LOGINTatlong araw pagkatapos ng auction, mula nang makita ni Drew si Iya ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Tuwing pipikit siya, nakikita niya ang mga mata nito, mga matang walang pagkilala at walang pagmamahal. At ang pinakamasakit, nakikita niya si Zuko na humahawak sa kaniyang asawa na parang pag-aari nito si Iya.
"Daddy?" Napalingon si Drew. Nasa may pintuan ng kaniyang opisina sina Blake at Drake. Parehong seryoso ang mga ito, hindi tulad ng dati na makukulit at maiingay. "Come in," mahinang sabi ni Drew. Sabay na lumapit ang kambal. Umupo sila sa harap ng mesa ng kanilang ama. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Drake, ang mas tahimik sa kanilang dalawa. "Daddy, may plano ka na po ba?" Napatingin si Drew sa kaniyang mga anak. Siyam na taong gulang pa lamang ang kambal ngunit mas mature na ang mga ito kaysa sa kanilang edad. Siguro dahil sa trahedya o siguro dahil lumaki ang mga itong walang ina. "Wala pa," matapat na sagot ni Drew. "I'm still brainstorming." "Puwede po ba kaming tumulong?" tanong ni Blake. "Gusto po naming ibalik si Mommy rito sa mansyon, sa pamilya natin." Napangiti si Drew nang malungkot. "Mga anak, mapanganib ang lalaking kumupkop sa inyong ina. Si Zuko Altrovi ay—" "Alam na po namin kung sino siya," agad na putol ni Drake. Natigilan si Drew. "Paano?" "Nag-research po kami," sagot ni Blake. "Gamit po ang tablet na binigay sa amin ni Uncle Gideon." Nanlaki ang mata ni Drew. "Nag-research kayo tungkol kay mafia?" "Hindi lang po tungkol sa mafia," sagot ni Drake. "Kung hindi tungkol din po kay Zuko Altrovi mismo." Tumayo si Blake at kinuha ang tablet na nakatago sa kaniyang backpack. Binuksan niya iyon at iniharap kay Drew. "Narito po ang lahat ng na research namin," seryosong sabi ni Blake. "Si Zuko Altrovi ay tatlumpung walong taong gulang. Ipinanganak siya sa Sicily, Italy. Umalis siya sa Italy noong 2015 matapos ang isang malaking away sa Camorra. Lumipat siya sa Russia, kung saan nakipag-alyansa siya sa Russian Bratva. Noong 2018, itinatag niya ang sarili niyang sindikato, ang Altrovi Syndicate." Namangha si Drew. Hindi niya alam na ganito katalino ang mga anak niya. "May mga teritoryo siya sa Russia, Ukraine, at ilang bahagi ng Eastern Europe," patuloy ni Drake. "Ang kaniyang mga pangunahing negosyo ay ang pag-i-smuggle ng mga armas, droga, at human trafficking. At isa pa..." Napahinto siya. Tumingin siya kay Blake. "May espesyal po siyang interes sa mga babaeng may amnesia," sabi ni Blake. "Ayon sa aming research, hindi lang po si Mommy ang babaeng may amnesia na naging asawa niya." Nanlaki ang mga mata ni Drew. "Ano?" "Mayroon po kaming listahan ng hindi bababa sa tatlong babae na nawala sa loob ng nakaraang limang taon," paliwanag ni Drake. "Lahat po sila ay may amnesia at lahat po sila ay naging asawa ni Zuko. At lahat po sila ay biglang nawawala pagkatapos ng ilang taon." Parang may yelong bumuhos sa katawan ni Drew. "Ibig sabihin..." "It means, baka hindi lang po si Mommy ang naging biktima niya," sabi ni Blake. "At na baka po kapag nagsawa na si Zuko kay Mommy ay mawawala rin po si Mommy tulad ng iba." Agad na tumayo si Drew. Hindi niya kayang isipin iyon. "Kailangan na natin siyang iligtas. Ngayon na." "Sandali lang po, Daddy," sabi ni Drake. "Hindi po p'wedeng basta-basta tayo kikilos. Kung susugod po tayo nang walang plano, baka mamatay lang po tayong lahat. I don't wanna die at this age.” Napatingin si Drew sa kaniyang anak. "You're right. I'm sorry. Daddy's been carried away by my emotions. Altrovis aren't easy to deal with." Opo, Daddy! Kailangan po natin ng matalinong plano," sabi ni Blake. "At may naisip na rin po kami." "That fast?” namamanghang tanong ni Drew. Alam niyang honor students ang mga anak niya pero he didn't expect them to be this smart about real life situations. Nagtinginan ang kambal at saka ngumiti at tumango sa kanilang ama. Napatingin si Drew sa bitbit na whiteboard ng mga anak niya kanina. “Kaya pala may dala-dala kayong gan'yan." Tumayo ang kambal sa harap ng whiteboard na kinuha nila mula sa kwarto ni