Share

Chapter 2

Author: Cecelia
last update Last Updated: 2025-10-27 09:26:49

Kinabukasan, dumating si Sebastian at Sabina sa mansyon ng pamilya de Miguel para dumalo sa homecoming party ni Waynona de Miguel na pinaghandaan ng mga magulang nila. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Sebastian sa kanyang baywang na parang ayaw siyang bitawan. 

“Kailangan mong makisama sa lahat, Sabina. Huwag kang gagawa ng gulo,” malamig na paalala ni Sebastian bago niya halikan sa noo ang asawa, lalo na nang mapansin niyang papalapit si Waynona.

“Sabina!” tawag ng kapatid.

Nakatayo si Waynona sa tapat nila, suot ang pulang backless na silk dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan—malayong-malayo sa simpleng ayos ni Sabina. Tinanggap niya ang kamay ng kapatid, ngunit agad napansin ni Sabina kung paano sinusundan ng mga mata ni Waynona ang bawat galaw ni Sebastian.

“Galit ka pa rin ba sa’kin, Sabina?” tanong ni Waynona, kunwari’y malungkot. “Magkapatid tayo pero ni minsan, hindi mo ako tinawagan mula nang umalis ka ng bahay. Pasensya ka na kung ako ang nakakuha ng pagmamahal nina Mom at Dad, pero sana maintindihan mong hindi puwedeng pilitin ang pagmamahal.” 

Saglit siyang huminto, saka tumingin nang diretso kay Sebastian. “Nagkasakit si Mom, may sakit siya sa puso. Pero kahit kailan, hindi mo man lang siya dinalaw. Paano ko maaayos ang relasyon ninyo kung ayaw mo rin siyang lapitan?”

Bubuka pa lang sana ang bibig ni Sabina upang sumagot, nang marinig niya ang malamig na boses ni Sebastian. “Hindi pa alam ni Sabina kung paano ayusin ang mga relasyon,” sabi niya sa harap ng lahat. “Kapag may oras ako, dadalhin ko siya sa mga magulang mo para humingi ng tawad sa kanila.”

Parang piniga ang puso ni Sabina sa sakit. Alam ni Sebastian ang lahat, ang mga taon ng pang-aabuso at pagwawalang-bahala ng kanyang pamilya ngunit sa halip na ipagtanggol siya, ipinahiya pa siya nito sa publiko.

Umalis si Sabina mula sa kasiyahan, desperadong makahanap ng katahimikan. Habang naglalakad siya papunta sa banyo, narinig niya ang tinig ni Waynona.

“Ang kawawa kong kapatid,” sarkastikong sabi ni Waynona habang dahan-dahang lumalapit, dala ang baso ng pulang alak. Dumadagundong ang mga takong nito sa marmol na sahig. Pinagmasdan niya si Sabina mula ulo hanggang paa at ngumiti nang mapanukso.

“If I didn’t know better, I’d think you borrowed that dress from your Grandma,” wika niya sabay tawa.

Napakuyom ng kamao ni Sabina nang marinig ang pangalan ng kanyang lola, ang matandang nagpalaki sa kanya bago siya sapilitang bawiin ng mga tunay niyang magulang.

“Matapos mong magwala at umalis sa bahay, ano’ng pakiramdam ng magtrabaho bilang waitress sa mumurahing bar?” patuloy ni Waynona. “Nasa ospital pa rin ang matanda, hindi ba? Nakakatawa, inubos niya ang lahat ng pera niya para palakihin ang isang ingrata na iniwan pa ang tunay niyang pamilya.”

“Tumahimik ka!” sigaw ni Sabina, nanginginig sa galit.

Nagsakripisyo siya, nagtrabaho araw-gabi upang maipagamot ang kanyang lola—isang bagay na tanging si Sebastian lamang ang nakaaalam. Ngayon, pati ang lihim na iyon ay ginamit laban sa kanya.

Ang tingin ng ama niyang puno ng pagkadismaya, ang malamig na pagtrato ng ina, at ang mapanlait na salita ng mga kapatid ay wala sa bigat ng sakit na dulot ni Sebastian. Siya mismo ang nagbigay ng sandata kay Waynona upang saktan siya.

