Share

Kabanata 2

Author: Docky
last update publish date: 2026-08-03 15:09:01

Isang babaeng nakasuot ng eleganteng puting bestida ang dahan-dahang naglalakad papasok ng auction hall. Mahaba na ang buhok nito pero ang mukha at ngiti nito ay pamilyar na pamilyar kina Drew at sa kambal.

  “IYA!” Hindi na napigilan ni Drew ang sarili. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. Napalingon si Iya sa kaniya pero napansin niyang bahagya itong nagtaka. 

  Agad na niyakap ni Drew ang babaeng tatlong taon niyang hinanap. “Honey, thank God. You’re alive...” Ilang segundo lang ang lumipas, marahan siyang itinulak palayo ni Iya. Nakakunot ang noo nito habang nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. 

  “I’m sorry...” Malumanay ngunit malamig ang boses ng babae. “Do I know you?”

  Parang may humawak sa puso ni Drew at unti-unti iyong piniga. Hindi lang siya ang natigilan pati na rin sina Drake at Blake. 

  “Mommy...” umiiyak na bulong ng kambal.

Ang babaeng nasa harapan ng kambal at ni Drew ay tumingin lamang sa kanila na para bang ngayon lang sila nito nakita sa buong buhay nito.

  “I’m sorry… I think you’ve mistaken me for someone else.”

Tumibok nang napakabilis ang puso ni Drew nang mahawakan niya ang braso ng kaniyang asawa. He missed her so múch. Kung hindi dahil sa anak nila, baka tuluyan na siyang nabaliw. All these years, he thought that she's already dead. Subalit…Ang mga matang minsan ay puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanya... ngayo'y walang kahit anong kislap ng pagkilala.

“Sir, do I know you?” pag-uulit ni Iya.  

Parang kutsilyong paulit-ulit na sumaksak sa dibdib ni Drew ang mga salitang iyon. “Iya...” nauutal niyang sabi. “Ako ito... si Drew. Ang asawa mo.”

Bahagyang napakunot ang noo ni Iya bago siya umiling. “I'm sorry, Sir. Hindi ko po kayo kilala. At isa pa...” Itinaas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Ipinakita niya ang isang mamahaling singsing na may malaking brilyante. “May asawa na po ako.”

Napahigpit ang hawak ni Drew sa dibdib niya. Para bang may sumabog sa loob niya.

“Mommy!” sigaw ni Blake sabay takbo palapit sa kaniyang ina. Niyakap niya ang binti nito. “Mommy, ako po si Blake! At siya naman po si Drake! Mga anak niyo po kami!”

Napatitig si Iya sa kambal bago siya naglakad palapit sa mga ito. Hindi siya umiyak pero kitang-kita ang hindi maipaliwanag na sakit sa mga mata niya. 

“Mommy... miss na miss ka na po namin.”

Umiling si Iya. “Wala akong anak. Hindi ako ang Mommy niyo. Nagkakamali kayo ng nilapitan." Pagkasabi niya noon ay bigla na lamang sumikip ang kaniyang dibdib, bagay na hindi niya maipaliwanag kung bakit.

“Mommy, don't joke us around. Look at us. We have the same eyes." Kahit umiiyak na, pinilit pa ring ngumiti ni Drake. “We have the same smile."

Umawang ang bibig ni Iya. Magsasalita sana ulit siya nang biglang may humawak sa kaniyang balikat.

“Is there a problem, my love?”

Lahat sila ay napalingon sa lalaking nagsalita. Matangkad ito, matatalim ang mga mata, at may aura ng katapangan sa buong pagkatao nito. Nakasuot ito ng mamahaling itim na suit, at sa dibdib nito ay may brooch na sagisag ng isang lumang angkan sa Europa.

“Zuko...” malumanay na sabi ni Iya habang hinahawakan niya ang braso ng lalaki. “May mga taong nagkakamali yata ng pagkakilanlan sa akin."

Kumunot agad ang noo ni Drew nang mamukhaan niya ang lalaki. ‘Zuko Altrovi?’

Ngumiti si Zuko, isang ngiting tila magiliw ngunit may nakatagong lalim. “Ganoon ba?” Bumaling siya kay Drew. Sinukat niya ito mula ulo hanggang paa. “Mukhang napagkamalan ninyo ang aking asawa bilang ibang tao. She's Iya Altrovi—" 

“Iya Monteverde-Revamonte ang pangalan niya,” malamig na sabat ni Drew. Hindi siya natakot kahit pa nakatayo siya sa harap ng isa sa pinaka mapanganib na tao sa underground world. “At ako ang legal niyang asawa.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zuko. Naging mas matalim at mas mapanukso iyon. “Sa tingin ko ay may pinagdadaanan kayo. Pero huwag niyo naman sanang idamay ang aking asawa sa inyong delusyon. Nananahimik kami at ayaw namin ng gulo. Kung gusto niyong makipaglaro, you got the wrong people. I hate games, so does my wife." 

