공유

2

작가: Sunmaru
last update 게시일: 2026-09-24 19:40:45

Hansel's POV 

"Dito na, Miss. Bumaba ka na."

Ang boses ng driver ang unang narinig ko para bumalik sa realidad mula nang umalis ako sa club. Mababa, walang emosyon, parang ordinaryong trabaho lang ang paghahatid sa akin dito.

Napatingin ako sa pambisig na relo. 

10:00 PM.

Maaga pa.

Pagbaba ko, agad kong napansin ang ingay. Hindi ordinaryong ingay. Masaya, malakas, at puno ng buhay. Ang hardin ng mansion ay naiilawan ng maliliit na ilaw, at sa may pool area, may mga tao na nagtatawanan, may hawak na baso, may kumakanta, may sumasayaw. Parang walang problema ang mundo.

Hindi ko muna pinansin. 

Diretso akong naglakad papunta sa gate, hawak ang I.D. ko.

"Kuya Guard, galing po ako kay Boss Brittany..."

Tumingin muna siya sa akin nang matagal. Sinuri ang mukha ko, ang damit ko, ang buong itsura ko. Pagkatapos ay ibinalik ang I.D. at bahagyang tumango.

"Sige, pasok ka na. Pero Miss... napaaaga ka ata. Nakalagay kasi dito, 1:00 AM ka pa. After ng pool party."

Saglit akong natigilan.

1:00 AM.

Tatlong oras pa.

Dinukot ko agad ang phone sa bulsa at tinawagan si Girly. Isang beses. Dalawang beses. Walang sagot. Pati ang mensahe ko ay naiwan lang na "Seen" pero walang reply. Parang bigla akong naiwan sa gitna ng isang mundo na hindi ko pag-aari.

Napatingin ako sa paligid.

Madaming lalaki at babae. Mga social. Mga mayayaman. Mga suot nila ay puro pag swimwear, ang tawa nila ay malaya, ang mga mata nila ay walang takot. Walang iniisip kundi ang magsaya. Walang reseta sa bulsa. Walang huling tableta. Walang puso na kailangang bantayan tuwing gabi.

Minsan, hindi rin patas ang buhay.

Bakit 'yung mga wala pa... 'yung mga nagsisikap lang mabuhay araw-araw... ang nagkakaroon ng sakit? 

Bakit ako?

May mahinang paninikip ulit sa dibdib ko. Hindi matindi. Pero sapat para maalala ko na delikado ang stress. Delikado ang matagal na paghihintay. Delikado ang lahat ng ito.

Pero ano ang magagawa ko?

Bumalik ako sa sasakyan? Umuwi? 

Wala akong mapupuntahan. Wala akong pera. Wala akong gamot.

Kaya pinilit kong huminga nang malalim. Pinilit kong ituwid ang balikat. Pinilit kong ngumiti kahit kaunti, kahit peke.

Tatlong oras pa.

Tatlong oras bago magsimula ang totoong dahilan kung bakit ako nandito.

At sa loob ng tatlong oras na iyon, kailangan kong manatiling tahimik. 

Manatiling maganda. 

Manatiling handa.

Kahit pa ang puso ko ay unti-unting sumisigaw nang mahina, parang may binibilang na oras bago ito tuluyang mapagod..

Kaya ko 'to.

Kailangan ko lang ng gamot. Kailangan ko lang maging maingat.

Siguro... susundin ko na lang lahat ng mga bawal.

Bawal ang alak.

Bawal manigarilyo.

Bawal ang sobrang pagod.

Ang daming bawal.

Pero kung iyon ang kapalit para manatiling malakas ang puso ko, susundin ko.

Dahil ang totoo... natatakot ako.

Natatakot akong isang araw, hindi na kayanin ng puso ko ang lahat.

Natatakot akong biglang lumala ang sakit ko habang mag-isa ako.

At higit sa lahat, natatakot ako sa sinabi ng doktor.

Heart transplant.

Kapag hindi na sapat ang gamot at tuluyang humina ang puso ko, maaaring kailanganin kong palitan ito.

Wala akong sapat na pera para doon.

At Saka ayokong palitan ang puso ko.

Ayokong umabot sa araw na kailangan kong maghintay para sa isang pusong hindi naman akin.

Gusto ko lang mabuhay nang normal.

Gusto ko lang makapagtrabaho. Makauwi. Magising kinabukasan nang hindi iniisip kung hanggang kailan pa kakayanin ng katawan ko.

Pinahid ko ang luhang unti-unting na namang namuo sa gilid ng mata ko.

Kaya ko 'to.

