Share

Chapter 2: EX BOYFRIEND

Hindi pa siya umuwi ng unit niya, nagtanggal lang siya ng white gown at dumiretso sa bar. Sinikap niyang hindi ipakita kay Red kanina ang sakit na nararamdaman niya. Ayaw niyang isipin nito, worth it ang pananakit nito sa kaniya. Ganoon naman kasi ang mga lalaki, lalo na si Red, aminado naman siyang nagkulang siya bilang girlfriend, pero shempre hindi pwedeng unahin niya ang lalaki kaisa sa propesyon niya.

Sa lalaki kasi panandaliang saya lang ang makukuha niya, sa propesyon niya, iyon mismo ang bumubuhay sa kaniya. Malamang unahin niya talaga ang trabaho. But for Red Cuevas naman ang propesyon niya ay tinuturing nitong karibal at panigurado dahil sa panlolokong ginawa nito sa kaniya at pakikipaghiwalay with those words na wala siyang time thingy, inaasahan nitong makitang nagsisisi siya. Pero pinakita niyang mali ito ng inakala dahil pumayag siya sa hiwalayan na walang pagdadalawang isip.

Anong laban ba ng Red Cuevas na iyon sa pride niya? Isa siyang kilalang doctor Top 1 Cardiothoracic Surgeon in a high-ranking hospital at bukod doon, maraming lalaking nagkakagusto sa kaniya, paborito pa siya ng Chief Medical officer, gano'n din ng Presidente ng Hospital at sa lahat ng doctor siya lang ang nabigyan ng chance na makasabay sa pagkain ang Chairman, at pamangkin siya ng isang Senior Surgeon.

Marami siyang achievements na nakamit, hinahangaan ng nakakarami dahil sa dami ng buhay na naisalba niya. Bakit naman siya manghihinayang sa isang Red Cuevas na...oo nga isa ito sa mga tagapagmana mana ng Cue Hotel na isa ring high-ranking hotel rin in Singapore, ganoon din sa Pilipinas.

Pero hindi rin naman magpapatalo ang bloodline niya, isa rin siyang Abernathy daughter, ang may-ari ng Abertoy—Abernathy's toy company, na may maraming koneksyon at may mataas na impluwensya sa larangan ng negosyo. Kawalan ba si Red? Shempre hindi, iyon nga lang, masakit para sa kaniya ang iwanan ulit.

Sa kabila ng kagandahang taglay niya, galing niya bilang doctor, sa pagiging anak mayaman niya, palpak naman lagi ang love life niya.

Maraming nagsasabi, ayos lang walang love life, mabubuhay pa rin naman na walang boyfriend pero ang linya na iyon, ay linya lang ng karamihan nasa edad 18, 19, 20 or 20 pataas. Pero, she's 36 now, sadyang looking young lang talaga siya, kaya lagi siyang napagkakamalan na nasa 20's pa lang at sa case niya, malapit na siyang maabutan ng last trip.

Ayaw niyang tumandang dalaga, gusto niyang mag-asawa, magkaanak, katulad ng kapatid niya. Pero paano niya makukuha iyon? Kung kahit siya, hindi kayang magbigay ng tiwala sa mga lalaki. Once makarinig siya ng salitang 'I love you, Avery' matik na sa kaniya na huling maririnig niya bago matapos ang relasyon ay 'let's end this, Avery. I want to break up with you, Avery. I'm tired, Avery. We're done now, Avery.

Dahil sa mga memories na iyon halos sasabog ang utak niya sa dami nito. Kinuha niya ang baso ng alak sa bar counter at tinungga ito. Pabagsak niyang binalik ang baso at sumenyas ng, "One more."

Titig na titig sa kaniya ang bartender lalo na kung paano niya tinungga ang alak. Nagbigay rin ito ng isa pa. Tig-iisang lagok lang ang ginawa niya bawat tagay nito, paulit-ulit. Gusto lang niyang malasing kasi ayaw niyang ma-stress sa kakaisip sa mga walang kwéntàng lalaki sa buhay niya.

Nang makaramdam siya ng panghihilo, natawa siya. "Búllshít! Why is it still on my head?" Tumingin siya sa bartender. "Do you have any wine mixed with something that can erase negative thoughts?"

Malabo na ang mukha nito sa paningin niya, pero panandalian lang at bumabawi rin agad. Dahil ramdam niya ang panghihilo, masasabi niyang tinatablan na siya ng alak at hindi na rin niya sigurado kung kaya niyang umuwi mag-isa. Tumikhim ang bartender at sinabing, "You're drunk, Miss. And even if you're drunk you still can't forget your problem unless you sleep."

"Sama ng ugali mo, ganiyan ka ba mag-comfort ng brokenhearted?!" singhal niya rito.

"What?" Hindi nito na gets ang sinabi niya.

