LOGINPanay ang kisap ko ng aking mga mata. Napatangin ako sa aking paligid.
Wow! Sobrang ganda ng silid. At halatang panlalaki ito. Lalaki?! Oh my God! Napabalikwas naman ako ng bangon. Napatingin ako sa aking katawan. Wala akong damit at pantalon. Tanging ang suot ko lang ay underwear at bra. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Dali-daling bumangon ako at hinanap ang aking mga saplot. Agad ko naman ito nakita na naka-hanger ito. Mabilisan ang pagbihis ko at kinuha ang aking bag na nakapatong sa maliit na upuan. Paglabas ko sa silid, naamoy ko kaagad ang sinangag. Nasa sala ako at nakasalubong ko ang isang napakaguwapong nilalang. "Aalis k na?" tanong ng lalaki na naka-boxer lang ito. Parang nanghina naman ang tuhod ko na nakatitig sa luntian niyang mga mata. "Ahm...Ah..B-Baka hinahanap na ako sa amin!" natatarantang saad ko rito. "Eat breakfast first, then I'll take you home." "H-Hindi na!" nauutal kong sagot rito. Nakakunot naman ang kan'yang noo. Gosh. Nakalimutan ko ang pangalan ni Mr. Green eyed! "Alis na ako!" saad ko rito at dali-daling pumunta sa pinto. "Snow, wait!" Napatigil naman ako. Humarap naman ako rito. "B-Bakit?" May kinuha ito sa drawer. Lumapit ito sa akin at inabot ang isang gold na card. DR. TUCKER GELLER. TP #: 564-456- 569. "If you need something, just call me," nakangiting saad niya. Alanganin naman akong ngumiti rito. "Salamat. N-Nice to meet you, T-Tucker. Bye!" Patakbo naman akong lumabas sa kan'yang unit. Nakahinga naman ako ng maluwag nasa elevator na ako. Jusko. Baka nasa bahay na si Ate Kath. Patay talaga ako! Pagbaba ko sa condominium building, nagpara na agad ako ng taxi. Mas mabilis kasi kapag taxi ang sinakyan ko kaysa sumakay sa jeep or trysikel. Medyo may kamahalan lang ang pamasahe sa taxi. Pagdating ko sa bahay, laking pasasalamat ko na wala pa si Ate pero kinakabahan din ako na wala pa ito sa bahay. Napabuga naman ako ng hangin. "Ate ko, nasaan ka na?" mahinang bulong ko. Nagbihis na lang ako at kinuha ang maruming damit namin ni ate at ni-washing. Naglinis rin ako ng bahay. Napatigil naman ako sa paglilinis dahil sa tunog ng cellphone ko. Agad ko naman ito sinagot at nagbabakasakali na nakitawag si Ate Kath. "Snow Antonio?" bungad na tanong sa akin ng isang malaking boses na lalaki. Napangibit naman ako. "Opo. Bakit po?" "Puntahan mo ang iyong ate sa Alcantara Medical hospital. Room 304. Hihintayin din kita. Nanlalaki naman ang mga mata ko. "A-Anong nangyari sa Ate ko?!" "Basta puntahan mo lang siya at may pera akong ibibigay sa'yo, ibayad mo sa bills niya sa hospital," aniya sa akin. "Sino po Ka-," Pero agad na ito nawala sa kabilang linya. Hindi kaya sila rin ang kumuha sa ate ko?! Dali-daling nagbihis na ako at agad pinuntahan ang hospital kung saan doon naka-admit ang Ate Kath ko. Pagdating ko sa hospital, agad ko hinanap ang room ni Ate Kath. Pero may lalaking humarang sa akin. Napakurap-kurap naman ako na nakatingin rito. "Ito iyong pera. Ikaw na ang bahala magbayad ng bills ng ate mo," aniya sa akin. Inabot sa akin ang makapal na sobre at umalis na agad ito. Tiningnan ko ito at namangha naman sa dami ng pera. Agad na ako pumasok sa room ni Ate Kath. Nadatnan ko ito na na walang malay. "A-Ate? Huwag mo ako iwanan. Ate gumising ka!" mangiyak-ngiyak na saad ko rito. Nagulat pa ako na bumalikwas si Ate Kath. "Ate ko, buhay ka!" nanlalaki ang mga mata ko. Binatukan naman ako ni Ate. "Bakit naman ako mamamatay!" Inis na inirapan niya ako. Napanguso naman ako. Kahit