공유

DYING OBSESSION
DYING OBSESSION
작가: Sunmaru

1

작가: Sunmaru
last update 게시일: 2026-09-24 19:40:22

Hansel's POV...

Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, mahigpit na hawak ang reseta na ilang beses ko nang tinitigan. Parang kahit paulit-ulit kong basahin ang mga nakalagay doon, hindi naman magbabago ang katotohanan. Kailangan ko ng gamot. At kailangan ko ng pera para makabili ulit.

Napabuntong-hininga ako-mahaba, mabigat na hininga na parang may dinadala sa dibdib. Kinuha ko ang maliit na baso ng tubig sa tabi ko. Tinitigan ko sandali ang huling tableta sa lalagyan. Isang maliit na puting bilog lang. Pero sa akin, iyon ang huling saksing buhay ko para sa ngayon.

Ininom ko ito.

Huling gamot ko na.

Pagkatapos nito... wala na.

Wala akong pamilya na maaaring hingan ng tulong. Wala akong taong tatawagan kapag wala na akong pambayad sa susunod na reseta. Wala ni isang pangalan sa contacts ko na maaasahan. Mag-isa lang ako sa buhay at ang katahimikan na iyon ay mas masakit kaysa sa sakit mismo ng puso ko.

Kaya kahit natatakot ako sa mga susunod na araw, kahit nanginginig ang mga kamay ko sa isip na baka hindi na ako makabili ulit, wala akong ibang pagpipilian kundi bumangon.

Inayos ko ang suot kong red mini dress. Inayos ang buhok ko sa harap ng salamin. Pinilit kong ngumiti sa sarili ko. Ang ngiti ay hindi umabot sa mga mata. Parang maskara lang

manipis, marupok, at handang maglaho anumang oras.

Ngayong gabi, kailangan kong magtrabaho. 

Kailangan kong kumita. 

Hindi dahil gusto ko. 

Kundi dahil kailangan kong mabuhay.

Kinuha ko ang maliit kong bag at lumabas ng kwarto, dala ang isang bagay na ayaw kong malaman ng kahit sino ang katotohanang unti-unti nang nagiging mas mahalaga sa akin ang bawat araw, dahil baka isang araw, wala na itong sapat na para sakin.

Paglabas, sumakay Ako ng taxi papunta sa trabaho ko..

FLASHBACK...

"May nakita kami sa resulta ng mga tests mo."

Napatigil ako sa paghinga nang marinig ko iyon mula sa doktor. Tahimik akong nakaupo sa examination room, mahigpit na nakakapit sa laylayan ng damit ko hanggang puti na ang mga daliri ko.

"May problema sa puso mo."

Napatingin ako sa kanya. Parang hindi ko marinig nang tama.

"Puso?"

Tumango siya at ipinaliwanag nang maingat: mayroon akong mild cardiomyopathy-isang kondisyon kung saan naaapektuhan ang kalamnan ng puso. Maaga pa itong natuklasan, kaya kailangan kong bantayan ang kondisyon ko, uminom ng mga iniresetang gamot, at regular na magpa-checkup.

Hindi raw ako mukhang may sakit.

At iyon ang pinakanakakatakot.

Dahil sa salamin, mukha pa rin akong normal. Walang makakapagsabi na may tahimik na banta sa loob ng katawan ko. Walang senyales. Walang babala. Lang isang reseta at isang doktor na nagsasabing kailangan kong mag-ingat.

"May mag-aalaga ba sa'yo?" tanong ng doktor.

Napayuko ako. Hindi ko matignan ang mga mata niya.

Wala. 

Wala akong magulang na tatawagan. 

Wala akong kapatid na masasandalan. 

Wala akong taong naghihintay sa labas ng silid.

Ako lang.

"Ako lang po," mahina kong sagot. Parang bumabagsak ang bawat salita.

