Share

7

Author: Boraine
last update Last Updated: 2025-11-04 19:43:21

Nang matapos ang kasiyahan kagabi, at nagsi-uwian na ang mga bisita, kaagad ding umakyat si Sofia sa kanyang silid para makapagpahinga, hindi niya na nakausap pa muli ang ina at si Anton. 

Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na si Sofia. Sa labas ng bintana ng kanyang silid, mabagal na gumigising ang paligid, ang mga ibong nag-aawitan, ang malamig na hangin na dumadampi sa balat. Nakasuot siya ng simpleng jogging pants at kulay abong sweatshirt. Gusto niyang makalabas, kahit saglit. Sa loob ng bahay ay parang hindi siya makahinga, bawat sulok ay may alaala ng kagabi, bawat ingay ay tila paalala ng kasalanan.

Pagbukas niya ng gate, saglit siyang napahinto.

Si Anton ay naroon, nakasuot din ng pang-jogging, earphones sa leeg, at hawak ang bote ng tubig. Tila nagulat din ito nang makita siya, ngunit agad ring binawi ang reaksyon, nagpakawala ng mahinang ngiti.

“Maaga ka ah,” sabi ni Anton, kalmado ang boses, pero may bahid ng pag-aalangan. “Magjo-jogging ka rin?”

Hindi sumagot si Sofia. Tumingin lang siya sa kanya, saglit, bago huminga nang malalim at nagsimulang tumakbo palabas ng gate.

“Ano, hindi mo ako babatiin?” pahabol ni Anton, pilit na magaan ang tono.

Wala pa ring tugon. Nagpatuloy siya sa pagtakbo, mas mabilis pa.

Ngunit ilang sandali pa, naramdaman niyang may sumusunod. Ang tunog ng mga yabag sa semento, halos kasabay ng tibok ng kanyang puso. Paglingon niya, naroon si Anton, hindi pa rin umaalis.

“Anton, huwag mo akong sundan,” malamig niyang sabi, hindi bumabagal.

“Hindi kita sinusundan,” sagot nito, bahagyang hingal. “Pareho lang tayo ng iikutan.”

“Pero lumayo ka,” giit ni Sofia.

Natahimik si Anton, at pareho silang dalawa na wala nang sumunod na salita, tanging tunog ng kanilang mga sapatos ang maririnig. Hanggang sa umabot sila sa dulo ng kalsada, kung saan may maliit na parke, tahimik at walang tao. Doon huminto si Sofia, hawak ang tuhod, sinusubukang pakalmahin ang mabilis na paghinga, o marahil ang kaba.

Lumapit si Anton, dahan-dahan. “Sofia, may dala ka bang tubig?” mahina niyang tanong. “Here, use mine, ”

“Hindi ko kailangan,” agad na putol ni Sofia, at saka binalik ang earphone sa kanyang tainga at nagsimula muling tumakbo.

Pero kahit anong pilit niyang i-focus ang sarili sa ginagawa at pakikinig sa tugtog, naiisip niya parin si Anton. Mayamaya, dahan-dahan siyang tumakbo at pasimpleng lumingon sa likod niya, Naroon parin si Anton, nakatayo habang nakatingin sa kanya. 

“Damn it, bakit ba nakasabay ko pa siya ngayon? Ganito rin talaga siya kaaga mag-jogging?” inis niyang bulong sa sarili. 

Huminga siya nang malalim at saka nagpatuloy. Pinilit niya nalang ang sarili na makapag-focus kahit na ramdam niya na tumakbo muli si Anton sa likod niya. At sa isang iglap, napahinto si Sofia nang may humila sa braso niya. Gulat siyang tumingin sa gumawa no’n. 

“Anong ginagawa mo, Anton?” inis niyang tanong at pilit na inaalis ang braso mula kay Anton. 

Ngunit hindi siya binitawan nito. “Please, come with me, ”

“Gago ka ba? May makakita sa atin dito, bitawan mo ako. Uuwi na ako,” putol niyang sabi. 

Nabawi niya ang braso niya at tatakbo na sana ngunit muling hinawakan ni Anton ang braso ni Sofia, hindi para saktan, kundi para pigilan lang siyang umalis. Ramdam ni Sofia ang panginginig ng kamay nito, hindi sa galit kundi sa kaba.

“Sandali lang, Sofia. Hindi kita sasaktan. Kailangan lang nating mag-usap,” sabi ni Anton, halos pabulong, nagmamadali ang tinig.

