MasukNasa 7th floor ng building ang swimming pool area. Indoor swimming pool iyon na nagmukhang outdoor swimming pool dahil salamin ang bubungan, kitang-kita ang malinis na kalangitan. Kompleto rin sa amenities ang lugar: isang infinity pool paras sa adults, at dolphin-shaped pool with twin slides naman ang para sa mga bata. Namamasa na ang tiled floor dahil sa mga nagsu-swimming na rin doon. Plant boxes at mabababang puno ang nakapalibot banda sa railings sa buong area, lumilikha ng maginhawang pakiramdam. Tulad ng sinabi ni Alma, mayroon doon boutique na kasinlaki ng isang silid, sa kaliwang gawi ng entrance, katabi ang hallway papunta sa shower at changing room. Maayos na nakapalibot sa pool area ang mga reclining bench; Sa likod ng mga ito ay ang mga steel table and chair with umbrella, and some of it was occupied by the resident of the condominium who wants to chill with their someone. “Is that even possible? I m
“Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na nasa harapan siya nito. “Surprised?” “Leche! Bakit hindi ka nagpapa... sabi...” papahina ang boses na sabi nito nang mapansin ang dalawang paslit na nasa likurang gilid ni Rinoah. “Hi, fairygod mom!” malawak ang ngiting naunang bati ng paslit na si Claudine na kinawayan pa ang kaibigan ng mommy niya. “Oh... my... aaahhhh! Ang mga fairy babies ko!” tili na naman ni Alma na halos itulak ang kaibigan patabi para lang malapitan ang mga inaanak na sa video call lang noon nakakausap. “Aaah! Fairygodmom!” hindi papatalong tili rin ni Claudine, habang tahimik lang at nakangiting nakamasid si Claude. Hal
Regina Elizalde was Rinoah's mother, died when she was fifteen. Na-diagnose na may stage 4 liver cancer dahil sa klase ng pamumuhay. Sikat na actress at modelo noong kabataan. Exposed sa nightlife parties. Nagtayo ng sariling acting and modelling agency, hanggang sa pasukin na rin ang film industry bago nakapag-asawa sa edad na thirty-five. Rinoah witnessed her mother's hardwork as she grew up. As the Chairman of RME Productions, a mother, and a wife, para kay Rinoah, wonderwoman ang mommy niya. Kahit abala sa kompaniya, hindi siya iniiwan sa pangangalaga ng kasambahay. Lumaki siyang walang yaya, kaya rin nakundisyon ang isip niya na dapat palagi siyang behave. Palagi siyang bitbit ng ina sa opisina. Ihahatid siya papasok sa eskuwela, susunduin pagkatapos ng klase niya at sa opisina na ni Regina maglalagi. Madalas din siya nitong isama sa production set. And that's how Rinoah got fascinated in directing a film. Ayaw niyang magpatakbo ng kompaniya,
“M-Miss Noah! Ikaw nga, Miss Noah. Nagbalik ka na!” Gulantang ang guard na sumilip mula sa bintana ng guardhouse nito. Nagmamadali itong lumabas para pagbuksan sila ng gate. Tipid na ngumiti si Noah, “Ako nga po, Mang Estong. Mabuti at nandito pa rin kayo. Kumusta po?” “Naku, ayos lang naman, Miss. Ang tagal ninyong nawala. Pasok ka—” Natigilan si Mang Estong nang mapansin ang dalawang paslit na bahagyang nagtatago sa likuran ni Rinoah. “Mga anak ko ho.” “Pasok kayo, pasok. Maiinitan kayo. Kagaganda't guwapong bata! Manang-mana sa ina!” Maluwang nitong binuksan ang maliit na tarangkahan para sa tao saka kinuha kay Rinoah ang maletang bitbit. “Maraming salamat po. Si Daddy?” Binalingan muna ni Mang Estong ang kasamahan para bilinan ito bago sinagot ang dalagang amo. “Nasa loob, Miss. Paniguradong masosorpresa ang Don at ang Madam sa pagdating ninyo.” Halata sa guard na si Man
Nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Rinoah nang ianunsiyo ng piloto ang nalalapit na paglapag ng eroplanong may lulan sa kanila. Nilingon niya ang bintanang nasa kaliwang dulo, dahilan para makasalubong niya ang mga matang nagpapaalala sa kaniya sa nakaraan, na pag-aari ng batang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. “Hon, are we gonna meet grandpa now?” bakas ang excitement sa mga mata at tinig ng paslit nang itanong iyon. Tipid siyang ngumiti, “We will see, baby,” tipid niyang sagot. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labing muling ibinaling ng lalaking paslit ang atensiyon sa pagtingin sa tanawin sa labas ng bintanang katabi nito. Noong isang araw pa excited ang anak niya sa pag-uwi nilang iyon sa Pilipinas. Napapabuntonghininga naman niyang hinagod ang buhok ng isa pang paslit na nasa tabi niya at himbing na natutulog habang nakasandig ang ulo sa braso niya. Sinong mag-aakalang sa isang gabing pag
Napapalabi si Rinoah habang tinitipa sa search engine ang buong pangalan ng lalaking nakatakda niyang pakasalan next week. CLAUDIO RIVERO... Limang personalidad ang binigay na resulta sa kaniya. Ang una ay isang football player from Uruguay, kaya inalis na niya ito sa listahan ng posibilidad. Sumunod ay 80-year-old bald man, at isang business tycoon. May possibility, pero duda siyang ipakakasal siya ng mommy niya sa mas matanda pa rito. Doble na nga ng edad sa daddy niya ang profile na tinitingnan niya, kaya erase. The third one is a... Nangunot ang noo niya, para kasing ang bata pa nito para maging Chairman? The third profile she's looking at belongs to a 33-year-old man. Una kaagad niyang napansin ang mga mata nito. Almond-shaped iyon na may maninipis na talukap. Matiim itong nakatitig sa camera, at sa sobrang expressive ng mga mata, para iyong may sinasabi sa kung sino man ang nasa likod ng lente. And... wow! Hindi