Paglabas ko ng clinic, hawak ko ang reseta sa isang kamay at ang maliit na paper bag ng gamot sa kabilang kamay. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong parang napakabigat ng mundo. Hindi dahil sinabi ng doktor na kailangan kong magpagamot. Kundi dahil alam kong ako lang ang kailangang magbayad para rito. Ako lang ang kailangang maghanap ng pera. Ako lang ang kailangang lumaban kahit wala akong kasama, kahit wala akong sandalan, kahit takot na takot ako.

END OF FLASHBACK..

Napakurap ako at bumalik sa kasalukuyan.

Kapapasok ko palang sa billionaire's playground..

Kailangan kong humanap ng pera para sa panibagong reseta. Para sa panibagong pagkakataong mabuhay nang isa pang buwan.

Kaya inayos ko ang Ang make up ko, makapal para takpan ang namumutlang mukha nakaharap ako sa salamin, at pilit na ngumiti.

Walang makakaalam. 

Hindi ngayong gabi. 

Hindi habang nagtatrabaho ako.

Dahil kung malalaman nila... baka mawala ang tanging paraan ko para manatiling buhay.

"Hansel," tawag ni Boss Brittany sabi sakin habang nakaupo ako sa sulok ng dressing room, hawak pa ang maliit kong bag. Ang boses niya ay diretso, walang emosyong, parang ordinaryong utos lang.

"Triplet daw 'yung sasayawan mo. Isang babae lang ang pinili nila... at ikaw ang gustong ipadala ni Brittany dahil gusto ng Virgin."

Napatigil ako. Ang kamay kong hawak ang strap ng bag ay biglang nanigas. 

"Ipadala?" takang tanong ko. Parang may biglang nanikip sa dibdib ko hindi ang karaniwang takot, kundi 'yung uri ng takot na alam kong delikado para sa puso ko.

"Oo. Doon ka sa mansion. Birthday daw ng triplets."

Kunot-noo kong tinanong, "Bakit ako lang?" Ang boses ko ay medyo pilit, parang may humahadlang sa lalamunan.

Tumingin siya sa akin nang diretso, walang pag-aalangan. "Isa lang kasi ang gusto nila. Sharing ata."

Napalunok ako.

Sharing.

Ang salitang iyon ay pumasok sa tenga ko nang mabagal, parang tinuturok ng karayom. Dati, sayaw lang ang trabaho ko. Sayaw sa ilalim ng mahinang ilaw, ngiti na pilit, katawan na gumagalaw ayon sa ritmo ng musika. Hindi ko kailangang hayaang hawakan ako nang totoo. Hindi ko kailangang ibigay ang higit pa sa sayaw.

Pero ngayon...

Unang beses kong papayag na hawakan ako, talagang hawakan, haplusin, at marahil higit pa dahil kailangan ko ng pera. Dahil kailangan ko ng gamot. Dahil pagkatapos ng huling tableta na ininom ko kanina sa kwarto, wala na akong natitira. Wala nang lalagyan. Wala nang reserba.

Hindi ko sinabi kay Boss Brittany ang tungkol sa puso ko. Hindi ko sinabi na may cardiomyopathy ako. Hindi ko sinabi na gabi-gabi kong pinipilit ang sarili kong ngumiti para lang mabuhay nang isa pang araw. Hindi ko sinabi na ang bawat kilos ko ngayon ay hindi dahil gusto ko, kundi dahil takot akong mamatay nang mag-isa walang gamot, walang pera, walang kahit sino na tatawag o maghahanap sa akin kung sakaling hindi na ako gumising.

Ang dibdib ko ay may mahinang paninikip. Alam ko 'yun. Alam kong hindi dapat akong mag-stress. Alam kong bawal ang sobrang pagod, ang matinding emosyon, ang matagal na pagkakataon. Pero ano ang magagawa ko? Umuupo ba ako sa kwarto at maghihintay na maubos ang huling lakas ko?

Kaya tumango ako.

Mabagal. Tahimik. Parang may bigat na nakatali sa leeg ko.

"Sige po," mahina kong sagot.