“Daddy...” mahinang tawag ni Drake. Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ama. “Daddy, ano pong nangyayari? Bakit hindi po tayo makilala ni Mommy?”

Hindi nakasagot si Drew. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag sa mga anak na ang ina nila ay wala nang ala-ala sa kanila.

“I think it's best na umalis na kayo,” sabi ni Zuko. “Bago pa ako magpatawag ng seguridad.”

“Iya...” tawag muli ni Drew. Hindi siya makapaniwala na ganito ang magiging pagtatagpo nila. “Hindi mo ba talaga ako naaalala? Ang mga anak mo? Ang buhay natin?”

Tumitig si Iya kay Drew. Nagkaroon ng bahagyang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Parang may gusto siyang sabihin, ngunit bigla siyang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Napahawak siya sa kaniyang sentido.

“My love, are you okay?” agad na tanong ni Zuko. Inakbayan niya ito at inalalayang maglakad papalayo. “Let's go. Hindi maganda ang lugar na ito para sa iyo.”

“Zuko, sandali lang...” mahinang sabi ni Iya. “Parang... parang kilala ko ang mga taong iyon. Parang pamilyar sila. Baka masasagot nila ang mga tanong ko tungkol sa aking pagkatao—”

“My love, galing tayo sa mahabang biyahe. Pagod ka lang at huwag mo nang masyadong isipin ang mga sinabi nila. They're not serious. Maybe, they're one of the people who want to scam us,” mahinahong sabi ni Zuko. “Sumakit na naman ba ang ulo mo? Bukas na bukas din  ay magpapatingin tayo sa doktor mo.”

Bago sila lubusang makalayo, lumingon si Iya sa lalaking nagpakilala bilang asawa niya, si Drew. Sa sandaling iyon, nagtagpo ang kanilang mga mata.

“Iya, what happened? You seemed to forget who you really are…who your family is.” Nang tumama ang mata ni Drew kay Iya ay nakita niya ang babaeng kanyang minahal—ang babaeng puno ng buhay at pagmamahal.  

Ngunit isang segundo lang iyon dahil tuluyan nang nawala sa karamihan sina Iya at Zuko.

Natauhan si Drew nang marinig niya ang iyak ng mga anak niya.

“Daddy...” umiiyak na sabi ni Blake. “Bakit hindi po tayo kilala ni Mommy?”

Napaluhod si Drew sa harap ng kaniyang mga anak. Pinunasan niya ang luha nina Blake at Drake.

“May nangyari sa mommy niyo,” mahinang paliwanag ni Drew. “Naaksidente tayo, natatandaan niyo ba? After ng plane crash, hindi na natin siya nakita.”

“Buhay si Mommy,” sabi ni Drake. “Bakit hindi po niya tayo maalala?”

“Siguro, nagkaroon siya ng sakit,” sagot ni Drew. 

“Ano pong sakit, Daddy?" tanong ni Drake.

“Isang sakit na tinatawag na amnesia. Nawala ang kaniyang mga ala-ala,” tugon ni Drew.

“P'wede pa po bang bumalik ang ala-ala ni Mommy?” tanong ni Blake.

Tumayo si Drew. Tiningnan niya ang p***o kung saan nawala sina Iya at Zuko kanina. “Oo,” matatag na sagot niya. “At gagawin ko ang lahat para maalala niya tayo. Kahit ano pang mangyari.”

