LOGINNakataas pa ang kamay ni Sebastian nang magtama ang mga mata nila ni Sabina—mga matang puno ng gulat at sakit. Isang hikbing halos hindi na mapigil ang lumabas sa labi nito, kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang bibig.
“A-ayos ka lang ba, Sabina?”
Inabot ni Sebastian ang mukha ng asawa, pero umatras si Sabina, nanginginig, halos matumba habang tinataboy ang sarili palayo. Takot siyang baka saktan pa ni Sebastian ang mga batang dinadala niya. Maging ang pagdampi ng kanyang asawa ay parang apoy na sumusunog sa balat niya.
“Patawarin mo ako, Sabina… kasalanan ko ang lahat. Sebastian, humingi ka ng tawad sa kanya.” Mahina ang boses ni Waynona, halos pabulong, pero walang reaksyon si Sebastian. Nakatitig lang siya kay Sabina, sa mga matang parang hindi na siya kilala.
“Sabina, makinig ka,” malamig na sabi ni Sebastian. “Kung hihingi ka ng tawad kay Waynona, kakalimutan ko na lahat. We’ll start over.”
Napuno ng kirot ang dibdib ni Sabina. Ang lalaking minahal niya, ang ama ng mga batang dinadala niya, ay tinitingnan siya ngayon na para bang siya pa ang may kasalanan.
Si Waynona naman ay umiyak, tinatakpan ang bibig na parang inosente. “Oh God… I didn’t mean for this to happen. I can’t stand seeing you two fight because of me.”
Napailing si Sebastian, at agad sinundan si Waynona nang magkunwaring aalis. “Waynona, wait!” tawag niya, bago lumingon kay Sabina nang malamig.
“Umuwi ka na. Maglagay ka ng gamot sa sugat mo. Don’t wait for me tonight.”
Parang amo lang na nag-utos sa isang alila, iniwan siya ni Sebastian na walang kahit isang lingon.
Tatlong taon ng pagmamahal at sakripisyo, winasak sa isang iglap. Si Sebastian, na minsan niyang inakalang tahanan, ay pinili ang ibang babae, ang kapatid niya pang si Waynona.
Kahit masakit, tinahak ni Sabina ang labasan ng mansyon na minsan niyang tinawag na tahanan. Doon niya lang napansin na naiwan niya ang cellphone sa loob.
Kahit dumudugo ang tuhod, bumalik siya sa pasilyo malapit sa kwarto ni Waynona. Paalis na sana siya nang may marinig siyang mga impit na ungol at mahihinang halakhak mula sa loob.
Sa maliit na siwang ng pinto, nasilayan niya ang dalawang katawan na halos hubad, kitang-kita niya rin ang naglalapat ang kanilang mga labi.
“Oh, Sebastian… tanggalin mo na ‘yung wedding ring mo,” mahinhing sabi ni Waynona, hinahaplos ang dibdib ni Sebastian.
Ngumisi si Sebastian. “No. Mas masarap kung bawal. If only Sabina was half as sexy as you…”
Hindi siya makagalaw, hindi makasigaw. Parang binubunot ang puso niya habang pinapanood ang lalaking minsang nangakong mamahalin siya habang-buhay, ngayon ay nagtataksil sa harap ng sariling mga mata.
Ngumiti si Sebastian, at sa bawat galaw nila—sa paraan ng paghawak niya sa baywang ni Waynona, sa pagdulas ng mga daliri nito sa buhok ng lalaki—ramdam ni Sabina na iyon ang mga bagay na hindi kailanman niya naranasan. Hindi ganoon kainit, hindi ganoon katindi, hindi ganoon kabuhay.
Ang mga halinghing at mahinang pagtawa ni Waynona ay humalo sa mabibigat na hinga ni Sebastian. Hindi niya kailangan makita ang lahat; sapat na ang mga tunog, ang bawat impit na daing, para masaktan nang buong-buo ang kaluluwa niya.
Para siyang nanonood ng pelikulang sinulat para ipamukha sa kanya kung gaano siya kawalang halaga.
Napaurong si Sabina, nanginginig. Ang dibdib niya’y masakit na parang hinihigpitan ng lubid. Parang lahat ng dignidad niya ay unti-unting naglalaho sa bawat tunog na naririnig niya mula sa loob ng kwarto.
Tatlong taon ng sakripisyo, lahat naglaho sa isang iglap.