“Anton, ayoko. Wala na tayong dapat pag-usapan,” sagot ni Sofia, ngunit kita sa mga mata niya ang takot at pagod.

“Please, sandali lang. Huwag dito sa kalsada,” pakiusap niya. “May makakita pa sa atin.”

Hindi na siya sinagot ni Sofia, ngunit nang mapansin niyang may mga tao nang nagsisimulang lumabas sa mga bahay para mag-jogging, hindi na rin siya umangal nang bahagyang igiya siya ni Anton palayo. Hindi mahigpit, hindi marahas, pero halatang desperado.

Ilang minuto lang at nasa tapat na sila ng maliit na parke. Nasa gilid noon ang isang kulay abong kotse, tila matagal nang naka-park doon. Doon niya siya dinala ni Anton.

“Sa loob na tayo,” mahinahon nitong sabi. “Sandali lang.”

Nag-aatubili si Sofia, ngunit sa huli, binuksan ni Anton ang pinto ng kotse at pinaghintay siya sa passenger seat. Pumasok siya, mabigat ang dibdib, at isinara ang pinto. Sa loob, tahimik. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng hangin sa labas at ang tibok ng kanilang mga puso.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” bulalas ni Sofia matapos ang ilang sandali. “Hindi ba malinaw kagabi na ayoko na?”

Tumingin si Anton sa manibela, mahigpit ang hawak doon. “Sofia, let us just talk for a while…please.”

Napahawak sa noo si Sofia, pilit pinipigilan ang pagpatak ng luha. “Aalis ako sa bahay ninyo. Kaya kung ano pa ang sabihin mo, sabihin mo na,” mahinang sabi ni Sofia. 

Huminga nang malalim si Anton, hindi pa rin inaalis ang tingin sa manibela. Ang ilaw na pumapasok mula sa bintana ay nagpapatingkad sa pagod at gulo sa kanyang mukha. “Hindi ito tungkol sa… sa bahay. Wala akong pakialam kung umalis ka,” nagsimulang magbago ang boses niya, naging malalim at may bahid ng sakit. “Tungkol ito sa atin. Kahit anong pilit mong iwasan, alam nating hindi nagbago ang nangyari noon at kagabi.”

“Walang tayo,” mariin na sagot ni Sofia, ang bawat salita ay may lason at pilit na itinutulos sa sarili. “Ang nangyari noon at kagabi ay isang malaking pagkakamali na hindi dapat nangyari, at hindi na mauulit.”

Biglang lumingon si Anton, ang mga mata niya ay nag-aapoy sa matinding damdamin, galit, sakit, at pag-ibig na matagal nang itinago. “Huwag kang magsinungaling sa akin, Sofia. Nakita ko ang takot sa mga mata mo, oo, pero nakita ko rin ang... ang parehong apoy na nakita ko kagabi.”

“Tumigil ka na,” bulong ni Sofia, humihigpit ang hawak sa kanyang jogging pants. Parang tumutukoy sa apoy ang lahat ng kanyang paghinga, at ang pinakamalaking takot niya ay baka tama si Anton.

Hindi na nagsalita pa si Anton. Sa halip, dahan-dahan siyang gumalaw. Maingat niyang inilapit ang kanyang mukha kay Sofia. Hindi ito mabilis, sapat para mabigyan siya ng pagkakataong lumayo, ngunit sa sandaling iyon, parang napako si Sofia sa kinauupuan niya. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ni Anton, habang ang distansiya sa pagitan nila ay unti-unting lumiliit.

Nang maglapat ang kanilang mga labi, parang may sumabog sa dibdib ni Sofia. Desperadong halik, na punung-puno ng pagkasabik. Agad siyang nagpumiglas. Tinulak niya ang balikat ni Anton, umiiwas sa halik, nagsisikap na bumalik sa reyalidad at huwag hayaang lamunin siya ng emosyon.

“Bitawan mo ako, Anton!” sigaw niya, pilit na inaalis ang mukha niya.

Ngunit sa halip na bumitaw, mas lumalim ang halik ni Anton, at sa parehong sandali, naramdaman ni Sofia ang malambot at mainit na haplos ng kamay ni Anton. Mula sa kanyang baywang, dahan-dahang gumapang ang palad nito pababa, at huminto sa ibabaw ng kanyang hita. Sapat na makapigil-hininga. 

Ang init ng palad ni Anton ay tumagos sa manipis na tela ng kanyang jogging pants, at biglang naramdaman ni Sofia ang pag-agos ng init sa kanyang buong katawan.

