Home / Romance / DEL FIERRO / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: penobscura
last update Last Updated: 2025-08-21 17:06:48

“Miss Yshra, sigurado ka po bang ikaw na ang magsasara ng shop?” tanong ni Ate Elena—isa sa mga nagtatrabho dito sa flower shop ko. Isa siya sa mga nag-aayos ng design na ni-r-request ng mga costumer sa bouquet.

“Oo ‘te, ako na pong bahala, pinauwi ko na rin si Jhed at Ayesha,”sagot ko. “Anong oras na rin kasi at kaya ko naman na ligpitin itong konting kalat,” dagdag ko. Nginitian ko rin siya para maramdaman niyang sigurado ako.

“Oh siya sige, mag-iingat ka nalang pauwi ah?” Tumango ako. “Oo naman ‘te, malapit lang ang condo ko dito sa shop natin,” sabi ko at sinabayan siya palabas.

“Sige, babye,” tuluyang paalam nito habang kumakaway kaya nginitian ko ito’t kinawayan pabalik.

Nang mawala na ito sa paningin ko, pumasok na ulit ako sa loob at nagsimulang magligpit. Alas otso kami kadalasang nagsasara pero dahil masyadong marami ang customer ngayon ay nag extend kami ng isang oras.

Nang matapos sa pagliligpit, tinignan ko agad ang wrist watch ko. Mag-a-alas nuebe y media na pala.

Nagpahinga muna ako saglit at nag muni-muni.

Tatlong araw na ang nakalipas nang may magyari sa amin nung estranghero. Hindi ko pa rin makalimutan sa ngayon lalo na’t sa tuwing naliligo ako nakikita ko pa rin ang mga markang iniwan niya. Hindi na rin nagtanong sakin ang kaibigan ko nang makita niyang nakauwi ako ng maayos.

At first she bombarded me with a lot of questions. Hindi ko sinabi sa kaniya ang totoong nangyari. Sinabi ko nalang na hindi ko na siya nahanap kaya nauna na akong umuwi at dumeretso nalang sa bahay namin. I mean…ng mga magulang ko. Good thing she accepted my reasons.

Nag simula na akong ayusin ang gamit ko para makapag sara na. Kaya nang matapos, lumabas na ako.

Nakakaguilty man pero ayoko munang sabihin sa kaniya. Lalo na’t hindi ko pa rin matanggap.

Nang matapos ako sa pag-lock ng shop ko, may bigla na lang humintong itim na van sa harap ko. Lumabas ang dalawang lalaking naka itim. Hindi na ako nakasigaw sa sobrang takot at pagkabalisa hanggang sa takpan na nito ng panyo ang ilong at bibig ko.

Iyon na lang ang huling naalala ko dahil nawalan na lang ako bigla ng malay.

Nagising nalang ako sa isang madilim na lugar. May kunting liwanag naman, pero lamang na lamang pa rin ang dilim.

Ang mas ikinagulat ko pa, nakaupo ako paharap sa kandungan ng isang lalaki. nakapulupot ang dalawang kamay sa leeg niya at nakatali iyon. Nakatali rin ang dalawa kong paang magkahiwalay sa dalawa niya ring binti.

I also tried to look at his feet to see if they were also tied, pero…he just suddenly groaned. Akala ko tulog ito.

Bahagya akong napayuko para makita ang itsura nito…pero nagsalubong lang ang mga mata namin dahil nakatingala na pala ito sa ‘kin.

Ako ang unang nag iwas ng tingin. Bahagya kong piniling ang ulo ko sa kaliwa at kunwaring may tinitignan, pero lalo ko lang naramdaman ang mainit na hininga nitong tumatama sa bandang leeg ko. Dahil don naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Familiar siya!

Walang nag salita sa ‘min hanggang sa may dumating na mga lalaki at dumeretso sa direksiyon namin. Pumalakpak pa ito. Nakasunod din sa kanya ang ilang mga tauhan nito.

“Bweno, gising na pala ang love birds natin.” Humalakhak ito na sinabayan din ng mga kasama niya.

Yung dalawang nagbabantay sa ‘min sa malayong parte ng abandonadong lugar na ‘to ay lumapit na rin.

Kumunot ang noo ko.

Anong love birds ang sinasabi niya?

