Share

CHAPTER 9

Author: Novelist Yaman
Noong umpisa ng taon, bumili si Lydia ng isang unit na malapit sa isang dagat na katabi lamang ng kanyang studio.

May lawak itong isandaan at apatnapung metro kuwadrado, may tatlong kuwarto na tig-isa para sa kanya at sa kanyang ina, at ang isa pang mas maliit ay ginawa niyang silid-aklatan.

Bagong ayos ang unit, ngunit para sa soft furnishings ay kumuha siya ng interior design company para muling idisenyo at ayusin ang loob. Natapos ito tatlong buwan na ang nakalipas at maaari nang tirhan agad.

Pagkatapos ilagay ang kanyang mga gamit sa bagong bahay, dumiretso si Lydia sa studio. Doon siya nagtrabaho bilang restorer hanggang madaling araw. Nang tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan sa pagod, tinungo niya ang silid-pahingahan.

Matapos maghugas at maghanda para matulog, humiga siya, pumikit, at agad na nakatulog nang mahimbing. Ngunit hindi naging payapa ang kanyang pagtulog o naging malinaw ang kanyang mga panaginip. Marami siyang napanaginipan ngunit paggising ay wala na siyang maalala.

Minasahe niya ang kanyang nananakit na ulo bago pumasok sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Paglabas niya, nakita niyang nagvi-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng bedside table.

Si Winston Martinez ang tumatawag. Hindi niya ito sinagot.Tantiya niya ay dahil iyon kay Stephen. Dahil buo na ang kanyang desisyon na magpa-divorce, mas mabuting tuluyan na niyang putulin ang anumang koneksyon.

Alam niyang anak pa rin ni Sidney Mercedez si Stephen, at naniniwala siyang sa paglipas ng panahon, maililipat din ni Stephen ang kanyang pag-asa at attachment dito.

Pagkatapos magbihis, inilagay ni Lydia ang cellphone sa kanyang bag at nagtungo sa ospital.

Sa pribadong klinika ni Dr. Jodi Francisco sa departamento ng OB-GYN.

“Ayon sa petsa ng huli mong regla at sa resulta ng ultrasound, buntis ka na ng limang linggo at apat na araw.” Iniabot ni Jodi ang report kay Lydia.

Kinuha ito ni Lydia at habang tinititigan ang itim-at-puting larawan sa papel, tila sumikip ang kanyang dibdib.

“At ito pa…” Itinuro ni Mitch ang maliit na gestational sac sa imahe. “Mukhang kambal.”

Natigilan si Lydia sa narinig.

Tumingala siya kay Jodi. “Sigurado ka?”

“Sa ngayon, limang linggo pa lang kaya makikita lang natin na may dalawang gestational sac.”

Ipinaliwanag pa ni Jodi, “Kapag umabot ng mga pitong linggo at pareho silang may tibok ng puso, saka natin masasabing kambal nga. At sa kaso mo, malamang na fraternal twins sila. Baka nga magkaibang kasarian pa.”

Hawak-hawak pa rin ni Lydia ang report, pinipisil ng mahigpit habang nananatiling maputla ang kanyang mga labi at walang masabi. Alam ni Jodi na natitinag na ang kanyang kaibigan. Sino ba naman ang hindi mahihirapan, lalo pa’t sariling dugo at laman, at posibleng kambal pa.

Bukod pa roon, ito ay mga anak nila ni Winston. Batid ni Jodi kung gaano kalalim ang pagmamahal ni Lydia kay Winston.

Iniisip pa nga niya na baka wala nang ibang babae sa mundo na tulad ni Lydia — limang taon na walang sawa at walang hinihinging kapalit, minahal nang buong puso ang isang lalaking maaaring sa isang iglap ay magpasya nang iwan siya.

Sa kasal na iyon, minahal ni Lydia nang may kababaang-loob at malinaw na kamalayan.

Samantalang si Winston… tila mula umpisa hanggang huli ay hindi kailanman tunay na nakisangkot.

“Pag-iisipan ko muna.”

Matagal bago bumukas ang bibig ni Lydia. Pag-angat ng kanyang paningin kay Jodi, mahina niyang sinabi, “Kapag nakapagpasya na ako, sasabihin ko sa iyo.”

Namumula ang kanyang mapupungay na mata at may bakas ng luha, puno rin ng kalituhan ang kanyang tingin.

Nang makita iyon, napangiwi si Jodi sa awa. “Hangga’t hindi lumalampas ng labindalawang linggo, maaari ka pang magpasya.”

“Okay,” tugon ni Lydia habang inilalagay ang ulat sa loob ng kanyang bag. “Walang sinuman ang dapat makaalam na buntis ako.”

“Ako ang bahala,” sagot ni Jodi.

