Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Akmang uupo sana ako nang maramdaman ang pag-kirot ng ulo ko. Hindi lang ‘yon, pati buong katawan ko, animo’y parang binugbog sa sakit. Mahapdi rin ang gitnang parte ko.
“Ano bang nangyari?” Gulat at kaba ang naramdaman ko nang may kamay na pumulupot sa bewang ko, siniksik din nito ang sarili sa ‘kin. “Sino ‘yon?” mahinang tanong ko ulit sa sarili. Bahagya ko pang kinurot ang sarili, baka nananaginip lang ako. Pero hindi! Gising na gising at ramdam ko pa rin ang bigat ng braso nito sa ‘kin. Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Napasinghap ako nang makita ito. “Sino ‘to?” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang damit! Natatabunan din ng kumot ang kalahati ng katawan niya. Agad ko namang tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot. Nanlumo ako nang makitang wala akong saplot! What have I done? Hindi ako makapaniwang magagawa ko ‘to… I’ve always believed that sex is more than just a physical act. For me, it’s supposed to be a sacred bond…an emotional and spiritual connection that ties two people together in a way nothing else can. That’s why I promised myself to save it for someone I truly love, someone I’d marry, someone who would see it as the gift that it is. Hindi sa kung sino-sino lang. Because to me, sex isn’t just about pleasure—it’s about becoming one with a person who will value and protect me. But now…that promise feels broken. And it hurts. People say intimacy can heal, but it can also wound. Through sex, you can release emotions, deepen love, and feel seen—but it can just as easily open scars, expose your vulnerabilities, or shatter your self-worth. And right now, I know I’m one of those who’ve fallen on the hurting side. Because when it’s shared with the wrong person, it doesn’t just leave your body vulnerable…it leaves your soul defenseless. Worse, I don’t even know if he used protection. And that terrifies me. In a world where HIV and other diseases are so real, sex without safety isn’t just reckless… It's dangerous. So see? This isn’t something casual. It was never meant to be. Sexual intimacy has the power to change everything—your body, your heart, your spirit. And when you give it to the wrong person… it feels like you’ve lost more than just yourself. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso nitong nakapulupot sa ‘kin at dahan-dahang umupo. Doon pumasok sa isip ko ang mga pinaggagawa ko kagabi. Ang pag-aya ko sa kaibigan ko na uminom dahil gusto ko makalimot sa pamamagitan no’n. Ang paulit-ulit kong paghingi ng alak sa bartender hanggang sa paglapit ko sa lalaki. Nangyari ang lahat ng ‘to dahil sa paglapit ko. At walang dapat na sisihin sa kagagahang ‘to kundi ako! Pinunasan ko ang pisnge ko nang may tumulong isang butil ng luha, hanggang sa sunod-sunod na itong bumuhos. I feel so dirty… Maayos ang pagpapalaki sa ‘kin ng mga magulang ko. Hindi ako ang babaeng sumasama sa kung sino-sino lang na lalaki. At mas lalong hindi ko ibibigay ang sarili ko sa taong hindi ko kilala. But now… I am no longer that person. “B-bakit kapa kasi u-uminom!” tanging nasabi ko sa sarili. Hindi ko rin nararamdaman ang sakit ng pagpukpok ko sa ulo ko. Mas matimbang ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Napatakip ako ng bibig ko nang humagulhol ako, natatakot na baka magising ang katabi. Sinubukan ko ring kalmahin na ang sarili. “Kailangan ko nang maka-alis dito,” bulong ko sa sarili, habang pinapalis ang luha sa pisnge. Pero bago ako umalis gusto kong makita ang itsura niya…ng lalaking nakasiping ko. Just once…so that if I ever come across him somewhere, maiiwasan ko siya. Sigurado naman akong hindi na ako nito matatandaan. Pareho kaming lasing. Dahan-dahan ang pag galaw kong dinungaw ang lalaki. Nakatalikod kasi ito sa ‘kin. Mahimbing pa rin ang tulog nito kaya mas lumapit pa ako para makita ng maayos ang mukha niya. Napahinga ako nang maluwag. “Gwapo naman pal—” Natakpan ko bigla ang bibig ko. Totoo naman ‘yon. Gwapo nga sya, mukha ring may lahi dahil sa istura nito. Pero importante pa ba ‘yon?! Gwapo nga siya pero hindi ko pa rin siya kilala! Napailing nalang ako sa sarili. Kailangan ko na talagang maka-alis. Mahirap na at baka magising ito. Awkward ‘yon pagnagkataon. Dahan-dahan akong umalis ng kama at inilibot ang paningin. “Saan naman kaya napunta ang mga damit ko?” tanong ko sa isip. Kinuha ko rin ang kumot at pinulupot iyon sa katawan. Mahirap na baka magising nalang ito bigla edi nakita niya akong hubo’t hubad. Okay, sure, he has seen my body, pero iba ngayon! Nakainom kami kagabi and now we're sober! Naglakad muna ako patungo sa may living room, tutal hindi ko naman mahanap dito sa kwarto. Nang makita ang dress ko doon banda sa may pinto ay agaran ko itong tinungo at pinulot. Hinanap ko rin ang panty at bra ko pero wala sa buong living room. Kahit kitchen nitong hotel ay hindi ko na pinalampas, pero wala rin. Bumalik ulit ako sa kwarto at sinilip na rin ang ilalim ng kama. Iniiwasan ko pang mapatingin sa direksiyon ng lalaki dahil alam kong wala itong saplot. Ibabalik ko nalang ulit ang kumot pag nakabihis na ako. Tinago niya ba ang mga gamit ko? Hindi ko mahanap ang panty at bra ko! Napasadahan ng mata ko ang kama at namilog ito nang makita ang panty kong pira-piraso! At ‘yung bra ko magkahiwalay na rin! Grabe?? Huminga ako ng malalim at kinuha nalang ang boxer niya. Bahala siya kung wala siyang masuot mamaya! Punitin ba naman e. Dumeretso na ako sa banyo para makapagbihis. Iniwan ko rin ang kumot bago pumasok. Tinignan ko muna ang sarili sa salamin. Ang sagwa ng mukha ko! May mga iilan din akong hickeys…lalo na sa may parteng dibdib. “Gaga ka kasi!” inis kong paninisi sa sariling repleksiyon. Dinuro-duro ko pa ang sarili sa salamin. “Pano nalang kung mabuntis ka?!” Inilingan ko ang sarili. Nababaliw na ako. Kinuha ko nalang ang boxer nito at sinuot at dahil maluwag iyon ay tinali ko nalang. Nawindang naman ako nang akmang isusuot ko na rin sana ang dress ko pero punit rin ito! Buo pa rin siya pero hiwalay na…na para bang ginunting ng hindi perpekto sa gitna. Lahat nalang pinunit niya! Sumlip ako sa pinto bago lumabas at hinanap ang damit niya habang ang isang kamay ko ay nakatakip sa dibdib ko. Nang makita ang long sleeve nito, agad ko na itong pinulot at sinuot. Hindi na para magtagal pa ako sa lugar na ‘to. Nagsimula na agad akong maglakad patungo sa pinto, pero bago pa man ako makalabas ay nangako na muna ako sa sarili… na kakalimutan kong nangyari ‘to—ang araw na ‘to at ang lalaking iyon. “Hindi na ulit mag-k-krus ang landas natin.” Nang makauwi sa condo, agad akong dumeretso sa banyo para maligo—nagbabakasakaling baka maalis ng tubig ang duming nararamdaman ko para sa sarili.Nandito ako ngayon sa labas, tulala. Hindi ko pa rin ma-process ang mga narinig. Naiwan naman sa loob ang lalaki, kakausapin daw ng doctor. ‘Positive’ ang salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Bawat bigkas nito…magkahalong takot at saya ang nararamdaman ko.Positive.Buntis ako.Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Nanginginig ang kamay.“Anak…” mahinang sambit ko. Naramdaman ko ang pamamasa ng pisnge ko. Bahagya rin akong napangiti. Hindi ko alam. Hindi ako handa. Natatakot ako. May mga tanong agad na pumasok sa isip ko. Nangangamba rin ako dahil baka hindi ko magampanan ang maging mabuting ina. Pero isa lang ang alam ko. Mahal na mahal ko na agad siya…ang anak ko. At gagawin ko ang lahat para sa kaniya.Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, mabilis akong napatingala. Lumabas si Syvastian, hawak ang isang puting medical envelope, mahigpit ang pagkakapit niya ro’n, para bang ayaw niyang pakawalan. May mga papel na bahagyang sumisilip sa loob, at kahit hindi ko nakikita ang l
[dear Readers,thank you so much for adding my story to your library. I truly appreciate your time and effort in reading it. it means a lot and inspires me to keep writing. ♡with gratitude,♡penobscura]I blinked my eyes a couple of times. “Hindi!” agap kong sagot, matapos rumehistro sa utak ko ang sinabi nito. “Tss,” bulalas niya. Agad kong nabawi ang kamay ko at masuri siyang tinignan. Akala ko si Matthew siya. The way he held my hand with gentleness was really him. But the ‘Tss’? It was from Syvastian. Sino ba talaga sa dalawa? Nakakalito. “I think you're pregnant.” siguradong sabi nito. Nagawa niya pang tumango-tango na para bang kumbunsidong-kumbinsido siya sa sinabi niya. “How sure are you?” tanong ko. Halos matawa pa ako. “Because I am the father…” He looked me in the eye. “Malakas ang pakiramdam kong buntis ka the moment manang told me about your vomiting earlier, she thinks you are too. Also…I did my research already.” I rolled my eyes. “I am not.” matigas na sa