Mahina kong ibinulong sa sarili ko.

Kailangan ko lang ng pambili ng gamot.

At kahit nanginginig ang boses ko, pinilit kong ngumiti.

Dahil minsan, mas madaling sabihin na kaya ko...

kaysa aminin na takot na takot naman talaga ako.

Napalibot Ang tingin ko sa

Malaking mansion. 

Sobrang laki.

Parang hindi bahay, kundi isang buong mundo na hindi ko kayang unawain. Ang mga pader ay mataas, ang hardin ay malawak, at ang ilaw mula sa loob ay kumikinang na parang walang katapusan. Nakakatakot sa laki. Parang kahit anong gawin ko, maliit lang ako dito

parang isang anino na pwedeng maglaho anumang oras.

Napatitig ako sa di-kalayuan.

At doon ko sila nakita.

Ang triplets.

Tatlong lalaking magkakapareho ang itsura, pero may kanya-kanyang aura na agad kong naramdaman kahit mula sa malayo. Napakagwapo. Sobrang gwapo. Ang uri ng gwapo na hindi mo agad matitigan nang matagal dahil may bigat sa tingin nila.

Yung isa... chickboy ang datingan. May aurang pilyo sa unang tingin. Parang sanay siyang ngumiti at makuha ang gusto niya nang hindi nagsasalita nang marami. Hindi ko agad matukoy kung sino sa kanila si Z, X, o Y. Yun kasi ang initial na binanggit sa akin walang buong pangalan, puro letra lang.

Yung isa naman... bossy ang datingan. Yung tipo ng lalaking parang lahat ay kayang pasunurin sa isang tingin lang. Tuwid ang tindig, matalim ang mata, at may bigat sa bawat kilos.

At yung isa... nonchalant. Tahimik. Parang nanonood lang siya sa lahat nang walang pakialam, pero may lalim sa mga mata niyang hindi ko agad mabasa.

Habang tinititigan ko sila, biglang napalingon ang bossy.

Kumunot ang noo niya nang makita ako. Parang may kinuwestiyon sa isip niya. Pagkatapos ay may inutusan siya isang lalaking kasama nila para palapitin ako.

Maya-maya, may lumapit sa akin.

"Miss... ikaw na daw ba ang pinadala ni Brittany?"

Tumango ako. Ngumiti. 

Katulad ng protocol. 

Bawal sumimangot. 

Bawal magpakita ng takot. 

Bawal magmukhang ayaw.

Pero sa totoo lang... 

Kinakabahan ako. 

Sobrang kabado.

Ang puso ko ay nagsisimula nang magpabilis nang konti. Alam kong delikado iyon. Alam kong bawal ang sobrang stress. Pero paano ko pipigilan? Tatlo sila. Tatlong lalaking gagalaw sa akin. Hindi ako pwedeng umangal. Hindi ako pwedeng tumanggi. Kailangan ko lang sumunod.

Sana... sana isa-isa lang. 

Huwag naman sanang sabay-sabay.

Ang kapalit nito ay 100k. 

Tig-50k kami ni Boss Brittany.

Sapat na 'yon para sa ilang buwang gamot. Sapat na para hindi ako matakot na maubusan ulit. Sapat na para mabuhay nang konti pa.

Kaya pinilit kong panatilihin ang ngiti. 

Pinilit kong ituwid ang balikat. 

Pinilit kong huwag hayaang makita ng kahit sino ang paninikip sa dibdib ko.

Dahil ngayong gabi, wala akong ibang pagpipilian.

Kailangan kong bayaran ang presyo... 

para mabuhay.

Sinundan ko ang lalaking inutusan nila. 

Bawat hakbang ay parang may bigat. Ang sapatos ko ay bahagyang tumutunog sa batong daanan, at ang puso ko ay unti-unting sumisikip-hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa takot.

Nang makalapit ako, tumigil ako sa harap nila. 

Pinilit kong ngumiti at yumuko nang kaunti.

"Happy birthday po... mga Masters."

Tatlong pares ng mata ang nagtitig sa akin.

Yung isa yung may aurang pilyo ay may mabagal na ngiti sa labi. Parang nasisiyahan siyang makita ako. 

Yung tahimik naman ay tumitig lang nang matagal... tapos dahan-dahang inilihis ang tingin, parang ayaw magpakita ng interes. 

Pero yung pinaka-bossy... 

Titig na titig.

Walang ngiti. 

Walang pagtatago. 

Parang sinusukat niya ako mula ulo hanggang paa, at alam kong wala akong maitatago sa mga matang iyon.

"Since you're already here..." mabagal niyang sabi, malalim ang boses. 

