Share

Chapter 3

Author: Cecelia
last update Last Updated: 2025-10-27 09:27:10

“Matagal ko nang nilalaro si Sebastian sa mga kamay ko, Sabina,” mapanuksong sabi ni Waynona, habang nakasandal sa dingding, ang tinig niya ay malamig at puno ng panunuya. “While you’re busy waiting for him every night, I’m the one he’s coming home to. Kung hindi lang siya maingat gumamit ng protection, matagal na sana akong buntis sa anak niya, unlike you, na halatang baog.”

“Ano’ng… sinabi mo?” halos pabulong na tanong ni Sabina, nanginginig ang labi habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib niya, isang matinding kirot na parang unti-unting winawasak ang puso niya sa loob.

“Come on, sis,” nakataas ang kilay ni Waynona habang naglalakad papalapit. “You really think kaya mong bigyan si Sebastian ng anak? He’s tired of your boring body. Sawa at pagod na siya sayo. Gumising ka. Isa kang probinsiyanang walang halaga. Samantalang siya, isang billionaire CEO, sanay sa babae’ng classy at marunong sa kama. Tell me, do you even know how to please your own husband?”

Lalo siyang lumapit, may ngiting nakakainsulto.

“Huwag kang mag-alala, Sabina,” aniya, habang marahan niyang hinawakan ang balikat ng kapatid. “Kapag nabuntis ako ni Sebastian, you’ll be the first to know. Maybe I’ll even let you be the godmother. Hahayaan kong panoorin mo kami maging isang masaya at kumpletong pamilya.”

“Waynona!” halos mapasigaw si Sabina, nanginginig sa galit. “Wala kang hiya! Niloko mo ako, sinira mo ‘yung pamilya ko!”

Tinabig niya ang kamay ng kapatid, dahilan upang matumba ito sa sahig.

“Araay!” sigaw ni Waynona, sabay hawak sa braso. Eksaktong sandaling iyon, bumukas ang pinto.

“Sabina!” malakas na sigaw ni Sebastian, mabilis na lumapit sa kanila. Ang mga mata nito’y nagliliyab sa galit.

“Ano’ng ginagawa mo, Sabina?!”

“A-ayos lang ako, Sebastian,” umiiyak na sabi ni Waynona, pilit na ngumingiti. “Kasalanan ko naman, medyo nagkapikunan lang kami ni Sabina. Huwag mo siyang pagalitan, please.”

Lalong nag-init ang ulo ni Sebastian. “Sabina, ano na naman ‘tong pinaggagawa mo? Bakit mo siya sinaktan?!”

“Hindi ko ginawa! Siya ang—”

“Enough!” sigaw ni Sebastian, halos bumasag sa katahimikan. Niyakap niya si Waynona at pinupunasan ang mga luha nito. Si Sabina, nakatayo lang, nanlalambot, habang pinagmamasdan ang lalaking minahal niya nang buong puso.

Ang lalaking minsan niyang pinaniwalaang kakampi, ngayon ay isa nang estrangherong tinitingnan siya na parang siya ang salarin. Ang tibok ng puso niya ay parang unti-unting nawawala sa ritmo, bawat pintig ay puno ng panghihinayang.

Ang lalaking ngayon ay niyayakap ang babaeng sumira sa kanya.

“Sebastian, please, tama na…” kunwari’y pigil ni Waynona, habang bahagyang kumakapit sa dibdib ng lalaki. “Si Sabina, matigas lang talaga ang ulo. Alam mo naman, she’s always been jealous. Huwag mo na siyang pagalitan, okay?”

Napalingon si Sebastian nang mapansing may ilang bisitang nakamasid at nagvi-video. Lalong sumiklab ang galit niya.

“Sabina, sumunod ka sa akin.”

Tahimik siyang sumunod, pasan ang bigat ng kahihiyan at sakit. Pakiramdam niya’y bawat hakbang ay parang tingga, bawat paghinga’y mahapdi. Dinala siya ni Sebastian sa dating kuwarto niya na ngayon ay ginawang bodega ni Waynona.

“D’yan ka muna at magkulong,” malamig na sabi ni Sebastian bago lumabas.