"What, what ka diyan. Don't you know me?" Dinuro niya ang dibdib niya. "I'm the top 1 Cardioso...ric bla bla Surgeon at Cashimir University Hospital!" singhal niya kahit trying hard na siya pagbigkas mga salita. "I'm a skilled doctor...and I've been chosen to lead the surgery on the grandson of the Chairman of Naiara Airlines. They have entrusted me.. with this impor—" Suminok siya. "—tant task, which highlights their confidence in my abilitiez! But imagine that?" Suminok ulit at tumawa ng pagak. "Top 1 Cardiothoracic Surgeon ako pero pinagpalit ako ng walang hiyang boyfriend ko sa top 2?!"

Pinalo niya ang bartop, wala siyang pakialam kung may nagugulat man siya o kung may magrereklamo man.

"C-Congratulation then," ani ng bartender tila natakot sa kaniya.

Uminit ang ulo niya kaya sinigawan niya ito. "Anong Congratulations?! My boyfriend cheated on me! Even though....I was top 1! Congratulations?!"

"A-Ah...okay! Hehe," anito, "I don't understand your native language so I'm sorry."

Mas lalo siyang nainis kaya tumayo siya at akma niya itong inabot, pero umatras ito habang sumisigaw siya, "Edi mag-aral ka ng tagalog! Bóbó ka pala eh! Dapat alam mo mag-tagalog para maintindihan mo ako, kainish ka ah!"

"Woah! Woah!" sabi naman nito, nagtataas ng dalawang kamay. "Calm down okay? You're just drunk!"

"Calm down mo mukha mo, Lumapit ka dito!" Dahil hindi niya ito maabot, pinalo niya bartop. "Lapit! Hindi mo ako maintindihan? Wala ka bang common sense? English naman ang boyfriend ah, bakit hindi mo gets na brokenhearted ako, tapos kinongratulate mo pa? Ang sama ng ugali mo! Lapit!"

Pero may humawak sa braso niya mula sa likuran at sinabing, "I think you may have forgotten that you are currently in Singapore and not in the Philippines. Generally, people here don't understand Tagalog unless they're Filipino."

Hinila siya nito palayo roon. Wala siyang kakayahang mag-protesta dahil umiikot ang buong paligid niya. "At shino ka naman ha? Bitawan mo ako!" Hinila niya ang kamay niya.

Nahila niya ito pero nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. "Stop making a mess," anito at nag-squat sa harap niya.

Naramdaman niya ang kamay nito sa mga binti niya at ang isa ay nakayapos sa balikat niya. Ibig sabihin, bubuhatin siya nito kaya nag-protesta siya kahit lasing, "Bitawan mo nga ako. Shino ka ba ha? Feeling hero ka! Tingin nga ng mukha mo."

Pinikit niya ang isa niyang mata upang maklaro ang mukha nito. Hindi sapat ang ilaw sa paligid para maklaro ito pero pagtingin niya sa mukha nito, nakita niya ang mukha ng first ex-boyfriend niya. Ang unang nagsabi sa kaniya ng I love you, Avery at Let's break up. Lucas Carterson.

Tatlong araw lang ang official relationship nila noon pero dumaan ang maraming taon hindi pa rin niya ito nakakalimutan. Kung baga sa lahat ng naging boyfriend niya ang Lucas Carterson na iyon ang mas minahal niya, ang mas sumira sa tiwala niya sa mga lalaki. Ito rin kasi ang may pinaka-asshole na ginawa.

Pinapunta lang naman siya sa isang lugar noon para makipagkita pero hindi siya nito sinipot at pinadalhan lang ng mensahe na, "Let's break up." Dahil inosente siya sa pakikipagrelasyon, at talagang first relationship niya iyon in her whole life hindi maganda ang naging epekto sa kaniya.

Nagawa niya ang isang bagay sa sarili niya hindi naman niya dapat ginawa. Iyon ang mas hindi niya matanggap sa lahat kasi umiyak siya, sinaktan niya ang sarili physically dahil lang sa tatlong araw na relationship. Sampal sa ego niya ang memory na iyon na hanggang ngayon naalala pa rin niya.

Tumawa siya habang dinutdot-dot ang pisngi nito. "Hindi ko talaga gets...bhakit laging nakikita ko ang mukha na ito kahit hindi naman yan ang totoo mong mukha! Namalik-mata na naman ako, kairita! Hindi ikaw siya, di ba?!" sigaw niya.

"You're just drunk," anito, at binuhat na siya ng tuluyan. Ramdam niya ang dàíng nito sa bigat niya.

"Alam ko," sagot naman niya, nagpaubaya na lang kung saan man siya nito dadalhin.

"Give me your address," anito.

"Ayoko," pagmamatigas niya.

"I'll take you there."