Noong gabing binaril si Sebastian, siya ang unang tumakbo sa ospital. Sa halip na matulog, siya ang nagbantay sa tabi nito habang hawak ang kamay ng lalaking halos mawalan ng buhay. Sa araw, siya ang nag-aalaga sa kanyang lola na nakaratay din sa kabilang ospital. Sa gabi, bumabalik siya kay Sebastian, dinadala ang mainit na sabaw, pinupunasan ang pawis, at pinipilit ngumiti kahit halos gumuho na siya sa pagod.
Pero para kay Sebastian, parang wala lang ang lahat ng iyon.
Tumingin siya sa daliring may suot na singsing. Parang sugat sa balat ang metal, paalala ng lahat ng panahong siya lang ang lumalaban. Nanginginig niyang tinanggal ito, halos magasgasan ang balat, at tumulo ang dugo.
Hindi na niya kayang mahalin si Sebastian.
Iniwan niya ang singsing sa mesa, sa tabi ng mga nalalantang rosas na minsan ay simbolo ng pag-ibig nila. Tumakbo siya palabas. Ang kasal nila ay tuluyang gumuho, kasabay ng pagkawasak ng puso ni Sabina.
Ilang oras matapos noon, sumakay si Sabina ng taxi papunta sa dati nilang rest house—ang lugar ng masasayang alaala nila. Pero ngayon, parang impiyerno na iyon.
“Stop it! Tama na!” sigaw niya habang tinatakpan ang mga tainga. Pero kahit anong pilit, hindi mawala sa isip niya ang mga malaswang ungol nina Sebastian at Waynona.
Sumakit ang tiyan niya, kaya napasandal siya sa inidoro, halos mahimatay. Noon lang niya naalala na buong araw pala siyang hindi kumain. Naisip niya ang mga batang nasa sinapupunan niya. Sa takot, dali-dali siyang naghanap ng makakain habang tuloy-tuloy ang pag-iyak.
Pagkatapos kumalma, kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang matalik na kaibigan.
“Please draft my divorce papers.”
“Vic…” sagot ng kaibigan niyang abogado, mahina pero diretso. “Are you sure?”
“Yes. I’m done.”
Kinabukasan, natanggap niya ang mga papeles.
Tanghali nang dumating si Sebastian, may dalang rosas. Tahimik na kumakain si Sabina nang bumungad ito sa pintuan.
“Here, I got you these,” sabi ni Sebastian, pilit ang ngiti.
Tiningnan lang ni Sabina ang bulaklak, saka inilapag sa mesa. Walang sinabi.
“Hindi mo lang ako pinahiya sa harap ng mga kaibigan ko kagabi,” sabi ni Sebastian, malamig ang tono. “You ruined the party. Next time, gusto kong humingi ka ng tawad sa kanila isa-isa. You need to fix your image.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ang dating malambing na tingin ni Sabina ay napalitan ng pagkamuhi.
“I’m sorry…” mahina niyang sabi. “Sorry for forgetting my place.”
Tumayo siya, kinuha ang mga paborito ni Sebastian mula sa kusina, at isa-isang inilapag sa mesa.
Lahat ng iyon, inaral niyang lutuin para kay Sebastian—mula nang maospital ito. Kahit nilalagnat, nagluluto pa rin siya. Pero habang pinapanood siya ni Sebastian ngayon, unti-unting lumilitaw ang hiya sa mga mata nito. Hindi niya alam, iyon na pala ang huling tanghalian nilang magkasama bilang mag-asawa.