Dahil kailangan pa nitong bumalik sa trabaho, hindi na siya pinatagal pa ni Lydia. Mula sa departamento ng OB-GYN, sumakay siya ng elevator pababa.

Pagdating sa unang palapag, paglabas niya ng elevator ay agad niyang nakita si Winston na karga si Stephen habang papasok mula sa labas ng ospital. May nakadikit na cooling patch sa noo ng bata.

Napahinto si Lydia sa gulat. Nang makita siya ni Stephen, agad na lumiwanag ang nanlalata nitong mukha. “Si Mommy!”

Napatingin din si Winston sa kanya.

“Mommy!” tawag muli ni Stephen habang nakatingin sa kanya.

Lumapit si Winston na karga ang bata hanggang sa tumapat kay Lydia. Tunay na mahal ni Lydia si Stephen. Hinaplos niya ang pisngi ng bata at naramdaman niyang mataas pa rin ang lagnat nito.

“Ano’ng nangyari? Bakit biglang nilagnat?” tanong niya.

Kalmado ang tinig ni Winston. “Kumain ng kaunting ice cream kagabi.”

Sa narinig, napayuko si Stephen at pinaglaruan ang sariling mga daliri. Ang totoo, unang beses siyang binilhan ng ice cream ng kanyang ina, at ayaw niyang masayang kaya naubos niya ang isang buong tub. Pero hindi niya masabi ang totoo—baka kasi si Sidney ang sisihin ni Lydia.

Masyadong mabait at maalaga ang ina sa kanya; hindi niya matitiis na masermunan ito ni Lydia.

Upang iwasan ang mas maraming tanong, iniunat ni Stephen ang kanyang mga braso. “Mommy, buhatin mo ako, please?”

Kusang itinataas na sana ni Lydia ang kanyang mga kamay, pero naalala niyang may dinadala siyang bata sa sinapupunan, kaya natigilan siya. Hinaplos na lang niya ang buhok ni Stephen. “Medyo masama ang pakiramdam ko. Si Daddy nalang muna ang magbuhat sa’yo.”

Napakunot ang noo ni Stephen sa pagkadismaya. Ito ang unang pagkakataong tinanggihan siya ni Lydia. Kahit noong may sakit siya dati, binubuhat pa rin siya nito. Galit kaya ito sa kanya?

Tahimik niyang pinagmasdan ang mukha ni Lydia. Nang makita niyang tila hindi maganda ang lagay nito, kinabahan siya. “Mama, galit ka ba sa akin?” maamong tanong ng bata. “Pasensya na. Hindi ko dapat itinago sa’yo na kumain ako ng ice cream. Hindi na po ako kakain ulit.”

Alam ni Lydia na bawal kay Stephen ang ice cream—mayroon kasi itong congenital asthma at mahina rin ang tiyan mula pagkabata. Ayon sa doktor, kailangang iwasan ang matatamis at malamig na pagkain.

Papaliwanag na sana siya, pero nauna nang magsalita si Winston. “Hindi magagalit sa’yo ang Mommy mo.” Sigurado ang tono nito, parang kumbinsido na hindi siya kokontra.

Kumibot ang pilik-mata ni Lydia at tahimik na pinisil ang labi. “Mommy, hindi ka ba talaga galit?” muling tanong ni Stephen.

Ngumiti si Lydia, kahit kaunti. “Siyempre, hindi ako galit.”

“Eh, Mommy, pwede mo ba akong samahan ngayon?” namumula ang mga mata ng bata at halatang may tampo. “Masama ang pakiramdam ko… gusto ko ng lugaw na ikaw ang nagluto.”

Sandali siyang nag-isip, bago dahan-dahang tumango. “Sige.”

Matapos magpatingin kay Stephen, sinabi ng doktor na may pamamaga ang kanyang lalamunan. Nagreseta ito ng ilang gamot at pinayuhan na kumain ng pagkaing magaan sa tiyan, uminom ng maraming tubig, at magpahinga sa bahay.

Pagbalik nila sa mansyon, inakyat ni Winston si Stephen para magpahinga. Pumunta naman si Lydia sa kusina upang magluto ng lugaw. Makalipas ang kalahating oras, inakyat niya ang mainit na lugaw at inilagay sa tray.

Bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwarto ng bata, at mula roon ay narinig niya ang boses ni Stephen.

“Mommy, huwag kang mag-alala. Sabi ng doktor, gagaling na ako basta uminom ako ng gamot…Walang kasalanan si Mommy, ha. Kung hindi mo pa ako binilhan ng ice cream,

hindi ko malalaman na sobrang sarap pala nun. Pati yung mga biskwit, chips, at lollipop, ang sarap din! Hindi pa ako nakakakain ng ganito karaming meryenda dati!”

