MasukMahigit isang oras na ang lumipas simula nang maglaro si Lexy ng poker. Habang siya ay masaya at kalmadong naglalaro, ang mga kalaro naman niya sa mesa ay pinagpapawisan dahil sa matinding nerbyos at pagkadismaya sa tuwing natatalo.
Paano ba naman—mula simula ay si Lexy lang ang nananalo. Wala ni isa sa kanila ang nagawang talunin ang babae. Lagi silang naiisahan ni Lexy. Nagsimulang magbulungan ang mga taong nanonood sa laro. “Ang sabi marunong lang siya. Bakit parang professional poker player na siya kung maglaro?” “Aba, malay ko! Kung ikaw nagtataka, paano pa ako?!” “Kanina lang confident na confident si Mr. Kensington pati ang mga kasama niya. Akala siguro nila mapagkakaisahan nila si President Black.” Hindi na maipinta ang mga mukha ng mga kalaro ni Lexy, habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang lahat—kinukurot-kurot pa niya ang baywang ng lalaking staff member. Habang masaya si Lexy, hindi rin maganda ang timpla ng mukha ng staff member dahil sa panghihipo sa kanya ng babae. He was disgusted when he was groped by the woman. Truthfully, he wanted to walk away and leave the scene, but the woman held his arm. He wanted to break away, but the woman somehow had the strength of a gorilla that he was unable to break free. He could, but it might cause a scene, and he wanted to walk away freely and unnoticeable. Hindi naman talaga siya empleyado ng hotel—naroon siya upang mag-imbestiga bilang isang asset, ngunit pinipigilan siya ng dalaga sa pagtupad ng kanyang misyon. Umikot ang paningin ni Lexy at ngumiti siya nang malapad. “Mukhang naubos ko na ang mga poker chips niyo,” sabi niya. “Magpapatuloy pa ba tayo sa paglalaro?” tanong niya. Nang marinig ni Jonathan at ng iba pa ang sinabi ni Lexy, hindi nila napigilang mapasimangot sa inis—lalo na’t may ngisi ito sa labi, na para bang sinasadya silang inisin. Some of the players are business elites, but they cannot do anything to Lexy. If they dare to, their own companies would soon meet an early bankruptcy. Napakuyom na lamang sila ng kamao, pilit ikinukubli ang inis na nararamdaman. Ngunit hindi naman lahat ng naroon ay galit kay Lexy—may iilan ding humanga dahil wala pa itong talo. Kung susumahin, ang napanalunan ni Lexy ay tinatayang aabot na sa $49 million. Sa sobrang laki nito, hindi na nakapagtataka na magngitngit sa galit ang kanyang mga kalaro. Kahit sino ay hindi matutuwa na matalo ng milyon-milyong dolyar—lalo na sa isang babaeng mas bata pa sa kanila. Sandaling natahimik ang paligid. Ang kaninang ingay ng chips at baraha ay napalitan ng mabigat na katahimikan. Naging tensyonado ang hangin sa loob ng floor kaya naman tumayo na si Lexy. “Perhaps, it’s time we talk about business now. Right, Mr. Kensington?” she said to Jonathan. The earlier grin on her lips turned into a professional smile fit for business talks. Nang marinig ito ni Jonathan, tumayo na rin siya mula sa kanyang kinauupuan. Tumango siya. “I guess you’re right, President Black,” sang-ayon ni Jonathan. Lumingon siya at tiningnan ang mga taong naroroon sa floor. “Since nasa good mood ako, kahit natalo ako ni President Black ngayong gabi, I’ll be giving away exquisite delicacies cooked by the chefs at the hotel, and servers will be serving fine aged wine to all the guests present tonight. These are all free!” he announced joyfully. Nang marinig ito ng mga naroon, agad na naging maingay ang paligid dahil sa katuwaan ng mga bisita. Matapos mag-anunsyo, lumapit si Jonathan kay Lexy. “Let’s go at mag-usap tayo sa isang private lounge na vacant,” sabi ni Jonathan