LOGINCHLOE POV
“Hindi...” mahina kong bulong. “Hindi ko siya kayang iwan. Trexie, bago ako mawala, gusto kong makabuo ng kahit na kaunting alaala na kasama siya." “Chloe!” napataas ang boses niya. “Kailan pa? Kailan ka magigising sa katotohanang hindi ka niya mahal? Na hindi ka na nga niya nirerespeto eh.” Para akong sinaksak sa dibdib. Hindi ko na kayang marinig pa ang iba niyang sasabihin. Mabilis akong tumayo at pinunasan ang aking mga luha. “Hanga’t buhay ako, aasa ako.” Umiiyak kong wika “Dapat sinabi mo na lang sa kanya ang tungkol sa sakit mo eh. Can’t you see yourself? Bagsak na ang katawan mo. Asawa siya at dapat lang na malaman niya ang tungkol sa kalagayan mo. Malay mo naman diba, kapag malaman niya ang katotohanan, baka sakaling magbago siya at magiging maayos ang maging pagtrato niya sa iyo.” Seryosong wika niya “No! Hindi maaari! Ayaw ko siyang maabala. Masyado siyang busy sa opisina para isipin niya pa ang kalagayan ko.” “Busy sa opisina or baka naman busy sa kabit niya?’ seryosong sagot niya naman sa akin Kaagad naman akong napayuko. Dahil alam kong may katotohanan ang mga sinasabi niya ngayun “Alam mo, kung naging kapatid lang kita, baka itinali na kita at sapilitan na inilayo sa lalaking iyun eh. Kailan mo ba bigyan ng priority ang sarili mo? Chloe, pwede bang sarili mo muna ang isipin mo? Ha? Kahit ngayun lang?” naluluha nang wika nya sa akin. Kaagad din naman akong umiling. “Salamat sa lahat, Trexie,” pilit kong ngumiti. “See you around.” wika ko. Ayaw ko nang makipagtalo sa kanya. Dahil habang tumatagal ang pag-uusap na ito, lalo ko lamang naiisip kung gaano ako Katanga. Mabilis na akong tumayo at naglakad palabas ng clinic niya. Ni hindi ko na nga hinintay ang magigign sagot niya eh. Paglabas ko ng ospital, agad akong sumakay ng taxi. Tahimik lang akong nakatanaw sa bintana habang unti-unting lumalayo ang ospital. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi ni Trexie. Brain tumor. Buntis. Wala nang gaanong oras. Parang gusto ko nang sumigaw, pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Maya-maya pa'y huminto ang taxi sa harap ng bahay na pitong taon naming tinawag na tahanan ng asawa kong si Jerome. Ang tahanang naging saksi sa lahat ng luha, sakit, at pagtitiis ko. Pagkabukas ko ng gate, agad kong napansin ang ilang piraso ng damit na nakakalat sa sala. Unti-unting bumigat ang dibdib ko. Dahan-dahan akong umakyat sa ikalawang palapag. At bago pa man ako tuluyang makarating sa itaas...narinig ko na ang mahihinang ungol na nagmumula sa master's bedroom. Parang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Mariin kong naikuyom ang aking kamao habang walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha. Ayokong maniwala. Pero nasa harapan ko na ang ibedensya. At gustuhin ko mang magbulag-bulagan, pero hindi pala kaya. Masakit! Nakabaliw ang sakit. At habang palapit nang palapit ako sa pintuan ng masters berdroom na mukhang sinadyang hindi isara na maayos, mas lalo ko namang naramdaman angpagkadurog ng puso ko. Si Jerome. Ang asawa ko. Nakadagan siya sa ibabaw ng dati niyang kasintahan na si Elara, habang walang pakialam sa mundong nakapaligid sa kanila. Hindi man lang nila napansing nandito na ako. Luhaan habang tahimik na pinapanood ang ginagawa nila. Para akong nawalan ng hininga. Unti-unting sumikip ang dibdib ko hanggang sa halos hindi na ako makahinga. Hindi ko na hinintay na mapansin nila ako. Tahimik akong tumalikod. Patuloy ang pagbagsak ng mga luha habang naglalakad patungo sa sarili kong silid. Pagkapasok ko pa lamang, tuluyan nang bumigay ang lahat ng lakas na pilit kong kinakapit. Napaluhod ako sa sahig. Mahigpit kong hinawakan ang aking dibdib habang humahagulhol sa sakit. Pitong taon... Pitong taon kong ipinaglaban ang lalaking iyon. Bago kami ikasal, mahal na mahal ako ni Jerome. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat yakap, bawat ngiti, at bawat pangarap na sabay naming binuo. Ngunit nagbago ang lahat nang malulong sa sugal ang aking ama. Dumating ang panahong hinahabol na siya ng mga pinagkakautangan. Sa takot kong may mangyaring masama sa kanya, isa-isa kong isinangla at ipinagbili ang mga alahas, mamahaling gamit, at mga regalong ibinigay sa akin ni Jerome upang mabayaran ang mga utang ni Papa. Hindi ko inakalang iyon din pala ang sisira sa aming pagsasama. Mula noon, unti-unting naglaho ang pagmamahal at respeto ni Jerome sa akin. Sa kanyang mga mata, isa na lamang akong mukhang pera. Isang babaeng walang pagpapahalaga sa mga bagay na ibinigay niya. Hindi niya kailanman sinubukang alamin kung bakit ko ginawa iyon. Mas pinili niyang husgahan ako. At mula noon... Araw-araw niya akong pinarusahan sa kasalanang hindi ko naman ginawa para sa sarili ko. At minsan, gusto kong kwestyunin ang sarili ko. Naging masama ba talaga akong tao? Ginawa ko lang naman ang alam kong tama pero hindi ko naman akalain na ang magiging kapalit nito ay ang masayang pagsasama naming dalawa ni Jerome.JEROME POV "JEROME...hindi! Hindi mo pwedeng gawin iyan.'' sagot din naman ni Mark sa boses na kinakabahan. Nakita ko ang bigla niyang pamumutla kaya naman kaagad na din napatitig si Trexie sa asawa. "Ano ang ibig sabihin ni Jerome?' tanong ni Trexie Biglang napaseryoso si Mark. Tumitig sa asawa bago nagsalita "Hindi natin pwedeng kontrahin ang pinsan mo. Kung patuloy natin siyang gagalitin, paano na ang kumpanya?" sagot ni Mark "Hindi ko maintidihan. Mark, paano nasali sa usapang negosyo si Jerome?" nagtatakang tanong ni Trexie kay Mark "Mahabang usapin. Sa ngayon, iisa lang ang takbo ng usapan na ito...huwag mo nang ipilit ang gusto mo. Hayaan mo silang tatlo ang mag-usap. Simula ngayong araw, gusto kong huwag ka nang makialam sa problema nila.'" seryosong wika ni Mark Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla na lang niyang hinawakan ang asawa niyang si Trexie sa braso at hinila patungo sa sasakyan "Hindi pwede! Paano si Chloe?" galit na tanong ni Trexie Pero, hindi na
JEROME POV "JEROME, nasaan si Chloe?" salubong na tanong sa akin ni Trexie pagkalabas ko. Katabi niya ang asawa niyang si Mark pati na din ang lalaking umagaw kay Chloe sa akin "Ano ang ginagawa niyo dito?" malamig ang tono ng boses na tanong ko. Kaagad namang lumapit si Mark sa akin. Ang asawa ng pinsan kong si Trexie "Bro, pakawalan mo na si Chloe. Hinahanap na siya ng kanyang asawa at anak." seryoso niyang wika Mapakla naman akong tumawa "Hinahanap siya ng asawa niya at anak? At ako, ano ang tawag niyo sa akin? Hindi ba't ako ang asawa ni Chloe?" seryosong sagot ko "Jerome Montefalco, nasaan si Chloe? Hindi pwede itong ginagawa mo sa amin! Ibalik mo sa akin si Chloe kung hindi magkakagulo tayong dalawa." sabat naman ni Francis. Matalim ang mga matang tinitigan ko siya "How dare you para pagbantaan ako. Mr. Francis Arroyo!!! Alam mo, hindi pa tayo nakakapag-toos. Hindi pa kita nabalikan sa ginawa mong pagtangay noon kay Chloe sa hospital." galit kong wika "Wala k