Natigilan si Lydia bago tuluyang itulak ang pinto.

Patuloy pa rin ang boses ni Stephen, “Hindi magagalit si Mommy Lydia. Alam niya na kapag may sakit ako, maaawa lang siya sa akin. Ngayon nga, nasa baba siya para magluto ng lugaw para sa akin! Mommy, dahil mahina ang katawan mo, hindi na muna ako pupunta sa’yo sa mga susunod na araw. Baka mahawa ka pa. Huwag kang mag-alala sa akin, aalagaan ako ni Mommy Lydia.”

Nakatayo si Lydia sa labas ng pinto, at bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya sa tray. Hindi siya makapaniwala na binigyan ni Sidney si Stephen ng ganoon karaming junk food.

Mas nakakagulat pa, sa loob lamang ng ilang araw, tila napalapit na nang husto si Stephen kay Sidney. Alam ni Lydia na wala siyang karapatang magdamdam, pero nang marinig niya ang batang buong-buong tinatawag si Sidney na “Mommy,” hindi niya napigilang makaramdam ng kirot sa dibdib.

Dugo ay mas matimbang kaysa tubig. Kahit gaano pa niya ibuhos ang pagmamahal, hinding-hindi nito matatalo ang ugnayan ng mag-ina sa dugo. Mula’t sapul, isa lamang siyang tagalabas.

Matapos ang tawag ni Stephen kay Sidney, doon lang niya naalala si Lydia. Tinawag niya ito mula sa kuwarto, pero walang sumagot.

Bumaba siya para hanapin ito sa kusina, ngunit wala roon ang babae. Paglabas niya mula sa kusina, nakita niya sa mesa ang isang mangkok ng lugaw.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 50

    "Alam mo ba kung bakit ako nag-doorbell ngayong araw sa mansyon mo?" tanong ni Lydia habang kumurap.Tahimik lang si Winston.Sabi ni Lydia, "Dahil sa puso ko, mula noong araw na pinirmahan ko ang kasunduan sa diborsyo at lumabas mula rito, ang mansyon mo ay hindi na naging tahanan ko. Kapag pumupunta ka sa bahay ng iba, natural na mag-doorbell ka. Isa 'yon sa basic na paggalang."Kumunot ang noo ni Winston. "Kung maririnig ni Stephen na sinabi mo 'yan, masasaktan siya."Ngumiti si Lydia, at makikita ang pamumula ng kanyang mga mata."Winston, hindi ka nga binibiro ng mga tao kapag sinasabi nilang isa kang kinatatakutan at iginagalang na gold medal lawyer. Marunong ka talagang maglaro sa damdamin ng tao."Hindi sumagot si Winston at nanatiling seryoso ang mukha. Para kay Lydia, ang itsura niya ngayon ay walang iba kundi isang taong tamad magpaliwanag.Noong dati, malulungkot at masasaktan siya sa ganitong asal. Pero ngayon, hindi na. Gayunpaman, may mga bagay na mas mabuting sabihin na

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 49

    Mas lalakas ang ulan, mabilis na gumagalaw ang windshield wiper habang mabagal magmaneho si Jodi. Naka-on nang todo ang heater sa loob ng sasakyan at marahang umaalingawngaw ang malumanay na musika mula sa radio.Nakasandal si Lydia sa upuan, nakapikit at tahimik. Paminsan-minsan ay sinusulyapan siya ni Jodi. Hindi man niya alam kung ano ang nangyari sa mansyon, ramdam niyang malala ang tinamong pinsala ni Lydia ngayong pagkakataon."Beep! Beep!"Biglang may narinig silang busina mula sa likuran. Sumulyap si Jodi sa rearview mirror. Isang itim na Maybach ang mabilis na sumusunod sa kanila."Sa tingin mo ba kay Winston galing ang kotse na ‘yan?" Dahan-dahang iminulat ni Lydia ang mga mata, tumingin sa rearview mirror at bahagyang kumunot ang noo. "Siya nga.""Binubusinahan niya ako!" Binilisan ni Jodi ang takbo. "Pero bakit niya tayo hinahabol?!""Huwag mo na lang pansinin.""Siyempre hindi ko siya papansinin!" Lalong tumutok si Jodi sa pagmamaneho at pinisil ang manibela. "Hawak ka, gi