Ilang minuto lang, narinig niyang bumalik si Sebastian kasama si Waynona na tinulungan niyang makaupo sa sofa at hilutin ang natapilok na paa. Mula sa kinatatayuan niya, ramdam niya ang matinding distansyang tumubo sa pagitan nilang mag-asawa. Parang may pader nang itinayo sa pagitan nila at siya lang ang naiwan sa dilim.

“Dapat hindi ko na siya isinama rito! Ginulo niya pa ang party mo.”

Tumulo ang luha ni Sabina habang nakatayo sa likod ng asawa pero agad niya itong pinunasan. Sanay na siyang itago ang luha, pero ngayong gabi, hindi na niya kayang magpanggap.

“Sabina,” malamig na utos ng lalaki, “imasahe mo ang mga paa ni Waynona. Kasalanan mo lahat ng ‘to.”

“Hindi ako masahista para gawin ‘yan,” mahinahong sagot ni Sabina.

“Ano’ng sinabi mo?” matalim ang tingin ni Sebastian.

“Bingi ka ba?!” sigaw niya pabalik, halos mabasag ang boses.

Sa galit, itinulak siya ni Sebastian. Tumama siya sa sahig, napahawak sa tiyan habang nanginginig sa sakit. Sa bawat paghinga, pakiramdam niya’y may bahagi ng pagkatao niyang namamatay.

“Sebastian…” halos bulong niyang sabi.

“You can’t even act like a real woman!” galit na sigaw ni Sebastian. “Puro ka drama, pero wala ka namang silbi! Kahit ibigay ko pa sa’yo ang lahat, mananatili ka pa ring walang kwenta!”

“Sebastian, please…” mahinang wika ni Waynona, kunwari’y awat. “Ako ang may kasalanan. Ako lang ang ampon. Maybe she’s just hurting kasi I get the love she never had.”

“Hurting? She deserves this!” mariing sagot ni Sebastian.

Tahimik na tumitig si Sabina sa kanila, habang unti-unti nang nauupos ang apoy ng pag-ibig sa puso niya. Ang lalaking dati’y iniidolo niya ay unti-unti na lang niyang nakikita bilang isang taong hindi niya kilala. Ang bawat salita nito ay parang kutsilyong paulit-ulit na itinusok sa dibdib niya.

“Sabina, are you okay?” dagdag pa ni Waynona, kunwari’y nag-aalala. “Huwag mong intindihin si Sebastian, he didn’t mean it.”

“Tumigil ka na!” halos pasigaw na sabi ni Sabina. “Tigilan mo na ‘yang drama mo, Waynona!”

Kasunod noon ay isang malakas na sampal na dumapo sa kanyang kaliwang pisngi.

Sinampal siya ni Sebastian. Ramdam niya ang hapdi, pero mas masakit ang pagkanulo. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi habang ang mga luha niya ay walang tigil sa pagpatak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 5

    “Hon, bukas na bukas hihingi ka ng tawad kay Waynona, okay?” pilit ni Sebastian habang nakangiti.“Okay, hihingi ako ng tawad sa kapatid ko kung yan ang gusto mo,” sagot ni Sabina. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat ang dibdib. Lalong lumiwanag ang mukha ni Sebastian sa tuwa.“Perfect. Bukas, iimbitahan ko sina Waynona at mga kaibigan ko para sa dinner. Ikaw na ang magluluto para sa kanila. Sarapan mo, dapat magustuhan nila ang mga pagkain. Sigurado akong patatawarin ka ng kapatid mo,” wika ni Sebastian habang patuloy sa pagkain.Natapos ang tanghalian na halos hindi makakain si Sabina. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang larawan ni Sebastian at Waynona. Sa bawat nguya, tila sumasakit ang sikmura niya sa sobrang sakit. Parang bawat subo ay paalala ng pagkakanulo, ng pag-ibig na unti-unting namamatay habang siya mismo ang pinagsisilbihan ng taong sumira rito.“Hindi ko naibigay ang regalo ni Waynona kahapon, kaya pakibigay na lang,” sabi ni Sabina, pinilit ngumiti habang iniaabot ang