Si girly ay tumango lang, parang wala siyang napansin sa pamumutla ko. "kung nakaayos kana. May sasakyan na maghahatid sa'yo. Huwag kang magdala ng phone. At huwag kang magtanong, gusto nila yung marunong sumunod."

Tumayo ako. Ang mga binti ko ay medyo nanghina, pero pinilit kong maglakad palabas ng dressing room. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang tibok ng puso ko hindi mabilis, pero mabigat. Parang may binibilang itong oras.

Sa loob-loob ko, pinilit kong alalahanin ang dahilan.

Para sa susunod na reseta. 

Para sa susunod na buwan. 

Para sa susunod na pagkakataong mabuhay.

Kahit gaano pa ito kasakit. 

Kahit gaano pa ito nakakatakot. 

Kahit kailangan kong ibigay ang bahagi ng sarili kong hindi ko naman talaga gustong ibigay.

Dahil sa dulo ng lahat, ako lang ang may pananagutan sa buhay ko.

At ngayong gabi, kailangan kong bayaran ang presyo nito.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • DYING OBSESSION    10

    Warning po...!!!!!!!!!!!!!!!!!Hansel's POV...Mahirap mabuhay...Totoo yun. Ilang beses ko nang itinatanong sa sarili ko habang nakatingin sa mga iba't ibang kliyente na nasayawan ko paano ba ako umabot sa ganito?Lumaki ako sa tita ko. Sila na ang nakamulatan kong maituturing na pamilya, pero ni minsan hindi ko naramdaman ang tunay na kalinga ng isang tahanan. Hanggang Grade 6 lang ang natapos ko. Walang pambayad ng matrikula, walang pambili ng gamit, at higit sa lahat, walang interes ang mga taong nagpalaki sa akin na patapusin ako.Napakalupit nila. Ang mga salitang "Palamunin ka lang!" at "Maglayas ka kung ayaw mong makisama!" ang madalas kong marinig tuwing umaga at gabi.Ano ba talaga ang kahulugan ng pamilya? Hindi ko na rin alam. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang kagustuhang magpatuloy.Ang gusto ko lang naman ay mabuhay... kahit gaano kahirap.Sabi ng mga kapitbahay noon, namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin. Ang tatay ko naman, naaksidente sa trabaho noong sang

  • DYING OBSESSION    9

    Hansel's POVNanginginig ang buo kong kamay habang nakahawak sa black ballpen. Bawat linya ng pirma ko sa huling pahina ng kontrata ay parang paglagda sa sarili kong kasunduan sa demonyo.Isang milyon kada buwan. Tatlong buwan. Ibinenta ko na ang sarili ko sa kanya.Pagkabitaw ko sa ballpen, kinuha ni Z ang mga papel at mabilis na isinara ang folder. Dahan-dahan siyang sumandal sa kanyang malaking leather swivel chair, iniangat ang isang binti sa ibabaw ng kabila, at tinitigan ako nang malamig at walang emosyong mga mata."Come here," malamig ngunit pautos niyang saad. Tumingin siya sa kanyang hita. "Sit on my lap."Napatigil ako. Nanlamig ang buo kong katawan habang nakatitig sa kanya. Nanginginig ang mga binti ko habang dahan-dahang tumatayo mula sa upuan at humahakbang patungo sa kinaroroonan niya. Bawat hakbang ay napakabigat.Kaya mo 'to, Hansel... pilit na bulong ng isip ko habang pilit kong kinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Isipin mo na lang na boyfriend mo siya..