Tinignan ko ulit ang familliar na lalaki nang maalala ko ang nakasiping ko. Gusto kong makasigurado na siya nga iyon.

Nagtama ulit ang tingin namin pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha nito kaya nagulat nalang ako nang biglang lumiwanag. Napapikit pa ako dahil sa pagkasilaw.

“Ayan mas makikita na ninyo ang isa't-isa,” sabi nang isa sa mga lalaki kaya napamulat ako.

Hindi ko rin maiwasang marindi dahil sa walang humpay nilang tawanan at pagsipol.

Kunot ang noo kong binalingan sila ng tingin.

“Ano bang kasalanan ko sa inyo?!” asik ko. Tinatatagan ko ang boses ko. Ayokong ipakitang natatakot ako.

“Uyy… matapang! Bakit hindi mo tanungin ang lalaki mo?” sagot nito. Lumapit pa ito sa ‘kin at pinasadahan ng palad nito ang mukha ko. Mabilis ko ring kinagat ang kamay nito nang dahan-dahan na ito bumababa sa leeg ko.

“Gago ka ah!” galit nitong usal sa ‘kin.

Galit ko rin itong binalingan at dinuraan na naiwasan niya naman. Halata ko na ang pagkapikon sa mukha nito.

Randam ko ang pag sakit ng anit ko nang hablutin nito ang buhok ko. Rinig ko rin ang madalas na pag singhap ng mga kasama niya.

“What the fuck!” rinig kong mura ng lalaki. “Get your hands off her…you know me Dylan,” may pagbabanta sa tono nito na tinawanan lang ng lalaking may hawak sa buhok ko.

“I don't know you,” sagot naman ng may hawak ng buhok ko, inosente ang boses nito na animo'y nang-aasar pa. “Kilala niyo ba ‘to?” baling niya sa mga kasamahan niya. Nang mag si-ilingan ito ay sabay-sabay silang nagsitawa.

“A-aray!” I was about to cry when this guy named Dylan tighten his grip on my hair. Rinding-rindi na talaga ako sa tawanan nila! At hindi ko alam kung bakit ba ako nadamay dito.

“Even…if I die right now…” napalingon ako sa lalaking naka-sex ko nang magsalita ito. Dahil halos magkadikit kami ay damang-dama ko ang hirap ng pagsasalita nito. Malalim din ang paghinga niya. “You will still get your wife's and daughter’s head without their bodies,” dagdag nito na nagpakilabot sa buong kalamnan ko.

“Don't try me Dylan.”

Agad na binitawan ng lalaki ang buhok ko at umatras. Tumalikod ito’t inaya ang ibang kasamahan. Kita ko rin ang matinding takot sa mata nito kahit na pilit niya iyong tanatakpan ng ngisi niya.

“Antayin nalang natin si boss ng tumahimik na ang mayabang na Del Fierro na ‘yan,” rinig kong sabi nito bago kami iniwan sa dalawa ulit na kasama niya.

Sino ba ang mga taong ‘to? Alam kong hindi ako ligtas sa mga dumukot sa ‘kin, pero mas lalong hindi rin ako nakakasigurong ligtas ako sa puder ng lalaking kasama ko ngayon dito

Sinara rin nito ulit ang ilaw kaya madilim na naman. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa pwedeng mangyari sa ‘min dito ngayon. Ayoko pang mamatay.

Imposible ring makatakas kami lalo na't nakakadena ito. At kung makatakas man siya baka iwan na lang niya ako dito.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko sa isiping iyon.

Ang tanging pag-asa ko nalang ay ang Panginoon.

Taimtim akong nagdasal at nang matapos ako’y bigla nalang nitong ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. “We'll get out of here…trust me.” Pabulong lang iyon pero sapat na para pagaanin ang loob ko. Nawala rin ang takot na naramdaman ko dahil sa hinahon ng boses niya nang sabihin iyon. Alam ko ring hindi kami pababayaan ng Diyos.

Ilang minuto na ang nakalipas at sobrang awkward na rin para sa ‘kin ang posisyon namin. Nangangalay na rin ako kaya sinubukan kong gumalaw pero dumaing ang lalaki kaya napahinto ako.

“Stop moving!” he hissed. Malalim din ang paghinga nito na para bang nahihirapan.

