LOGIN"Leave her alone. She's my wife and I don't care if you're a Mafia Don. They said you're dangerous but for me, nothing is more dangerous than a husband who wants to get his wife back---" "Yes, Daddy Drew is right! We will get our Mommy back whether you like it or not!" matapang na sigaw ni Blake habang ang kaniyang kakambal naman ay may hawak na laruang baríl-barílan at nakatutok iyon kay Zuko Altrovi, ang lalaking kumuha sa kanilang ina. "Sino ba talaga kayo? Bakit niyo ako kilala?" naguguluhang tanong ni Iya habang nakatitig sa kambal na nasa harap niya at sa lalaking nagpakilalang asawa niya. "If you want her back, then win her over. But before it happens, you need to deal with me first... "
View More“Iya...” Mahigpit ang pagkakahawak ni Drew sa kamay ng kaniyang asawa. “Huwag kang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya mo ‘yan.”
Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya sa pag-ire. “D-Drew...” “Huwag ka nang magsalita.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minahal. Walang araw na hindi niya nakitang hirap si Iya dahil maselan ang pagbubuntis nito at awa ng Diyos ay makakaraos na rin sa wakas si Iya. Inalok niya itong mag painless delivery pero tumanggi ito dahil nais daw nitong maranasang manganak ng normal delivery. Halos mapaiyak si Iya sa bawat paghilab at paninigas niya. Tinurukan pa siya ng pampahilab dahil hindi pa bukas ang kaniyang cervix pero 3cm dilated na siya. Sobrang sakit noon at halos anim na oras nang panay ang hilab ng tiyan niya. Makalipas ang ilang sandali, umalingawngaw ang iyak ng dalawang sanggol sa loob ng silid. Sa unang pagkakataon, narinig ni Drew ang tunog na magpapabago sa buong buhay niya. “Congratulations, Mr. and Mrs. Revamonte. Ang guguwapo po ng mga anak niyo,” wika ng doktor habang inilalagay ang kambal sa dibdib ni Iya. “Our babies…” naluluhang turan ni Iya habang masaya niyang pinagmamasdan ang mga sanggol na nasa dibdib niya. “Guwapo nga sila, doc. Mana sila sa akin eh," sabi ni Drew. Nakangiti siya habang may mga luhang nag-uunahang bumagsak sa kaniyang mga mata. Hahawakan na sana niya ang mga sanggol nang kunin ang mga ito ng nurse para linisan at bihisan. Sinundan niya ng tingin ang kaniyang mga anak hanggang sa makalabas na ang mga ito sa delivery room, kasama ang nurse. “Hindi, honey. Parang kamukha ko sila eh," pabirong sabi ni Iya. Tumingin si Drew sa kaniyang asawa. “Hindi na ako tututol kasi kung ikaw ang magiging kamukha nila, lalaki silang mas guwapo pa sa akin dahil napakaganda ng nanay nila.” Saglit siyang huminto.Salamat, Iya. Maraming maraming salamat dahil binigyan mo ako ng mga guwapong anak…binigyan mo ako ng tagapagmana." Napangiti si Iya. “Ano ka ba? Bakit ka nagpapasalamat eh dalawa naman tayong gumawa—” "But you carried them in your belly and you gave birth to them. And I witnessed how hard it is to become a mother…Alam mo bang mas lalo kitang minahal dahil doon?" “D-Drew…” Hinalikan ni Drew si Iya sa noo nito. Hinawakan niya ang kamay nito at saka muling hinaplos ang buhok nito. "You did well. Now, you may take your rest. Ako na muna ang bahala sa mga bata at bawal na bawal kang gumawa sa bahay. Kumuha na ako ng mga katulong—” "Mahal na mahal ko kayo ng mga bata…" nakangiting sambit ni Iya. “Mahal na mahal ka rin namin…honey,” nakangiting tugon ni Drew sabay halik sa labi ng kaniyang asawa. ~~~~ 5 years later “Daddy.” Napatingin si Drew pababa. “Ano iyon, Blake?” “Matagal pa po ba bago natin makita sina Uncle Gideon?” “Oo nga po, daddy. Miss na po namin sina Kuya Atticus at Kuya Atlas," turan naman ni Drake. Napangiti si Drew. “Excited na kayo ano?” Tumango ang mga bata. “Opo.” Humawak sila sa braso ng kanilang ama. “Gusto na po naming i play sina Atlas at Atticus.” Napangiti si Drew. “Sabi ko na nga ba at hindi si Uncle Gideon ang pakay niyo eh. Magtatampo ‘yon sa inyo kapag nalaman niya ‘yon," natatawang sabi niya. “Hayaan mo na po siyang magtampo, daddy. Magtampo na po ang lahat huwag lang po si mommy. Mahirap po kasi siyang suyuin,” seryosong sabi ni Blake na ngayon ay nakatago na sa likod ni Drew. "Aba, Blake. Hindi kita tinuruan ah—" “Drew Revamonte, kung ano-ano na namang kalokohan ang itinuturo mo sa mga anak natin eh.” Si Iya habang hila-hila niya ang maleta ng kambal. "Mommy, joke lang po iyon,” natatawang sabi ni Blake. "Sus. Pasalamat ka at mahal ka ni mommy. Ikaw rin, Drake…" “Mommy, sasakay na po tayo sa airplane. Yehey!" sigaw ni Drake. "Oo at tulad nang dati, kailangan behave pa rin kayo ha?" “Yes po, Mommy!" sabay na tugon ng kambal. Napailing na lamang si Drew habang pinagmamasdan niya ang dalawang anak nila habang papasok sila sa eroplano. Parehong mana ang mga ito sa ina nila — makulit, madaldal, at puno ng buhay. Nang makaupo na ang mag-anak sa kanilang seats, agad na kinuha nina Blake at Drake ang kani-kanilang mga laruan. Naging busy na sila sa paglalaro habang ang kanilang mga magulang naman ay abala sa pag-aayos ng mga baggage nila. Nang makaupo si Drew ay agad niyang hinila sa bewang si Iya dahilan para mapaupo ito sa tabi niya. “Drew...” namumulang bulong ni Iya. “Ano?” kunwari’y inosenteng tanong ni Drew. “Nandito ang mga anak natin.” “So?” Napailing si Iya bago marahang sinuntok ang dibdib ng asawa niya. “Anong so? No flirting.” Ngumiti si Drew saka hinalikan ang noo ni Iya. “Ilang taon na tayong kasal pero nahihiya ka pa rin.” Namula ang mga pisngi ni Iya. “Siyempre, hindi pa rin nawawala sa isip ko na dati mo lang akong sekretarya hanggang sa naging contracted girlfriend tapos naging contracted wife—” “So? You are my wife now. No more contracts. Totohanan na ito, Iya. Ayan oh. May mga anak na tayo." Napatawa si Drew bago niya niyakap nang mahigpit si Iya. “Huwag ka nang umangal. I missed this.” “Magkasama naman tayo araw-araw.” “I know. Pero gusto kong mas tumagal pa ang mga ganitong sandali.” “Kung makapagsalita ka naman parang mamamatay na ako eh," pabirong sabi ni Iya. Naramdaman ni Drew na yumakap din si Iya sa kanya. “Oy hindi ah pero promise... habang-buhay kitang aalagaan, mamahalin at pauunguLín.” Mariing ipinikit ni Iya ang kaniyang mga mata bago niya kinurot sa tagiliran si Drew. "Marinig ka ng mga bata!” saway niya habang natatawa. Tumawa si Drew. “I love you so much, honey." “I love you so much too, honey. Pangako, sa'yo lang ako. Ika nga sa kanta, para lang sa'yo ang giling-giling ko." Napahagalpak ng tawa si Iya nang makita niyang kumembot si Drew. “Ganito ba ang giling-giling mo? Pagdating natin sa Europe, gilingan mo ako ha—" “DREW!" Niyakap nang mahigpit ni Drew ang kaniyang asawa habang nakatingin sila sa kambal na masayang nagkukwentuhan at naglalaro. Ilang minuto matapos ang takeoff, naging maayos ang biyahe. Tahimik na naglalaro ng chess sina Drake at Blake habang nakahiga naman si Iya at nakasandal sa balikat ni Drew. “Antok ka na?” tanong ni Drew. “Konti," sagot ni Iya habang nahihikab. “Matulog ka muna.” “P’wede bang ikaw ang maging unan ko?" Napangiti si Drew. “P’wede naman.” Ilang segundo pa ang lumipas nang maramdaman niyang tuluyan nang nakatulog si Iya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok nito. Ilang sandali pa, umalingawngaw bigla ang warning alarm sa buong cabin. Kasunod noon ang napakalakas na pagyanig. “What’s happening?” gulat na tanong ni Iya habang napabangon siya. Isa na namang malakas na turbulence ang tumama. Bumagsak ang mga gamit. Nagtilian ang mga crew. “Sir!” sigaw ng isang flight attendant. “Please fasten your seatbelts!” Mabilis na ikinabit ni Drew ang seatbelt nina Drake at Blake. “Daddy...” “Daddy, natatakot po ako.” “Nothing’s going to happen,” pilit na pagpapakalma ni Drew kahit siya mismo ay kinakabahan na ngunit kasunod noon