Sa isipan ni Drew, alam niyang hindi magiging madali ang laban na ito. Si Zuko Altrovi ay hindi isang ordinaryong tao. Ito ang pinuno ng Altrovi Mafia Syndicate, isang imperyong itinayo sa dugo, takot, at kasinungalingan. At kung gusto niyang mabawi si Iya, kailangan niya munang matalo si Zuko dahil tiyak niyang hindi nito basta pakakawalan ang asawa niya.

~~~~

Sa Loob ng mamahaling sasakyan ni Zuko

“Iya, okay ka lang ba?” tanong ni Zuko habang hawak niya ang kamay nito.

Tumango si Iya ngunit hindi siya nagsalita. Nakatingin siya sa bintana. Ang nasa isip niya ay nakatuon sa lalaking nagpakilala bilang asawa niya at sa dalawang batang kamukhang-kamukha niya.  

‘Bakit sila pamilyar? Bakit parang nasaktan ako noong makita ko silang umiiyak?’ sigaw ng isip ni Iya.

“My love,” tawag ni Zuko. “Huwag mo silang pansinin. Mga siraulo o scammers lang ang mga iyon.”

“Pero Zuko...” mahinang sabi ni Iya. “Ang mga bata, kamukha ko sila.”

Napahinto si Zuko. Saglit siyang natahimik bago ngumiti. “Maraming bata ang kamukha mo, my love. Maganda ka kasi.”

Natawa nang bahagya si Iya pero hindi iyon totoo. Alam niyang may mali. Alam niyang may kulang.  After three long years with Zuko, nakaramdam siya ng pag-aalinlangan sa lahat ng sinabi nito tungkol sa kaniyang pagkatao.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 4

    **Makati Art Gallery, 10:00 AM**Ang Art Gallery ng Makati ay isang tahimik na lugar tuwing umaga. Ang malalaking bintana nito ay nagpapasok ng natural na liwanag, na nagbibigay-diin sa mga painting na nakasabit sa mga dingding. Karamihan sa mga ito ay mga lokal na likha: mga tanawin ng Pilipinas, mga portrait, at mga abstract na obra.Pumasok ang kambal na parang mga ordinaryong batang turista. Dala nila ang kanilang mga sketchpad at lapis, kunwari ay may hinahanap na inspirasyon para sa kanilang art project."Tingnan mo, Drake," sabi ni Blake habang nakaturo sa isang painting ng Baguio. "Gan'yan daw ang Baguio noong unang panahon.""Maganda ah," sagot ni Drake habang pinagmamasdan ang painting. "Parang gusto kong pumunta diyan balang araw."Habang nag-uusap sina Drake at Blake ay nakita nilang pumasok ang kanilang Mommy Iya. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at may dalang maliit na canvas bag. Hindi ito napapansin ng ibang tao sa gallery. Tahimik itong naglalakad habang pinagmam

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 3

    Tatlong araw pagkatapos ng auction, mula nang makita ni Drew si Iya ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Tuwing pipikit siya, nakikita niya ang mga mata nito, mga matang walang pagkilala at walang pagmamahal. At ang pinakamasakit, nakikita niya si Zuko na humahawak sa kaniyang asawa na parang pag-aari nito si Iya. "Daddy?" Napalingon si Drew. Nasa may pintuan ng kaniyang opisina sina Blake at Drake. Parehong seryoso ang mga ito, hindi tulad ng dati na makukulit at maiingay. "Come in," mahinang sabi ni Drew. Sabay na lumapit ang kambal. Umupo sila sa harap ng mesa ng kanilang ama. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Drake, ang mas tahimik sa kanilang dalawa. "Daddy, may plano ka na po ba?" Napatingin si Drew sa kaniyang mga anak. Siyam na taong gulang pa lamang ang kambal ngunit mas mature na ang mga ito kaysa sa kanilang edad. Siguro dahil sa trahedya o siguro dahil lumaki ang mga itong walang ina. "Wala pa," matapat na sagot ni Drew. "I'm still brainstorming." "Puw

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 2

    Isang babaeng nakasuot ng eleganteng puting bestida ang dahan-dahang naglalakad papasok ng auction hall. Mahaba na ang buhok nito pero ang mukha at ngiti nito ay pamilyar na pamilyar kina Drew at sa kambal. “IYA!” Hindi na napigilan ni Drew ang sarili. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. Napalingon si Iya sa kaniya pero napansin niyang bahagya itong nagtaka. Agad na niyakap ni Drew ang babaeng tatlong taon niyang hinanap. “Honey, thank God. You’re alive...” Ilang segundo lang ang lumipas, marahan siyang itinulak palayo ni Iya. Nakakunot ang noo nito habang nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “I’m sorry...” Malumanay ngunit malamig ang boses ng babae. “Do I know you?” Parang may humawak sa puso ni Drew at unti-unti iyong piniga. Hindi lang siya ang natigilan pati na rin sina Drake at Blake. “Mommy...” umiiyak na bulong ng kambal.Ang babaeng nasa harapan ng kambal at ni Drew ay tumingin lamang sa kanila na para bang ngayon lang sila nito nakita sa buong bu

  • Daddy, Let's Get Mommy Back!    Kabanata 1

    “Iya...” Mahigpit ang pagkakahawak ni Drew sa kamay ng kaniyang asawa. “Huwag kang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya mo ‘yan.” Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya sa pag-ire. “D-Drew...” “Huwag ka nang magsalita.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minahal. Walang araw na hindi niya nakitang hirap si Iya dahil maselan ang pagbubuntis nito at awa ng Diyos ay makakaraos na rin sa wakas si Iya. Inalok niya itong mag painless delivery pero tumanggi ito dahil nais daw nitong maranasang manganak ng normal delivery. Halos mapaiyak si Iya sa bawat paghilab at paninigas niya. Tinurukan pa siya ng pampahilab dahil hindi pa bu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status