“Pero nangangalay na ako,” I reasoned, my voice low.

I tried to adjust my position again, but my eyes widened when I felt his arousal between my legs.

My body froze. Was he turned on?

Napalunok ako’t hindi na lang gumalaw, ni hindi ko na rin siya matignan. At ang tanging narinig ko na lang mula sa kaniya ay ang mahina niyang, “Tss.”

Walang sumunod na salita mula sa kaniya. Tanging bigat ng hininga lang namin ang naririnig ko.

I didn’t dare move. Each second felt longer, and the more I stayed still, the more I could feel him. A reminder that he was still turned on. Damang-dama ko ‘yon sa bawat malalim niyang paghinga, para bang hirap na hirap siya sa sitwasyon namin.

I felt like it was torture for him since he couldn't do anything about it. Hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin dahil sobrang inaantok na ako.

Pero bago pa man ako makatulog ay rinig ko na ang biglaang putukan sa labas. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba, bawat putok ay parang humahabol sa tibok ng puso ko.

Anong nangyayari? Katapusan ko na ba?

Naramdaman ko nalang na may tumulong butil ng luha sa pisnge ko.

Kasabay ng bawat putok ay bahagyang napapaangat ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko, parang nagrereact ang buong katawan niya kahit hindi siya makagalaw nang malaya. At sa huli, dahan-dahan niyang ibinalik iyon sa balikat ko, marahan pero matatag, as if assuring me through it that nothing would happen to us.

At kahit nanginginig ako sa takot, his quiet closeness made me feel like maybe, just maybe, I wasn’t entirely defenseless…because being close to him also felt like I was safe, like he was my shield against the chaos outside.

Sa may pintuan, kapansin-pansin ang pagkilos ng dalawang bantay. Pareho silang napaatras mula sa mga bintana, mahigpit ang hawak sa baril, palipat-lipat ang tingin sa labas at sa amin, wari’y hindi sigurado kung alin ang dapat nilang bantayan muna.

Ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw nila—mabilis, aligaga, puno ng kaba. At doon ko lalong naramdaman ang kakaibang baligtad: sa kabila ng takot na bumabalot sa akin, mas ligtas pa rin ang pakiramdam ko sa katahimikan niya kaysa sa anumang armas na hawak nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DEL FIERRO    Chapter 5

    Apat na araw na ako dito, at apat na araw ko na rin hindi nakikita ang lalaki. Pagtapos ng pag-uusap naming ‘yon, hindi ko na siya nakikita dito sa penthouse niya. Ang lagi ko lang kasama ay ang nagkalat na iilang tauhan raw nito. At ang madalas ko lang nakakausap ay si Manang Esther at si Mat-Mat—sinabi ko kay Matheo na ‘yun na ang tawag ko sa kaniya ngayon. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan at pagkadisgusto sa pangalang ginawa ko, pero wala siyang magagawa. Nakuwento rin sa ‘kin ni Manang na ako pa lang daw ang babaeng nadala ng lalaki dito. Na ako raw ang first girlfriend ng apo niya. Kung bakit ba naman sinabi ng lalaking ‘yon na nobya niya ako. Nalaman ko rin kay Mat-Mat na kaya pala dinukot ako dahil napagkamalan akong girlfriend ng lalaki. “Mat-Mat,” tawag ko ulit sa kaniya. “Ano bang trabaho ng Boss mo na ’yan? Bakit parang lahat ng tao niya may baril? Hindi naman kayo mukhang pulis at sundalo.” Tumikhim muna ito bago sumagot, nagaalangan.. “Ma’am… hindi ko po talag

  • DEL FIERRO    Chapter 4

    Nagmulat ako ng mata nang maramdamang parang may nakatitig sa ‘kin. Bumungad agad ang isang lalaking nakatayo malapit sa may pinto, kaya napabalikwas ako ng bangon. Pero agad din akong napahiga muli nang maramdaman ko ang bigat at sakit ng katawan ko—lalo na sa bandang hita. Narinig ko ang mabibigat na yapak niya papalapit kaya nilingon ko ito. Matangkad siya, nakasuot ng pormal na suit. Saan galing ‘to? Bakit ang formal masyado? Huminto ito sa may gilid ng kama, isang dipa ang layo. Bahagya siyang yumuko, kaya napakunot ang noo ko. Anong problema niya? Napaka weirdo. “Magandang hapon, Ma’am Yshra, ipinag-utos ni Mr. Villarama na bantayan kita,” magalang at mahaba niyang sabi. “Aalis ho ako kung hindi kayo komportable. Sa labas na lang ho ako ng kwarto niyo magbabantay.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman ang pangalan ko? At sinong Mr. Villarama? “Nasaan ba ako? At sino ka? Sino si Mr. Villarama?” sunod-sunod kong tanong. Ang huli kong natatandaan ay ‘yung