habang naglalakad papunta sa direksyon ng lounge. Ngunit bago pa makalayo, tiningnan niya nang makahulugan ang kanyang sekretarya na si Serenity. Agad namang naunawaan ni Serenity ang kahulugan ng tingin ng kanyang amo, kaya tahimik siyang naglakad palayo—taliwas sa direksyon ng lounge. Hindi agad sumunod si Lexy. Lumingon siya sa staff member na nakatingin din sa kanya. “Tapos na ang laro. Nanalo ako. Sa’yo na lahat ng napanalunan ko,” sabi niya, bahagyang nakangiti. “Do enjoy them, handsome!” Pagkasabi noon ay umikot siya at naglakad papunta sa direksyon na tinahak ni Jonathan. Pinanood ng staff member ang papalayong pigura ni Lexy. Tumaas ang kilay niya. “What a weird woman,” he said. Lumingon siya at tiningnan ang patung-patong na poker chips na nakapatong sa mesa. Sa loob ng private lounge, naupo sa harap ng bilugang mesa sina Lexy at Jonathan. Pumasok ang isang waiter at inabutan sila ng tig-isang menu list. Tinanggap iyon ni Lexy at nag-order. Ganoon din si Jonathan. Matapos makuha ang order nilang dalawa, agad ding lumabas ang waiter. Bago ito tuluyang umalis, tinitigan ito ni Jonathan nang makahulugan. This happened in just a split second, but it still caught Lexy’s sharp eye. Her face darkened the moment she saw that. She had a hunch that something is gonna happen. Jonathan was the one who started the conversation. “Pasensya na nga pala, President Black,” una muna siyang humingi ng tawad. “What for?” Lexy asked before taking a sip of water from her glass. “Alam kong narito ka para pag-usapan ang hotel expansion na matagal ko ng binanggit sa 'yo. But as soon as you came in, hindi iyon agad ang nangyari. Bagkus, naaya pa kita maglaro. It was unprofessional of me,” paliwanag ni Jonathan. “Ayos lang, Mr. Kensington. This is Paradise Hotel and Casino. Hindi naman masama na magsaya muna before jumping to business matters,” she said calmly. “Mabuti naman. Anyway, about sa hotel expansion na matagal ko nang pinaplano… fully decided na ako na Black Gold Construction ang kukunin ko,” sabi ni Jonathan. “Kung gano’n, I’ll send my best architect sa office mo. I’m pretty sure he’ll meet your requirements—” “No,” Jonathan interrupted her. “What I want is ikaw mismo ang maging architect ng project na ’to.” Hindi na iyon ikinagulat ni Lexy. She already expected that kind of demand—kaya nga sobrang persistent nitong makipag-meet sa kanya. “I see.” Bahagya siyang ngumiti. “Wala namang problema doon. It’s just that… may mga nauna na akong clients who already have scheduled appointments with me para pag-usapan ang projects nila.” Tiningnan niya ito nang diretso. “Are you willing to wait, Mr. Kensington?” Ngumiti si Jonathan. “Of course, President Black. No problem at all. I know you’re in demand—especially after winning the City of the Future Project last year.” “Kung gano’n, hintayin n’yo ang tawag ng assistant ko. She’ll give you the schedule for our discussion tungkol sa project planning and execution ng dalawang projects n’yo,” sabi ni Lexy. Lumapad ang ngiti sa labi ni Jonathan. Sakto namang bumukas ang pinto matapos nilang magkasundo. Pumasok ang waiter na may tulak na food cart, dala ang mga inorder nilang pagkain. Kasunod nito si Serenity, may dalang wine at dalawang wine glass. Inilapag niya ang mga baso at dahan-dahang ibinuhos ang alak, habang inaayos naman ng waiter ang mga pinggan sa mesa. “You’ll like the food here, President Black,” sabi ni Jonathan. “Especially the wine we serve.” Kinuha ni Lexy ang wine glass niya at pinagmasdan ang laman nito. Marahan niya itong pinaikot bago tuluyang