DAISY
Hinatid ako ni Vincent sa bahay, at dahil malakas pa rin ng ulan, I invited him inside. Nag-alangan pa ako dahil ito ang unang beses na nagpapasok ako ng lalaki sa bahay. Maliban kay Sir Onse. Siya rin mismo ay lagi akong pina-alalahanan na 'wag ako basta magtiwala at magpapasok kahit kakilala ko pa dahil mag-isa nga lang ako sa bahay. Nasa Canada na kasi si Mama kasama si Kuya Reynan at pamilya nito. Dapat sana ay kasama ko sila ngayon, umuwi lang ako para um-attend ng kasal ni Charmaine. Wala akong planong magtagal. But then, nangyari nga 'yong tungkol kay Sir Onse. Nawili ako sa umusbong na friendship, our late-night talks. Gusto ko ang pakiramdam na kailangan niya ako, na sa akin niya nilalabas ang sama ng loob kay Althea. Kaya 'yon, ang sandaling bakasyon ko lang sana ay nauwi sa ilang buwang pananatili kasama siya. At ngayong bumalik na si Althea, hindi ko na alam kung mananatili pa ba ako o aalis na lang. “Vincent magkape ka muna," sabi ko habang inaabot ang kape na nakangiting tinanggap naman ni Vincent. " Salamat, Daisy," sabi niya sabay tiingin sa basa kong damit na ikinailang ko. "Ayos na ako rito, magpalit ka muna, at baka magkasakit ka." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Akala ko kasi iba ang nasa utak niya. Nakalimutan kong mabait nga pala 'to si Vincent at gentle pa, hindi siya gagawa ng dahilan na ikasira niya o ng pangalan ng hospital nila. Nagpaalam na nga ako, at pumasok sa kwarto. Ilang minuto akong nagbabad sa shower. Hinayaang mamanhid ang buong katawan sa malamig na tubig na dumadampi sa balat ko. Kaya lang, hindi sapat ang malamig na tubig para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naaanod ang sama ng loob ko. Lalo ko lang nararamdam ang sakit. Dismaya kong in-off ang tubig, at tumayo sa harap ng salamin, kaharap ang sariling reflection—reflection ng isang babaing sawi dahil sa one sided love. Matapos kong isiksik sa sarili kung gaano ako katanga, falling to someone na may ibang mahal, pinilit ko naman ang sarili na kumalma. Kailangan kong kumalma kahit mahirap. At saka, nasa labas pa nga si Vincent, naghihintay, kaya kahit gusto ko na sanang magpahinga at kalimutan ang sakit kahit sandali lang, hindi pa pwede. Bumalik ako sa sala matapos magbihis, agad naman akong sinalubong ng matamis na ngiti ni Vincent, hawak nito ang tasa ng kape. Umupo ako sa kabilang side ng couch, sinisiguro na may sapat na distansya sa pagitan naming dalawa, at imbes na siya ang tingnan ko, sa labas dumako ang paningin ko. Medyo humupa na ang ulan, pero ang nararamdaman kong sakit nandito pa rin. “Vincent, salamat sa paghatid sa akin." Nginitian ko siya ng tipid, pero agad rin akong nag-iwas ng tingin, hindi ko kasi kayang salubungin ang mga titig niya—titig na parang nagsasabing gets kita, Daisy, alam kong nasasaktan ka. “Wala 'yon, Daisy. No need to thank me. Hindi ko lang kayang makita ang isang magandang babae na maglakad sa ulan." Ngumiti siya. Napangiti na rin ako...ng pilit nga lang at nag-iwas na naman ng tingin. "At saka,” dagdag niya na muli ko namang ikinalingon. “Ayokong magkasakit ang babaing gusto ko." Napalunok ako. Maayos na sana akong nakaupo. Kahit medyo naiilang pa rin sa presensya niya, naging komportable naman akong kausap siya, pero ngayon ay bumalik na naman ang pagkailang ko. Sumisimple pa kasi, alam naman niyang durog pa ang puso ko at hindi pa magawang mag-intertain ng iba. "Vincent...” “Don’t worry, Daisy. Hindi ko naman hinihingi ang sagot mo. Hindi ako nagmamadali. I am willing to wait; hanggang sa handa ka nang buksan ang puso mo para sa iba.” Imbes na sumagot ako, nagbaba ako ng tingin, at pinaglaruan ang saliring mga daliri. Ilang buwan na nga 'to siyang nagparamdam, in-ignore ko lang, pero nakakagulat na sa kabila ng pag-iwas-iwas ko sa kanya ay handa pa rin siyang maghintay. Hanggang kailan ba? Kaya rin ba niyang maghintay ng limang taon gaya ko? Maya maya ay mapait akong ngumiti. Sandali ko rin siyang tinapunan ng tingin, at muling nag-iwas na naman. Tumikhim naman si Vincent. Pasimple akong sumulyap