Blake. Doon, iginuhit nila ang kanilang plano. "Unang-una," simula ni Drake. "Kailangan po nating makalapit kay Mommy nang hindi malalaman ni Zuko Altrovi." "P’wede ba iyon?" tanong ni Drew. Kunwari ay walang ideya sa mga sinabi ng mga anak niya. Hinahayaan niya munang ilatag ng mga ito ang nabuo ng mga itong plano. "Opo," sagot ni Blake. "Ayon po sa aming research, si Mommy ay regular na pumupunta sa isang art gallery sa Makati tuwing Martes at Huwebes. Mahilig pa rin po siya sa paintings tulad ng dati." Napangiti si Drew. Kahit nawala ang alaala ni Iya, may mga bagay pa ring nanatili rito. "Doon po natin siya lalapitan," patuloy ni Drake. "Pero hindi po siya ang lalapit sa atin." "Anong ibig mong sabihin, Drake?" tanong ulit ni Drew, kunwari ay interesadong-interesado siya sa plano ng kambal. Ang totoo, nag-iisip na rin siya ng magandang paraan para makalapit siya kay Iya nang hindi napapansin ni Zuko. "Kami po! Kami ang lalapit kay Mommy ," sabay na sagot ng kambal. "Hindi," agad na tutol ni Drew. "Masyadong mapanganib." "Daddy, pakinggan mo po muna kami," sabi ni Blake. "Si Mommy po ay may amnesia. Kung ikaw po ang lalapit sa kaniya, matatakot siya. Pero kung kami, baka may maalala siya. At hindi niya po agad kami itataboy dahil mga bata lang po kami." "At dahil kami po ay kaniyang mga anak," dagdag ni Drake. "At ayon sa mga medical articles na binasa namin, ang isang ina ay may natural na koneksyon sa kaniyang mga anak kahit na may amnesia pa siya." Natahimik si Drew. Pinag-isipan niya ang sinabi ng kaniyang mga anak. May punto sila pero bilang isang ama, hindi niya kayang ilagay sa panganib ang kambal. "At saka," patuloy ni Blake. "May back-up plan po tayo. Si Tito Gibo!" Napatingin si Drew kay Gibo—ang kaniyang kanang kamay at mapagkakatiwalaang kaibigan. Si Gibo ay dating miyembro ng intelligence community. Alam nito ang lahat tungkol sa mga taong tulad ni Zuko. "Gibo?" tawag ni Drew. Pumasok si Gibo sa opisina. Mukhang seryoso rin siya. "Narinig ko na ang plano ng mga bata. At sa tingin ko, ito ang pinakamagandang paraan." "Pero—" "Sir Drew," putol ni Marcus. "Kilala mo ako. Hindi ko ipapahamak ang mga inaanak ko. Pero tama sila. May amnesia si Iya at hindi siya maniniwala sa iyo dahil sa tatlong taon na pagkontrol at pagmamanipula sa kaniya ni Zuko. Pero sa mga anak niya, ibang usapan na iyon." Napabuntong-hininga si Drew. Tiningnan niya ang kambal. Ang mga mata ng mga ito ay puno ng pag-asa at determinasyon. "Ano ang eksaktong plano?" tanong ni Drew. Ngumiti si Drake. Binuksan niya ang kaniyang tablet at ipinakita ang isang dokumento. "Una, kailangan po nating malaman kung gaano kalalim ang kontrol ni Zuko kay Mommy. Kaya magpapakilala po kami bilang mga batang mahilig sa art. Sa gallery. Hindi po namin sasabihin agad na anak niya kami." "Kapag nagkaroon na po ng koneksyon si Mommy sa amin," patuloy ni Blake. "Unti-unti po naming ipapakilala ang mga bagay na dati niyang gusto. Mga kanta. Mga pagkain. Mga lugar. Para magising po ang kaniyang mga ala-ala." "At kapag may konting pag-asa na," sabi ni Drake. "Doon ka na po papasok, Daddy." "Paano?" tanong ni Drew. Ngumiti nang may pag-asa si Blake. "Dad, tandaan mo noong sinabi ni Mommy na para lang sa'yo ang giling-giling niya?" Napakunot ang noo ni Drew. "What the hell? Narinig niyo ‘yon at natandaan niyo pa talaga?” Hindi niya maaari kung matatawa ba siya o magagalit sa mga anak niya pero sa huli ay napangisi siya. "Ganoon din po ang gagawin natin," sabi ni Drake. "Pero sa mas malaki pong paraan. Magpo-propose ka po ulit sa kaniya. Gaya ng dati. Sa lugar kung saan una po kayo unang nagkakilala. O kaya, kung paano po nag-umpisa ang inyong pag-iibigan." "She's my former secretary," bulong ni Drew. "And our first bonding happened at Baguio." "Tama po," sabi ni Blake. "Kung may natitira pa pong alaala si Mommy tungkol sa inyong pag-ibig, sa inyong opisina po iyon magigising." Tumayo si Drew. Tiningnan niya ang kambal. Hindi niya akalaing ang kaniyang mga anak na mas matapang at mas matalino pa pala kaysa sa inakala niya. "Sige," sabi ni Drew. "Gagawin natin ang plano niyo. Pero may isang kondisyon." "Ano po iyon, Daddy?" tanong ng kambal. "Kung sa anumang oras ay makaramdam kayo ng panganib, kailangan niyong lumayo agad. Walang pagtatanong. Walang pag-aatubili. Ang kaligtasan niyo ang pinakamahalaga. You need to distance yourself from Zuko and his men. Hindi niyo dapat makuha ang atensyon nila. Maliwanag?” Tumango ang kambal. "Deal," sabi ni Drake. "Deal," sabi ni Blake.