“Hon, bukas na bukas hihingi ka ng tawad kay Waynona, okay?” pilit ni Sebastian habang nakangiti.“Okay, hihingi ako ng tawad sa kapatid ko kung yan ang gusto mo,” sagot ni Sabina. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat ang dibdib. Lalong lumiwanag ang mukha ni Sebastian sa tuwa.“Perfect. Bukas, iimbitahan ko sina Waynona at mga kaibigan ko para sa dinner. Ikaw na ang magluluto para sa kanila. Sarapan mo, dapat magustuhan nila ang mga pagkain. Sigurado akong patatawarin ka ng kapatid mo,” wika ni Sebastian habang patuloy sa pagkain.Natapos ang tanghalian na halos hindi makakain si Sabina. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang larawan ni Sebastian at Waynona. Sa bawat nguya, tila sumasakit ang sikmura niya sa sobrang sakit. Parang bawat subo ay paalala ng pagkakanulo, ng pag-ibig na unti-unting namamatay habang siya mismo ang pinagsisilbihan ng taong sumira rito.“Hindi ko naibigay ang regalo ni Waynona kahapon, kaya pakibigay na lang,” sabi ni Sabina, pinilit ngumiti habang iniaabot ang
Nakataas pa ang kamay ni Sebastian nang magtama ang mga mata nila ni Sabina—mga matang puno ng gulat at sakit. Isang hikbing halos hindi na mapigil ang lumabas sa labi nito, kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang bibig.“A-ayos ka lang ba, Sabina?”Inabot ni Sebastian ang mukha ng asawa, pero umatras si Sabina, nanginginig, halos matumba habang tinataboy ang sarili palayo. Takot siyang baka saktan pa ni Sebastian ang mga batang dinadala niya. Maging ang pagdampi ng kanyang asawa ay parang apoy na sumusunog sa balat niya.“Patawarin mo ako, Sabina… kasalanan ko ang lahat. Sebastian, humingi ka ng tawad sa kanya.” Mahina ang boses ni Waynona, halos pabulong, pero walang reaksyon si Sebastian. Nakatitig lang siya kay Sabina, sa mga matang parang hindi na siya kilala.“Sabina, makinig ka,” malamig na sabi ni Sebastian. “Kung hihingi ka ng tawad kay Waynona, kakalimutan ko na lahat. We’ll start over.”Napuno ng kirot ang dibdib ni Sabina. Ang lalaking minahal niya, ang ama ng mga b
“Matagal ko nang nilalaro si Sebastian sa mga kamay ko, Sabina,” mapanuksong sabi ni Waynona, habang nakasandal sa dingding, ang tinig niya ay malamig at puno ng panunuya. “While you’re busy waiting for him every night, I’m the one he’s coming home to. Kung hindi lang siya maingat gumamit ng protection, matagal na sana akong buntis sa anak niya, unlike you, na halatang baog.”“Ano’ng… sinabi mo?” halos pabulong na tanong ni Sabina, nanginginig ang labi habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib niya, isang matinding kirot na parang unti-unting winawasak ang puso niya sa loob.“Come on, sis,” nakataas ang kilay ni Waynona habang naglalakad papalapit. “You really think kaya mong bigyan si Sebastian ng anak? He’s tired of your boring body. Sawa at pagod na siya sayo. Gumising ka. Isa kang probinsiyanang walang halaga. Samantalang siya, isang billionaire CEO, sanay sa babae’ng classy at marunong sa kama. Tell me, do you even know how to please your o
Kinabukasan, dumating si Sebastian at Sabina sa mansyon ng pamilya de Miguel para dumalo sa homecoming party ni Waynona de Miguel na pinaghandaan ng mga magulang nila. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Sebastian sa kanyang baywang na parang ayaw siyang bitawan. “Kailangan mong makisama sa lahat, Sabina. Huwag kang gagawa ng gulo,” malamig na paalala ni Sebastian bago niya halikan sa noo ang asawa, lalo na nang mapansin niyang papalapit si Waynona.“Sabina!” tawag ng kapatid.Nakatayo si Waynona sa tapat nila, suot ang pulang backless na silk dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan—malayong-malayo sa simpleng ayos ni Sabina. Tinanggap niya ang kamay ng kapatid, ngunit agad napansin ni Sabina kung paano sinusundan ng mga mata ni Waynona ang bawat galaw ni Sebastian.“Galit ka pa rin ba sa’kin, Sabina?” tanong ni Waynona, kunwari’y malungkot. “Magkapatid tayo pero ni minsan, hindi mo ako tinawagan mula nang umalis ka ng bahay. Pasensya ka na kung ako ang nakakuha ng pagmamah
Pagpasok pa lang ni Sabina sa loob ng ultrasound room, ramdam na niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Malamig ang hangin sa silid, pero ang palad niya ay nanlalamig hindi dahil sa aircon, kundi sa halo ng kaba at pananabik."Please, Misis, you may lie down here," magiliw na sabi ng doktora habang inaayos ang makina sa tabi. Tumango si Sabina at dahan-dahang umupo sa examination chair bago inihiga ang sarili.Narinig niya ang tunog ng guwantes na sinuot ng doktora at ang mahinang kaluskos ng mga instrumentong inaayos nito. Pagkatapos, kinuha ng doktora ang maliit na bote ng malamig na gel at ipinahid iyon sa tiyan niya. Napaigik siya nang maramdaman ang lamig na dumampi sa balat.“Pasensya na, medyo malamig ito,” mahinang tawa ng doktora.Ngumiti lang si Sabina, bahagyang kinakabahan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng transducer sa ibabaw ng tiyan niya, at sa loob ng ilang segundo, tumunog ang pamilyar na beep ng makina. May lumitaw na imahe sa screen—malabo sa una, hanggang sa unti-







