok naman ako ng laway. Kahit siguro sabihin ko sa iba, wala naman maniniwala na boyfriend ko ito. Baka pagtatawanan pa ako at masabihan na baliw. “O-oo naman. Ano ka ba,” nakangibit pang sagot ko. “Okay, let's go. Ipakilala kita sa mga kapatid ko. I don't have a sister. So, be ready.” Napa sign of the cross muna ako. Parang sasabak ako sa matinding giyera.SNOW ANTONIO “ILANG araw na kitang napapansin na tulala, ano bang nangyari sa'yo?” may pag-alalang tanong ni Yolly. Napabuntong-hininga naman ako. Ilang araw rin na hindi nagpaparamdam sa akin si Tucker. Malamang, wala kasing kailangan sa akin. Pero hindi ako mapakali. Ang daming pumapasok sa isip ko. Baka may girlfriend talaga ito at hindi lang pinapakilala sa pamilya dahil sobrang pribado ang buhay nito. Or baka, busy lang sa trabaho?“Hoy, Snow!”Natauhan naman ako sa lakas ng sigaw ni Yolly. Kung saan-saan na kasi umaabot ang pag-iisip ko.“H-ha, ano kasi eh. Yolly, na inlove ka na ba?” malungkot na tanong ko rito.“Ako? Hmmm..crushes pa lang. Inlove ka?” nakataas ang kilay ng kaibigan ko.“H-hindi ko alam. Pero nasasaktan ako baka may katagpo siyang iba. O b-baka may kasintahan talaga siya.”“Wait a minute. Klaruhin mo nga. Nanliligaw ba iyong lalaki na iyon sa'yo? Taga Crimson University ba ang guy?” Napaawang naman ang mga labi ko. Sasabihin ko ba kay Yolly ang lahat? She's
SNOW ANTONIO NAPALIYAD pa ako dahil ang sarap ng tulog ko. Dahan-dahan ko naman tinanggal ang kumot na nakatakip sa aking katawan. Bigla ko ulit ito itinaas at tinakip sa aking kahubdan. Hindi! Oh my goodness! Ang tanga ko! Napasabunot pa ako sa aking buhok. Parang mapaiyak ako. Naramdaman ko rin na medyo masakit ang pagkababae ko.May nangyari sa amin ni Tucker! Pero-. Kainis! Hinayaan ko ang binata kagabi na angkinin ako. Aminin ko man sa hindi, nagustuhan ko. Napabuga naman ako ng hangin. Kahit tinatamad pa akong bumangon, pero kailangan ko umuwi ngayon. Mamayang hapon may dalawang subject pa akong papasukan. Bago ako lumabas ng silid, naligo muna ako. Alas diyes pa lang ng umaga kaya may time pa naman ako makauwi sa bahay. Kumuha na lang ako ng damit na binili sa akin ni Tucker. Paglabas ko ng silid, dumiretso na ako sa kusina. Naabutan ko ang binata na nagluluto “G-good morning,” nahihiyang bati ko naman.“Good morning. Let's eat breakfast first and we need to talk,” aniya ni
Snow Antonio “T-TUCKER.”His fingers tangled in my hair, pulling me towards him. I gasped. Feeling the tension between us like a palpable thing.His arm brushing against me . I felt of spark of electricity. What's wrong with me? Aminin ko man sa hindi. Gustong-gusto ko ang bawat haplos at halik niya sa aking balat. I tensed up, hoping he didn't notice.I was being paid to do this, to pretend to be his girlfriend. But I get attached. I took a deep breath, trying to calm my racing thoughts. Pero hindi ko talaga maiwasan mapaungol. Ramdam ko ang init ng kanyang dila na humahagod sa akin leeg. I can't stop moaning and wanted more."You like it, hmm?" He whispered, his voice low and husky. Suddenly, he opened his eyes, catching me staring.Unti-unti naman gumagalaw ang kamay ko. Hinawakan ko ang kanyang matigas na dibdib, pababa sa kanyang puson."You're playing with fire, Snow.""W-what do you mean?" agad ko naman tinanggal ang aking kamay. Parang gusto ko magtago sa sobrang kahihiyan. A