Tila nasa labas na sila, ramdam na niya ang malamig na hangin pero. Gusto niya iyon para maibsan ang init ng alak sa katawan niya.

"Sabing ayoko. Ayokong umuwi, for sure nandoon si Red. Babalikan ako noon kasi hindi niya nakita na nasaktan ako sa break up namin," aniya at tumawa. "Shempre babalik siya kasi shayang ako, at pinakita ko sa kaniya na hindi siya kawalan."

"Yabang ah," komento naman ito.

"Bakit hindi ba ako maganda?" tanong niya, pilit na dinidilat ang mga mata, at ang mukha na nakikita niya ay ganoon pa rin.

Hindi ito sumagot, naramdaman na lang niya na pinasok siya nito sa sasakyan.

Hindi niya alam kung ano ang sunod na nangyari. Pero sa muling pagdilat niya, walang nagbago, nahihilo pa rin siya at kasalukuyan siyang pinapahiga ng lalaking mukhang Lucas sa kama.

"Kamukha mong ex-boyfriend kong pinakagágó sa lahat," aniya.

"Looks like you've had a lot of exes," komento nito.

Humagikhik siyang nakapikit at tinama ang term, "Toyz!"

Hindi ito nagsalita, minulat lang niya ang mga mata niya. Pinasingkit dahil hindi nagbabago ang mukha nito sa paningin niya. At ang weird lang dahil, hindi common na mukha nito sa nakikita niya, tuwing namamalik-mata. Mas naging gwapo ito ngayon, iba na rin ang hairstyle, pero blonde pa rin ang kulay, iyon nga lang mas maging manly ito lalo.

Humagikhik siya, at sinabing, "Weird."

"Weird?" tanong nito.

Binaba niya ang paningin niya sa dibdib nito. Maging hubog ng katawan nito nag-improve. Nakabukas pa ang pulo nito, at kitang niya ang nagtitigasang bahagi nito sa tiyan pumuputok sa panloob na suot nito. Dahil doon nakaramdam siya ng init sa katawan. Hinawakan niya ang bagay na iyon, tila hinahayaan naman siya nito.

Bumababa ang kamay niya, diretso sa pagka-láláki nito. Walang alinlangan niyang pinisil-pisil iyon, kaya inasahan na niyang magtatanong ito, "What are you doing?"

Bumangon siya. Pinanood nito ang ginagawa niya. Luminaw sa paningin niya ang mukha nito pero ganoon pa rin, still Lucas Carterson. Sa harapan nito, hinatak niya ang tali ng kaniyang blouse. Pinaalalahanan pa siya nito, 'You're drunk, Plushiefish."

Pati pagtawag nito sa kaniya, Lucas talaga.

Pero lumapit siya rito. Ayaw na niyang palagpasin ang pagkakataon na si Lucas ang nakikita at naririnig niya ngayon. Kung sino man ang lalaking ito basta si Lucas ang nakikita niya ayos lang, basta Lucas.

Pinulupot niya ang braso niya sa batok nito. Hinalikan niya ito sa labi, at ramdam niya ang init nito, pero tinulak siya nito ng bahagya, nagmatigas lang siya kaya dikit pa rin ang mga labi. "You're not thinking clearly right now, okay? Please don't go through with this," suway nito sa pagitan ng kanilang mga labi.

Imbis na makinig, mas diniin niya ang halik. Gumaganti ito nang bahagya. "Lashing ako pero 'lam ko ang ginagawa ko and I want you thish time," bulong niya.

Ilang beses itong nagprotesta pero sa huli bumigay din. Nakita na lang niya ang sarili niyang wala nang saplot, ito naman pumaibabaw sa kaniya at pinaliguan ng halik ang buong katawan. Mula labi, baba sa panga, sa tenga, sa leeg hanggang sa umabot na ito, mabundok na bahagi niya. Bumaba pa ito at nilasap nito ang paboritong parte ng katawan niya.

Kalaunan, napanganga na lang siya at napaúngól ng maramdaman niya ang kahabaan nito sa loob niya. Halos hindi niya nasubaybayan ang bawat step na ginagawa nila pero ramdam na ramdam ng katawan niya ang sarap. Umulos ito ng paulit-ulit sa loob niya, panay ang ungol niya habang pinupuri ang laki nito. "Lucas! Ahh! Shít! Hang galing mo! Shana totoong Lucas ka na lang."

Napapaliyad siya sa tuwing umiindayog ito sa ibabaw niya. Sinasabayan niya rin minsan para mas ganado ito. Ramdam rin niyang nanggigigil ito sa kaniya lalo na kung paano nito hawakan ang leeg at panga niya at lukumusin ng halik ang mga labi niya.

"Yes Ave, it's me, Lucas. It's real Lucas, not just an imagination, it looks like you missed me a lot."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
iloveu fafa lucas...hehehehe..kainis kinilig ako sau....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status