Partager

CHAPTER 627

Auteur: dyowanabi
last update Date de publication: 2026-09-22 16:06:23

Kinabukasan, nagising si Mayumi sa sunod-sunod na malalakas na katok mula sa pinto ng kanyang apartment. Napapikit siya at napahawak sa sentido nang biglang kumirot ang ulo niya.

“Argh…”

Hangover. Napabuntong-hininga siya habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Napadami ang inom niya kasama sina Patricia at Grace. Last night party na nila iyon bilang magka-roommate bago tuluyang magkahiwalay ang kanilang mga landas at mukhang napasobra talaga ang naiinom niya.

Dahan-dahan siyang buman
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 628

    “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, bahagyang kumunot ang noo. “At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?”Nakatitig lamang sa kanya si Xavier. “Can you please sit?” sambit nito.Napakunot-noo siya. “Why?”“Nahihirapan akong tumingala sa’yo.”Doon lang niya napagtanto na kanina pa pala siya nakatayo sa harapan nito habang si Xavier naman ay nakaupo sa sofa.Napailing siya sa sarili. Lumakad siya patungo sa kabilang sofa at umupo roon, ngunit sadyang may kalayuan pa rin sa pagitan nila.“There. Nakaupo na ako.” Sumandal siya at pinagkrus ang mga braso. “Hindi ka naman siguro magtatagal dito, di ba?” suplada niyang tanong. “Bakit ka nga pala narito?”Nawala ang bahagyang ngiti sa mukha ni Xavier. Biglang lumambot ang ekspresyon nito. “I’m just worried about you.”“Why were you so worried?” diretsong tanong niya.Saglit na natahimik si Xavier. Tumingin ito sa kanya na para bang pinag-iisipan muna kung paano sasagutin ang tanong. Pagkatapos, dahan-dahan itong sumandal sa sofa.“Becau

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME    CHAPTER 627

    Kinabukasan, nagising si Mayumi sa sunod-sunod na malalakas na katok mula sa pinto ng kanyang apartment. Napapikit siya at napahawak sa sentido nang biglang kumirot ang ulo niya.“Argh…”Hangover. Napabuntong-hininga siya habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. Napadami ang inom niya kasama sina Patricia at Grace. Last night party na nila iyon bilang magka-roommate bago tuluyang magkahiwalay ang kanilang mga landas at mukhang napasobra talaga ang naiinom niya.Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Parang umiikot pa ang paligid sa bawat galaw niya. Napangiwi siya at sandaling napaupo sa gilid ng kama habang hinihintay na kumalma ang kanyang ulo.Muli na namang kumatok ang nasa labas.“Sandali!…”Paos ang boses niyang sagot kahit alam niyang hindi naman siya maririnig nang maayos ng taong nasa kabilang pinto. Tumayo siya at maingat na lumabas ng kanyang kwarto, pero bago pa man siya tuluyang makarating sa pintuan, napansin niya ang isang bagay... tahimik na ang buong apart

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 626

    Napakunot-noo si Mayumi. “Meron pa?”“Oo!” sagot ni Patricia. “Matagal na nating binili ’to.”Isa-isang inilabas ni Grace ang mga bote at inilapag sa mesa. Matagal na ngang nakatago ang mga iyon sa refrigerator. Ilang beses na rin nilang napag-usapang uminom, pero nauuwi lang sa pagod at pagtulog. Hindi naman talaga sila palainom. Sa katunayan, halos hindi pa nila nababawasan ang mga iyon.Binili lang iyon ni Grace noon dahil baka sakaling magkaroon sila ng gabing bored sila at kailangan nila ng kaunting pamparelax o gaya ng biro nito, pampatulog.Pero ngayong gabi mukhang iyon na ang panahon na mauubos nila iyon. Isa-isang inayos ni Grace ang mga bote sa ibabaw ng mesa habang nakangiti nang malapad.“Mayumi, mukhang ngayon natin mauubos lahat ’to.”Napatingin siya sa dami ng inilabas nito. “Lahat?”“Oo.”“Grace, tatlo lang tayo!“So? Naplano mo nang aabsent ka di ba?” Wika ni Grace. "Pero kami hindi pwedeng mag absent. HIndi naman kami boss katulad mo, may boss kami at hindi kami p