ininom. She waited for a few seconds. Nothing happened. So… I was just overthinking? tanong niya sa sarili. Ibinalik niya ang baso at hinawakan ang kubyertos—pero— “Uhnn—!” Bigla siyang napahawak sa ulo. Parang may mabigat na puwersang dumagan sa kanya, kasabay ng matinding pagpitik ng sakit sa sentido niya. Umikot ang paningin niya. Bumigat ang katawan niya—pati paghinga niya ay naging hirap. Pinilit niyang iangat ang ulo. At doon niya nakita—nakatingin sa kanya ang tatlo. Si Jonathan. Si Serenity. At ang waiter. Mariing kumuyom ang kamay ni Lexy. She bit her teeth hard, her eyes burning with rage. “You motherf*cker!” sigaw niya. Humalakhak si Jonathan, halatang tuwang-tuwa. “Finally!” masaya nitong sabi. “Matagal ko nang pinapangarap na matikman ang pinakamagandang babae sa Valcressia. Oh, President Black… you don’t know how desirable you are.” Parang hayok na hayop ang tingin nito habang pinagmamasdan si Lexy. Matagal na niya itong pinagnanasaan. Kaya nga paulit-ulit niyang inuutusan si Serenity na kulitin ang assistant ni Lexy na si Raika—just to get this meeting. Now that Lexy is right in front of him—he won’t let this chance slip.‘’President Black, may nangyari!’’Nag-angat ng tingin si Lexy, tahimik na nakatitig sa mukha ng sekretarya. Inaabangan kung anong masamang balita ang sasabihin nito.“Tumawag sa ‘kin ang kakilala ko ngayun-ngayon lang at sinabing namatay ang dagang pinag-eksperimentuhan nila ng—”“Seriously, Raika? Dahil lang sa daga nagkakaganyan ka na?” nakasimangot na saad ni Lexy, hindi makapaniwala na inabala siya ng nito dahil lang sa maliit na bagay.“Just let me finish what I have to say first, okay?!” Raika said, a bit of annoyance in her tone when Lexy interrupted her earlier.Napapisil na lamang ng sentido si Lexy habang iniiling ang kanyang ulo. “Fine.”“Ibinalita sa ‘kin ng kakilala ko na bigla na lamang namatay ang dagang pinainom nila ng gamot na pinapa-check mo. Pagkatapos pakainin ay maligalig at nagtatalong pa yung daga hanggang sa bigla na lang bumagsak ang daga at namatay,” paliwanag ni Raika.Biglang sumeryoso ang mukha ni Lexy. Hindi siya agad nagsalita matapos marinig ang sinab
“Hindi lang naman ikaw ang nagtataka... kahit ako.”Sabay na napalingon sina Lexy at Larson sa direksyon na pinanggalingan ng boses.Ang lalaking nagsalita ay naglakad palapit kung nasaan ang magpinsan. Tahimik ang paghakbang. Tanging malamig na ihip ng hangin lang ang maririnig bago muling nagsalita ang lalaking sumingit sa usapan nina Lexy at Larson.‘’Puwede ba kong makisali sa usapan niyong dalawa?’’‘’Care to explain bakit nasa police station ka rin, Kuya Caesar?’’ kaswal na tanong ni Lexy.Tumikhim muna si Caesar bago sagutin ang tanong ni Lexy. ‘’Who wouldn’t get worried after hearing you were involved in a drug lab,’’ he answered.‘’You worry too much—’’Hindi na natapos ni Lexy ang sasabihin niya nang sumabat si Caesar. ‘’Alam mo ba kung sino tumawag sa ‘kin sa Police Station?’’ seryosong tanong nito.Umiling si Lexy. ‘’Sino?’’ curious niyang tanong.‘’Si Sammy Payne,’’ walang paliguy-paligoy na sagot ni Caesar. ‘’Nang marinig ko mula sa kanya na involve ka sa shady business
