Se connecterBago pa man makasagot si Mayumi, nagpakawala ang batang lalaki ng malamig at mapanuyang tawa, tila ba nabasa na nito ang laman ng kanyang isip.“Hulaan ko,” anito habang pinapaikot ang bakal na tubo sa kamay. “Gusto mo kaming hanapan ng trabaho o kung ano mang marangal na kabuhayan, tama ba?”Bahagya nitong iginalaw ang ulo, saka ngumisi nang mapait. “Wala nang saysay iyon.” Isa-isa nitong tiningnan ang mga kasamahan. “May mga record na kami. Lahat kami.”Itinuro niya ang lalaking blonde na kanina’y humablot ng pera. “Iyan. Sugarol at lasenggo ang ama niya. Tuwing nalalasing, binubugbog ang nanay niya para sa pera.”Bahagyang huminto ang batang lalaki, saka nagpatuloy sa malamig na tinig. “Isang araw, sinubukan niyang pigilan. Nauwi sa pagkapatay niya sa sariling ama. Limang taon sa kulungan.”Pagkatapos ay itinuro niya ang isa pa sa kanilang grupo. “Ito naman, inabandona noong bata pa. Sa wakas, may pamilyang kumupkop sa kanya. Pero nang labinlimang taong gulang na siya, bumalik ang
Bahagyang ngumiti si Christian. May bahid ng aliw sa mga mata nito habang marahang sumandal sa upuan.“Wala naman,” kaswal nitong sagot. “Sinabi ko lang sa may-ari na napakasarap ng barbecue sa stall na ito. Kaya tinanong ko siya kung gusto niyang magtrabaho para sa pamilyang Sager.”Bahagyang napaangat ang kilay ni Mayumi. “At ano naman ang alok mo?”“Simple lang.” Umayos si Christian ng upo at tila ba napakagaan lamang ng halagang sasabihin. “Sampung milyon kada taon para maging personal barbecue chef ko.”Napatingin si Mayumi nang mas matagal kaysa dati. “...At ano’ng sagot niya?”“Mariin siyang tumanggi.” Napangiti si Christian, wari’y lalo pang humanga sa may-ari. “Sabi niya, mas mahalaga raw sa kanya ang kalayaan. Kahit mas maliit ang kinikita niya rito, ayaw niyang pasailalim sa kontrol ng kahit sino. Mas panatag daw ang loob niya sa ganoong pamumuhay.”Dahan-dahang tumango si Mayumi. May punto ang lalaki. Sa mundong ito, walang bagay na maaaring tawaging ganap na katatagan.Sa
Sinundan ni Xavier ang direksyong itinuturo ni Andra.Sa kabilang panig ng kalye, natanaw niya si Mayumi na masayang nakikipag-usap kay Christian. Malawak ang ngiti nito, tila ba walang bahid ng anumang sakit o bigat na minsang bumalot sa kanyang mukha.Hindi na matandaan ni Xavier kung kailan niya huling nakita ang ganoong kaliwanag na ngiti mula rito.Isang mapaklang damdamin ang sumikip sa kanyang dibdib. Unti-unting kumalat ang mabigat at mapurol na hapdi sa kanyang puso.Ngunit mabilis din siyang umiwas ng tingin.Hindi siya naniniwala sa pagkapit sa nakaraan. At higit sa lahat, alam niyang walang mabuting maidudulot ang sobrang pagkakapit sa isang bagay na tapos na.Katulad lamang iyon ng isang negosasyon sa negosyo. Kapag hindi ka marunong bumitaw, mas naaamoy ng kabilang panig ang iyong kahinaan, at gagamitin nila iyon laban sa iyo.Kung mananatili siyang walang pakialam, ang kabilang panig ang mawawala sa balanse. Naging pabaya lamang siya noon. At nang magkasakit siya, lalon
Nang mapansin ni Christian ang bag na hawak ni Mayumi, kusa siyang nag-abot ng kamay habang papalapit ito. Walang anumang pag-aalinlangan, ibinigay naman ni Mayumi ang bag sa kanya, parang isang likas at tahimik na kasunduang matagal nang umiiral sa pagitan nilang dalawa.“What do you feel like eating? My treat.”magaang alok ni Mayumi, halatang maganda pa rin ang timpla ng kanyang pakiramdam.Ngumiti si Christian, bahagyang nakataas ang sulok ng labi. “Alright.”“How about barbecue?” mungkahi ni Christian.Maaga siyang umalis noon at ginugol ang maraming taon sa ibang bansa. Nang bumalik siya, si Miranda ay laging umiiwas sa amoy ng usok mula sa mga inihaw sa gilid ng kalsada. Siya man ay hindi rin nagkaroon ng interes sa mga ganoong lugar noon. Kaya sa totoo lang, hindi pa niya kailanman nasubukan ang ganitong simpleng karanasan.Ngunit narinig na niya ang tungkol sa mga barbecue stall sa syudad, mga lugar na madalas nasa tabi lamang ng kalsada, malapit sa mga tao, masigla at puno ng