  • DEL FIERRO    Chapter 3

    “Miss Yshra, sigurado ka po bang ikaw na ang magsasara ng shop?” tanong ni Ate Elena—isa sa mga nagtatrabho dito sa flower shop ko. Isa siya sa mga nag-aayos ng design na ni-r-request ng mga costumer sa bouquet. “Oo ‘te, ako na pong bahala, pinauwi ko na rin si Jhed at Ayesha,”sagot ko. “Anong oras na rin kasi at kaya ko naman na ligpitin itong konting kalat,” dagdag ko. Nginitian ko rin siya para maramdaman niyang sigurado ako. “Oh siya sige, mag-iingat ka nalang pauwi ah?” Tumango ako. “Oo naman ‘te, malapit lang ang condo ko dito sa shop natin,” sabi ko at sinabayan siya palabas. “Sige, babye,” tuluyang paalam nito habang kumakaway kaya nginitian ko ito’t kinawayan pabalik. Nang mawala na ito sa paningin ko, pumasok na ulit ako sa loob at nagsimulang magligpit. Alas otso kami kadalasang nagsasara pero dahil masyadong marami ang customer ngayon ay nag extend kami ng isang oras. Nang matapos sa pagliligpit, tinignan ko agad ang wrist watch ko. Mag-a-alas nuebe y media na pa

  • DEL FIERRO    Chapter 2

    Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Akmang uupo sana ako nang maramdaman ang pag-kirot ng ulo ko. Hindi lang ‘yon, pati buong katawan ko, animo’y parang binugbog sa sakit. Mahapdi rin ang gitnang parte ko. “Ano bang nangyari?” Gulat at kaba ang naramdaman ko nang may kamay na pumulupot sa bewang ko, siniksik din nito ang sarili sa ‘kin. “Sino ‘yon?” mahinang tanong ko ulit sa sarili. Bahagya ko pang kinurot ang sarili, baka nananaginip lang ako. Pero hindi! Gising na gising at ramdam ko pa rin ang bigat ng braso nito sa ‘kin. Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Napasinghap ako nang makita ito. “Sino ‘to?” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang damit! Natatabunan din ng kumot ang kalahati ng katawan niya. Agad ko namang tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot. Nanlumo ako nang makitang wala akong saplot! What have I done? Hindi ako makapaniwang magagawa ko ‘to… I’ve always believed that sex is more than just a physical act.

  • DEL FIERRO    Chapter 1

    Yshra Kataleighia's POV Akala ko noon… pag mahal mo ang isang tao, sapat na para manatili siya. Na kapag binigay mo lahat—oras, tiwala, at puso, wala nang dahilan para iwan at lokohin ka. Pero mali pala ako. Kahit ibigay mo ang lahat, kapag gustong magloko… magloloko ito. Hindi sapat ang pagmamahal sa taong hindi marunong makuntento. Nakakatawa lang dahil ang tanga ko. Pinagmukha niya akong tanga nang paniwalain niya akong ako lang…na ako na ang huli niya. Kung hindi ko pa siya nahuli sigurado akong kami pa rin hanggang ngayon. Masaya, pinagsisilbihan siya at mahal na mahal siya. Fuck those cheaters!! Kaya ayun… kesa magmukha akong tanga sa kwarto, nag-ayos ako, sinama ang kaibigan ko, at lumabas. Kung masaya siya sa bago niya, edi mas masaya ako ngayong gabi. Kahit pa sa alak ko lang maramdaman ‘yung payapa at saya. Kung alak lang ang solusyon para makalimot saglit, iinom ako. “Girl…kalmahan mo lang!” saway ng kaibigan ko saka inagaw sa 'kin ang basong may alak na hawak ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status