LOGINSa ospital..."Seryoso ka ba?" galit na tanong ni Andra. "Paano magagawa ni Ysabel na humingi ng tawad sa kaniya? Pumayag lang siya dahil mahal ka niya, pero hindi mo naman pwedeng paulit-ulit na lang na saktan ang puso niya nang ganyan!"Mabilis na nakarating sa sambahayan ng mga Valerio ang balita na pumayag si Ysabel na humingi ng tawad kay Mayumi upang mapahupa ang lumalalang iskandalo.At gaya ng inaasahan ng lahat, si Andra ang unang nagalit. Hindi niya matanggap ang naging desisyon ng kaniyang kuya.Halos hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang nagtungo sa ospital kung saan naroon si Xavier. Pagpasok pa lamang niya sa opisina nito ay kitang-kita na agad sa kaniyang mukha ang matinding pagkadismaya at galit."Paulit-ulit mong ipinagpaliban ang kasal niyo nitong mga nakaraang araw," madiing sabi niya. "Iyon pa lang, ipinahiya mo na si Ysabel sa harap ng buong mundo. Tapos ngayon, gusto mo pa siyang humingi ng tawad kay Mayumi?"Tumindi ang panginginig ng kaniyang boses haba
Tahimik lamang na nakinig si Christian. Hindi siya nagsalita kahit minsan. Pinabayaan niyang mailabas ni Mayumi ang lahat ng nasa isip nito.Ipinaliwanag ni Mayumi kung paano siya napilitang muling baguhin ang buong algorithm. Kung paano siya halos hindi natutulog sa loob ng ilang araw upang maiwasan ang anumang legal na problema. Kung paano niya inayos ang bawat kahinaan sa sistema.Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, tila may nakakaalam pa rin ng bawat galaw niya. Sa tuwing may ina-update siya, para bang nauuna pa ring malaman iyon ng Valerio Group.“At ngayon,” mahinang sabi niya, “sila ang unang naglabas ng produkto... at kami naman ang mukhang nanggagaya.”Napahigpit ang kanyang mga daliri sa balahibo ni Inspector. Tahimik siyang natawa, ngunit walang kasiyahan sa tunog nito.“Kumakalat na sa internet na kinopya raw namin ang Valerio Group. May ilan na nagsasabing pareho lang kaming kumpanya. May iba namang nagsasabing magnanakaw ako.”Hindi niya na idinetalye pa ang lahat, hindi
Hindi nagtagal ay nakarating kay Christian ang balitang nagtungo si Steven upang harapin siya ngunit inabot ng matinding sumpong bago pa man iyon mangyari.Tahimik siyang nakaupo habang hawak ang telepono. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman... galit, awa, o pagkamuhi. Marahil ay halo-halo na ang lahat.“Kumusta na si Steven ngayon?” tanong niya.Mula sa kabilang linya ay napabuntong-hininga ang ina ni Steven na si Helena.“Hindi maganda.”Narinig ni Christian ang pagod sa kanyang tinig.“Ang doktor na ipinadala ko upang gamutin siya ay muntik nang mapatay. Lumalala ang kanyang mga guni-guni.”Napapikit si Christian. Sandaling tumahimik si Helena bago muling nagsalita.“At ang pagkahumaling niyang patayin si Mayumi ay mas lumalala habang tumatagal.”Nanigas ang panga ni Christian.“Christian...” Mahina ngunit seryoso ang boses nito. “Dapat mo nang ilabas si Mayumi sa Maynila.”Napaisip si Christian, pero mabilis din niyang ibinasura ang mungkahi. Kilala niya si Mayumi
Bumaluktot ang kanyang mga labi sa matinding poot. "Pinalakas mo ba ang loob niyang iwan ako?" Lalong humigpit ang kanyang mga daliri. "Ninakaw mo siya sa akin!"Nagsimulang mawalan ng hangin ang bodyguard.Umalingawngaw ang mabigat na tinig ni Steven. Punong-puno ng poot, punong-puno ng pagkasira."Ikaw na hayop ka... Dapat kang mamatay!"Bahagya nang nakalawit ang mga paa ng bodyguard habang pilit humihinga. Dahan-dahan ngunit walang awang humigpit pa lalo ang kanyang pagkakasakal.“Sir... ako po ito. Hindi ako...”Halos hindi na mabuo ng bodyguard ang kanyang mga salita. Nakaumbok na ang mga ugat sa kanyang leeg habang desperado siyang humihinga sa pagitan ng nagngangalit niyang mga ngipin. Bawat segundo ay lalong humihigpit ang pagkakasakal ni Steven.Ngunit tila wala itong naririnig. Mas lalo pang namula ang mga mata ni Steven, parang sasabog ang mga ugat sa paligid nito anumang oras. Sa kanyang paningin, hindi na ang bodyguard ang nasa harapan niya kundi ang taong matagal na niy
