Share

Chapter 5

Penulis: Cathy
last update Tanggal publikasi: 2026-07-27 11:34:28

CHLOE POV

CHLOE POV

“Ahh... ang sakit...”

Mahina akong napaungol habang nakabaluktot sa kama. Mariin kong hawak ang aking ulo na tila ba sasabog anumang oras. Pakiramdam ko'y gusto ko na lang itong ihampas sa pader para matapos na ang napakasakit na kirot.

“M-Mama... please... tulungan mo ako...” halos pabulong kong iyak.

Kahit nanginginig ang buong katawan ko, pinilit kong gumapang patungo sa bedside table. Nanginginig ang aking kamay nang buksan ko ang maliit na drawer at kunin ang bote ng mga gamot.

Isa lang ang natitira kong painkiller.

Hindi na ako nagdalawang-isip.

Mabilis ko iyong nilunok at marahang sumandal sa ulunan ng kama.

Napapikit ako habang mariing kinukuyom ang kumot.

“Chloe... kakayanin mo ito,” mahina kong bulong sa sarili. “Ilang buwan na lang... matatapos na rin ang lahat. Kailangan mong magtiis. Hindi ka dapat sumuko... dahil alam mong ang sakit na ito ang siyang kukuha sa'yo, hindi ang sarili mong pagkawala ng pag-asa.”

Kasabay ng mga salitang iyon ang walang tigil na pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi.

Halos kalahating oras ang lumipas bago unti-unting humupa ang sakit ng aking ulo. Nanatili pa akong nakahiga nang halos isang oras hanggang sa maramdaman kong kaya ko nang bumangon.

Nagugutom na ako.

Kailangan kong kumain upang mainom ang iba pang mga gamot na inireseta ni Trexie.

Hindi para gumaling.

Kundi para kahit paano'y maibsan ang sakit na araw-araw kong pinapasan.

Matapos kong ayusin ang aking sarili, dahan-dahan akong lumabas ng silid at nagtungo sa kusina.

Ngunit pagpasok ko pa lamang...pakiramdam ko, parang huminto ang tibok ng puso ko.

Nakatayo si Jerome sa harap ng kalan habang abala sa pagluluto.

At sa likuran niya...mahigpit siyang niyayakap ni Elara.

Kung hindi ko sila kilala, iisipin kong bagong kasal ang dalawa.

“Hon,” malambing na sabi ni Elara habang nakasandal ang pisngi sa likod ni Jerome. “Matagal pa ba? Gutom na gutom na ako... pati ang baby natin.”

Parang nabingi ako.

Napahawak ako sa aking bibig habang unti-unting lumabo ang aking paningin.

Baby?

Ibig sabihin...

Buntis si Elara?

Hindi ko namalayang napahawak din ako sa sarili kong tiyan.

Buntis din ako.

Ngunit magkaibang-magkaiba ang magiging kapalaran ng aming mga anak.

Ang anak niya ay hinihintay.

Samantalang ang anak ko...hindi ko man lang alam kung magkakaroon pa ba ng pagkakataong maisilang.

“Malapit na, Hon,” malambing na sagot ni Jerome. “Konting sandali na lang.”

Napapikit ako. Hindi ko na maalala kung kailan niya huling ginamit sa akin ang ganoong klaseng boses.

Iyong puno ng lambing Iyong puno ng pagmamahal.

Dahan-dahan akong umatras.

Balak ko na sanang umalis nang marinig ko ang pagtawag ni Elara.

“Chloe?”

Napahinto ako at marahang humarap sa kanila.

“Naku... pasensya ka na talaga,” ani Elara na tila ba nahihiya.

“Pasensya?” tanong ko. “Para saan?”

Saglit akong napatingin kay Jerome.

Matalim ang tingin niya sa akin, para bang naghihintay lang siyang magkamali ako.

“Naisip ko lang kasi...” mahina niyang sabi. “Baka magalit ka na nandito ako. Kung gusto mo, aalis na lang ako.”

Halata ang pag-arte sa bawat salita niya.

Kilala ko si Elara. Alam kong gusto niyang magmukhang kawawa sa harapan ni Jerome.

“Ayos lang,” kalmado kong sagot. “Walang problema. Kung gusto mong manatili rito, wala akong tutol.”

Hindi pa man ako tapos magsalita ay biglang sumabat si Jerome.

“Chloe!”

Mataas ang boses niya. Mabilis siyang lumapit at mahigpit akong hinawakan sa braso.

“Huwag kang magkunwaring mabait kay Elara!”

Napapikit ako sa higpit ng pagkakahawak niya. Masakit iyun at alam kong mag-iiwan na naman ito ng pasa sa braso ko.

“Alam kong nagpapanggap ka lang dahil nandito ako. Pero kapag nalaman kong sinaktan o binully mo siya, hindi kita patatawarin.”

