LOGINCHLOE POV
“What are you doing?” Malamig at puno ng disgusto ang tinig ni Jerome. Nagulat ako nang bigla niyang hablutin ang plato na hahawakan ko pa lamang. Sa isang iglap, buong lakas niya iyong ibinato sa sahig. Nagkalat ang basag na porselana sa buong dining area. Napaatras ako sa matinding gulat. Hindi ko namalayang nanginginig na pala ang buong katawan ko. Katatapos ko lamang ihain ang lahat ng pagkain. Akala ko... kahit papaano ay maaari akong makisalo sa hapag, gaya ng isang normal na asawa. Ngunit mali pala ako. “Hindi ka pwedeng sumabay sa amin,” malamig niyang sabi. “Hindi mo ba nakikita ang kusina? Ang dami pang hugasin. Linisin mo muna ang lahat bago ka kumain.” Hindi ako agad nakasagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang unti-unting bumibigat ang dibdib ko. Sa harap mismo ng babaeng ipinagpalit niya sa akin... Sa sarili naming bahay...ginagawa niya akong katulong. “Jerome...” halos pabulong kong sabi. “Asawa mo ako.” Isang mapanuyang tawa ang kumawala sa kanyang labi. “Asawa lang kita sa papel.” Humakbang siya palapit kay Elara at buong lambing itong inakbayan bago hinalikan sa noo. “Hindi sa puso.” Parang may humawak sa puso ko at dahan-dahang piniga iyon. Pitong taon... Pitong taon kong iningatan ang lalaking ito. Pitong taon kong tiniis ang bawat malamig niyang salita sa pag-asang isang araw ay babalik ang lalaking minahal ko. Ngunit ngayon..sa wakas ay naunawaan ko. Matagal na pala siyang nawala. Wala na pala talagang kwenta ang ipinaglalaban ko. “Kung ganoon...” nanginginig kong sabi habang pinipigilan ang paghikbi. “Maghiwalay na tayo.” Biglang nagsalubong ang makakapal na kilay ni Jerome. Samantalang si Elara, hindi niya man lang naitago ang saya sa kanyang mga mata Kunwari pa siyang nagulat, ngunit kitang-kita ko ang ngiting pilit niyang ikinukubli. “Honey,” malambing niyang sabi habang hinahaplos ang sariling tiyan. “Hindi ba't may draft ka na ng divorce agreement? Baka ito na ang tamang panahon para pirmahan niya.” Para akong nawalan ng hangin. Biglang sumikip ang dibdib ko. Napaupo ako sa pinakamalapit na upuan dahil pakiramdam ko'y anumang sandali ay babagsak ako. Marahil ay dahil sa sakit o marahil dahil sa tumor na unti-unti nang kumikitil sa buhay ko. “Go,dalhin mo rito ang papeles. Pipirmahan ko.” Mahina kong bigkas. Pagkatapos kong sabihin ang bagay na iyun, biglang tumahimik ang buong paligid. Ang mga mata ni Jerome ay mas lalo pang nagliliyab dahil sa galit. Ngunit, pagkalipas lang ng ilang sigundo, muli siyang nagsalita “Anong drama na naman 'to, Chloe?” halos dumagundong ang boses niya sa buong paligid. “Pipirma ka? Para ano? Para palabasin sa lahat na ako ang masamang asawa?” Sa narinig kong iyun, hindi ko na mapigilan ang matawa. Masama? Ang lagay na ito, hindi pa ba siya masama? Halos alam na lahat ng mga kaibigan at kakilala namin ang tungkol sa pagkakaron niya ng relasyon sa ibang babae! “Hindi ba't iyon naman ang katotohanan? Ano pa bang silbi ng pagsasama natin kung wala ka nang pagmamahal para sa akin?” nanginginig ang boses na sagot ko. Hindi siya nakaimik pero hindi niya din inaalis ang pagkakatitig niya sa akin. Samantalang ako naman, pilit kong huwag bumigay sa harapan niya. Kauntig kaunti na lang talaga at feeling ko, mmawawala na ako sa ulirat. “Jerome…iyung lahat ng ibinintang mong utang ko sa'yo... babayaran ko.” muli kong wika. Kaagad din naman siyang napangisi. “At paano mo babayaran?” puno ng pangungutya niyang tanong. “May trabaho ka ba? May pera ka ba?” puno ng pang-uuyam sa boses na wika niya. Mariin ko namang naipikit ang aking mga mata. Feeling ko kasi, nanlalabo na ang paningin ko eh. At mukhang malapit nang mangyari ang kinatatakutan ko Ayun kay Trexie, isa sa magiging side effect ng sakit kongi to ay ang tuluyang pagkawala ng paningin ko. At isipin ko pa lang ang tungkol sa bagay na iyun, parang mas gusto ko na lang na mamatay na. “Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon. Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa'yo. Walang labis. Walang kulang.” Seryoso kong wika. At pagkatapos kong sabihin ang katagang iyun, dahan-dahan na akong tumayo. Kailangan ko nang makaalis. Dahil baka kapag magtagal pa ako dito, pakiramdam ko'y bawat segundo ng pananatili ko sa harap nila ay unti-unting pumapatay sa akin. Ngunit bago pa ako makarating sa pintuan…may humawak sa aking pulsuhan. Paglingon ko..si Elara. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ngunit ang mga labi niya'y nakangiti.JEROME POV "JEROME...hindi! Hindi mo pwedeng gawin iyan.'' sagot din naman ni Mark sa boses na kinakabahan. Nakita ko ang bigla niyang pamumutla kaya naman kaagad na din napatitig si Trexie sa asawa. "Ano ang ibig sabihin ni Jerome?' tanong ni Trexie Biglang napaseryoso si Mark. Tumitig sa asawa bago nagsalita "Hindi natin pwedeng kontrahin ang pinsan mo. Kung patuloy natin siyang gagalitin, paano na ang kumpanya?" sagot ni Mark "Hindi ko maintidihan. Mark, paano nasali sa usapang negosyo si Jerome?" nagtatakang tanong ni Trexie kay Mark "Mahabang usapin. Sa ngayon, iisa lang ang takbo ng usapan na ito...huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Hayaan mo silang tatlo ang mag-usap. Simula ngayong araw, gusto kong huwag ka nang makialam sa problema nila.'" seryosong wika ni Mark Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla na lang niyang hinawakan ang asawa niyang si Trexie sa braso at hinila patungo sa sasakyan "Hindi pwede! Paano si Chloe?" galit na tanong ni Trexie Pero, hindi na
JEROME POV "JEROME, nasaan si Chloe?" salubong na tanong sa akin ni Trexie pagkalabas ko. Katabi niya ang asawa niyang si Mark pati na din ang lalaking umagaw kay Chloe sa akin "Ano ang ginagawa niyo dito?" malamig ang tono ng boses na tanong ko. Kaagad namang lumapit si Mark sa akin. Ang asawa ng pinsan kong si Trexie "Bro, pakawalan mo na si Chloe. Hinahanap na siya ng kanyang asawa at anak." seryoso niyang wika Mapakla naman akong tumawa "Hinahanap siya ng asawa niya at anak? At ako, ano ang tawag niyo sa akin? Hindi ba't ako ang asawa ni Chloe?" seryosong sagot ko "Jerome Montefalco, nasaan si Chloe? Hindi pwede itong ginagawa mo sa amin! Ibalik mo sa akin si Chloe kung hindi magkakagulo tayong dalawa." sabat naman ni Francis. Matalim ang mga matang tinitigan ko siya "How dare you para pagbantaan ako. Mr. Francis Arroyo!!! Alam mo, hindi pa tayo nakakapag-toos. Hindi pa kita nabalikan sa ginawa mong pagtangay noon kay Chloe sa hospital." galit kong wika "Wala k
JEROME POV "SECOND CHANCE? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang second chance na hinihiling mo ay para lamang iyon sa mga taong wala nang sabit. Jerome. may asawa at anak na ako, at masaya na ako sa piling nila." seryosong sagot naman ni Chloe sa akin Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at mas lalo akong nasasaktan dahil sa tuwing humahakbang ako palapit sa kanya, unti-unti naman siyang umuorang palayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. "Huwag kang lumapit." seryoso niyang wika. Parang nahahapo ako na napahinto sa paghakbang. "Kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko, hindi ka babalik sa lalaking iyon." seryoso kong wika sa kanya "A-ano? Hindi! Hindi maaari!'" sigaw niya "Chloe, husgahan man ako ng lahat ng tao sa buong mundo...magalit man sa akin ang lahat, hindi na magbabago ang desisyon ko. Dito ka lang sa tabi ko....at tuturapin na natin ang pangako natin sa isa't-isa noon na magsasama tayo sa hirap a