SNOW ANTONIO “I'VE PREPARED ALREADY YOUR CLOTHES,” sabay turo nito sa kabinet na malaki.“P-paano mo nalaman ang sizes ko?” Kagat-labing tanong ko naman.“I'm not the one who bought it.”Hindi na ako nagtanong kung sino ang bumili. Nagpaalam muna lumabas ng kuwarto ang binata dahil magluluto ito. Maya-maya kasi nandito na ang daddy niya. Binuksan ko naman ang kabinet at nalula ako sa dami ng damit, bags, shoes, and stilettos. At halatang mga mamahalin ito.“Sa akin ba talaga ito?” namamanghang tanong ko sa aking sarili. Hinawakan ko naman ang black sleeveless na dress. Ang ganda ng tela. Ang lambot. Sa quality ng tela, hindi basta-basta ang presyo. Kinuha ko naman ang itim na dress at nilagay sa ibabaw ng kama. Ito mamaya ang suotin sa dinner namin. Gusto ko maging maayos at disente sa harap ng daddy ni Tucker.Hindi na ako maliligo, magbibihis na lang ako mamaya kapag parating na ang daddy ni Tucker. Pumunta muna ako sa kusina para tulungan ito magluto.“How's your day?” tanong ng
SNOW ANTONIO “BYE, YOLLY!” Iniwan ko na ang kaibigan ko sa library dahil may group activity pa daw ito. Paglabas ko sa gate may sumalubong agad sa akin na isang napakaguwapong nilalang. Parang may kamukha ito. Pero nawaglit ito sa isipan ko kung sino ang kamukha niya dahil mabilis itong nakalapit sa akin. “Snow?” aniya na parang sinisigurado na ako talaga. “Opo. Bakit?” kalmadong sagot ko. Natulala pa ako sa kulay berdeng mga mata niya. Parang may kamukha talaga siya. Si-. “Puwede ba tayo mag-usap?” “Ah..puwede naman.” mukhang mabait naman ito. Saka ang galing niya mag-tagalog. Hindi katulad ni Tucker. TUCKER?! OMG! Kamukha ni Tucker ang lalaking ito. Pero imposible. Noong nakaraan pumunta kami sa bahay ng family ni Tucker, hindi ko ito nakita. Saka marami naman talaga magkamukha na hindi kamag-anak. “Okay. There's have a coffee shop here. Maybe we can go there,” aniya at tinuro ang mamahaling sasakyan nito na sumakay ako. Hindi naman ako nakaramdam ng takot dito, agad
SNOW ANTONIO MAAGA akong gumising at gumayak. Nagluto ako ng almusal at sinobrahan ko pa ito para kay Ate Kath. Kahit hindi ako sigurado na uuwi ito. Tapos na ako magbihis at naghanda na ako ng pagkain ko para baunin sa school nang may kumatok ng napakalakas.“Sandali!” patakbong pumunta ako sa pinto at umaasang si ate ito.“Snow Antonio?” tanong ng lalaking naka-sun glasses ito. Matangkad. Matipuno ang katawan at may itsura naman kahit papaano.“Y-yes? Bakit? M-may kailangan ka?” tanong ko naman at bahagyang sumilip dahil sa di-kalayuan nakaparada ang sasakyan at may dalawa pa itong kasama.“Para sa'yo,” sabay abot sa akin ng makapal na puting sobre.Nakakunot naman ang noo ko na kinuha ang sobre. Tiningnan ko ito at napanganga sa gulat. Pera? Lilibuhing pera. Jusko! Bakit andaming pera ang natanggap ko.“K-kanino ito galing? Para saan?” kinakabahang tanong ko naman.“Galing sa ate mo. Matatagalan siyang umuwi. Kaya ang pera na yan ang gagastusin mo sa pag-aaral at pagkain. Kung kul