Parang may humawak sa puso ko at unti-unting pinisil iyon.

Masakit. Napakasakit.

Pero wala na akong lakas para makipagtalo.

“Tingin mo ba, nagsisinungaling ang mga mata ko?” mahina kong tanong. “Jerome... mahal pa rin kita. At alam mong wala akong ibang hangad kundi ang makita kang masaya.”

Tumitig lang siya sa akin. Walang bakas ng emosyon.

Unti-unti kong tinanggap ang katotohanang wala na akong maipaglalaban.

May taning na ang buhay ko. At kung may isang bagay man akong gustong makita bago ako tuluyang mawala...

Iyon ay ang makita siyang masaya. Kahit hindi na ako ang dahilan ng kaligayahang iyon.

“Stop acting,” malamig niyang sabi. “Alam kong may masama kang binabalak kay Elara. Tandaan mo, buntis siya. At ayokong makarinig ng kahit anong reklamo na inaapi mo siya.”

Napayuko na lamang ako.

“Asahan mo,” mahina kong tugon, “hindi ko siya sasaktan.”

Sandali akong napatitig sa kanya.

At sa isang iglap, tila nakita kong bahagyang lumambot ang kanyang mga mata.

Ngunit mabilis ding nawala iyon.

Marahil, namalikmata lang ako.

At wala na akong panahon para isipin kung may natitira pa ba siyang pagmamahal sa akin.

Ang oras ko sa mundong ito ay unti-unti nang nauubos.

“Tapos na akong magluto,” malamig niyang utos. “Ikaw na ang maghain sa dining table. Kakain na kami ni Elara.”

Napapikit ako sandali. Pagkatapos ay marahan akong tumango.

“Sige.”

Tahimik kong inilapag ang mga plato at isa-isang dinala ang mga pagkain sa hapag.

Tutal...kailangan ko rin namang kumain. Hindi dahil gusto ko pang mabuhay.

Kundi dahil kailangan kong inumin ang mga gamot na pansamantalang nagpapatahimik sa sakit na unti-unting kumikitil sa aking buhay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Maria Catalina
may tanga na naman akong kainisan hay nako.
goodnovel comment avatar
love
layasan mo na kaya
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
sana umalis na sya dyan at magpapa gamot sa ibang bansa
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 113

    JEROME POV "JEROME...hindi! Hindi mo pwedeng gawin iyan.'' sagot din naman ni Mark sa boses na kinakabahan. Nakita ko ang bigla niyang pamumutla kaya naman kaagad na din napatitig si Trexie sa asawa. "Ano ang ibig sabihin ni Jerome?' tanong ni Trexie Biglang napaseryoso si Mark. Tumitig sa asawa bago nagsalita "Hindi natin pwedeng kontrahin ang pinsan mo. Kung patuloy natin siyang gagalitin, paano na ang kumpanya?" sagot ni Mark "Hindi ko maintidihan. Mark, paano nasali sa usapang negosyo si Jerome?" nagtatakang tanong ni Trexie kay Mark "Mahabang usapin. Sa ngayon, iisa lang ang takbo ng usapan na ito...huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Hayaan mo silang tatlo ang mag-usap. Simula ngayong araw, gusto kong huwag ka nang makialam sa problema nila.'" seryosong wika ni Mark Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla na lang niyang hinawakan ang asawa niyang si Trexie sa braso at hinila patungo sa sasakyan "Hindi pwede! Paano si Chloe?" galit na tanong ni Trexie Pero, hindi na

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 112

    JEROME POV "JEROME, nasaan si Chloe?" salubong na tanong sa akin ni Trexie pagkalabas ko. Katabi niya ang asawa niyang si Mark pati na din ang lalaking umagaw kay Chloe sa akin "Ano ang ginagawa niyo dito?" malamig ang tono ng boses na tanong ko. Kaagad namang lumapit si Mark sa akin. Ang asawa ng pinsan kong si Trexie "Bro, pakawalan mo na si Chloe. Hinahanap na siya ng kanyang asawa at anak." seryoso niyang wika Mapakla naman akong tumawa "Hinahanap siya ng asawa niya at anak? At ako, ano ang tawag niyo sa akin? Hindi ba't ako ang asawa ni Chloe?" seryosong sagot ko "Jerome Montefalco, nasaan si Chloe? Hindi pwede itong ginagawa mo sa amin! Ibalik mo sa akin si Chloe kung hindi magkakagulo tayong dalawa." sabat naman ni Francis. Matalim ang mga matang tinitigan ko siya "How dare you para pagbantaan ako. Mr. Francis Arroyo!!! Alam mo, hindi pa tayo nakakapag-toos. Hindi pa kita nabalikan sa ginawa mong pagtangay noon kay Chloe sa hospital." galit kong wika "Wala k

