Nagmulat ako ng mata nang maramdamang parang may nakatitig sa ‘kin. Bumungad agad ang isang lalaking nakatayo malapit sa may pinto, kaya napabalikwas ako ng bangon. Pero agad din akong napahiga muli nang maramdaman ko ang bigat at sakit ng katawan ko—lalo na sa bandang hita.
Narinig ko ang mabibigat na yapak niya papalapit kaya nilingon ko ito. Matangkad siya, nakasuot ng pormal na suit. Saan galing ‘to? Bakit ang formal masyado? Huminto ito sa may gilid ng kama, isang dipa ang layo. Bahagya siyang yumuko, kaya napakunot ang noo ko. Anong problema niya? Napaka weirdo. “Magandang hapon, Ma’am Yshra, ipinag-utos ni Mr. Villarama na bantayan kita,” magalang at mahaba niyang sabi. “Aalis ho ako kung hindi kayo komportable. Sa labas na lang ho ako ng kwarto niyo magbabantay.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman ang pangalan ko? At sinong Mr. Villarama? “Nasaan ba ako? At sino ka? Sino si Mr. Villarama?” sunod-sunod kong tanong. Ang huli kong natatandaan ay ‘yung mga armadong lalaking pumasok sa building kung nasaan kami ng kasama kong lalaki—then everything went black. Siguro dahil sa sobrang kaba kaya nawalan ako ng malay. “You can call me Matheo, Ma’am. Isa ako sa mga tauhan ni Mr. Villarama—ang lalaking nakasama niyo sa abandonadong building.” Parang biglang humigpit ang dibdib ko. Ibig sabihin… nandito nga ako ngayon sa poder ng lalaking ‘yon? Dahan-dahan akong umupo, pinilit pakalmahin ang sarili, at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Sa gilid ko, may mataas na wall na may ilaw na kakulay ng apoy, at sa baba nito ay isang mounted fireplace. Sa magkabilang gilid ng wall, may floor-to-ceiling windows na nakabukas ang kurtina, kaya tanaw ko ang mga city lights at nagtataasang gusali. Sa kanan ko, may minimalist na upuan at lamesa, katabi ng isang maliit na mesa na may lampshade. Ang king-size na kama na may gray rug sa ilalim ay nakalayo nang kaunti mula sa ulunan, kaya may espasyong matatayuan sa bahagi ng floor-to-ceiling glass wall. Bukas ang kurtina kaya tanaw ko ang pagbabago ng kalangitan—magkahalong pink at violet mula sa paglubog ng araw. Dahil din sa lampshade, nagiging kulay ginto ang silid habang sa labas naman ay kumikislap na ang mga ilaw. “Ang ganda…” mahina kong usal. Binalingan ko si Matheo. “Sa kaniya ‘to?” tanong ko. “Yes, Ma’am. Nasa penthouse niya ho kayo ngayon.” Nang mapatingin ako sa harapan ko, nahagip ng mata ko ang sarili sa salamin—iba na ang suot ko! Hindi na iyon ang damit na huli kong naaalala. Napatingin ako kay Matheo, bahagyang kumunot ang noo. “Ikaw ba… ikaw ba ang nagpalit nito sa akin?” Bahagya itong napakamot sa ulo. “Hindi ho Ma’am. Pagpasok ko rito, suot niyo na ang damit na ‘yan. Baka si Mr. Villarama ang nagpalit,” mahinahon nitong pagpapaliwanag. Nablangko ang isip ko. Sandali akong natahimik, kinagat ang labi habang pinipigilan ang sarili kong magtanong pa. Pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito. Bumungad sa ‘kin ang pamilyar na lalaki. Nakapormal na suit din ito at naglakad patungo sa direksiyon ko habang tinatanggal niya ang suot na necktie. Sa inis ko, agad kong dinampot ang unan sa tabi at ibinato sa kaniya. Tumama iyon sa mukha niya at agad niyang