تسجيل الدخولSa isang maikling sandali, nag-panic si Mayumi. Mabilis siyang napalingon nang may malaking kamay na biglang humawak sa kanya mula sa likuran. Kusang bumilis ang tibok ng kanyang puso habang umaandar ang lahat ng instinct na itinuro sa kanya ni Christian.... Attack first!Dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga daliri patungo sa singsing. Handa niyang ilabas ang nakatagong talim. Ngunit bago pa niya iyon magawa, tumigil ang lalaki.Mahigpit siyang hinawakan nito sa magkabilang balikat, saka siya pinihit at isinandal sa malamig na pader sa gilid ng parking area.Napasinghap si Mayumi, at doon niya nakita kung sino iyon. “...Xavier?”Nakatayo si Xavier sa kanyang harapan. Ang magkabilang kamay nito ay nakatukod sa magkabilang gilid niya, tila ikinukulong siya sa pagitan ng katawan nito at ng sementadong pader.Hindi pantay ang paghinga nito, halatang mabilis itong tumakbo palabas para habulin siya. Ngunit hindi iyon ang nagpahinto kay Mayumi, kundi ang mukha nito.Namumula ang gilid ng mga
Habang nagsasalita, marahang hinawakan ni Ysabel ang kamay ni Mayumi. May matamis na ngiti sa kanyang mga labi, ngunit kasabay niyon ay ang unti-unting paghigpit ng kanyang pagkakahawak.Sa loob lamang ng ilang segundo, bumaon ang sakit sa mga daliri ni Mayumi. Napasinghap siya nang bahagya. Ngunit nang maiangat niya ang tingin, nakita niya ang mapanuksong kislap sa mga mata ni Ysabel, at agad niyang naintindihan.Sadya ito, isang tahimik na provocation. Parang gusto nitong ipaalala kung sino ang “panalo” at kung sino ang dapat umurong.Unti-unting nag-init ang dugo ni Mayumi. Kumirot ang kanyang panga sa pagpipigil. Isang maling galaw lang at kaya niyang baliin ang kayabangan ng babaeng kaharap niya.Ngunit hindi siya nagpahalata. Sa halip, isang maliit at malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang labi habang dahan-dahan niyang hinawakan ang pulso ni Ysabel.“No need.” Kalmado ang kanyang tinig. Halos malambing pa. Ngunit kabaligtaran noon ang laman ng kanyang kilos.Marahang dumausdos
Hindi inaasahan ni Mayumi na makakasalubong niya si Xavier. At halatang ganoon din si Xavier.Sa sandaling nagtama ang kanilang mga mata, tila huminto ang ingay sa loob ng mamahaling jewelry boutique. Ang mahinang tugtog ng piyano, ang bulungan ng mga sales assistant, maging ang kinang ng mga ilaw na tumatama sa mga diyamante...lahat iyon ay tila naglaho sa pandinig ni Mayumi.Xavier froze. Bahagyang tumigas ang panga nito habang dahan-dahang dumilim ang ekspresyon ng mukha. Hindi niya inaasahang makikita rito si Mayumi… lalo na kasama si Christian Sager.Mas lalong hindi niya inaasahan kung gaano kaganda ang dating nito ngayon. Nakasuot si Mayumi ng simpleng silk dress na kulay champagne, ngunit mas lalo lamang nitong pinatingkad ang kanyang kutis at elegante niyang tindig. Ang mahabang buhok nito ay maluwag na nakalaylay sa likod, at sa bawat galaw nito ay may malamig na dignidad na tila imposibleng maabot. Hindi tulad noon... Hindi na ito iyong babaeng habol nang habol sa pagmamaha
Muling ipinagpag ni Mayumi ang maliliit na alikabok mula sa kanyang buhok habang naglalakad papunta kay Christian.Bago siya bumalik ay naglinis na siya ng sarili sa restroom ng site. Hinugasan niya ang kanyang mga kamay, inayos ang buhok, at pinunasan ang manipis na alikabok sa kanyang mukha.Sa tingin niya ay maayos na ang kanyang hitsura. Ngunit ngayong nakatayo siya sa harap ni Christian, bigla niyang naramdaman na para siyang isang pulubi sa tabi ng isang mayamang CEO.Perpekto ang ayos nito. Mula sa maayos na buhok hanggang sa plantsadong damit at mamahaling relo sa pulso nito.Ngunit nakapagtataka, imbes na mailang, hindi na siya gaanong nag-aalala sa kanyang hitsura nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam niya ay hindi na niya kailangang magpanggap sa harap nito.Kaya ngumiti lamang siya nang kaswal bago nagsalita. “Hindi ba’t mas komportableng maging relaxed sa harap ng sarili kong boyfriend?” Bahagya niyang tinaasan ng kilay si Christian.“Subukan mo ring maging mas casual min
