Share

Chapter 5

Author: Cecelia
last update Huling Na-update: 2025-10-27 09:28:47

“Hon, bukas na bukas hihingi ka ng tawad kay Waynona, okay?” pilit ni Sebastian habang nakangiti.

“Okay, hihingi ako ng tawad sa kapatid ko kung yan ang gusto mo,” sagot ni Sabina. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat ang dibdib. Lalong lumiwanag ang mukha ni Sebastian sa tuwa.

“Perfect. Bukas, iimbitahan ko sina Waynona at mga kaibigan ko para sa dinner. Ikaw na ang magluluto para sa kanila. Sarapan mo, dapat magustuhan nila ang mga pagkain. Sigurado akong patatawarin ka ng kapatid mo,” wika ni Sebastian habang patuloy sa pagkain.

Natapos ang tanghalian na halos hindi makakain si Sabina. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang larawan ni Sebastian at Waynona. Sa bawat nguya, tila sumasakit ang sikmura niya sa sobrang sakit. Parang bawat subo ay paalala ng pagkakanulo, ng pag-ibig na unti-unting namamatay habang siya mismo ang pinagsisilbihan ng taong sumira rito.

“Hindi ko naibigay ang regalo ni Waynona kahapon, kaya pakibigay na lang,” sabi ni Sabina, pinilit ngumiti habang iniaabot ang isang magarang kahon.

“Alright,” simpleng tugon ni Sebastian bago umakyat sa itaas. Tahimik na sumunod si Sabina hanggang sa pinto ng kanilang kwarto. Doon siya huminto at sumilip sa maliit na siwang.

Nakita niyang binuksan ni Sebastian ang cellphone at may tinawagang numero na agad niyang nakilala, si Waynona.

“Baby, alam mo bang binigyan ka ng regalo ng kapatid mo?” natatawang sabi ni Sebastian sa kabilang linya. “Oo, sabi niya para raw sa’yo iyon. Siguro sinusubukan niyang makabawi.”

Isang mapanuyang tawa ang narinig ni Sabina mula sa kabilang linya. “Sebastian, you don’t have to accept anything from her,” malamig na sabi ni Waynona. “Hindi ko kailangan ng kahit anong galing sa kanya. I don’t want her pity.”

“Yeah, you’re right,” sagot ni Sebastian habang humahagikhik. “Hindi ko rin alam kung anong pinagsasabi niya. Siguro gusto lang niyang magpabango sa’yo. Whatever, it’s nothing.”

Tahimik na napatitig si Sabina habang pinapanood si Sebastian na binubuksan ang kahon. Sandaling sinipat nito ang laman at napangiwi dahil isa lang itong cheap na kwintas, isinara niya ito at itinapon sa likod ng aparador.

Sa isang iglap, lahat ng alaala nilang mag-asawa, mga pangako, tawanan, gabing magkahawak ang kamay, parang binura sa isang iglap. Ang taong minahal niya ng sobra, ngayo’y tila estranghero sa harap niya.

“Pagdating mo bukas ng gabi, papaalisin ko muna siya sa bahay. Ipagdiwang natin ang pag-ibig natin dito,” bulong ni Sebastian, halatang sabik.

Ang bawat sulok ng kanilang tahanan na dati ay puno ng tawa at alaala, biglang nagdilim sa paningin niya. Hindi na iyon tahanan kundi isang kulungang puno ng sakit. Dito mismo, sa kanilang kama, tinraydor siya ng lalaking pinag-alayan niya ng buong buhay. At ngayong alam na niya ang lahat, tila nabura rin ang kulay ng bawat dingding, lahat ay naging abo.

Kinabukasan, mag-a-alas singko pa lang ng umaga nang magising si Sabina. Saglit niyang tiningnan ang natutulog na mukha ni Sebastian. Dati, mahal na mahal niya ito. Sobra. Pero ngayon, malinaw na sa kanya ang lahat. Ang lalaking dati niyang pinanindigan, siya ring dahilan ng pagbitaw niya.

Tahimik niyang kinuha ang maleta at huminto sandali bago lumabas. “Si Mommy na ang bahala sa inyo,” mahina niyang bulong habang hinahaplos ang tiyan. Sa gitna ng lahat ng sakit, doon niya naramdaman ang kakaibang lakas. Pinangako niyang bibigyan niya ng mas magandang buhay ang kanyang mga anak, malayo sa kasinungalingan, malayo sa panggagamit.

Sumakay siya ng taxi papuntang ospital kung saan naka-confine ang lola niyang si Noella na nagpalaki sa kanya. Pagdating niya roon, agad siyang niyakap nito nang mahigpit habang umiiyak.

“Sabina, anak ko, bakit nila kailangang pahirapan ka ng ganito? Sigurado ka ba sa desisyon mo?” tanong ng matanda habang hindi bumibitaw sa yakap.

