Share

Chapter 8: DARE

Tila lahat ng pulso sa katawan niya tumibok. Bumalatay ang malakuryenteng pakiramdam sa buong sistema niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya, halos mabingi siya lalo na't sa bawat galaw ng labi nito, tila namamarusa.

Hindi siya makagalaw, hawak nito ang batok niya na ubod ng higpit, at ang isang kamay naman nito ay nasa likuran niya. Sinikap niyang itulak ito, pero kulang ang lakas niya. Natatalo rin kasi ng kaba ang katawan niya lalo na ang sensasyon na nararamdaman niya.

"Hoy! Masyado ka nang namimihasa, bitawan mo ang kaibigan ko!" Hinihila ito ni Fawn. Ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkayakap sa kaniya kaya wala rin itong magagawa. "Ano ba?! May boyfriend iyan, bakit mo hinahalikan! Hoy!"

Bingi ito, parang balak pa nitong patagalin ang halik at sumasang-ayon ang katawan niya ngunit ng sabihin ni Fawn, "Sir Jaxon help!"

Bigla itong kumalas sa kaniya. Hingal na hingal silang pareho. Galit siyang napa-ayos ng buhok, at napatingin sa labas. Dumating nga ang Presidente
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status