LOGINMabilis na tumayo si Jonathan at lumingon sa waiter at kay Serenity. “Magbantay kayo sa labas,” utos niya. Agad namang sumunod ang dalawa. Nang dalawa na lamang sila, mabilis na lumapit si Jonathan kay Lexy. Lalong tumindi ang pandidiring nararamdaman niya. “Lu-lumayo ka sa ’kin! Kadiri ka!” pilit niyang iginagalaw ang katawan, ngunit hindi niya mawari kung bakit hindi siya makakilos nang maayos. Tumawa si Jonathan nang nakakaloko. Sa pagkakataong ito, naging mapangahas siya at hinila si Lexy para yakapin. Nagpumiglas si Lexy. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang matabang gurang na katulad ni Jonathan? She had already heard rumors—maraming reklamo laban kay Jonathan: sexual assault, harassment, even rape. Karamihan sa mga biktima ay sariling empleyado nito. Ngunit walang nagawa ang mga biktima, lalo na’t may koneksyon si Jonathan sa pulisya. Namula ang mga mata ni Lexy sa galit. Hindi siya papayag na balahurain ng isang tabatchoy na matandang tulad ni Jonathan. She
Mahigit isang oras na ang lumipas simula nang maglaro si Lexy ng poker. Habang siya ay masaya at kalmadong naglalaro, ang mga kalaro naman niya sa mesa ay pinagpapawisan dahil sa matinding nerbyos at pagkadismaya sa tuwing natatalo. Paano ba naman—mula simula ay si Lexy lang ang nananalo. Wala ni isa sa kanila ang nagawang talunin ang babae. Lagi silang naiisahan ni Lexy. Nagsimulang magbulungan ang mga taong nanonood sa laro. “Ang sabi marunong lang siya. Bakit parang professional poker player na siya kung maglaro?” “Aba, malay ko! Kung ikaw nagtataka, paano pa ako?!” “Kanina lang confident na confident si Mr. Kensington pati ang mga kasama niya. Akala siguro nila mapagkakaisahan nila si President Black.” Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kalaro ni Lexy, habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang lahat—kinukurot-kurot pa niya ang baywang ng lalaking staff member. Habang masaya si Lexy, hindi rin maganda ang timpla ng mukha ng staff member dahil sa panghihipo sa ka
Pagkasakay ng kotse, mabilis na pinaandar ni Rey ang sasakyan. Nilabas ni Lexy ang cellphone niya at tinawagan si Raika. Ilang segundo pa lang itong nagri-ring nang agad itong sinagot. “President Black?” “Ang galing ng timing mo, ah?” nakangising sabi ni Lexy. Sa kabilang linya, narinig niya ang pagtawa ni Raika. “Nararamdaman ko kasi ang distress signal mo mula sa opisina,” biro nito. Natawa si Lexy. “At dahil d'yan, dadagdagan ko ang yearly bonus niyo ni Rey,” sabi niya. Naging abala buong araw si Lexy dahil sa insidenteng nangyari sa construction site sa Avent Hill. Sinigurado niyang maayos ang mga manggagawa—nabigyan ng compensation at financial assistance ang mga ito pati na ang kanilang mga pamilya. Pinaimbestigahan niya kay Raika ang nangyari, at base sa resulta, walang foul play—isang purong aksidente lamang. Sa sobrang abala at focus ni Lexy sa trabaho, kahit habang kumakain ay nagbabasa pa rin siya ng mga dokumento. Hindi niya namalayan na gabi na pala nang b
Bumaba ng sasakyan si Lexy. Hindi na siya nagpasama kay Raika kahit nag-insist itong samahan siya, at sinabihan na lang niya itong dumiretso sa opisina. Pababa na sana ng kotse si Raika. “Pero, President—” “Basta sundin mo na lang ang sinasabi ko sa ’yo. Mauna ka na sa opisina at asikasuhin ang paghahanap ng heart donor para kay Lilian,” mariin niyang utos. Wala nang nagawa si Raika kundi sumunod. Tumango siya. “Okay. Mag-iingat ka, President Black.” Pagkasabi nito, isinara ni Raika ang pinto, at mabilis na pinaandar ni Rey ang kotse papunta sa opisina. Nang mawala sa paningin ang sasakyan, tumalikod na si Lexy at naglakad palapit sa malaking kahoy na pintuan ng mansyon. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. “President Black,” magalang na bati ng isang matandang lalaki—si Armando, isa sa mga tauhan ni Danilo. Bahagya lamang siyang tumango bilang tugon. Pumasok siya sa loob habang pinagbubuksan ni Armando. “Nasa greenhouse sila. Kanina pa hinihintay ang pagdati
Sa Valcressia International Airport… Pagkalagpas sa security check, mabilis ang hakbang ni Lexy, habang agad na sumusunod sa kanya si Raika palabas ng airport papunta sa parking lot, kung saan naghihintay ang sasakyang susundo sa kanila. Pagkasakay nila sa kotse, agad itong pinaandar ng drayber patungo sa Valcressia Hope Hospital. Pagdating, mabilis na bumaba si Lexy, kasunod si Raika. Nagmadali silang pumasok, mas bumibilis ang hakbang ni Lexy habang tinutungo ang private ward. Pagdating doon, agad niyang itinulak ang pinto. Walang tao sa loob. Nagkalat ang pagkain at mga plato sa sahig, at nanunuot ang amoy ng suka sa hangin. Biglang kumabog ang dibdib niya. Inikot ni Lexy ang paningin sa buong kwarto hanggang sa bumukas ang pinto ng banyo. Agad siyang napalingon at lumapit sa lumabas. “Ate Lexy?!” gulat na sambit ni Lilian. Hindi sumagot si Lexy. Agad niyang binuhat si Lilian—bridal style—at dinala sa kama. Maingat niya itong ibinaba. Naroon ang assistant niyang si Raika
The moment she felt the stranger’s cold skin, she immediately snuggled into his arms. Wala nang pakialam si Lexy kung sino man ang taong sumalo at kayakap niya ngayon. Ang mahalaga ay nahanap niya ang relief na kanina pa niya hinahanap. Napansin niyang itinutulak siya palayo ng estranghero, pero mahigpit ang kapit niya rito—parang ayaw na niya itong pakawalan. “Bitawan mo ’ko! Lumayo ka sa ’kin,” galit na sabi ng estranghero. Pero hindi bumitaw si Lexy. Sa halip, lalo pa niyang hinigpitan ang yakap. He tried a few times until he managed to grab the woman’s arms wrapped around him like a snake. The stranger was about to push Lexy out of his hotel room when the woman in his arms suddenly kissed him. Hindi inaasahan ng estranghero ang ginawa ni Lexy nang bigla niyang hablutin ang buhok nito at walang pag-aalinlangang angkinin ang labi nito. Sa una ay marahan—malambing—parang inaaral pa ang bawat galaw. Ngunit unti-unti itong naging mas mainit, mas mapang-angkin ang palitan ng hali