“Oo, Lola,” sagot ni Sabina, mahina pero buo ang loob. Naayos na niya ang lahat ng papeles para madala ang kanyang lola sa ibang bansa. Desidido na siyang magsimula ng bagong buhay. Sa unang pagkakataon, hindi bilang asawa, kundi bilang isang ina na pipili para sa sarili.

Tinawagan din niya ang kanyang manager, si Georgina, at ipinaliwanag ang lahat. Naiintindihan siya ng babae at pinadalhan pa siya ng perang panggastos.

“Ma’am, napaka-seloso at mapang-abuso ng asawa ko. Kapag nagtanong siya tungkol sa akin, ibigay mo sa kanya ang paketeng ipinadala ko. Hindi ka na niya guguluhin pagkatapos noon,” sabi ni Sabina.

Pagkagising ni Sebastian, hindi niya nakita ang asawa. Inakala niyang nasa trabaho lang ito kaya hindi man lang nag-abala na tumawag. Sa halip, nagpadala lamang siya ng mensahe:

[Sebastian: Ipinadala ko na ang listahan ng mga lulutuin mo. Dapat perpekto ang lahat. Huwag mong sisirain.]

Habang nasa biyahe papunta sa bagong simula, tinitigan ni Sabina ang mensaheng iyon. Napaluha siya at mahina niyang binitawan ang cellphone.

“Tapos na ako sa kasal na ito,” bulong niya bago tuluyang i-block ang numero ni Sebastian. Sa wakas, natutunan niyang may mga bagay na hindi kailangang ipaglaban, lalo na kung ang kapalit ay sarili mong pagkatao.

Pagsapit ng gabi, abala ang bahay ni Sebastian. Tumatawa ang mga bisita, nag-iinuman, at si Waynona ang sentro ng atensyon.

“Sebastian, totoo bang babalik na ang kuya mong si Finley matapos ang military training? Bigla na lang siyang nawala pagkatapos ng kasal n’yo. Kung hindi namin alam ang totoo, iisipin naming nabigo siya kay Sabina,” biro ng isa sa mga kaibigan.

“Sinong may sabing hindi siya nabigo? Galit na galit nga siya sa kasal ni Sebastian noon. Sabi nga nila, pareho raw silang umibig sa isang probinsyanang babae.”

Biglang tumama ang baso sa mesa at nagkalat ang alak. Napatigil ang lahat nang makita ang galit sa mukha ni Sebastian.

“Si Sabina ang asawa ko! Wala siyang ibang mamahalin kundi ako!” sigaw niya.

Namutla si Waynona, dahil alam niyang may katotohanan sa sinabi. Alam niyang minsan ay napansin din siya ni Finley, ngunit hindi niya kailanman nakamit ang puso nito. Kaya bumaling siya kay Sebastian, ang anak sa labas ng pamilyang Lascano.

Tahimik ang lahat hanggang sa may isa na namang nagtanong, “Sebastian, nasaan pala ang asawa mo?”

Lalong sumama ang mukha ni Waynona. Lumipas ang mga oras, ngunit walang lumabas na Sabina. Dalawang beses nang tumingin si Sebastian sa relo bago niya tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang cellphone nito.

Nang mapunta ang tawag sa voicemail, nanlamig ang pakiramdam niya. Ang numerong laging bukas para sa kanya, ngayon ay tuluyan nang nawala sa kanyang abot. At doon niya napagtanto, may mga iniwang hindi na babalik.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 5

    “Hon, bukas na bukas hihingi ka ng tawad kay Waynona, okay?” pilit ni Sebastian habang nakangiti.“Okay, hihingi ako ng tawad sa kapatid ko kung yan ang gusto mo,” sagot ni Sabina. Pinilit niyang ngumiti kahit mabigat ang dibdib. Lalong lumiwanag ang mukha ni Sebastian sa tuwa.“Perfect. Bukas, iimbitahan ko sina Waynona at mga kaibigan ko para sa dinner. Ikaw na ang magluluto para sa kanila. Sarapan mo, dapat magustuhan nila ang mga pagkain. Sigurado akong patatawarin ka ng kapatid mo,” wika ni Sebastian habang patuloy sa pagkain.Natapos ang tanghalian na halos hindi makakain si Sabina. Paulit-ulit pa rin sa isip niya ang larawan ni Sebastian at Waynona. Sa bawat nguya, tila sumasakit ang sikmura niya sa sobrang sakit. Parang bawat subo ay paalala ng pagkakanulo, ng pag-ibig na unti-unting namamatay habang siya mismo ang pinagsisilbihan ng taong sumira rito.“Hindi ko naibigay ang regalo ni Waynona kahapon, kaya pakibigay na lang,” sabi ni Sabina, pinilit ngumiti habang iniaabot ang