[short update ulit hehe. ♡]Lumipas ang ilang araw na puro pag-iwas ang ginagawa ko sa lalaki. Buong isang linggo kong ginagawa iyon. Mabuti na lamang at busy siya sa kung ano man ang ginagawa niya. Nasa living room ako nitong penthouse ngayon at dinadaldal si Matheo kanina pang umaga. Tipid lamang itong sumasagot sa bawat tanong ko kaya naiinip na ako. Akala ko pa naman ay friends na kami. Nagkwento pa akong muli tungkol sa business kong boutique pero nahahalata ko sa mukha niya ang hindi pagka interesado. Pinapaupo ko rin siya kasi ako ang nangangalay sa kaniya. Paano ba naman, kanina pa siya nakatayo sa may gilid. Kahit din tung ibang bantay na pinapaupo ko muna ay hindi man lang ako sinunod. Sabagay hindi rin naman ako ang nagpapasweldo sa kanila. Pero kawawa naman kasi sila. Tumahimik na lamanh ako’t humalukipkip, nag-iisip ng pwedeng gawin. Hindi ko rin nakulit ngayong araw si Manag Esther dahil busy rin siya sa gawaing bahay at pagluluto ng tanghalian namin ngayon. “Hija, Y
[short update muna hehe. ♡] Nang lumabas siya ng kwarto, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Napahiga ako saglit, pinipilit pakalmahin ang sarili, pero hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi niya. Buong hapon, pilit akong umiwas. Kapag naririnig kong papalapit ang mga yabag niya, agad akong napapalingon sa ibang direksyon. Kapag napapatingin naman siya, mabilis kong iniiwas ang mga mata ko, kunwari abala sa kung anong hawak ko. Hindi ko alam kung nahahalata niya, pero ramdam kong para akong laging nagtatago. Tuwing may sasabihin siya sa 'kin ay ilag ako. Hindi nagtatagal para makipag k’wentuhan pa. Magtatanong siya, sasagot naman ako at aalis din agad. Gano’n ang nangyari sa magdamag. Kay Manang at Matheo lamang ako nakikipag-usap ng matagal dahil sa pagkailang ko. Dapat siguro ay hindi ko na lang siya tinanong tungkol don. “Hija…” Agad kong nilingon ang pinto. Nakasilip si Manang. Saka lang siya tuluyang pumasok pagkalingon ko. “Gusto mo bang sumabay sa ‘min ni Mat
Umaga na nang magising ako. Una kong naramdaman ang malamig na dampi ng kung anong malagkit sa balat ko. Napabaling ang tingin ko sa gilid ko kung saan naroon si Syvastian. Nakaupo siya, bahagyang nakayuko. Ang isang kamay ay marahang nakadampi sa braso ko habang ang isa’y hawak ang maliit na bote ng ointment. Sa bawat galaw niya, halatang nag-iingat siya, mabagal at mahinahon, para bang natatakot na baka lalo akong masaktan. Napatitig ako. Nanuyo ang lalamunan ko habang pinagmamasdan siya. Kagabi lang, halos durugin niya ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko, at ngayon…parang ibang tao ang kaharap ko. Ang seryosong mukha na palagi kong nakikita ay may kakaibang lambot. Ang mga mata niya, na puno ng tigas at galit, ngayon ay tila may lungkot at pagod at puno ng pagsisisi. “Sorry…” mahina ang boses niya. Napakurap ako. This man speaks with gentleness. Kaya sigurado akong hindi si Syvastian ang kaharap ko ngayon. I thought Matthew was stern, distant, and unyie
[i did my best researching and writing this chapter with care. if i've gotten anything wrong, i'd truly appreciate it if you could kindly correct me. ♡]After that interaction with Dr. Arcalde, I found myself restless. The weight of our conversation lingered in my mind, pressing heavily on my chest. That night, instead of sleeping, I asked Matheo for a laptop that I could use to research his condition. Ang dami kong nabasang mga articles, pati yung mga kwento ng ibang taong may parehong sitwasyon. The more I read, the more I realized how little I knew. The symptoms, the triggers, the unpredictable shifts…it wasn’t just an illness. It was a battle. A war waged inside his mind that no one else could see, because he chose to keep it with himself. And yet, he carried it with such composure, as if he had mastered the art of hiding the chaos within.As I read more, I came across a line that struck me: “Most people with DID rarely show noticeable signs of the condition. Friends and family