**Makati Art Gallery, 10:00 AM**Ang Art Gallery ng Makati ay isang tahimik na lugar tuwing umaga. Ang malalaking bintana nito ay nagpapasok ng natural na liwanag, na nagbibigay-diin sa mga painting na nakasabit sa mga dingding. Karamihan sa mga ito ay mga lokal na likha: mga tanawin ng Pilipinas, mga portrait, at mga abstract na obra.Pumasok ang kambal na parang mga ordinaryong batang turista. Dala nila ang kanilang mga sketchpad at lapis, kunwari ay may hinahanap na inspirasyon para sa kanilang art project."Tingnan mo, Drake," sabi ni Blake habang nakaturo sa isang painting ng Baguio. "Gan'yan daw ang Baguio noong unang panahon.""Maganda ah," sagot ni Drake habang pinagmamasdan ang painting. "Parang gusto kong pumunta diyan balang araw."Habang nag-uusap sina Drake at Blake ay nakita nilang pumasok ang kanilang Mommy Iya. Nakasuot ito ng simpleng puting damit at may dalang maliit na canvas bag. Hindi ito napapansin ng ibang tao sa gallery. Tahimik itong naglalakad habang pinagmam
Tatlong araw pagkatapos ng auction, mula nang makita ni Drew si Iya ay hindi na siya nakatulog nang maayos. Tuwing pipikit siya, nakikita niya ang mga mata nito, mga matang walang pagkilala at walang pagmamahal. At ang pinakamasakit, nakikita niya si Zuko na humahawak sa kaniyang asawa na parang pag-aari nito si Iya. "Daddy?" Napalingon si Drew. Nasa may pintuan ng kaniyang opisina sina Blake at Drake. Parehong seryoso ang mga ito, hindi tulad ng dati na makukulit at maiingay. "Come in," mahinang sabi ni Drew. Sabay na lumapit ang kambal. Umupo sila sa harap ng mesa ng kanilang ama. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Drake, ang mas tahimik sa kanilang dalawa. "Daddy, may plano ka na po ba?" Napatingin si Drew sa kaniyang mga anak. Siyam na taong gulang pa lamang ang kambal ngunit mas mature na ang mga ito kaysa sa kanilang edad. Siguro dahil sa trahedya o siguro dahil lumaki ang mga itong walang ina. "Wala pa," matapat na sagot ni Drew. "I'm still brainstorming." "Puw
Isang babaeng nakasuot ng eleganteng puting bestida ang dahan-dahang naglalakad papasok ng auction hall. Mahaba na ang buhok nito pero ang mukha at ngiti nito ay pamilyar na pamilyar kina Drew at sa kambal. “IYA!” Hindi na napigilan ni Drew ang sarili. Mabilis siyang tumakbo palapit dito. Napalingon si Iya sa kaniya pero napansin niyang bahagya itong nagtaka. Agad na niyakap ni Drew ang babaeng tatlong taon niyang hinanap. “Honey, thank God. You’re alive...” Ilang segundo lang ang lumipas, marahan siyang itinulak palayo ni Iya. Nakakunot ang noo nito habang nagtataka ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “I’m sorry...” Malumanay ngunit malamig ang boses ng babae. “Do I know you?” Parang may humawak sa puso ni Drew at unti-unti iyong piniga. Hindi lang siya ang natigilan pati na rin sina Drake at Blake. “Mommy...” umiiyak na bulong ng kambal.Ang babaeng nasa harapan ng kambal at ni Drew ay tumingin lamang sa kanila na para bang ngayon lang sila nito nakita sa buong bu
“Iya...” Mahigpit ang pagkakahawak ni Drew sa kamay ng kaniyang asawa. “Huwag kang matakot. Nandito lang ako sa tabi mo. Kaya mo ‘yan.” Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya sa pag-ire. “D-Drew...” “Huwag ka nang magsalita.” Nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minahal. Walang araw na hindi niya nakitang hirap si Iya dahil maselan ang pagbubuntis nito at awa ng Diyos ay makakaraos na rin sa wakas si Iya. Inalok niya itong mag painless delivery pero tumanggi ito dahil nais daw nitong maranasang manganak ng normal delivery. Halos mapaiyak si Iya sa bawat paghilab at paninigas niya. Tinurukan pa siya ng pampahilab dahil hindi pa bu







