“Nakahanda na po ang mga tao natin, Sir,” sagot ni Gibo.Nang matapos kumain, agad na tumayo ang apat na bata. Bitbit ni Atticus ang kaniyang laptop bag habang si Atlas naman ang nagmamadaling kumuha ng susi sa mesa.“Tito Drew, aalis na kami!” sigaw ni Atticus habang patakbo sa pinto.“Atticus! Atlas!” habol ni Drew habang naglalakad patungo sa pinto. “Ang mga bilin ko, ha! Kapag may nangyaring masama o kapag tumakas kayo sa mga guard, ididiretso ko kayo sa opisina ng Daddy Gideon niyo!”Lumingon si Atlas at nag-salute pa habang nakangisi. “Copy, Tito Drew! Huwag ka nang mag-alala, kami ang pinakamabuting mga pinsan sa mundo!”Naiiling na lang na napangiti si Drew habang pinapanood ang apat na bumababa sa hagdan ng beranda patungo sa nakaparadang sasakyan. Kahit sa gitna ng matinding tensyon at peligro laban kay Zuko, kahit papaano ay nakakapaghatid ng kaunting saya at kagaanan sa bahay ang presensya ng kaniyang pamilya.Nang makapasok ang apat sa malaking SUV, agad na sumunod sa lik
Last Updated : 2026-08-09 Read more