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 4

    Nakataas pa ang kamay ni Sebastian nang magtama ang mga mata nila ni Sabina—mga matang puno ng gulat at sakit. Isang hikbing halos hindi na mapigil ang lumabas sa labi nito, kasabay ng pagtulo ng dugo sa gilid ng kanyang bibig.“A-ayos ka lang ba, Sabina?”Inabot ni Sebastian ang mukha ng asawa, pero umatras si Sabina, nanginginig, halos matumba habang tinataboy ang sarili palayo. Takot siyang baka saktan pa ni Sebastian ang mga batang dinadala niya. Maging ang pagdampi ng kanyang asawa ay parang apoy na sumusunog sa balat niya.“Patawarin mo ako, Sabina… kasalanan ko ang lahat. Sebastian, humingi ka ng tawad sa kanya.” Mahina ang boses ni Waynona, halos pabulong, pero walang reaksyon si Sebastian. Nakatitig lang siya kay Sabina, sa mga matang parang hindi na siya kilala.“Sabina, makinig ka,” malamig na sabi ni Sebastian. “Kung hihingi ka ng tawad kay Waynona, kakalimutan ko na lahat. We’ll start over.”Napuno ng kirot ang dibdib ni Sabina. Ang lalaking minahal niya, ang ama ng mga b

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 3

    “Matagal ko nang nilalaro si Sebastian sa mga kamay ko, Sabina,” mapanuksong sabi ni Waynona, habang nakasandal sa dingding, ang tinig niya ay malamig at puno ng panunuya. “While you’re busy waiting for him every night, I’m the one he’s coming home to. Kung hindi lang siya maingat gumamit ng protection, matagal na sana akong buntis sa anak niya, unlike you, na halatang baog.”“Ano’ng… sinabi mo?” halos pabulong na tanong ni Sabina, nanginginig ang labi habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya. Parang may kung anong sumabog sa dibdib niya, isang matinding kirot na parang unti-unting winawasak ang puso niya sa loob.“Come on, sis,” nakataas ang kilay ni Waynona habang naglalakad papalapit. “You really think kaya mong bigyan si Sebastian ng anak? He’s tired of your boring body. Sawa at pagod na siya sayo. Gumising ka. Isa kang probinsiyanang walang halaga. Samantalang siya, isang billionaire CEO, sanay sa babae’ng classy at marunong sa kama. Tell me, do you even know how to please your o

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 2

    Kinabukasan, dumating si Sebastian at Sabina sa mansyon ng pamilya de Miguel para dumalo sa homecoming party ni Waynona de Miguel na pinaghandaan ng mga magulang nila. Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Sebastian sa kanyang baywang na parang ayaw siyang bitawan. “Kailangan mong makisama sa lahat, Sabina. Huwag kang gagawa ng gulo,” malamig na paalala ni Sebastian bago niya halikan sa noo ang asawa, lalo na nang mapansin niyang papalapit si Waynona.“Sabina!” tawag ng kapatid.Nakatayo si Waynona sa tapat nila, suot ang pulang backless na silk dress na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan—malayong-malayo sa simpleng ayos ni Sabina. Tinanggap niya ang kamay ng kapatid, ngunit agad napansin ni Sabina kung paano sinusundan ng mga mata ni Waynona ang bawat galaw ni Sebastian.“Galit ka pa rin ba sa’kin, Sabina?” tanong ni Waynona, kunwari’y malungkot. “Magkapatid tayo pero ni minsan, hindi mo ako tinawagan mula nang umalis ka ng bahay. Pasensya ka na kung ako ang nakakuha ng pagmamah

  • Daddy, Mommy’s on the Run!   Chapter 1

    Pagpasok pa lang ni Sabina sa loob ng ultrasound room, ramdam na niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Malamig ang hangin sa silid, pero ang palad niya ay nanlalamig hindi dahil sa aircon, kundi sa halo ng kaba at pananabik."Please, Misis, you may lie down here," magiliw na sabi ng doktora habang inaayos ang makina sa tabi. Tumango si Sabina at dahan-dahang umupo sa examination chair bago inihiga ang sarili.Narinig niya ang tunog ng guwantes na sinuot ng doktora at ang mahinang kaluskos ng mga instrumentong inaayos nito. Pagkatapos, kinuha ng doktora ang maliit na bote ng malamig na gel at ipinahid iyon sa tiyan niya. Napaigik siya nang maramdaman ang lamig na dumampi sa balat.“Pasensya na, medyo malamig ito,” mahinang tawa ng doktora.Ngumiti lang si Sabina, bahagyang kinakabahan. Pinagmasdan niya ang paggalaw ng transducer sa ibabaw ng tiyan niya, at sa loob ng ilang segundo, tumunog ang pamilyar na beep ng makina. May lumitaw na imahe sa screen—malabo sa una, hanggang sa unti-

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status