"...Strip."

Natigilan ako.

Parang bigla akong namanhid.

Napatingin ako sa paligid. 

Ang daming tao. May mga nakatingin na, may mga nagtatawanan pa rin sa malayo, may mga may hawak na baso. Feeling ko... ang liit-liit ko. Parang isang maliit na bagay na pwedeng sirain o itapon anumang oras.

Napakuyom ang kamao ko sa likod. 

Pinilit kong ngumiti. 

Pinilit kong huwag hayaang makita ang takot sa mata ko.

"S-sure po, Master..."

Dahan-dahan kong inilapag ang bag ko sa tabi. 

Ang maliit na bag na iyon ang tanging koneksyon ko sa dahilan kung bakit ako nandito. 

Dahil sa gamot. 

Dahil sa pera. 

Dahil sa buhay ko.

Marahan kong iniabot ang kamay sa likod at hinawakan ang zipper ng damit ko. 

Dahan-dahan kong ibinaba.

Isa... 

Dalawa...

Hanggang sa may biglang nagsalita.

"Stop."

Yung isa sa kambal niya yung may pilyong ngiti ang nagsalita. Sabay tingin sa bossy nilang kapatid.

"Z... tsk. Later. Too many people are watching."

Saglit akong napatigil. 

Sa isip ko, may bahagyang pasasalamat. Kahit papaano, may humadlang. Kahit sandali lang.

Pero nang marinig ko ang susunod niyang salita... 

Napalunok na lang ako.

"It's not as enjoyable..." aniya, nakangisi, 

"...once too many people have already seen."

Parang may biglang nanigas sa lalamunan ko.

Hindi dahil natigil ang pagpapahubad. 

Kundi dahil sa paraan ng pagsasalita niya. 

Parang ako ay isang bagay lang. 

Isang laruan. 

Isang kasiyahang kailangan pang iingatan para mas masarap sa susunod.

At sa gitna ng lahat ng iyon, ang puso ko ay muling sumikip.

Tahimik. 

Pero totoo.

Alam kong delikado ito. 

Alam kong bawal ang ganitong antas ng takot at kahihiyan. 

Pero ano ang magagawa ko?

Nandito na ako. 

At ang tanging paraan para makauwi nang may pera... 

ay ang sumunod.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • DYING OBSESSION    10

    Warning po...!!!!!!!!!!!!!!!!!Hansel's POV...Mahirap mabuhay...Totoo yun. Ilang beses ko nang itinatanong sa sarili ko habang nakatingin sa mga iba't ibang kliyente na nasayawan ko paano ba ako umabot sa ganito?Lumaki ako sa tita ko. Sila na ang nakamulatan kong maituturing na pamilya, pero ni minsan hindi ko naramdaman ang tunay na kalinga ng isang tahanan. Hanggang Grade 6 lang ang natapos ko. Walang pambayad ng matrikula, walang pambili ng gamit, at higit sa lahat, walang interes ang mga taong nagpalaki sa akin na patapusin ako.Napakalupit nila. Ang mga salitang "Palamunin ka lang!" at "Maglayas ka kung ayaw mong makisama!" ang madalas kong marinig tuwing umaga at gabi.Ano ba talaga ang kahulugan ng pamilya? Hindi ko na rin alam. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang kagustuhang magpatuloy.Ang gusto ko lang naman ay mabuhay... kahit gaano kahirap.Sabi ng mga kapitbahay noon, namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin. Ang tatay ko naman, naaksidente sa trabaho noong sang

  • DYING OBSESSION    9

    Hansel's POVNanginginig ang buo kong kamay habang nakahawak sa black ballpen. Bawat linya ng pirma ko sa huling pahina ng kontrata ay parang paglagda sa sarili kong kasunduan sa demonyo.Isang milyon kada buwan. Tatlong buwan. Ibinenta ko na ang sarili ko sa kanya.Pagkabitaw ko sa ballpen, kinuha ni Z ang mga papel at mabilis na isinara ang folder. Dahan-dahan siyang sumandal sa kanyang malaking leather swivel chair, iniangat ang isang binti sa ibabaw ng kabila, at tinitigan ako nang malamig at walang emosyong mga mata."Come here," malamig ngunit pautos niyang saad. Tumingin siya sa kanyang hita. "Sit on my lap."Napatigil ako. Nanlamig ang buo kong katawan habang nakatitig sa kanya. Nanginginig ang mga binti ko habang dahan-dahang tumatayo mula sa upuan at humahakbang patungo sa kinaroroonan niya. Bawat hakbang ay napakabigat.Kaya mo 'to, Hansel... pilit na bulong ng isip ko habang pilit kong kinakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Isipin mo na lang na boyfriend mo siya..