“Ang malas mo, Sabina. Bakit hindi ka na lang namatay noon? Bakit kailangan mo pang bumalik para agawin ang lugar ko?” bulalas ni Waynona.

“Tama na, Waynona! Nasa’yo na lahat ng gusto mo, bakit hindi mo na lang ako lubayan?” sigaw ni Sabina habang nangingilid ang luha.

“Lahat?” tumaas ang kilay ni Waynona. “You stole Sebastian from me, and now you’re asking me to stop? Come on, Sabina. Sebastian and I are meant to be. Paano mo nagawang angkinin ang lalaking iyon? You’re nothing but a woman he keeps to warm his bed. A woman who can be bought.”

Tumingin siya kay Sabina na may ngiti ng panalo. “I’m taking back what’s mine.”

“Waynona!” mangiyak-ngiyak na sigaw ni Sabina habang pinipilit huwag umatras, ngunit lalo siyang kinorner ng kapatid.

“Mamayang gabi, pupunta siya sa bahay ko,” sabi ni Waynona sabay bitaw ng baso ng alak sa sahig.

“Tonight, he’ll come to me. He’ll touch me, kiss me, and love me… just like before.”

Nanlaki ang mata ni Sabina, halos hindi makapaniwala sa mga narinig.

“Ano, nagulat ka?” tanong ni Waynona na may ngiting puno ng paghamak. “Di ba palagi siyang umaalis tuwing anibersaryo ng kasal ninyo?”

Tumigil ang paghinga ni Sabina. Paano niya nalaman iyon?

“Those so-called business trips? He was in London, in your honeymoon suite. But you know what’s funny?” ngumiti si Waynona, halos pabulong ang huling linya. 

“You weren’t the one he was with. It was me.”

“Yung blue satin dress na regalo niya sa’yo noong nakaraang taon?” Itinaas ni Waynona ang kilay. “He gave it to you after I wore it first. Ginamit niya ako buong gabi habang suot ko iyon.”

Halos masuka si Sabina sa narinig.

“That night was wild,” bulong ni Waynona, unti-unting lumalapit. “He pulled my hair, kissed me hard, and told me how boring you were. Too innocent, too pure… not enough for him.” Tumawa siya nang may kasamang pang-uuyam. 

“I gave him everything he wanted.”

Parang bumalik sa isip ni Sabina ang bawat alaala. Ang blue satin dress na minsang inakalang simbolo ng pagmamahal ni Sebastian ay isa palang marka ng pagtataksil. Naalala niya ang mga gabi kung saan niyayakap siya ni Sebastian mula sa likod habang nagluluto siya, binubulong ang mga salitang noon ay pinaniniwalaan niyang totoo.

“Sabina, ikaw lang ang mahal ko.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 5

    “Hon, bukas na bukas hihingi ka ng tawad kay Waynona, okay?” pilit ni Sebastian habang nakangiti.“Okay, hihingi ako ng tawad sa kapatid ko kung yan ang gusto mo,” sagot ni Sabina. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat ang dibdib. Lalong lumiwanag ang mukha ni Sebastian sa tuwa.“Perfect. Bukas, iimbitahan ko sina Waynona at mga kaibigan ko para sa dinner. Ikaw na ang magluluto para sa kanila. Sarapan mo, dapat magustuhan nila ang mga pagkain. Sigurado akong patatawarin ka ng kapatid mo,” wika ni Sebastian habang patuloy sa pagkain.Natapos ang tanghalian na halos hindi makakain si Sabina. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang larawan ni Sebastian at Waynona. Sa bawat nguya, tila sumasakit ang sikmura niya sa sobrang sakit. Parang bawat subo ay paalala ng pagkakanulo, ng pag-ibig na unti-unting namamatay habang siya mismo ang pinagsisilbihan ng taong sumira rito.“Hindi ko naibigay ang regalo ni Waynona kahapon, kaya pakibigay na lang,” sabi ni Sabina, pinilit ngumiti habang iniaabot ang