“Siyempre, iyong dating walong daang libo,” agad na sagot ni Peter, na para bang napakadali ng tanong.Tumango rin ang sales manager bilang pagsang-ayon. Sa kanilang pananaw, malinaw ang sagot, mas sulit kunin ang produktong dating mas mahal.Bahagyang ngumiti si Mayumi. “That is exactly the point.” Napakamot sa ulo ang sales manager. “Hindi ko pa rin lubos na naiintindihan.”Ipinatong ni Mayumi ang dalawang kamay sa mesa at mahinahong nagpaliwanag. “Ang MK Group ay matagal nang nakaposisyon sa ibang bansa bilang isang high-quality premium brand. Para tayong luxury car sa example na binigay ko.”“Pero sa maraming malalayong lugar dito, ni hindi man lang alam ng mga tao na umiiral ang MK. Kaya sa paningin nila, hindi ito premium brand na nagbaba ng presyo, isa lang itong bagong murang produkto sa merkado.”Dahan-dahang tumango si Peter. Naalala niya ang mga pagkakataong personal siyang nag-field research sa mga probinsya at liblib na lugar. Totoo nga, karamihan sa mga tao roon ay hind
Mukhang galit na galit na ang sales manager, ngunit sa kabila ng nag-aalab nitong anyo ay halatang wala rin itong magawa. Ang mga kumpanyang nangahas na makipagtulungan noon sa MK Group ay naglakas-loob lamang dahil umaasa silang magbubulag-bulagan si Mr. Valerio.Ngunit ngayong si Xavier Valerio mismo ang personal na tumawag at nagbigay ng malinaw na babala, isa-isang umurong ang mga ito. Wala nang sinuman ang may tapang na salungatin ang pangalan at impluwensyang dala niya.“Gayunpaman,” pilit na kumalma ang sales manager habang inaayos ang salamin sa ilong, “kahit paano ay tumatakbo pa rin ang benta natin sa low-end market. Hindi man ganoon kalaki, kahit paano’y napapagaan nito ang bigat ng mga naiipong inventory na hindi natin maibenta.”Sa narinig, naramdaman ni Peter ang malamig na bakas ng takot na gumapang sa kanyang dibdib. Mabuti na lamang at naipanukala ni Mayumi nang mas maaga ang estratehiyang ilipat ang target consumer group. Kung hindi, baka ngayon ay tuluyan nang nalu
Nang mabuksan na ang pinto ay nanguna siya sa pagpasok. Nakahinga siya nang maluwag nang wala namang kakaiba doon sa loob. Iniimagine niya kasi na nakahandusay na si Mayumi doon at puno ng dugo... wala naman pala.At kabaligtaran iyon ng kanyang iniisip... ang silid ni Mayumi ay malinis. Maayos ang
Agad siyang nagkaroon ng pag-asa kaya napangiti siya nang malaki.“Set an appointment. I want to meet them in person,” saad niya kay Alden. “Sabihin mo rin sa kanila na kung mayroon silang mga kondisyon, basta kayang tuparin ng Valerio Group ay ibibigay natin.”“Yes, sir.” mabilis na tugon ni Alden
“Hindi na kailangan,” malamig niyang sabi. “At burahin mo ang kahit anong bakas na pumunta ako rito sa apartment!”Hindi niya hahayaang makaramdam ng tagumpay si Mayumi sa kanilang silent fight. Kung gusto nitong maglaro, maglaro itong nang mag-isa. Pero hindi niya sasakyan ang kabaliwan nito. Gust
Hindi na siya nagpumilit pang pumasok. Sa halip, kalmado niyang ipinaliwanag,“Hindi ko kailangang pumasok, pero may mga naiwan akong gamit sa loob ng mansyon. Pakikuha na lang, please.”Sinabi niya kay Nora kung ano at saan nakalagay ang mga gamit na gusto niyang kunin, pati na rin ang ilang paso