“Any reason for calling me out, my dear cousin?”Larson looked straight at his young cousin, who looked completely chill as Lexy leaned back against the wooden bench. Minsan, hindi niya mapigilang mamangha kung gaano ka-relaxed ang pinsan niya kanina. Ni hindi man lang niya nakitang nag-react o may ginawang kahit ano si Lexy habang ini-interrogate niya si Isabelle.Kung ibang pinsan niya siguro, baka mabahala na si Larson. Pero dahil si Lexy iyon, bakit pa siya mag-aalala? Lexy may be relaxed most of the time, but he knew exactly what his cousin was capable of.“Hindi ka man lang nag-react kanina simula nang dumating ako. Mukhang may ideya ka na sa mga nangyayari,” kaswal na saad ni Larson.“Of course not!” maang ni Lexy, sabay ngisi. “Ni hindi ko nga alam na capable pala na mag-isip ng ganoong plano si Tito Dani. May utak pala siya?” pabirong sabi niya.“That ain’t the point here, Lex,” Larson said with a deep sigh, facepalming in frustration.Ilang segundong katahimikan ang namagita
Isabelle bit her lip so hard that blood trickled from the corner of her mouth. The sharp sting helped her rein in her anger, while the metallic taste of blood reminded her that it was time to come clean.“Fine,” she said, gritting her teeth.Walang nagsalita. Tahimik lamang na inabangan ng lahat ng nasa loob ng Interrogation Room ang mga sasabihin ni Isabelle.Huminga muna siya nang malalim bago tuluyang magsimula.“Wala naman talaga akong balak mamasukan sa Pleasurable Sins kung hindi lang dahil sa pagbabantang ginawa sa 'kin ni Danilo Goldwick.”“Ano namang klaseng pagbabanta ang ginawa niya sa 'yo?” seryosong tanong ni Larson.“Ang anak ko.”Dito na pinatunayan ni Isabelle na totoo ang mga usap-usapan noon na kumalat na umalis siya ng siyudad ng Valcressia dahil sa kahihiyan. Bago siya tuluyang makaalis ng siyudad para magpakalayo, nakulong muna siya nang mahigit isang buwan dahil sa kasong isinampa sa kanya ng legal na asawa ni Danilo—si Priscilla—matapos silang maaktuhan na magka
Kinuha ni Isabelle ang folder na hawak ng abogado. Binuksan at agad na sinilip ang nilalaman. Sa sandaling mabasa niya ang nilalaman ng folder ay nagsimulang manginig ang mga kamay niya habang hawak ang folder. Nag-angat siya ng tingin at nakitang mariing nakatitig sa kanya si Larson. Pinapanood ang pabago-bagong ekspresyon ng kanyang mukha. Maya-maya ay nagbuka ng bibig si Larson at nagtanong na, ‘’natatandaan mo ba ang kontrata na ‘yan, Ms. Hammington?’’ Naglipat ang tingin ni Isabelle sa pagitan ng hawak niyang folder at sa mukha ni Larson. Napakagat sa labi si Isabelle. Alam niyang na-corner na siya ng abogado, pero sinubukan pa din niya na makalusot. ‘’Ngayon ko lang nakita ‘to. Saan naman nanggaling—’’ ‘’Mas mabuting umamin ka na lang ng maayos, kaysa pahirapan mo pa ‘ko, Ms. Hammington,’’ putol ni Larson. Nagpatuloy ito. ‘’Pero kung gusto mo talagang patagalin pa ‘to, wala namang problema sa ‘kin.’’ Sandaling natigilan si Isabelle sa narinig, tsaka niya dahan-dahang ikin
“Ms. Hammington, ‘di ba ang sabi mo ay first job mo ang mamasukan bilang sekretarya ni Mr. Kingston?” tanong ni Larson.Marahang tumango si Isabelle. “Oo, ‘yon ang sinabi ko. Bakit?”“Totoo ba ang mga sinasabi mo?” muling usisa ng abogado.Biglang nakaramdam ng kaba si Isabelle. Gayunpaman, hindi siya nagpatinag sa mapanuring mata nito. “Oo naman, attorney. Hinding-hindi ako nagsisinungaling. Totoong unang trabaho ko ang pagiging sekretarya ni Mr. Kingston,” puno ng kumpyansa niyang sagot.“Talaga, Ms. Hammington?” Larson challenged her. “Kahit isalang kita sa Lie Detector Test?”Napatigil si Isabelle. Ang biglaang pagbanggit sa polygraph test ay lalong nagpabilis sa tibok ng kanyang puso, at unti-unting gumapang ang pag-aalinlangan sa kanyang isip.“To-totoo ang mga sinasabi ko sa 'yo, attorney. Ba-bakit kailangan mo pa akong ipa-Lie Detector Test?” balik-tanong niya, hindi na napigilang magsalubong ang kilay sa inis.“Gaya ng sinabi mo, Ms. Hammington, nagsasabi ka ng totoo. Hindi n