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 48

    Narinig ni Lydia ang matatalim na salita ni Stephen at tila nanigas ang puso niya sa pamamanhid. Mabuti na rin siguro ito. Totoo naman na hindi siya ang ina ni Stephen. Sa ganitong paraan… mas mabuti. Lubusan na siyang lalayo sa mag-ama at ibabalik ang lahat sa ayos. Binawi niya ang tingin at tumalikod, diretso na sanang papunta sa pinto."Lydia…" Tawag ni Winston.Bigla namang naubo si Stephen.Nag-iba ang mukha ni Winston. "Stephen?"Mabilis ang paghinga ni Stephen at hawak ang dibdib habang dahan-dahang bumabagsak sa sahig."Stephen!" Agad siyang binuhat ni Winston at lumingon kay Lydia. "Na-atake ng hika si Stephen!"Natigilan si Lydia sa pagbukas ng pinto."Mommy…uho-uho." Patuloy itong naubo.Nakayakap si Stephen sa dibdib ni Winston, maputla ang mukha at hirap sa paghinga, ngunit dahil sa takot na iwan ay iniabot pa rin ang isang kamay kay Lydia para magmakaawa."Mommy, ang hirap huminga…uho-uho." Mas humigpit ang kapit ni Lydia sa door knob. Pinikit niya nang mariin ang mga

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 47

    "Galit ako sa iyo!"Itinapon ni Stephen sa sahig ang lahat ng iba pang babasahing bago matulog, saka niya ito tinapakan. "Sinungaling ka! Ayaw mo na sa akin, ayaw ko na rin sa iyo! Lahat ng ito, ayaw ko na rin!""Stephen!" Hinawakan ni Winston nang mahigpit ang braso ni Stephen, madilim ang mukha. "Kapag nagsalita ka pa nang ganyan, sasaktan na kita!"Nagpumiglas si Stephen, ngunit hindi siya nagtagumpay dahil wala siyang laban sa lakas ng ama niya.Sa sobrang galit, hindi na niya nakita ang poot sa mga mata ng ama. Ang nasa isip lang niya ngayon ay ilabas ang lahat ng sama ng loob at hinanakit na matagal nang nakatago sa dibdib niya."Galit talaga ako sa kanya!" Itinaas ni Stephen ang baba niya, at sa kabila ng mga matang basa ng luha, nanatili ang matigas at mapait na titig kay Winston. "Ikaw mismo ang nagsabi! Sabi mo, hindi naman talaga siya ang totoong nanay ko! Kung hindi naman siya ang nanay ko, bakit ko siya dapat magustuhan?! Ayaw ko sa kanya! Ayaw ko na niloloko niya ako!"Na

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 46

    "Stephen, may isang bagay na gusto kong ipaliwanag sa'yo," sabi ni Lydia.Napahinto si Stephen. Kahit bata pa siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero bigla siyang nakaramdam ng kaba.Sa kabilang banda, si Winston na narinig ang sinabi ni Lydia ay tila nakaramdam din ng masamang kutob. Ibinaba niya ang hawak na mangkok at kubyertos at tinitigan si Lydia nang mabigat ang tingin."Mom, ano 'yong sasabihin mo?" inosenteng tanong ni Stephen habang kumukurap-kurap."Stephen, hiwalay na kami ng Daddy mo," seryosong sabi ni Lydia habang nakatingin sa anak. "Hindi na kami pamilya ng Dad mo. At ang bahay na 'to, hindi na rin ito ang tahanan ko. Kaya mula ngayon, hindi na ako babalik dito.""Lydia," malamig at may halong galit ang tingin ni Winston sa kanya. "Huwag mong kalimutan ang ipinangako mo sa akin.""Nagbago na ang isip ko," sagot ni Lydia na nakatingin pa rin sa kanya. "Huwag kang mag-alala, ibabalik ko sa'yo ang isang bilyon."Natigilan si Winston. Kumunot ang noo nito at lalong

  • DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES   CHAPTER 45

    Si Lydia agad na umiwas ng tingin at tumingin sa babaeng nagbebenta."Nagkakamali kayo. Hindi siya ang asawa ko.""Ha?" Napahinto ang matanda, na sanay na sa pagbebenta sa loob ng maraming taon. Ngayon lang siya pumalpak. Matagal bago siya nakasagot."Ah… ganon ba…"Hindi na masyadong inisip ni Lydia ang maliit na insidenteng iyon. Kumuha siya ng isang kahon ng neatly packed na spare ribs mula sa meat section at lumakad patungo sa fruit at vegetable section.Si Winston ay tumitig sa papalayong likuran niya, malamig ang mga mata.Pagbalik nila sa mansyon ay alas dose na ng tanghali.Diretso si Lydia sa kusina para magluto. Si Stephen naman ay abala sa sala, nilalaro ang bago niyang laruan.Kakasuot pa lang ni Lydia ng apron nang biglang bumukas ang glass door ng kusina. Lumingon siya at nakita si Winston na pumasok."May kailangan ka?"Tumingin si Winston sa mga sangkap sa counter at malamig na nagtanong. "Kailangan mo ba ng tulong?""Hindi na." Bumalik si Lydia sa ginagawa at nagpatul

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status