ay isa pang napakalakas na pagyanig. Parang may tumamang napakalaking bagay sa eroplano. Nagpatayan ang ilaw. Nagsigawan ang lahat. Lumabas sa intercom ang boses ng piloto mula sa cockpit. “This is the captain. We are experiencing engine failure. Brace for impact!” Nanlaki ang mga mata ni Iya. “Drew...” Hinawakan ni Drew ang kamay ng kaniyang asawa. “Tumingin ka lang sa akin.” “Drew...” “Mahal kita, Iya. Mahal na mahal.” Napaluha si Iya. “Mahal na mahal din kita.” Isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong eroplano. Nagkabasag-basag na ang mga bintana. Nagsimulang mawalan ng pressure ang cabin. “Daddy!” “Mommy!” Mabilis na pumunta sina Iya at Drew sa direksyon ng kambal at mahigpit nila itong niyakap hanggang sa... isang napakalakas na puwersa ang humila sa mga katawan nila at pagkatapos noon, lahat ay nagdilim. Hindi alam ni Drew kung gaano katagal siyang nawalan ng malay. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Napakainit. Amoy usok at amoy gasolina. “Ugh...” Pinilit bumangon ni Drew kahit halos hindi niya maramdaman ang buong katawan. Paglingon niya... wasak ang malaking bahagi ng eroplano. Nagkalat ang mga debris. May mga nagliliyab pang parte ng pakpak. “D-Drake! Blake!” Halos mapunit ang lalamunan ni Drew sa pagsigaw. “Daddy...” Napalingon si Drew. Naroon si Blake. Sugatan pero buhay. Kasunod nito ay si Drake na gumagapang palabas sa sirang bahagi ng eroplano. “Daddy!” Agad na niyakap ni Drew ang dalawa. “Thank God, you're both safe...” Parehong umiiyak ang mga bata. “Daddy...Where’s Mommy?” Parang binuhusan ng napakalamig na tubig si Drew. Napalingon siya sa paligid. “Iya! IYA!” Walang sumagot. “IYA!” Paulit-ulit na isinigaw ni Drew ang pangalan ng kaniyang asawa habang baliw na baliw siyang naghahanap. Sinuyod ni Drew ang buong wreckage. Tinawag niya si Iya sa bawat sulok, bawat puno, bawat bato, sa bawat bahagi ng dalampasigan ngunit... wala. Kahit isang bakas ni Iya ay wala. Tanging ang wedding ring lamang nito ang nakita niyang nakahandusay sa buhangin. Napaluhod si Drew. “Hindi...Hindi… Hindi p'wede… IYA!!!!!!” Tatlong taon ang lumipas matapos ang nangyaring plane crash, hindi pa rin tumitigil sa paghahanap si Drew sa kaniyang asawa. Nagpadala siya ng mga rescue team. Military. Private investigators. Divers. Helicopters. Kahit anong paraan ay ginawa niya ngunit iisa lang ang sagot: No trace of Iya Monteverde-Revamonte. Walang bangkay. Walang DNA. Walang anumang ebidensiya na nagsasabing patay na ito. Kaya hindi siya sumuko. “Daddy...” Napatingin si Drew kina Drake at Blake. Pareho na silang siyam na taong gulang. Mas mature na ang mga ito at mas tahimik pero pareho pa ring umaasang babalik ang mommy nila. “Daddy, darating pa rin si Mommy, ‘di ba?” Mahigpit na hinawakan ni Drew ang balikat ng kambal. “Oo. Basta wala silang nakikitang bangkay... hahanapin natin siya. Kahit gaano pa katagal.” Makalipas ang ilang araw, nasa isang charity auction sina Drew at ang kambal. Ayaw sanang dumalo ni Drew kaso ito ang huling charity event na sinuportahan noon ni Iya. “Daddy, tingnan mo po ang painting.” Ngumiti si Drew. “It’s beautiful.” “Daddy...” sambit ni Blake habang hinihila niya ang laylayan ng suit ng kaniyang ama. Napatingin si Drew sa kaniyang anak. “Si M-Mommy...” wika ni Blake habang dahan-dahan niyang itinuturo ang kaniyang ina. Nanigas ang buong katawan ni Drew. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyong tinitingnan ni Blake. At doon, tuluyan nang huminto ang mundo niya. “I-Iya…” ~~~~~~ AUTHOR'S NOTE: ANG BOOK 1 PO NG STORY NA ITO AY MATATAGPUAN SA ONE HOT NIGHT TO FOREVER (ANG UNANG BAHAGI NOON AY KWENTO NINA YVANGELINE ALEJADO AT GIDEON REVAMONTE -PINSAN NI DREW). P'WEDE NIYO IYONG BASAHIN MUNA PARA MALAMAN NIYO KUNG PAANO NAGSIMULA ANG KWENTO NINA IYA MONTEVERDE AT DREW REVAMONTE, P'WEDE RIN NAMANG MAGPATULOY NA KAYO NG PAGBABASA RITO DAHIL STAND ALONE ITO. MARAMING SALAMAT PO SA SUPORTA.