LOGINPagkauwi ni Anton sa bahay nila, agad siyang sinalubong ni Sally. Suot pa nito ang apron, halatang galing sa kusina. Nakangiti ito nang makita siya, ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon nang mapansin niyang mag-isa lang si Anton.“Wala si Sofia?” agad na tanong ni Sally, sabay lingon sa labas, umaasang may isa pang sasakyan na susunod. Nang makitang wala, unti-unting bumagsak ang kanyang mga balikat.Umiling si Anton habang inaabot ang suitcase at inilapag iyon sa gilid ng sofa. “Wala. Hindi ko siya nakita buong araw,” pagsisinungaling niya. Hindi niya malaman kung bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Sally, pero sa tuwing iniisip niya ang nangyari kanina, ang paglapit ng lalaki kay Sofia ay gusto niya nalang muna na siya ang nakakalaam no’n para malaman muna kung ano ang relasyon ni Sofia sa lalaki.“Malapit nang mag-isang linggo, Anton. Hindi pa rin siya pumupunta rito.” Napalungkot ang mukha ni Sally habang naglalakad papunta sa sala, iniupo ang sarili sa sofa. “Sa tuwing d
Isang linggo ang lumipas matapos ang huli nilang pagsasama ni Anton, at pag-uwi niya galing sa Singapore. Apat na araw narin siyang pumapasok sa trabaho. Isa siyang journalist sa kilalang News company sa bansa, at dahil matagal na siya sa kumpanya isa narin siya sa pinagkakatiwalaan na ipadala sa kahit saang bansa para sumulat ng report. “Sofia, may mga OJT students tayo, nakalimutan ko sabihin kahapon na ikaw ang ginawang supervisor nila. Tatlo sila.” Lumapit ang kasamahan niyang si Kate at binalita iyon. Tumayo naman si Sofia, tinignan si Kate na para bang sinisigurado kung nagsasabi ito ng totoo. Naisip niya na baka ayaw lang ni Kate o ng iba mag-surpervise kaya sa kanya ibinato na hindi alam ng superior. Pero si Kate, tinaas ang dalawang kamay. “Hey, totoo ang sinabi ko, okay? Just look at the announcement. Akala ko titignan mo kagabi, pero nakita kong hindi ka nakapag-seen kaya as your little friend naisip ko na ngayon ko nalang sasabihin sa persona,” paliwanag ni Kate. Kaag
Hindi agad nakasagot si Sofia. Ang mga salitang binitawan ni Anton ay umalingawngaw sa isip niya, parang mga tunog na pilit niyang gustong burahin. Hindi siya makatingin sa kanya. Saglit siyang natahimik, huminga nang malalim, at bago pa makapagsalita, binuksan na niya ang pinto ng kotse.“Enough, Anton,” mahina niyang sabi, halos pabulong, saka lumabas.Hindi siya pinigilan ni Anton. Tinitigan lang niya ito habang lumalayo. Walang galaw, walang salita. Alam niyang anumang sabihin niya ay wala nang saysay sa mga sandaling iyon. Si Sofia naman ay mabilis na naglakad, tinawag ang unang taxi na dumaan at agad sumakay. Ngunit nang sumilip siya sa salamin, nakita niya ang kotse ni Anton sa likod, malayo, ngunit nakasunod.Pagdating niya sa tapat ng condo building, agad siyang nagbayad at bumaba. Nasa likuran pa rin ang kotse ni Anton, nakaparada lang. Hindi siya lumingon. Diretso siyang pumasok sa lobby, nag-swipe ng access card, at dumiretso sa elevator.Sa loob ng elevator, napahawak siy
Hindi agad nakapagsalita si Sofia; nakatingin lang siya kay Anton. Marahang hinawakan ni Anton ang dalawa niyang kamay at bahagyang hinalikan ang likod nito. Ngunit agad din iyong binawi ni Sofia nang mapagtanto niya na muli na naman silang lumampas sa hangganan.“Aalis na ako,” mahinahon ngunit mariing sabi niya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at mabilis na tumakbo palayo.Mabilis ang tibok ng puso ni Sofia, ngunit hindi niya na iyon ininda. Ang tanging gusto niya ay makalayo kay Anton. Huli na para magsisi, nagawa na naman niya ang pagkakamaling pilit niyang iniiwasan.“Ang tanga mo, Sofia…” mahina niyang bulong habang patuloy sa pagtakbo.Pagdating niya sa bahay, agad niyang nakita ang mama niya sa hardin, kausap ang isang kasambahay. Napahinto siya. Sa tuwing nakikita niya si Sally, bumabalik ang bigat ng mga kasalanan at lihim na pilit niyang itinatago.“Sofia, anak! Nandiyan ka pala! Akala ko umalis ka, nag-jogging ka lang pala,” masayang bati ni Sally, sabay abot ng baso ng
“Alam kong hindi mo rin ako kayang tiisin,” bulong ni Anton kay Sofia habang hinahalikan nito ang butas ng tainga ng dalaga. Napapikit si Sofia, maliit na ungol ang lumabas mula sa bibig niya. Kahit pilit niya paring itinulak si Anton palayo sa kanya ay hindi niya tuloyang magawa dahil mas lalo siyang nanghihina. “Anton…please, stop…” mahinang sabi ni Sofia. Ngunit dahil sa narinig na ungol mula sa kanya, mas lalong ginanahan si Anton. Bumaba ang halik niya sa leeg ni Sofia, mapusok hanggang sa mamula ito. Tumingin siya kay Sofia na puno ng pagnanasa ang mata. “Sofia…I want you,” mahinang bulong niya. Si Sofia naman ay tuloyan naring sumuko, nanginginig ang kamay niya. Kahit anong pigil niya, tama si Anton. Hindi niya kayang tiisin ang lalaki. “This is not right—”Hindi natapos ang sasabihin niya nang hinalikan siya nang mapusok ni Anton. Dahil sa naramdamang init ni Anton, mabilis niyang hinubad ang damit pang-itaas ni Sofia. Nagulat siya nang walang suot na bra si Sofia, at da
Nang matapos ang kasiyahan kagabi, at nagsi-uwian na ang mga bisita, kaagad ding umakyat si Sofia sa kanyang silid para makapagpahinga, hindi niya na nakausap pa muli ang ina at si Anton. Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na si Sofia. Sa labas ng bintana ng kanyang silid, mabagal na gumigising ang paligid, ang mga ibong nag-aawitan, ang malamig na hangin na dumadampi sa balat. Nakasuot siya ng simpleng jogging pants at kulay abong sweatshirt. Gusto niyang makalabas, kahit saglit. Sa loob ng bahay ay parang hindi siya makahinga, bawat sulok ay may alaala ng kagabi, bawat ingay ay tila paalala ng kasalanan.Pagbukas niya ng gate, saglit siyang napahinto.Si Anton ay naroon, nakasuot din ng pang-jogging, earphones sa leeg, at hawak ang bote ng tubig. Tila nagulat din ito nang makita siya, ngunit agad ring binawi ang reaksyon, nagpakawala ng mahinang ngiti.“Maaga ka ah,” sabi ni Anton, kalmado ang boses, pero may bahid ng pag-aalangan. “Magjo-jogging ka rin?”Hindi sumagot si