sa kanya, at huling-huli ko, nakatitig siya sa akin. “Daisy," nilapag niya ang tasa ng kape na lumamig na lang, hindi pa rin ubos, at saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi kita pin-pressure, ang gusto ko lang ay malaman mo na seryoso ako. Totoo ang nararamdaman ko sa'yo, at araw-araw kong patutunayan 'yon." Napalunok ako. Binawi ko rin ang kamay kong pinisil-pisil nito ng mahina. "Daisy, alam ko hindi ka pa handa. Alam ko si Onse ang laman ng puso mo. Pero sabi ko nga, handa akong maghintay.” Bumuga siya ng hangin at ngumiti. Napatitig naman ako sa kanya. “But... Daisy, don’t you think it’s time to let go? To move on from him? Tanggapin mo na, he’s never going to love you the way you want him to.” Ayon, nasapol na naman ako. Daig ko na naman akong nasampal. Sumikip ang dibdib ko at parang maiiyak na naman. Masakit na 'yong narinig ko kay Althea kanina, dumagdag pa ang sinabi ni Vincent. Nanatili na lang akong tahimik. “I know you care about him. Kitang-kita ko sa mga mata mo, sa tuwing hinahatid at sinusundo ka niya." Pagppapatuloy niya. “But how long are you going to keep doing this? You deserve more, Daisy. You deserve someone who sees you.” Mapait akong ngumiti. “Ang tanga ko kasi, Vincent 'e? I thought if I stayed long enough...kung mananatili ako sa tabi niya, magustuhan niya ako.” Ayon na ang mga luha ko, sunod-sunod ngang pumatak. Kanina habang nasa kotse kami, sinisiguro kong 'wag umiyak. Pinipigil ko kahit ang hapdi at nag-iinit na ang mga mata ko, pero ngayon, hindi ko na naawat. Hinawakan niya ang kamay ko na hinayaan ko lang. “He won’t, Daisy, kasi may mahal siyang iba.” Pinahid niya ang luha ko at inangat ang mukha ko paharap sa kanya. “Daisy, hindi ko sinasabi ang lahat ng 'to para saktan ka." Lumapit siya ng bahagya, at muling pinahid ang mga luha kong patuloy pa rin sa pagpatak. “I care about you, Daisy. And I hate seeing you like this. You deserve to be happy.” Malungkot na tingin lang ang sagot ko sa kanya. Puro hikbi na lang kasi ang nagagawa ko. “Nandito ako, Daisy. Handa akong pasayahin ka." Pabulong nitong sabi habang banayad na hinaplos-haplos ang pisngi ko at hindi ako nilulubayan ng tingin. "Hayaan mong mahalin kita. Just... give me a chance.” Hindi pa rin ako makasagot. Pero napaisip naman sa sinasabi niya. Hindi naman siguro masama kung bigyan ko nga siya ng pagkakataon—bigyan ko ang sarili ng pagkakataon. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang bitawan si Sir Onse. Kaya ko bang kalimutan ang limang taon na nararamdaman ko sa kanya? Napapikit ako, napahawak sa dibdib. Ngayon pa nga lang, pakiramdam ko, parang may nawawalang bahagi sa pagkatao ko. Hindi maganda sa pakiramdam ang e-let go ang matagal ko nang pinapangarap, pero mas hindi maganda ang manatiling tanga, at maghintay sa taong umiikot ang buhay sa iba. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. “Hindi ko alam kung kailan magbubukas itong puso ko para sa iba, Vincent," pabulong kong sabi. Tumango-tango naman si Vincent, bumakas ang lungkot sa mga mata. "But, susubukan kong bigyan ng pagkakataon, hindi lang ikaw, kundi pati ang sarili ko—ang puso ko na magmahal ng iba."Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong ang memory lapses niya na ipinagpa
Onse Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin akong tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masama
Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha. Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa maliit na bintana. "Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala o tama sa aming katawan. Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko. “Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe
“Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung
Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n
Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama
“Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur
I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m
OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na