Hindi pa man tuluyang humihinto ang sasakyan ay bigla nang binuksan ni Steven ang pinto at halos tumalon palabas nito.Napaatras ang bodyguard sa gulat ngunit agad ding sumunod. Sanay na siya sa mga hindi inaasahang kilos ng kanyang amo, ngunit sa pagkakataong ito ay tila may kakaiba sa paraan ng paglabas nito... parang may nakita itong multong matagal nang hinahanap."May nakatayo ba rito kanina lang?" malamig at mababa ang tanong ni Steven habang nakatitig sa malawak na damuhan sa harapan.Napalingon ang bodyguard sa direksyong tinititigan nito... Wala. Tanging ang malawak na luntiang damo ang sumasalubong sa kanilang mga mata. Walang tao, walang anino, walang bakas ng presensya ng kahit sino.Matindi ang sikat ng araw at halos walang gumagalaw sa paligid. Ito ang oras kung kailan nagpapahinga ang mga hardinero at mga tauhan ng Sager Estate.Ngunit hindi na nagtanong pa ang bodyguard. Ilang taon na niyang kasama si Steven, ilang taon na rin niyang nasasaksihan ang walang katapusang
Unti-unting tumigas ang kanyang ekspresyon. Ang sakit sa kanyang mga mata ay napalitan ng malamig na poot. Mahigpit niyang hinawakan ang telepono habang hinihintay na sagutin ni Steven ang tawag.Pagkatapos ay marahan siyang ngumiti... isang ngiting walang init at walang awa. Kung si Mayumi ang dahilan kung bakit nawawala sa kanya si Xavier, kung si Mayumi ang hadlang sa lahat ng kanyang pinaghirapan... kung gayon... kailangang mawala si Mayumi.Ngunit mahigpit na binabantayan ang bawat kilos niya. Mula nang mangyari ang insidente sa ospital, tila hindi na siya nawawala sa ilalim ng mga mata ng mga taong nakatalaga kay Xavier.Saan man siya magpunta, palagi niyang nararamdaman ang hindi nakikitang presensya ng mga matang nakasunod sa kanya. Dahil doon, wala siyang mahanap na pagkakataon upang gumawa ng anumang hakbang.At ngayon, mas lalo pang naging mahirap ang lahat. Nasa ilalim na si Mayumi ng proteksyon ni Christian Sager. Ang pangalang iyon pa lang ay sapat nang magpabago ng isip
“Nabalitaan mong magbabakasyon kami at sinundan mo kami rito nang sadya, hindi ba?” inis na sabi ni Stephanie sa kanya. Maaaring wala na itong maisip na dahilan kung bakit naroon rin siya sa airport.Sa loob ng maraming taong nanirahan siya sa bahay ng Valerio na parang ibong nakakulong sa hawla. W
DONYA CORAZON POV:Pagkaalis ni Mayumi ay maingat niyang binuksan ang regalo nito sa kanya. Sa loob nun ay isang lumbar pillow.Napangiti siya nang makita ang regalo ni Mayumi, matagal nang masakit ang kanyang likod, marahil dahil na din sa katandaan. Madalas niya itong hilutin lalo na kung matagal
XAVIER'S POV:Sa library… prenteng siyang nakaupo sa sofa, marahang tumatambol ang mga daliri sa ibabaw ng tabletop.Sa tapat niya ay ang kanyang amang si Lucio Valerio na tahimik at kanina pa nagbabasa ng mga dokumento ng kompanya.“Dad, hindi mo naman ako pinatawag para lang panoorin kang magtrab
"Mayumi… apo ko… andito ka na ba? Parang ang tagal mo nang hindi bumibisita sa akin, apo. Nasaan ka na ba?” masiglang boses ni Donya Corazon habang papasok ng mansion. Napatingin ang lahat sa matanda.Nakaupo lang siya sa sofa ng marinig ang boses ni Donya Corazon na tinawag ang pangalan niya. Hind