Ang pakiramdam na iyon, ang kilala niyang init, ang pamilyar na kuryente, ay tila nag-alis ng lahat ng lakas sa kanyang katawan. 

Ang kamay na nagtutulak kay Anton ay biglang nanghina, at sa halip na itulak siya, kumapit na lang ito sa damit ni Anton. Ang pagpupumiglas ni Sofia ay naging isang mahinang pag-ungol. Ang bawat sentimetro ng balat na nadadapuan ng kamay ni Anton ay tila nagpapatunay sa kanyang pagkakasala, ngunit kasabay nito ay nagpaparamdam ng hindi mapigilang pagnanasa.

Hindi na halik ng pagmamahal ang nangyayari, kundi isang pilit na pag-amin ng katawan sa pagnanasang matagal nang itinatanggi ng isip. Ang kamay ni Anton ay dahan-dahang umakyat paitaas, at sa wakas ay narating ang panloob na bahagi ng hita ni Sofia, kung saan pinisil niya ito nang marahan. Sa haplos na iyon, biglang naglaho ang lahat ng kanyang pagpipigil at galit. 

Ipinikit ni Sofia ang kanyang mga mata, at isang maliit na hikbi ang lumabas sa kanyang labi, hindi dahil sa kalungkutan, kundi ng pagsuko.

Ilang sandali pa silang nanatili sa ganoong posisyon, ang tanging tunog na maririnig sa loob ng kotse ay ang kanilang mabibigat at magkasing-bilis na paghinga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy Anton (SPG)   12

    Pagkauwi ni Anton sa bahay nila, agad siyang sinalubong ni Sally. Suot pa nito ang apron, halatang galing sa kusina. Nakangiti ito nang makita siya, ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon nang mapansin niyang mag-isa lang si Anton.“Wala si Sofia?” agad na tanong ni Sally, sabay lingon sa labas, umaasang may isa pang sasakyan na susunod. Nang makitang wala, unti-unting bumagsak ang kanyang mga balikat.Umiling si Anton habang inaabot ang suitcase at inilapag iyon sa gilid ng sofa. “Wala. Hindi ko siya nakita buong araw,” pagsisinungaling niya. Hindi niya malaman kung bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Sally, pero sa tuwing iniisip niya ang nangyari kanina, ang paglapit ng lalaki kay Sofia ay gusto niya nalang muna na siya ang nakakalaam no’n para malaman muna kung ano ang relasyon ni Sofia sa lalaki.“Malapit nang mag-isang linggo, Anton. Hindi pa rin siya pumupunta rito.” Napalungkot ang mukha ni Sally habang naglalakad papunta sa sala, iniupo ang sarili sa sofa. “Sa tuwing d

  • Daddy Anton (SPG)   11

    Isang linggo ang lumipas matapos ang huli nilang pagsasama ni Anton, at pag-uwi niya galing sa Singapore. Apat na araw narin siyang pumapasok sa trabaho. Isa siyang journalist sa kilalang News company sa bansa, at dahil matagal na siya sa kumpanya isa narin siya sa pinagkakatiwalaan na ipadala sa kahit saang bansa para sumulat ng report. “Sofia, may mga OJT students tayo, nakalimutan ko sabihin kahapon na ikaw ang ginawang supervisor nila. Tatlo sila.” Lumapit ang kasamahan niyang si Kate at binalita iyon. Tumayo naman si Sofia, tinignan si Kate na para bang sinisigurado kung nagsasabi ito ng totoo. Naisip niya na baka ayaw lang ni Kate o ng iba mag-surpervise kaya sa kanya ibinato na hindi alam ng superior. Pero si Kate, tinaas ang dalawang kamay. “Hey, totoo ang sinabi ko, okay? Just look at the announcement. Akala ko titignan mo kagabi, pero nakita kong hindi ka nakapag-seen kaya as your little friend naisip ko na ngayon ko nalang sasabihin sa persona,” paliwanag ni Kate. Kaag