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 625

    Natigilan siya. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Para bang may kung anong dumampi sa puso niya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya ngumiti na lamang siya habang pilit na pinipigilan ang panibagong pagluha.Sa huli, hindi na napigilan nina Grace at Patricia ang kanilang emosyon, isa-isa nila siyang niyakap. Parang ayaw nilang basta-basta matapos ang sandaling iyon.“Mag-ingat ka rito, Mayumi,” bulong ni Grace. “Hindi mo na rin naman kami kailangan dito dahil wala nang banta sa buhay mo.”Tumango si Patricia. “At saka… nagbago na rin si Sir Steven.”Bahagyang napakunot ang noo ni Mayumi. “Si Sir Steven?”“Oo.” Ngumiti si Grace. “Nagbago na siya. Binago na rin siya ng pag-ibig.”Napakurap si Mayumi. “Kilala n’yo rin si Steven?” Tila nagulat siya.“Syempre naman.” Napatawa si Patricia. “Lahat ng nasa Sager family, kilala namin.”Napailing siya habang natatawa. Hindi niya akalaing pati ang mga taong inakala niyang simpleng kasama lang niya sa apartment ay may koneksiyon pala s

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 624

    “Alam din naming nabubuking mo na kami,” natatawang sabi ni Patricia. “Pero hindi ka lang nagsasalita dahil alam mong papagalitan kami ni Boss Christian kapag nalaman niyang sinabi namin sa iyo.”Napangiti siya nang bahagya. Typical Christian. Kahit wala na ito, parang naririnig pa rin niya ang boses nito sa paligid… Take care of her.“May isa pa kaming ibibigay sa iyo,” sabi ni Patricia.Napatingin siya rito. “Ano?”Tumayo si Patricia at kinuha ang isang brown envelope mula sa ibabaw ng mesa, iniabot iyon sa kanya.“Sa iyo ang building na ito, Mayumi.”Nanlaki ang kanyang mga mata. “What?”“Nakapangalan na ito sa iyo.”Hindi agad niya kinuha ang envelope.“Binigay ito ni Boss Christian sa iyo.”Unti-unti niyang tinanggap ang mga papeles.“Ako mismo ang nag-asikaso ng papers nito,” pagpapatuloy ni Patricia. “Alam ni Boss na hindi mo tatanggapin ang mansion.”Napayuko siya. Totoo iyon, hindi niya kayang tumira sa mansion ni Christian nang wala na ito. Masyadong maraming alaala roon, ma

  • DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME   CHAPTER 623

    Hindi na siya hinintay pa ng dalawa na magbago ang isip niya. Lumabas na siya ng bahay. Pagkasara ng pinto sa kanyang likuran, huminga siya nang malalim, wala namang sumunod sa kanya. Mabuti na rin iyon.Pagdating sa labas, agad siyang nag-abang ng taxi. Hindi naman siya naghintay nang matagal dahil may taxi ring dumaan at agad siyang nakasakay.Pagkapasok niya, sumandal siya sa upuan at tuluyan nang hinayaan ang sarili na makapagpahinga. Napapikit siya sandali. Ngayon… Okay na ang love life ni Kiel… sigurado siya roon. Hindi na magiging bugnutin ang kaibigan niya araw-araw dahil sa pagiging single nito. At least, hindi na niya kailangang makinig sa walang katapusang reklamo ni Kiel tungkol sa pagiging malas nito sa pag-ibig.Napangiti siya. Thanks to her, napadali niya ang paglapit nito kay Miranda. At kahit papaano, ipinagmamalaki niya ang sarili niya.“Achievement unlocked,” mahina niyang bulong, saka napangiti.Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, unti-unting nawala ang ngiti

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status