nasalo, dahilan para mapahinto siya sa paglapit. “What the hell was that?” malamig niyang tanong, bahagyang nakakunot ang noo habang hawak ang unan. Si Matheo nama’y marahang yumuko, nagbigay galang. “I’ll take my leave, Ma’am, Boss.” Agad siyang tumalikod at lumabas ng kwarto, halatang ayaw masangkot sa tensyon. Pagkaalis niya, nanatiling nakatitig sa akin ang lalaki. Mabigat ang tingin, halatang nagpipigil ng inis. Kahit kinakabahan pinilit kong patatagin ang boses. “Sabihin mo nga,” madiin kong tanong, hindi inaalis ang titig. “I-Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?!” Kinagat ko ang labi ko nang mautal. Umangat ang sulok ng labi niya, isang ngiting mayabang at nakakapikon. “So what?” kaswal niyang sagot. “I’ve already seen you naked.” Namilog ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa tinuran niya. Uminit ang pisngi ko—hindi lang sa hiya kundi lalo na sa inis. Gusto kong magsisigaw pero naunahan ako ng pagbukas ng pinto. Isang babae ang pumasok, bitbit ang tray ng pagkain. Mukhang nasa 60s siguro ang edad niya, may maamong mukha at tingin na agad nagpapagaan ng loob. May bahid na ng puti ang kanyang buhok pero nanatiling maayos ang pagkakaayos nito. “Pasensya na, hija,” malumanay niyang sabi, inilapag ang tray. “Ako ang nagpalit ng damit mo. Huwag kang mag-alala, ako mismo ang nag-asikaso sa ‘yo.” Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin iyon ng babae, at binalingan ulit ng nanlilisik na tingin ang Villarama na iyon. Mas lumaki lang ang ngisi niya kaya mas nairita lang ako lalo. Ito ba ang Boss na sinasabi ni Matheo? Isip bata! Nilingon ko nalang si manang na abala sa pag-ayos ng pagkain sa harap ko. Nang matapos ito marahan ako nitong nginitian na sinuklian ko rin ng ngiti. “Salamat ho,” sabi ko. Narinig ko naman ang pag ‘Tsk’ ng lalaki pero hindi ko na siya nilingon. Maiinis lang ako. “Wala iyon hija.” sagot nito’t nilingon ang lalaki sa harap ko, biglang nag-iba ang tono ng boses niya—may awtoridad, may halong paninita. “Matthew,” aniya, nakataas ang kilay, “tigilan mo ang kapilyuhan mo. Huwag mong pinapakaba ang girlfriend mo!” Napasinghap ako nang marinig ang huling salita ni Manang. Girlfriend? Saglit akong napako sa kinauupuan ko, hindi makagalaw. Nilingon ko ang lalaki. Hindi man lang siya nag-react—ni hindi itinama ang sinabi ni Manang. Bagkus, tumagilid pa ang ulo niya at muling ngumiti nang parang siya pa ang nagwagi. “A-anong sinabi niyo?” halos pabulong kong tanong kay Manang, ramdam ang mabilis na pintig ng puso ko. “Eh, sabi nitong apo ko, girlfriend ka raw niya.” Walang pag-aalinlangan ang boses niya, may saya sa tono nito. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Isa lang naman siyang estrangherong nakasama ko sa gabing hindi ko na gustong balikan—isang taong akala ko hindi ko na ulit makikita. Pero heto siya ngayon sa harap ko at walang balak na sabihin ang totoo kay matanda. “Oh siya hija, iwan ko na muna kayo dito,” paalam nito sa ‘min. Tinanguhan ko na lamang ito. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, bumangon ako mula sa kama at nilapitan siya. Nawala na ang nakakalokong ngisi sa labi niya at seryoso na ulit ang itsura nito. “Hoy!” singhal ko at tinulak ang balikat niya gamit ang isang kamay. Pero imbis na umatras, para lang akong nagtulak sa pader—sumakit pa ang palad ko. “Ano bang pinagsasabi mo kay Manang? Hindi mo ako girlfriend, kaya bawiin mo ‘yung sinabi mo sa kaniya.” Huminto ako sa pagsasalita at inantay ang sasabihin niya, pero nanatiling nakatikom lang ang bibig nito. Napairap ako’t umatras. “Aalis na ako dito. Salamat sa pagpapatuloy,” malamig kong dagdag bago ako tumalikod para hanapin ang mga gamit ko. “Asan ang damit ko?” tanong ko habang sinusuyod ng mata ang paligid. Wala pa rin akong natanggap na sagot kaya nilingon ko ulit siya. Nakita kong nakaupo na ito sa gilid malapit sa lampshade. Natigilan ako nang pasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko. It feels awkward. At nang magsalita siya, halos kinilabutan ako sa lalim ng tono niya. “My clothes look good on you.” Parang lalo akong natigilan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o mahihiya sa paraan ng tingin niya, parang wala siyang balak bumitaw. Parang nanlalandi! “Aalis na ako,” tanging nasabi ko. Pinagkrus ko rin ang dalawang braso ko. “You can't, your life's in danger.” Napakunot ang noo ko. For a moment, our eyes locked, and my chest tightened. Hindi ko alam kung alin ang mas delikado—yung banta na hindi ko maintindihan, o ang presensyang hindi ko mawari kung kakampi o panganib ba siya sa akin. And somehow, deep inside, I felt like I was also in danger by his side.Apat na araw na ako dito, at apat na araw ko na rin hindi nakikita ang lalaki. Pagtapos ng pag-uusap naming ‘yon, hindi ko na siya nakikita dito sa penthouse niya. Ang lagi ko lang kasama ay ang nagkalat na iilang tauhan raw nito. At ang madalas ko lang nakakausap ay si Manang Esther at si Mat-Mat—sinabi ko kay Matheo na ‘yun na ang tawag ko sa kaniya ngayon. Halata sa mukha niya ang pag-aalangan at pagkadisgusto sa pangalang ginawa ko, pero wala siyang magagawa. Nakuwento rin sa ‘kin ni Manang na ako pa lang daw ang babaeng nadala ng lalaki dito. Na ako raw ang first girlfriend ng apo niya. Kung bakit ba naman sinabi ng lalaking ‘yon na nobya niya ako. Nalaman ko rin kay Mat-Mat na kaya pala dinukot ako dahil napagkamalan akong girlfriend ng lalaki. “Mat-Mat,” tawag ko ulit sa kaniya. “Ano bang trabaho ng Boss mo na ’yan? Bakit parang lahat ng tao niya may baril? Hindi naman kayo mukhang pulis at sundalo.” Tumikhim muna ito bago sumagot, nagaalangan.. “Ma’am… hindi ko po talag
Nagmulat ako ng mata nang maramdamang parang may nakatitig sa ‘kin. Bumungad agad ang isang lalaking nakatayo malapit sa may pinto, kaya napabalikwas ako ng bangon. Pero agad din akong napahiga muli nang maramdaman ko ang bigat at sakit ng katawan ko—lalo na sa bandang hita. Narinig ko ang mabibigat na yapak niya papalapit kaya nilingon ko ito. Matangkad siya, nakasuot ng pormal na suit. Saan galing ‘to? Bakit ang formal masyado? Huminto ito sa may gilid ng kama, isang dipa ang layo. Bahagya siyang yumuko, kaya napakunot ang noo ko. Anong problema niya? Napaka weirdo. “Magandang hapon, Ma’am Yshra, ipinag-utos ni Mr. Villarama na bantayan kita,” magalang at mahaba niyang sabi. “Aalis ho ako kung hindi kayo komportable. Sa labas na lang ho ako ng kwarto niyo magbabantay.” Mas lalong kumunot ang noo ko. Paano niya naman nalaman ang pangalan ko? At sinong Mr. Villarama? “Nasaan ba ako? At sino ka? Sino si Mr. Villarama?” sunod-sunod kong tanong. Ang huli kong natatandaan ay ‘yung