  • Daddy Anton (SPG)   10

    Hindi agad nakasagot si Sofia. Ang mga salitang binitawan ni Anton ay umalingawngaw sa isip niya, parang mga tunog na pilit niyang gustong burahin. Hindi siya makatingin sa kanya. Saglit siyang natahimik, huminga nang malalim, at bago pa makapagsalita, binuksan na niya ang pinto ng kotse.“Enough, Anton,” mahina niyang sabi, halos pabulong, saka lumabas.Hindi siya pinigilan ni Anton. Tinitigan lang niya ito habang lumalayo. Walang galaw, walang salita. Alam niyang anumang sabihin niya ay wala nang saysay sa mga sandaling iyon. Si Sofia naman ay mabilis na naglakad, tinawag ang unang taxi na dumaan at agad sumakay. Ngunit nang sumilip siya sa salamin, nakita niya ang kotse ni Anton sa likod, malayo, ngunit nakasunod.Pagdating niya sa tapat ng condo building, agad siyang nagbayad at bumaba. Nasa likuran pa rin ang kotse ni Anton, nakaparada lang. Hindi siya lumingon. Diretso siyang pumasok sa lobby, nag-swipe ng access card, at dumiretso sa elevator.Sa loob ng elevator, napahawak siy

  • Daddy Anton (SPG)   9

    Hindi agad nakapagsalita si Sofia; nakatingin lang siya kay Anton. Marahang hinawakan ni Anton ang dalawa niyang kamay at bahagyang hinalikan ang likod nito. Ngunit agad din iyong binawi ni Sofia nang mapagtanto niya na muli na naman silang lumampas sa hangganan.“Aalis na ako,” mahinahon ngunit mariing sabi niya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at mabilis na tumakbo palayo.Mabilis ang tibok ng puso ni Sofia, ngunit hindi niya na iyon ininda. Ang tanging gusto niya ay makalayo kay Anton. Huli na para magsisi, nagawa na naman niya ang pagkakamaling pilit niyang iniiwasan.“Ang tanga mo, Sofia…” mahina niyang bulong habang patuloy sa pagtakbo.Pagdating niya sa bahay, agad niyang nakita ang mama niya sa hardin, kausap ang isang kasambahay. Napahinto siya. Sa tuwing nakikita niya si Sally, bumabalik ang bigat ng mga kasalanan at lihim na pilit niyang itinatago.“Sofia, anak! Nandiyan ka pala! Akala ko umalis ka, nag-jogging ka lang pala,” masayang bati ni Sally, sabay abot ng baso ng

  • Daddy Anton (SPG)   8

    “Alam kong hindi mo rin ako kayang tiisin,” bulong ni Anton kay Sofia habang hinahalikan nito ang butas ng tainga ng dalaga. Napapikit si Sofia, maliit na ungol ang lumabas mula sa bibig niya. Kahit pilit niya paring itinulak si Anton palayo sa kanya ay hindi niya tuloyang magawa dahil mas lalo siyang nanghihina. “Anton…please, stop…” mahinang sabi ni Sofia. Ngunit dahil sa narinig na ungol mula sa kanya, mas lalong ginanahan si Anton. Bumaba ang halik niya sa leeg ni Sofia, mapusok hanggang sa mamula ito. Tumingin siya kay Sofia na puno ng pagnanasa ang mata. “Sofia…I want you,” mahinang bulong niya. Si Sofia naman ay tuloyan naring sumuko, nanginginig ang kamay niya. Kahit anong pigil niya, tama si Anton. Hindi niya kayang tiisin ang lalaki. “This is not right—”Hindi natapos ang sasabihin niya nang hinalikan siya nang mapusok ni Anton. Dahil sa naramdamang init ni Anton, mabilis niyang hinubad ang damit pang-itaas ni Sofia. Nagulat siya nang walang suot na bra si Sofia, at da

  • Daddy Anton (SPG)   7

    Nang matapos ang kasiyahan kagabi, at nagsi-uwian na ang mga bisita, kaagad ding umakyat si Sofia sa kanyang silid para makapagpahinga, hindi niya na nakausap pa muli ang ina at si Anton. Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na si Sofia. Sa labas ng bintana ng kanyang silid, mabagal na gumigising ang paligid, ang mga ibong nag-aawitan, ang malamig na hangin na dumadampi sa balat. Nakasuot siya ng simpleng jogging pants at kulay abong sweatshirt. Gusto niyang makalabas, kahit saglit. Sa loob ng bahay ay parang hindi siya makahinga, bawat sulok ay may alaala ng kagabi, bawat ingay ay tila paalala ng kasalanan.Pagbukas niya ng gate, saglit siyang napahinto.Si Anton ay naroon, nakasuot din ng pang-jogging, earphones sa leeg, at hawak ang bote ng tubig. Tila nagulat din ito nang makita siya, ngunit agad ring binawi ang reaksyon, nagpakawala ng mahinang ngiti.“Maaga ka ah,” sabi ni Anton, kalmado ang boses, pero may bahid ng pag-aalangan. “Magjo-jogging ka rin?”Hindi sumagot si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status