**Makati Art Gallery, 10:00 AM**Ang Art Gallery ng Makati ay isang tahimik na lugar tuwing umaga. Ang malalaking bintana nito ay nagpapasok ng natural na liwanag, na nagbibigay-diin sa mga painting na nakasabit sa mga dingding. Karamihan sa mga ito ay mga lokal na likha: mga tanawin ng Pilipinas, mga portrait, at mga abstract na obra.Pumasok ang kambal na parang mga ordinaryong batang turista. Dala nila ang kanilang mga sketchpad at lapis, kunwari ay may hinahanap na inspirasyon para sa kanilang art project."Tingnan mo, Drake," sabi ni Blake habang nakaturo sa isang painting ng Baguio. "Gan'yan daw ang Baguio noong unang panahon.""Maganda ah," sagot ni Drake habang pinagmamasdan ang painting. "Parang gusto kong pumunta diyan balang araw."Habang nag-uusap sina Drake at Blake ay nakita nilang pumasok ang kanilang Mommy Iya. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at may dalang maliit na canvas bag. Hindi ito napapansin ng ibang tao sa gallery. Tahimik itong naglalakad habang pinagmam
Tatlong araw pagkatapos ng auction, mula nang makita ni Drew si Iya ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Tuwing pipikit siya, nakikita niya ang mga mata nito, mga matang walang pagkilala at walang pagmamahal. At ang pinakamasakit, nakikita niya si Zuko na humahawak sa kaniyang asawa na parang pag-aari nito si Iya. "Daddy?" Napalingon si Drew. Nasa may pintuan ng kaniyang opisina sina Blake at Drake. Parehong seryoso ang mga ito, hindi tulad ng dati na makukulit at maiingay. "Come in," mahinang sabi ni Drew. Sabay na lumapit ang kambal. Umupo sila sa harap ng mesa ng kanilang ama. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Drake, ang mas tahimik sa kanilang dalawa. "Daddy, may plano ka na po ba?" Napatingin si Drew sa kaniyang mga anak. Siyam na taong gulang pa lamang ang kambal ngunit mas mature na ang mga ito kaysa sa kanilang edad. Siguro dahil sa trahedya o siguro dahil lumaki ang mga itong walang ina. "Wala pa," matapat na sagot ni Drew. "I'm still brainstorming." "Puw
Isang babaeng nakasuot ng eleganteng puting bestida ang dahan-dahang naglalakad papasok ng auction hall. Mahaba na ang buhok nito pero ang mukha at ngiti nito ay pamilyar na pamilyar kina Drew at sa kambal. “IYA!” Hindi na napigilan ni Drew ang sarili. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. Napalingon si Iya sa kaniya pero napansin niyang bahagya itong nagtaka. Agad na niyakap ni Drew ang babaeng tatlong taon niyang hinanap. “Honey, thank God. You’re alive...” Ilang segundo lang ang lumipas, marahan siyang itinulak palayo ni Iya. Nakakunot ang noo nito habang nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “I’m sorry...” Malumanay ngunit malamig ang boses ng babae. “Do I know you?” Parang may humawak sa puso ni Drew at unti-unti iyong piniga. Hindi lang siya ang natigilan pati na rin sina Drake at Blake. “Mommy...” umiiyak na bulong ng kambal.Ang babaeng nasa harapan ng kambal at ni Drew ay tumingin lamang sa kanila na para bang ngayon lang sila nito nakita sa buong bu
“Iya...” Mahigpit ang pagkakahawak ni Drew sa kamay ng kaniyang asawa. “Huwag kang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya mo ‘yan.” Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya sa pag-ire. “D-Drew...” “Huwag ka nang magsalita.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minahal. Walang araw na hindi niya nakitang hirap si Iya dahil maselan ang pagbubuntis nito at awa ng Diyos ay makakaraos na rin sa wakas si Iya. Inalok niya itong mag painless delivery pero tumanggi ito dahil nais daw nitong maranasang manganak ng normal delivery. Halos mapaiyak si Iya sa bawat paghilab at paninigas niya. Tinurukan pa siya ng pampahilab dahil hindi pa bu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.