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 111

    JEROME POV "SECOND CHANCE? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang second chance na hinihiling mo ay para lamang iyon sa mga taong wala nang sabit. Jerome. may asawa at anak na ako, at masaya na ako sa piling nila." seryosong sagot naman ni Chloe sa akin Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at mas lalo akong nasasaktan dahil sa tuwing humahakbang ako palapit sa kanya, unti-unti naman siyang umuorang palayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. "Huwag kang lumapit." seryoso niyang wika. Parang nahahapo ako na napahinto sa paghakbang. "Kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko, hindi ka babalik sa lalaking iyon." seryoso kong wika sa kanya "A-ano? Hindi! Hindi maaari!'" sigaw niya "Chloe, husgahan man ako ng lahat ng tao sa buong mundo...magalit man sa akin ang lahat, hindi na magbabago ang desisyon ko. Dito ka lang sa tabi ko....at tuturapin na natin ang pangako natin sa isa't-isa noon na magsasama tayo sa hirap a

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 110

    JEROME POV "ANO ang ginagawa mo? Sinabing bitiwan mo ako eh. Jerome!" narinig kong galit na sigaw ni Chloe Pero, nagbingi-bingihan ako. Tuluyan na kasi talaga akong kinain ng matinding pagnanasa. Pagnanasa na kay tagal kong tiniis sa loob ng labing tatlong taon. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong tikman muli ang matamis niyang labi Pero, nang angkinin ko na ang labi niya, mariin kong naipikit ang aking mga mata nang bigla na lang iyong kagatin ni Chloe At sa lakas noon, kaagad kong nalasahan ang dugo sa sarili kong bibig. "I hate you!" galit na sigaw ni Chloe sa akin at hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niyang pagkagat sa akin ay sunod kong naramdaman ang pagtama ng palad niya sa pisngi ko Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin, pakiramdam ko bigla akong nagising sa katotohanan "Bastos! Walang modo!" galit na sigaw niya sa akin .HInayaan kong makawala siya mula sa pagkakadagan ko at kusa siyang gumapang palayo sa akin Ako naman, tulala na nakatitig lang sa kany

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 109

    JEROME POV "CHLOE...nagugutom ka na ba? Kaunting tiis lang, umorder na ako ng makakain nating dalawa sa labas. Kung magluluto pa kasi tayo, wala nang time eh." nakangiti kong wika. Gusto ko nang baguhin na namin ang topic namin. Gusto kong huwag na naming pag-usapan ang aming nakaraan. Lalo na at alam kong mas lalo lang kaming masasaktan pareho Siguro nga, simula ngayong araw, iiwasan ko nang bangitin ang aming nakaraan. Magkasama na kaming dalawa ngayon at siguro, bubuo na lang ulit kami ng panibagong magagandang alaala. Hindi ko na siya kayang makitang umiiyak. Kung nasasaktan siya sa mga ginagawa ko ngayon, mas nasasaktan ang kalooban ko na makita siyang nahihirapan "Jerome, uuwi na ako sa bahay. Baka, hinahanap na ako ni Cheryl. Kawawa naman ang anak ko." lumuluha niyang wika sa akin Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom nag kamao ko. Sa totoo lang, naiinis ako na marinig ang mga salitang palagi niyang binabangit sa akin Uuwi siya ng bahay dahil namimiss daw ang anak

  • DON'T REGRET WHEN I'M GONE   Chapter 108

    JEROME POV Nasaan si Chloe? Kung kasama mo siya, ibigay mo sa kanya ang cellphone. Gusto ko siyang makausap." halos sumigaw na si Trexie habang sinasabi ang bagay na iyon Kaagad akong napatitig kay Chloe. Nakaupo na ito ngayon sa living room at halatang masama ang loob nito. "Okay lang si Chloe. Kung gusto mo siyang makausap, not now!' sagot ko din naman kay Trexie Siya na yata ang pinakamakulit na tao na nakilala ko. Pinsan ko siya, kadugo ko siya pero bakit sa ibang tao siya pumapanig? "Jerome...hindi mo pwedeng ikulong si Chloe sa isang lugar na ayaw niya!'" naiinis na sagot naman ni Trexie 'Hindi ko siya ikinukulong. Ang gusto ko lang ay ibalik siya sa dati niyang kalagyan." seryoso kong sagot "Dating kalagyan? Ano ang palagay mo sa kaibigan ko? Gamit na pagkatapos mong hindi pahalagahan, basta mo na lang pulutin at muling angkinin?" yamot na sagot ni Trexie sa kanya "Kahit kailan, hindi ko itinuring na parang isang gamit si Chloe. Mahal ko siya. Asawa ko siya.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status