kailan tatay pa rin ni Ate Kath. "S-Sino ang nagdala sa akin sa hospital?" tanong niya sa akin. "Hindi ko po alam. Basta tinawagan ako at sinabi sa akin nasa hospital ka. Then, may isang lalaki dito na inabangan ako at binigyan ng maraming pera." "L-Lalaki? A-Anong itsura?" "Parang sanggano, Ate. Ang pangit. Ano po ba nangyari sa'yo, Ate? Sinaktan ka ba nila?" nag-alalang tanong ko rito. "H-Hindi. Nabayaran na ba ang bill? Uuwi na tayo," tanong niya sa akin at napansin ko ang pagngibit niya. "Okay ka lang po?" Nag-alalang tanong ko. "Okay lang. Uwi na tayo." Binayaran ko muna ang bills ni ate, at inaasikaso ang kan'yang release paper. Binigay ko rin kay Ate Kath ang pera na binigay ng lalaki na nag-abang sa akin sa hospital. Nakalipas ang araw, balik sa normal ang buhay namin. Minsan balak ko tawagan si Tucker, pero pinipigilan ko na lang ang aking sarili. Isang masamang balita naman ang bumungad sa akin. Natanggal si Ate Kath sa kan'yang trabaho. Sobrang naaawa na rin ako. "Ate saan ka pala nagtatrabaho?" malungkot na tanong ko rito. "Sa restaurant, waitress ako doon." Nanlumo naman ako. Ayoko na nahihirapan ang ate ko. Gusto ko tumulong kahit papaano. Balak ko rin na mag-working student. Ang malas pa, pinalayas na kami sa apartment. Ang alam ko binayaran na ito ni Ate. Agad naman ako naghanap ng pansamantalang titirhan namin.0 "Ate! Ate!" nagsisigaw na saad ko rito. "Bakit?" Nag-alalang tanong ni Ate Kath "Ate pinalayas tayo sa apartment. Nagbayad naman tayo," nakangusong saad ko naman. "A-Ano! A-Ang mga gamit natin? Nasaan?" Natatarantang tanong ni Ate Kath. "Nasa labas po ng apartment. Huwag ka mag-alala, Ate. Nakahanap na ako ng lilipatan natin." "Snow, dito ka lang. May pupuntahan lang ako." Agad naman ito pumara ng traysikel. "Ate ko, uwi ka kaagad ha!" Sigaw ko rito. Lingid sa kaalaman ni Ate, naghanap na rin ako ng trabaho. Pero ni isa walang tumanggap sa akin. Huminga naman ako ng malalim. Agad ko tinawagan si Tucker. "T-Tucker. Si Snow ito," mahinang saad ko. "Oh. Hi. How are you?" "N-Nangangailangan ako ng trabaho. Natanggal kasi ako. Kahit ano, basta may sahod," saad ko naman at napangibit. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Alam mo naman ang condo ko, right? Anytime puntahan mo lang ako," malambing na saad niya. Napangiti naman ako. "S-Salamat." "I'll wait you," paos na boses na saad niya. Dahil sa sobrang kaba, agad ko pinatay ang tawag. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Gusto ko lang tulungan si Ate Kath. Nasasaktan ako kapag nakikita ko itong nahihirapan at nalulungkot. Syempre, tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa kan'ya. Magtatapos ako sa pag-aaral ko. Kinabukasan, pumunta ako sa condo ni Tucker. "Come in," nakangiting bungad niya sa akin. Bakit lalo itong gumuwapo sa aking paningin. Bagong ligo lang ito. Amoy na amoy ko rin ang sabon na gamit niya. "A-Anog work pala ang ibibigay mo?" nahihiyang tanong ko rito. "Be my girlfriend, Snow." NAPANGANGA naman ako. "H-Ha?!" "Kailangan may ipakilala ako sa Daddy ko na girlfriend." "S-Sure ka ba na ako ang i-ipakilala mo?" Nauutal na tanong ko rito. Ngumiti naman ito. Gusto ko kurutin ang aking sarili. Ni hindi man lang ako nagpakipot. "K-Kapag girlfriend mo ako, mag-se-sex din ba tayo?" alanganing tanong ko rito. "If you want so," sabay kindat niya sa akin. Ate ko, patawad ulit!NINA SANCHO"NINA!""NINA!"F*CK! Umagang-umaga may nanggugulo na agad sa akin. Inis na hinila ko ang roba at sinuot ito. Agad ko rin binuksan