登入“Do you know what you did in there, Claudine Reign?” Seryoso ang tingin ni Rinoah sa anak na babaeng nakatungo ang ulo habang nakaupo sa gilid ng kama kaharap siya. At kapag ganoong tinawag niya sa kumpletong pangalan ang mga anak, ibig sabihin ay may nagawang kasalanan ang mga ito. “And you know that I don't like what you did.” Saka lang niya nalaman ang nangyari sa opisina ni Joaquin matapos ang dinner nila kasama si Alma. Hindi agad iyon sinabi sa kaniya ng kaibigan dahil ayaw nitong sirain ang gabi nila. Pagkahatid nito sa kanila sa bahay ng mga magulang, hinayaan muna niyang makapag-shower ang kambal saka niya hinarap ang dalawa. Si Claude ang nagkuwento ng mga nangyari kaya ang babaeng anak naman ang hinarap niya. “Mom, I just went to see daddy...” “How many times do I have to tell you that you shouldn't call anyone dad?” Nag-angat ng mukha si Claudine, kitang-kita ni Rinoah ang determi
HOLD YOU NINE: FATHERLESS “WHERE is she?” tanong ni Joaquin sa dalawang bodyguard matapos pasadahan ang pasilyo at hini na makita si Rinoah. Itinuro ni Rocky ang malinis na pasilyo, at kapwa pa sila natigilan nang biglang bumulalas ang babaeng paslit na galing sa bumukas na elevator. “Daddy!” Hindi nakahuma si Joaquin nang yumakap ang batang babae sa kaliwang hita niya. Maging ang bodyguard na si Rocky ay nakanganga sa pagkabigla, habang si Billy, nakamasid sa isa pang bata na nakatayo lang sa tapat ng elevator. “May anak ka na?” bulong ni Rocky sa amo. “Finally po, kikita na namin kita,” nabubulol sa pagtatagalog na sabi pa ng bata. “Cutie, daddy mo 'to?” daldal ni Rocky dahil hindi pa rin natitinag ang amo sa kinatatayuan nito. “Yes po, opo! He's our daddy!” magalang at masiglang sagot ni Claudine na tinitingala ang lalaking yakap-yakap. “OUR...” mariing
“What brings you here?” Hindi inaasahan ni Rinoah ang tanong na iyon ni Joaquin, akala niya may ideya na ito kung bakit siya naroon. Napalunok muna siya para lang alisin ang tila namumuong bara sa lalamunan niya bago sumagot. “About my shares in RME. I heard from dad that you stopped giving his dividend—” “Dahil wala na siyang shares sa RME, Noah,” pag-interrupt nito sa pagsasalita niya. Hindi na niya nagawang itikom ang bibig at nanatili iyong nakabuka habang nangungunot ang noo niya. “What do you mean?” sa wakas ay nagawa niyang itanong. “He sold his shares a year before our supposedly wedding.” “W-wait, what?” “Nobody told you that's why you're here.” Tumatango-tango si Joaquin na para bang sigurado ito sa sinasabi. Nakagat ni Rinoah ang loob ng pang-ibabang labi at bahagyang nangunot ang noo. Pag
Gustong mamangha ni Rinoah sa interior design ng opisina ni Mr. Rivero. Malawak iyon, at nagsasalitan ang mga kulay ng maroon, itim, at light ash gray. Ang tahimik at napakakalmado na ng atmospera gawa ng pangdapit-hapong liwanag mula sa labas. Napupuno ng golden-orange na liwanag ang floor-to-ceiling glass wall na tumatagos sa light ash gray wall na nasa kaliwang bahagi ng silid. Ang ethereal naman sa pakiramdam ng pagdampi ng sinag ng papalubog araw sa pader, pinto, at sahig—para iyong nag-iinit at kumikinang na baga. Para siyang isang reynang nakaupo sa trono habang pinanonood ang mga bulalakaw na nahuhulog sa kawalan. Pinasopistika naman ng maroon na alpombra, at ilang art pieces ang silid. Nagkakaroon naman ng pulang gilid ang itim na frame ng office table na nakatalikod sa dambuhalang salamin, habang ang ibang dekorasyong itim ay tahimik na sumisigaw ng otoridad ng taong nag-oopisina roon. Abala siya sa pagmamasid
“GOOD AFTERNOON, SER!” “Good afternoon, sir.” “Hi, Sir!” “Hala, 'di ba si Joaquin Alonzo 'yan? Why is he here?” Sunod-sunod na pagbati ang natanggap ni Joaquin na sinusuklian niya ng pagtango, at mga bulungang nakaabot sa pandinig niya na hindi na niya binigyang pansin pa. Wala sa plano niya na makita siya ng mga taong nakakakilala sa kaniya bilang si Joaquin Alonzo sa lugar na iyon kung saan kinikilala siya bilang ibang tao at nagmamay-ari ng kilalang investment firm. P'wede naman sanang sa lift ng basement parking siya dumaan, pero kailangan pang iikot ng driver niya sasakyan para lang magparada sa designated parking lot. At sa oras na iyon, alam niyang maiipit sila dahil labasan na ng mga empleyadong may mga sasakyan na nag-oopisina sa building na 'to. Kung wala sanang naghihintay sa kaniya—malamang na umuwi na lang siya after ng trabaho niya sa RME Production.
Nasa 7th floor ng building ang swimming pool area. Indoor swimming pool iyon na nagmukhang outdoor swimming pool dahil salamin ang bubungan, kitang-kita ang malinis na kalangitan. Kompleto rin sa amenities ang lugar: isang infinity pool paras sa adults, at dolphin-shaped pool with twin slides naman ang para sa mga bata. Namamasa na ang tiled floor dahil sa mga nagsu-swimming na rin doon. Plant boxes at mabababang puno ang nakapalibot banda sa railings sa buong area, lumilikha ng maginhawang pakiramdam. Tulad ng sinabi ni Alma, mayroon doon boutique na kasinlaki ng isang silid, sa kaliwang gawi ng entrance, katabi ang hallway papunta sa shower at changing room. Maayos na nakapalibot sa pool area ang mga reclining bench; Sa likod ng mga ito ay ang mga steel table and chair with umbrella, and some of it was occupied by the resident of the condominium who wants to chill with their someone. “Is that even possible? I m