JEROME POV "SECOND CHANCE? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang second chance na hinihiling mo ay para lamang iyon sa mga taong wala nang sabit. Jerome. may asawa at anak na ako, at masaya na ako sa piling nila." seryosong sagot naman ni Chloe sa akin Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya at mas lalo akong nasasaktan dahil sa tuwing humahakbang ako palapit sa kanya, unti-unti naman siyang umuorang palayo sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. "Huwag kang lumapit." seryoso niyang wika. Parang nahahapo ako na napahinto sa paghakbang. "Kahit na lumuhod ka pa sa harapan ko, hindi ka babalik sa lalaking iyon." seryoso kong wika sa kanya "A-ano? Hindi! Hindi maaari!'" sigaw niya "Chloe, husgahan man ako ng lahat ng tao sa buong mundo...magalit man sa akin ang lahat, hindi na magbabago ang desisyon ko. Dito ka lang sa tabi ko....at tuturapin na natin ang pangako natin sa isa't-isa noon na magsasama tayo sa hirap a
JEROME POV "ANO ang ginagawa mo? Sinabing bitiwan mo ako eh. Jerome!" narinig kong galit na sigaw ni Chloe Pero, nagbingi-bingihan ako. Tuluyan na kasi talaga akong kinain ng matinding pagnanasa. Pagnanasa na kay tagal kong tiniis sa loob ng labing tatlong taon. Gusto ko siyang halikan. Gusto kong tikman muli ang matamis niyang labi Pero, nang angkinin ko na ang labi niya, mariin kong naipikit ang aking mga mata nang bigla na lang iyong kagatin ni Chloe At sa lakas noon, kaagad kong nalasahan ang dugo sa sarili kong bibig. "I hate you!" galit na sigaw ni Chloe sa akin at hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niyang pagkagat sa akin ay sunod kong naramdaman ang pagtama ng palad niya sa pisngi ko Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin, pakiramdam ko bigla akong nagising sa katotohanan "Bastos! Walang modo!" galit na sigaw niya sa akin .HInayaan kong makawala siya mula sa pagkakadagan ko at kusa siyang gumapang palayo sa akin Ako naman, tulala na nakatitig lang sa kany
JEROME POV "CHLOE...nagugutom ka na ba? Kaunting tiis lang, umorder na ako ng makakain nating dalawa sa labas. Kung magluluto pa kasi tayo, wala nang time eh." nakangiti kong wika. Gusto ko nang baguhin na namin ang topic namin. Gusto kong huwag na naming pag-usapan ang aming nakaraan. Lalo na at alam kong mas lalo lang kaming masasaktan pareho Siguro nga, simula ngayong araw, iiwasan ko nang bangitin ang aming nakaraan. Magkasama na kaming dalawa ngayon at siguro, bubuo na lang ulit kami ng panibagong magagandang alaala. Hindi ko na siya kayang makitang umiiyak. Kung nasasaktan siya sa mga ginagawa ko ngayon, mas nasasaktan ang kalooban ko na makita siyang nahihirapan "Jerome, uuwi na ako sa bahay. Baka, hinahanap na ako ni Cheryl. Kawawa naman ang anak ko." lumuluha niyang wika sa akin Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom nag kamao ko. Sa totoo lang, naiinis ako na marinig ang mga salitang palagi niyang binabangit sa akin Uuwi siya ng bahay dahil namimiss daw ang anak
JEROME POV Nasaan si Chloe? Kung kasama mo siya, ibigay mo sa kanya ang cellphone. Gusto ko siyang makausap." halos sumigaw na si Trexie habang sinasabi ang bagay na iyon Kaagad akong napatitig kay Chloe. Nakaupo na ito ngayon sa living room at halatang masama ang loob nito. "Okay lang si Chloe. Kung gusto mo siyang makausap, not now!' sagot ko din naman kay Trexie Siya na yata ang pinakamakulit na tao na nakilala ko. Pinsan ko siya, kadugo ko siya pero bakit sa ibang tao siya pumapanig? "Jerome...hindi mo pwedeng ikulong si Chloe sa isang lugar na ayaw niya!'" naiinis na sagot naman ni Trexie 'Hindi ko siya ikinukulong. Ang gusto ko lang ay ibalik siya sa dati niyang kalagyan." seryoso kong sagot "Dating kalagyan? Ano ang palagay mo sa kaibigan ko? Gamit na pagkatapos mong hindi pahalagahan, basta mo na lang pulutin at muling angkinin?" yamot na sagot ni Trexie sa kanya "Kahit kailan, hindi ko itinuring na parang isang gamit si Chloe. Mahal ko siya. Asawa ko siya.