ang pinto. Gulat na bumungad sa akin ang aking pinsan, si Becket Velasquez. "Asshole!" Inis na binatukan ko ito.Napakamot naman ito sa kanyang ulo."What do you need?!" "Gusto ko magpahanap sa'yo ng isang napakagaling na attorney," aniya na basta lang ito pumasok sa loob ng bahay ko."Attorney? Para saan?" Ni-hindi man lang niya ako nilingon."Asshole! Para saan nga?!"He look at me. "Dami mo tanong. Basta nga," anito na dumiretso ito na ito sa kusina.Abnormal talaga! Akmang susundan ko ang binata sa kusina, may kumatok na naman.Pagbukas ko ng pinto, ang nakangising mukha nina Jenny Rivas at Z, ang bumungad sa akin."Ano na naman kailangan niyo?""Si ex-hubby mo, pumunta kagabi sa bahay at iyak ng iyak," natatawang saad ni Z.I sighed. " Hayaan niyo siya."Si Jenny naman, dumiretso na ito sa kusina at sumunod naman kami ni Z."Ohh..la
NINA"TWENTY thousand."Nakataas naman ang isang kilay ko sa lalaking nasa harapan ko."TWENTY thousand? Twenty thousand lang ibabayad mo sa akin para pumatay?" natatawang sagot ko rito."Yes, Miss Sancho. Kung gusto mo-.""No. Kung gusto mo, puntahan mo si Attorney Cortez, siya ang i-hire mo."Hindi ko alam kung sino nag-utos o nagsabi rito sa matandang lalaki na hired killer ako."Eh, si Attorney Cortez nga nag-utos sa akin na ikaw ang puntahan ko."Napailing naman ako."Sino ho ba ang kalaban niyo?" nakangibit na tanong ko rito."Gusto ko sana ipatumba si Kairo Alcantara."Nanlalaki naman ang mga mata ko."Po?! Ay, bakit naman?!""Binuntis niya ang anak ko! Tapos ayaw niya panagutan. Hindi daw siya ang ama! Ipapatumba ko ang gag*ng iyon!"Kinagat ko naman ang aking ibabang labi. Tingin ko sa matandang lalaki na kaharap ko, mahirap lang ito. Sa ganitong trabaho, ang five million barya na iyan sa isang katulad ko. Kahit sinong killer, hindi tatanggapin ang ganyang maliit na halaga."
NINANapasinghap naman ako sa lamig ng simoy ng hangin. Nandito ako sa probinsya ng Bulacan. Actually, nakituloy muna ako dito sa bahay ni Javi. Nasa ibang bansa pa naman ito."Magandang umaga, Ma'am," bati naman ng katulong sa akin."Morning," nakangiting saad ko naman. Nakasuot lang ako ng sports bra at cycling. Balak ko kasi muna magjogging bago kumain ng almusal."Jogging lang po ako," Saad ko naman."Ah, sige po, Ma'am."Uminat-inat muna ako bago dahan-dahan tumakbo.Napakaganda talaga ng napiling lugar ni Javi. Matao pero sobrang presko at napakalinis ng lugar.Dapat sa Batangas ako pero mas pinili ko muna dito sa Bulacan.Napaliko naman ako sa isang makipot na daan. Medyo magubat ito at hindi masyado dinadaanan.Napatigil naman ako sa pagtakbo nang may humarang sa aking harapan."Miss, trespassing ka!" aniya ng isang armadong lalaki."Oh, I'm sorry. Ah, wait. Ang pagkakaalam ko, pag-aari pa rin ito ng kaibigan kong si Javier Salvacion."Napatigil naman ito."Kilala niyo...ang b
NINA"NINA?"Napatingin naman ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan.Kasalukuyan kasi nandito ako sa isang shooting range."Dad."Lumapit naman ito sa akin. Itinabi ko muna ang baril at humarap kay Daddy."Kinausap ako ni Kenzo. Hindi pa pala kayo divorce," Saad ni Daddy.Hindi na ako nagulat. Alam ko naman ang style ni Ziena. Alam ko na hindi rin ito papayag na tuluyan kami maghiwalay ni Kenzo."So, ano ngayon, Daddy. What's wrong if hindi nga kami totally hiwalay?" baliwalang sagot ko naman."Kailangan ko si Kenzo. Namumulubi na ang aking kompanya! Sana maintindihan mo ako, Nina!"Mahina naman ako napatawa."Dad, anak niyo rin ako. Bakit kailangan pa ipakasal si Kenzo sa Kapatid ko, nandito naman ako at kasal na kami ng lalaking gustong-gusto mo."Galit na bumaling naman ito sa akin."Anak sa labas, Nina! Alam mo na hindi kita puwede ipagsigawan sa lahat na an-."Agad ko naman pinutol ang kanyang sinasabi."Hindi mo puwede ipagsigawan sa lahat na anak ako ng GRO? Pokpok? Bayaran