Noon pa man, ang relasyon nina Xavier at Ysabel ay matagal nang usap-usapan sa buong syudad. Isa itong uri ng kuwento na alam ng halos lahat sa high society.Ang anak ng pamilya Valerio na handang suwayin ang lahat para sa babaeng mahal niya. At ang babaeng ilang taon ding naghintay sa kanya.Noong una, sinubukan pa ng kanilang mga pamilya na paghiwalayin ang mga ito. Maraming beses na nabalitang tutol ang pamilya Valerio kay Ysabel dahil sa estado nito noon at sa magulong impluwensya ng pamilya Cortez.Ngunit kahit ganoon, hindi kailanman itinago ni Xavier ang nararamdaman nito. Kahit matapos itong ikasal sa kanya, nanatili pa rin itong nakatali kay Ysabel.Lantaran nitong pinoprotektahan. Lantaran pinipili. At lantaran ding hinabol ang tinatawag niyang “tunay na pag-ibig” nang walang pag-aalinlangan.Dahil dito, mas marami pa ang naghihintay na muling magkabalikan sina Xavier at Ysabel kaysa sa mga umaasang magiging maayos ang kanilang kasal ni Xavier. Kaya nang lumabas ang balita
“I have a file here that might interest you. Do you want to take a look?” Mahinahong nagsalita si Christian habang nakaluhod pa rin sa tabi ni Mayumi.Dahan-dahang inangat ni Mayumi ang kanyang mga matang puno ng luha at tumingin sa kanya. Bahagyang nanginginig pa rin ang kanyang mga pilikmata dahil sa katatapos lamang na pag-iyak.Tahimik na inilabas ni Christian ang kanyang telepono bago binuksan ang isang dokumento, pagkatapos ay iniabot niya iyon kay Mayumi.“Basahin mo.”Bahagyang kumunot ang noo ni Mayumi habang ibinababa ang tingin sa screen. Isa iyong ulat mula sa isang car repair facility na pagmamay-ari ng pamilya Valerio.Nang makita niya ang petsa at impormasyon ng sasakyan, bahagyang nanigas ang kanyang mga daliri. Iyon ang sasakyang minamaneho ni Ysabelle noong araw ng aksidente.“Habang iniimbestigahan kita noon, aksidente kong nakuha ang ulat na ito.” kalmadong paliwanag ni ChristianTahimik na ipinagpatuloy ni Mayumi ang pagbabasa. Unti-unting nawala ang kulay sa kany
Parang huminto ang mundo ni Mayumi nang marinig niya ang mga salitang iyon.Noong buong-buo pa ang pagmamahal niya kay Xavier, nagawa niyang isantabi ang sarili at gumawa ng mga kabaliwan, kabilang na ang pagmamakaawang maging sekretarya nito, para lang manatili sa tabi ni Xavier, maalagaan ang tra
MAYUMI’S POVKapag naging pinakamalaking investor ng MK Firm ang Valerio Group, alam ni Mayumi na hindi maiiwasang muli silang magkaharap ni Xavier. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong ugnayan sa asawa.Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Kiel. “Kung gano’n, tanggihan mo,” diretsahang sab
Nang mabuksan na ang pinto ay nanguna siya sa pagpasok. Nakahinga siya nang maluwag nang wala namang kakaiba doon sa loob. Iniimagine niya kasi na nakahandusay na si Mayumi doon at puno ng dugo... wala naman pala.At kabaligtaran iyon ng kanyang iniisip... ang silid ni Mayumi ay malinis. Maayos ang
Agad siyang nagkaroon ng pag-asa kaya napangiti siya nang malaki.“Set an appointment. I want to meet them in person,” saad niya kay Alden. “Sabihin mo rin sa kanila na kung mayroon silang mga kondisyon, basta kayang tuparin ng Valerio Group ay ibibigay natin.”“Yes, sir.” mabilis na tugon ni Alden