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 4

    Nakataas pa ang kamay ni Sebastian nang magtama ang mga mata nila ni Sabina—mga matang puno ng gulat at sakit. Isang hikbing halos hindi na mapigil ang lumabas sa labi nito, kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang bibig.“A-ayos ka lang ba, Sabina?”Inabot ni Sebastian ang mukha ng asawa, pero umatras si Sabina, nanginginig, halos matumba habang tinataboy ang sarili palayo. Takot siyang baka saktan pa ni Sebastian ang mga batang dinadala niya. Maging ang pagdampi ng kanyang asawa ay parang apoy na sumusunog sa balat niya.“Patawarin mo ako, Sabina… kasalanan ko ang lahat. Sebastian, humingi ka ng tawad sa kanya.” Mahina ang boses ni Waynona, halos pabulong, pero walang reaksyon si Sebastian. Nakatitig lang siya kay Sabina, sa mga matang parang hindi na siya kilala.“Sabina, makinig ka,” malamig na sabi ni Sebastian. “Kung hihingi ka ng tawad kay Waynona, kakalimutan ko na lahat. We’ll start over.”Napuno ng kirot ang dibdib ni Sabina. Ang lalaking minahal niya, ang ama ng mga b

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 3

    “Matagal ko nang nilalaro si Sebastian sa mga kamay ko, Sabina,” mapanuksong sabi ni Waynona, habang nakasandal sa dingding, ang tinig niya ay malamig at puno ng panunuya. “While you’re busy waiting for him every night, I’m the one he’s coming home to. Kung hindi lang siya maingat gumamit ng protection, matagal na sana akong buntis sa anak niya, unlike you, na halatang baog.”“Ano’ng… sinabi mo?” halos pabulong na tanong ni Sabina, nanginginig ang labi habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib niya, isang matinding kirot na parang unti-unting winawasak ang puso niya sa loob.“Come on, sis,” nakataas ang kilay ni Waynona habang naglalakad papalapit. “You really think kaya mong bigyan si Sebastian ng anak? He’s tired of your boring body. Sawa at pagod na siya sayo. Gumising ka. Isa kang probinsiyanang walang halaga. Samantalang siya, isang billionaire CEO, sanay sa babae’ng classy at marunong sa kama. Tell me, do you even know how to please your o

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 2

    Kinabukasan, dumating si Sebastian at Sabina sa mansyon ng pamilya de Miguel para dumalo sa homecoming party ni Waynona de Miguel na pinaghandaan ng mga magulang nila. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Sebastian sa kanyang baywang na parang ayaw siyang bitawan. “Kailangan mong makisama sa lahat, Sabina. Huwag kang gagawa ng gulo,” malamig na paalala ni Sebastian bago niya halikan sa noo ang asawa, lalo na nang mapansin niyang papalapit si Waynona.“Sabina!” tawag ng kapatid.Nakatayo si Waynona sa tapat nila, suot ang pulang backless na silk dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan—malayong-malayo sa simpleng ayos ni Sabina. Tinanggap niya ang kamay ng kapatid, ngunit agad napansin ni Sabina kung paano sinusundan ng mga mata ni Waynona ang bawat galaw ni Sebastian.“Galit ka pa rin ba sa’kin, Sabina?” tanong ni Waynona, kunwari’y malungkot. “Magkapatid tayo pero ni minsan, hindi mo ako tinawagan mula nang umalis ka ng bahay. Pasensya ka na kung ako ang nakakuha ng pagmamah

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 1

    Pagpasok pa lang ni Sabina sa loob ng ultrasound room, ramdam na niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Malamig ang hangin sa silid, pero ang palad niya ay nanlalamig hindi dahil sa aircon, kundi sa halo ng kaba at pananabik."Please, Misis, you may lie down here," magiliw na sabi ng doktora habang inaayos ang makina sa tabi. Tumango si Sabina at dahan-dahang umupo sa examination chair bago inihiga ang sarili.Narinig niya ang tunog ng guwantes na sinuot ng doktora at ang mahinang kaluskos ng mga instrumentong inaayos nito. Pagkatapos, kinuha ng doktora ang maliit na bote ng malamig na gel at ipinahid iyon sa tiyan niya. Napaigik siya nang maramdaman ang lamig na dumampi sa balat.“Pasensya na, medyo malamig ito,” mahinang tawa ng doktora.Ngumiti lang si Sabina, bahagyang kinakabahan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng transducer sa ibabaw ng tiyan niya, at sa loob ng ilang segundo, tumunog ang pamilyar na beep ng makina. May lumitaw na imahe sa screen—malabo sa una, hanggang sa unti-

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status