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 4

    Nakataas pa ang kamay ni Sebastian nang magtama ang mga mata nila ni Sabina—mga matang puno ng gulat at sakit. Isang hikbing halos hindi na mapigil ang lumabas sa labi nito, kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang bibig.“A-ayos ka lang ba, Sabina?”Inabot ni Sebastian ang mukha ng asawa, pero umatras si Sabina, nanginginig, halos matumba habang tinataboy ang sarili palayo. Takot siyang baka saktan pa ni Sebastian ang mga batang dinadala niya. Maging ang pagdampi ng kanyang asawa ay parang apoy na sumusunog sa balat niya.“Patawarin mo ako, Sabina… kasalanan ko ang lahat. Sebastian, humingi ka ng tawad sa kanya.” Mahina ang boses ni Waynona, halos pabulong, pero walang reaksyon si Sebastian. Nakatitig lang siya kay Sabina, sa mga matang parang hindi na siya kilala.“Sabina, makinig ka,” malamig na sabi ni Sebastian. “Kung hihingi ka ng tawad kay Waynona, kakalimutan ko na lahat. We’ll start over.”Napuno ng kirot ang dibdib ni Sabina. Ang lalaking minahal niya, ang ama ng mga b

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 3

    “Matagal ko nang nilalaro si Sebastian sa mga kamay ko, Sabina,” mapanuksong sabi ni Waynona, habang nakasandal sa dingding, ang tinig niya ay malamig at puno ng panunuya. “While you’re busy waiting for him every night, I’m the one he’s coming home to. Kung hindi lang siya maingat gumamit ng protection, matagal na sana akong buntis sa anak niya, unlike you, na halatang baog.”“Ano’ng… sinabi mo?” halos pabulong na tanong ni Sabina, nanginginig ang labi habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib niya, isang matinding kirot na parang unti-unting winawasak ang puso niya sa loob.“Come on, sis,” nakataas ang kilay ni Waynona habang naglalakad papalapit. “You really think kaya mong bigyan si Sebastian ng anak? He’s tired of your boring body. Sawa at pagod na siya sayo. Gumising ka. Isa kang probinsiyanang walang halaga. Samantalang siya, isang billionaire CEO, sanay sa babae’ng classy at marunong sa kama. Tell me, do you even know how to please your o

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 2

    Kinabukasan, dumating si Sebastian at Sabina sa mansyon ng pamilya de Miguel para dumalo sa homecoming party ni Waynona de Miguel na pinaghandaan ng mga magulang nila. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Sebastian sa kanyang baywang na parang ayaw siyang bitawan. “Kailangan mong makisama sa lahat, Sabina. Huwag kang gagawa ng gulo,” malamig na paalala ni Sebastian bago niya halikan sa noo ang asawa, lalo na nang mapansin niyang papalapit si Waynona.“Sabina!” tawag ng kapatid.Nakatayo si Waynona sa tapat nila, suot ang pulang backless na silk dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan—malayong-malayo sa simpleng ayos ni Sabina. Tinanggap niya ang kamay ng kapatid, ngunit agad napansin ni Sabina kung paano sinusundan ng mga mata ni Waynona ang bawat galaw ni Sebastian.“Galit ka pa rin ba sa’kin, Sabina?” tanong ni Waynona, kunwari’y malungkot. “Magkapatid tayo pero ni minsan, hindi mo ako tinawagan mula nang umalis ka ng bahay. Pasensya ka na kung ako ang nakakuha ng pagmamah

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 1

    Pagpasok pa lang ni Sabina sa loob ng ultrasound room, ramdam na niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Malamig ang hangin sa silid, pero ang palad niya ay nanlalamig hindi dahil sa aircon, kundi sa halo ng kaba at pananabik."Please, Misis, you may lie down here," magiliw na sabi ng doktora habang inaayos ang makina sa tabi. Tumango si Sabina at dahan-dahang umupo sa examination chair bago inihiga ang sarili.Narinig niya ang tunog ng guwantes na sinuot ng doktora at ang mahinang kaluskos ng mga instrumentong inaayos nito. Pagkatapos, kinuha ng doktora ang maliit na bote ng malamig na gel at ipinahid iyon sa tiyan niya. Napaigik siya nang maramdaman ang lamig na dumampi sa balat.“Pasensya na, medyo malamig ito,” mahinang tawa ng doktora.Ngumiti lang si Sabina, bahagyang kinakabahan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng transducer sa ibabaw ng tiyan niya, at sa loob ng ilang segundo, tumunog ang pamilyar na beep ng makina. May lumitaw na imahe sa screen—malabo sa una, hanggang sa unti-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status