  • DYING OBSESSION    8

    Hansel's POVBago ako dumiretso sa suite ni Z, minabuti kong dumaan muna sa ospital para sa regular check-up ko.Kahit pagod ang buong katawan ko, halos hindi nakatulog nang maayos, at bawat galaw ay may kasamang kirot, kailangan kong malaman kung kakayanin ba ng puso ko ang susunod na tatlong buwan.Tatlong buwan.Tatlong buwang impyerno.Walang sinuman sa kanila ang nakakaalam tungkol sa sakit ko.Lalo na si Z.Para makakuha ng fit-to-work na kailangan ko, nagpunta lang ako sa isang ilegal na clinic at nagbayad para sa isang pekeng medical clearance Nung nagpasa ako ng requirements sa billionaire's playground nun. Hindi ako maaaring magkaroon ng record na magpapakita ng totoong kondisyon ko.Hindi naman nila napansin.Para sa kanila, isa lang akong bayarang babae.Isang babae na maaaring gamitin anumang oras at itapon kapag hindi na kailangan.At mas mabuti nang ganoon.Mas ligtas ang sikreto ko kapag walang nagtatanong.Isang malaking sunglasses at scarf ang isinuot ko upang itago

  • DYING OBSESSION    7

    Third's POV Naiiling si Luke habang napapangisi na lang mag-isa sa couch.Hindi man lang siya naka-score kanina. Buti pa si Zero nakadalawa pa nakita niya si Hansel na lumabas ng kwarto nito na hinang hina mukhang wala na yung inaalok niya dito, pinili nito si Zero. Si Eros naman, may sarili na agad sa itim na kwarto.Siya? Wala.Medyo naiinis siya dahil doon.Dati naman, ganoon lagi ang sistema nila. Kapag may babaeng pinadala, sharing. Walang Mamaya kana o Ako muna. Walang "sa akin lang." Lalo na kung galing kay Brittany. Madalas pa ngang si Zero ang unang nagsasabi na "sabay tayo." Ngayon... kakaiba.Napapangisi ulit si Luke, pero may konting pagtataka sa mata.Nakakamiss din pala ang sharing nila.Habang nakaupo siya roon, hindi niya mapigilang balikan ang huling beses na nagsama silang tatlo. Last month lang iyon. Kasama ang regular na fuckbuddy ni Zero na si Ally.Walang nagseselos. Hanggang sa labasan silang lahat, si Zero sa bibig niya, si Luke sa ass, si Eros sa pussy at

  • DYING OBSESSION    6

    Hansel's POV Itinago ko na ang pera sa loob ng maliit kong bag. Maingat. Para bang kung hindi ko itatago agad, mawawala ito. Akmang lalabas na ako nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko, tinanong niya kasi ako kanina kong anong pangalan ko."Hansel."Isang salita lang. Mababa. Malinaw. Walang pagmamadali. Pero sapat na para mapatigil ang buong katawan ko.Napalingon ako.May inaabot siyang calling card. Puting card, itim ang letra, simpleng numero lang ang nakasulat sa gitna. Walang pangalan. Walang ibang detalye. Parang sadyang ginawa para hindi maiwanan ng ebidensya."I want you to be my bedwarmer," aniya. Ang boses niya ay mababa, pero may bigat na parang utos na hindi kayang balewalain. "Call me kung payag ka."Napatitig ako sa card, pagkatapos sa kanya. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin nang diretso walang ngiti, walang lambing, puro intensyon."Kung magiging bedwarmer kita," dagdag niya, "hindi mo na kailangang magtrabaho kay Brittany. Hindi mo na kailang

  • DYING OBSESSION    5

    Third's POV They were triplets, 30 years old and born only minutes apart, yet the world had never treated them as equals.Zero, the eldest, was the quiet face of the family's legal empire. While their father, Zeke Rossi, ruled as a powerful mafia boss controlling drugs, guns, and countless illegal operations, Zero handled the clean side banks, luxury hotels, and a major shipping company. On the surface, he was the disciplined, respected businessman. Underneath, he was the most dangerous of the three: cold, calculated, and merciless when something needed to be cleaned up. He rarely spoke more than necessary. He didn't have to. The Rossi name alone was enough to make people bow.Eros, the second. As a senior airline captain, he flew across countries with the same arrogant control he carried everywhere else. The cockpit was simply another throne. Behind the polished uniform and confident smile was a man who took what he wanted-easily, without attachment, and without regret.Luke, the yo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status