  • DYING OBSESSION    8

    Hansel's POVBago ako dumiretso sa suite ni Z, minabuti kong dumaan muna sa ospital para sa regular check-up ko.Kahit pagod ang buong katawan ko, halos hindi nakatulog nang maayos, at bawat galaw ay may kasamang kirot, kailangan kong malaman kung kakayanin ba ng puso ko ang susunod na tatlong buwan.Tatlong buwan.Tatlong buwang impyerno.Walang sinuman sa kanila ang nakakaalam tungkol sa sakit ko.Lalo na si Z.Para makakuha ng fit-to-work na kailangan ko, nagpunta lang ako sa isang ilegal na clinic at nagbayad para sa isang pekeng medical clearance Nung nagpasa ako ng requirements sa billionaire's playground nun. Hindi ako maaaring magkaroon ng record na magpapakita ng totoong kondisyon ko.Hindi naman nila napansin.Para sa kanila, isa lang akong bayarang babae.Isang babae na maaaring gamitin anumang oras at itapon kapag hindi na kailangan.At mas mabuti nang ganoon.Mas ligtas ang sikreto ko kapag walang nagtatanong.Isang malaking sunglasses at scarf ang isinuot ko upang itago

  • DYING OBSESSION    7

    Third's POV Naiiling si Luke habang napapangisi na lang mag-isa sa couch.Hindi man lang siya naka-score kanina. Buti pa si Zero nakadalawa pa nakita niya si Hansel na lumabas ng kwarto nito na hinang hina mukhang wala na yung inaalok niya dito, pinili nito si Zero. Si Eros naman, may sarili na agad sa itim na kwarto.Siya? Wala.Medyo naiinis siya dahil doon.Dati naman, ganoon lagi ang sistema nila. Kapag may babaeng pinadala, sharing. Walang Mamaya kana o Ako muna. Walang "sa akin lang." Lalo na kung galing kay Brittany. Madalas pa ngang si Zero ang unang nagsasabi na "sabay tayo." Ngayon... kakaiba.Napapangisi ulit si Luke, pero may konting pagtataka sa mata.Nakakamiss din pala ang sharing nila.Habang nakaupo siya roon, hindi niya mapigilang balikan ang huling beses na nagsama silang tatlo. Last month lang iyon. Kasama ang regular na fuckbuddy ni Zero na si Ally.Walang nagseselos. Hanggang sa labasan silang lahat, si Zero sa bibig niya, si Luke sa ass, si Eros sa pussy at

  • DYING OBSESSION    6

    Hansel's POV Itinago ko na ang pera sa loob ng maliit kong bag. Maingat. Para bang kung hindi ko itatago agad, mawawala ito. Akmang lalabas na ako nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko, tinanong niya kasi ako kanina kong anong pangalan ko."Hansel."Isang salita lang. Mababa. Malinaw. Walang pagmamadali. Pero sapat na para mapatigil ang buong katawan ko.Napalingon ako.May inaabot siyang calling card. Puting card, itim ang letra, simpleng numero lang ang nakasulat sa gitna. Walang pangalan. Walang ibang detalye. Parang sadyang ginawa para hindi maiwanan ng ebidensya."I want you to be my bedwarmer," aniya. Ang boses niya ay mababa, pero may bigat na parang utos na hindi kayang balewalain. "Call me kung payag ka."Napatitig ako sa card, pagkatapos sa kanya. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin nang diretso walang ngiti, walang lambing, puro intensyon."Kung magiging bedwarmer kita," dagdag niya, "hindi mo na kailangang magtrabaho kay Brittany. Hindi mo na kailang

  • DYING OBSESSION    5

    Third's POV They were triplets, 30 years old and born only minutes apart, yet the world had never treated them as equals.Zero, the eldest, was the quiet face of the family's legal empire. While their father, Zeke Rossi, ruled as a powerful mafia boss controlling drugs, guns, and countless illegal operations, Zero handled the clean side banks, luxury hotels, and a major shipping company. On the surface, he was the disciplined, respected businessman. Underneath, he was the most dangerous of the three: cold, calculated, and merciless when something needed to be cleaned up. He rarely spoke more than necessary. He didn't have to. The Rossi name alone was enough to make people bow.Eros, the second. As a senior airline captain, he flew across countries with the same arrogant control he carried everywhere else. The cockpit was simply another throne. Behind the polished uniform and confident smile was a man who took what he wanted-easily, without attachment, and without regret.Luke, the yo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status