“Miss Yshra, sigurado ka po bang ikaw na ang magsasara ng shop?” tanong ni Ate Elena—isa sa mga nagtatrabho dito sa flower shop ko. Isa siya sa mga nag-aayos ng design na ni-r-request ng mga costumer sa bouquet. “Oo ‘te, ako na pong bahala, pinauwi ko na rin si Jhed at Ayesha,”sagot ko. “Anong oras na rin kasi at kaya ko naman na ligpitin itong konting kalat,” dagdag ko. Nginitian ko rin siya para maramdaman niyang sigurado ako. “Oh siya sige, mag-iingat ka nalang pauwi ah?” Tumango ako. “Oo naman ‘te, malapit lang ang condo ko dito sa shop natin,” sabi ko at sinabayan siya palabas. “Sige, babye,” tuluyang paalam nito habang kumakaway kaya nginitian ko ito’t kinawayan pabalik. Nang mawala na ito sa paningin ko, pumasok na ulit ako sa loob at nagsimulang magligpit. Alas otso kami kadalasang nagsasara pero dahil masyadong marami ang customer ngayon ay nag extend kami ng isang oras. Nang matapos sa pagliligpit, tinignan ko agad ang wrist watch ko. Mag-a-alas nuebe y media na pa
Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Akmang uupo sana ako nang maramdaman ang pag-kirot ng ulo ko. Hindi lang ‘yon, pati buong katawan ko, animo’y parang binugbog sa sakit. Mahapdi rin ang gitnang parte ko. “Ano bang nangyari?” Gulat at kaba ang naramdaman ko nang may kamay na pumulupot sa bewang ko, siniksik din nito ang sarili sa ‘kin. “Sino ‘yon?” mahinang tanong ko ulit sa sarili. Bahagya ko pang kinurot ang sarili, baka nananaginip lang ako. Pero hindi! Gising na gising at ramdam ko pa rin ang bigat ng braso nito sa ‘kin. Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Napasinghap ako nang makita ito. “Sino ‘to?” Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Wala siyang damit! Natatabunan din ng kumot ang kalahati ng katawan niya. Agad ko namang tinignan ang sarili sa ilalim ng kumot. Nanlumo ako nang makitang wala akong saplot! What have I done? Hindi ako makapaniwang magagawa ko ‘to… I’ve always believed that sex is more than just a physical act.
Yshra Kataleighia's POV Akala ko noon… pag mahal mo ang isang tao, sapat na para manatili siya. Na kapag binigay mo lahat—oras, tiwala, at puso, wala nang dahilan para iwan at lokohin ka. Pero mali pala ako. Kahit ibigay mo ang lahat, kapag gustong magloko… magloloko ito. Hindi sapat ang pagmamahal sa taong hindi marunong makuntento. Nakakatawa lang dahil ang tanga ko. Pinagmukha niya akong tanga nang paniwalain niya akong ako lang…na ako na ang huli niya. Kung hindi ko pa siya nahuli sigurado akong kami pa rin hanggang ngayon. Masaya, pinagsisilbihan siya at mahal na mahal siya. Fuck those cheaters!! Kaya ayun… kesa magmukha akong tanga sa kwarto, nag-ayos ako, sinama ang kaibigan ko, at lumabas. Kung masaya siya sa bago niya, edi mas masaya ako ngayong gabi. Kahit pa sa alak ko lang maramdaman ‘yung payapa at saya. Kung alak lang ang solusyon para makalimot saglit, iinom ako. “Girl…kalmahan mo lang!” saway ng kaibigan ko saka inagaw sa 'kin ang basong may alak na hawak ko.