KENZODAMMIT!!Nagdududa talaga ako sa aking kapatid na si Kaleb at ang aking asawa na may relasyon pa sila."Sir Kenzo!"Napatingin naman ako sa make-up artist ko. May gagawin akong shoot para sa Men's Magazine. Kasama ko rin si Rhenz Bright. "Sir, kayo na daw po ang next.""Okay."Tamad naman akong tumayo. Hinubad ko na ang aking t-shirt. Ang suot ko lang ay boxer brief. "Hey, bro," nakangising bati naman ni Rhenz."Hey," mahinang sagot ko naman."What happened? Parang may nabuntis ka yata ah," aniya na nakangising aso ito."F^ck you! Baka ikaw!" saad ko rito.Humalakhak naman ito. Matalik na kaibigan ko rin si Rhenz. Kaibigan ko rin kasi si Samara ang kanyang kapatid.Masama ko naman itong tiningnan at tinalikuran na. Kung babaero ako, mas triple ang pagkababaero ni Bright. Kahit may asawa, sinisisid pa rin niya. Hindi naman nakatuon ang buhay ko sa pagiging Modelo. Mas priority ko pa rin ang mga negosyo ko. Kahit namamayagpag ang pangalan ko sa mundo ng showbiz, baliwala pa r
NINA"ALAM mo may kasabihan talaga tayo diyan eh," nakangising saad ni Jenny.Nandito kami ngayon sa isang restaurant na pag-aari ng asawa ni Gaia. Bihira lang ako pumupunta rito. "Kapag ang langaw may naamoy na sa paligid, susundan niya iyon. Parang si Kenzo, alam niyang pumapaligid si Kaleb sa'yo, kaya natataranta 'yan at panigurado binabantayan ka," Saad ni Jenny."May asawa na si Kaleb," tamad na sagot ko naman."Anong meron sa pamilya ng Alcantara bakit gusto mo pasukin?" seryosong tanong ni Bea."It's confidential. Pero may kinalaman ito sa underground business nila.""Underground business? What you mean?" natatawang tanong ni Selene.Napatingin naman ako kay Selene. Bihira lang din ito na sumasama sa amin.Umiwas naman ako ng tingin."So, balak mo bang banggain ang mga negosyo nila? For what?" aniya ni Selene.Hindi naman makaimik ang ibang mga kaibigan namin."Dahil ba sa Daddy mo? Gagamitin mo ang mga Alcantara dahil kasosyo ito ng Daddy mo, right?" nakataas ang kilay na saa
SNOW ANTONIO “INHALE. EXHALE,” panay naman ang salita ko habang naglalakad. Kagabi pa ako hindi mapakali. Halos hindi ako makatulog dahil nga sa offer na binibigay sa akin ni Tucker. Bakit naman hindi ko tatanggapin? Imagine that, fifty thousand monthly ko tapos may bonus pa daw. Wala akong gagawi
SNOW ANTONIOPANAY ang hinga ko ng malalim. Sino ba naman ang hindi mamangha sa ganitong mamahaling university. Kahit sobrang hirap ni Ate Kath, dugo't pawis niyang itinaguyod ang pag-aaral ko. Kasalukuyan kumukuha ako ng kursong Nursing."Gosh! Sobrang ganda," mahinang saad ko. Laking pasasalamat
SNOW ANTONIO “BYE, YOLLY!” Iniwan ko na ang kaibigan ko sa library dahil may group activity pa daw ito. Paglabas ko sa gate may sumalubong agad sa akin na isang napakaguwapong nilalang. Parang may kamukha ito. Pero nawaglit ito sa isipan ko kung sino ang kamukha niya dahil mabilis itong nakalap
SNOW ANTONIO MAAGA akong gumising at gumayak. Nagluto ako ng almusal at sinobrahan ko pa ito para kay Ate Kath. Kahit hindi ako sigurado na uuwi ito. Tapos na ako magbihis at naghanda na ako ng pagkain ko para baunin sa school nang may kumatok ng napakalakas.“Sandali!” patakbong pumunta ako sa pi