JEROME POV "ANO ang ginagawa mo? Sinabing bitiwan mo ako eh. Jerome!" narinig kong galit na sigaw ni Chloe Pero, nagbingi-bingihan ako. Tuluyan na kasi talaga akong kinain ng matinding pagnanasa. Pagnanasa na kay tagal kong tiniis sa loob ng labing tatlong taon. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong tikman muli ang matamis niyang labi Pero, nang angkinin ko na ang labi niya, mariin kong naipikit ang aking mga mata nang bigla na lang iyong kagatin ni Chloe At sa lakas noon, kaagad kong nalasahan ang dugo sa sarili kong bibig. "I hate you!" galit na sigaw ni Chloe sa akin at hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niyang pagkagat sa akin ay sunod kong naramdaman ang pagtama ng palad niya sa pisngi ko Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin, pakiramdam ko bigla akong nagising sa katotohanan "Bastos! Walang modo!" galit na sigaw niya sa akin .HInayaan kong makawala siya mula sa pagkakadagan ko at kusa siyang gumapang palayo sa akin Ako naman, tulala na nakatitig lang sa kany
JEROME POV "CHLOE...nagugutom ka na ba? Kaunting tiis lang, umorder na ako ng makakain nating dalawa sa labas. Kung magluluto pa kasi tayo, wala nang time eh." nakangiti kong wika. Gusto ko nang baguhin na namin ang topic namin. Gusto kong huwag na naming pag-usapan ang aming nakaraan. Lalo na at alam kong mas lalo lang kaming masasaktan pareho Siguro nga, simula ngayong araw, iiwasan ko nang bangitin ang aming nakaraan. Magkasama na kaming dalawa ngayon at siguro, bubuo na lang ulit kami ng panibagong magagandang alaala. Hindi ko na siya kayang makitang umiiyak. Kung nasasaktan siya sa mga ginagawa ko ngayon, mas nasasaktan ang kalooban ko na makita siyang nahihirapan "Jerome, uuwi na ako sa bahay. Baka, hinahanap na ako ni Cheryl. Kawawa naman ang anak ko." lumuluha niyang wika sa akin Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom nag kamao ko. Sa totoo lang, naiinis ako na marinig ang mga salitang palagi niyang binabangit sa akin Uuwi siya ng bahay dahil namimiss daw ang anak
JEROME POV Nasaan si Chloe? Kung kasama mo siya, ibigay mo sa kanya ang cellphone. Gusto ko siyang makausap." halos sumigaw na si Trexie habang sinasabi ang bagay na iyon Kaagad akong napatitig kay Chloe. Nakaupo na ito ngayon sa living room at halatang masama ang loob nito. "Okay lang si Chloe. Kung gusto mo siyang makausap, not now!' sagot ko din naman kay Trexie Siya na yata ang pinakamakulit na tao na nakilala ko. Pinsan ko siya, kadugo ko siya pero bakit sa ibang tao siya pumapanig? "Jerome...hindi mo pwedeng ikulong si Chloe sa isang lugar na ayaw niya!'" naiinis na sagot naman ni Trexie 'Hindi ko siya ikinukulong. Ang gusto ko lang ay ibalik siya sa dati niyang kalagyan." seryoso kong sagot "Dating kalagyan? Ano ang palagay mo sa kaibigan ko? Gamit na pagkatapos mong hindi pahalagahan, basta mo na lang pulutin at muling angkinin?" yamot na sagot ni Trexie sa kanya "Kahit kailan, hindi ko itinuring na parang isang gamit si Chloe. Mahal ko siya. Asawa ko siya.







