Share

Chapter 3

Chapter 3

“Ito para sa ‘yo,” sabay abot ni Alfie kay Marina ng isang Tupperware na lasagne pagkapasok pa lamang ng Grande office---ang pangalan ng organization nila ng mga journalism at writer sa newspaper. “Basta ba ibalik mo sa akin ang Tupperware bago mag-uwian, mahal na mahal yan ni mama kesa sa akin.”

Agad namang kinuha ito ni Marina na may pag-aalinlangan at ramdam sa palm niya na bagong luto pa ang lasagne. “Salamat, pero hindi mo naman dapat gawin.”

“Hindi pa rin ako makatulog sa nangyari kahapon kaya sorry talaga.”

“Its fine, Alfie.”

Nilapag ni Marina ang hawak niya sa lamesa saka kinuha ang ilang libro na kailangan niya sa unang klase, hindi naman nagalit ang mga magulang niya sa nangyari at nagpaliwanag din naman siyang wala sa plano ang mga iyon. Pinagsabihan lang siya at kung maari’y umiwas siya sa mga Sanchez na agad naman niyang sinang-ayunan.

May ilang estudyante ang nakakaalam sa nangyari kahapon kaya hindi na siya nakaiwas sa mga tingin nito, hindi niya alam kung anong nasa isip nila pero alam niyang pinag-uusapan na siya ng ilan at hindi magtatagal mas lalong kakalat na para bang wildfire ang balitang iyon. Worst baka maiba pa ang kwento sa totoong nangyari, sila lang naman sa organization ang nakakaalam sa nangyari eh.

“May meeting uli bukas para sa foundation week bukas ng munisipyo natin,” paalala ni Alfie.

“Yeah, nabasa ko sa GC natin, see you later,” nang makuha ni Marina ang kailangan niya’y agad na siyang lumabas ng opisina nila para dumiretso sa kanyang klase.

Kailangan niya pang dumaan sa likod engineering building para maka-shortcut siya patungo sa literature building, bahagyang mapuno at madamo kesa sa semintadong daanan sa hallway pero ito ang pinakamalapit na daan para hindi siya ma-late nang mapansin niyang may kumakalusko sa malapit.

Bahagya siyang natigilan para tignan kung ano iyon, muli siyang naglakad pero papalapit din siya sa kaluskos at may lumabas na pusang maliit na nagtatago sa kumpulan ng mga tuyong dahon. Tila ba nagkatitigan sila ngunit mabilis na lumapit ang pusa at saka kiniskis ang katawan nito sa kanya na para bang hindi natatakot sa maari niyang gawin.

Bumaba siya at umupo para kunin ang pusa. “Kaninong pusa ka at anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa inosenteng pusa.

Itim at puti ang kulay na hindi gaanong kalakihan, sa pagkakaalam niya tuxedo cat ang tawag sa ganu’ng pusa lalo na’t may maskara itong itim na kulay sa mukha na para bang si batman. Nag-meow ito na para bang gustong-gusto siya.

May collar na brown ang pusa, since of ownership pero wala itong pangalan. Naisip niyang baka isa ito sa pusa ng mga kamag-aral niya, inalis niya ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat.

“Dito ka muna at huwag kang maingay habang nagkaklase ako ah, ibabalik kita mamaya kung sino man ang owner mo, sa ngayon may klase pa ako,” saka niya maingat na nilagay sa back pack niya ang pusa.

Bahagya lang niyang binuksan ang bag para makahinga ito at agad na naglakad patungo sa pupuntahan niya.

Habang nasa klase siya ilang beses niyang sinisilip ang pusa kanina lang ay naglalaro sa loob ngayo’y tulog na, she knows na hindi siya mahilig sa pusa pero napapangiti siya sa itsura nito na para bang inosenteng bata.

Muli niyang binalik ang atensyon sa harapan habang nag-discuss ang prof nila sa subject.

Pagkatapos ng klase nila at may one hour vacant pa siya para ibalik ang pusa nang may makasalubong siyang dalawang naglalakihang lalaki sa kanilang barong style uniform at ang dean ng department nila.

“Good morning po, Mrs. Legazpi,” bati niya sa matandang babae na may kaliitan at katabaan ang pangangatawan.

“May gusto sanang kumausap sa ‘yo from guest room sa office ko, importanteng tao, nakita kasi sa CCTV na nakuha mo yung pusa niya sa back building sa engineering department,” paliwanag ng matanda.

Nagliwanag ang mukha ni Marina nang saktong ibabalik niya ang pusa. “Nasa akin nga po, sino po ba ang owner?” ngiti niyang tanong.

“Sumama ka na lang sa amin and ikaw na lang ang magbalik sa kanya total ikaw naman ang nakakita.”

Tumango-tango si Marina saka sumunod sa tatlo. Habang naglalakad sila sa hallway napansin niyang parang pamilyar ang pormahan ng dalawang lalaki, hindi niya maalala kung saan niya nakita ang mga ito and may suot silang Philippine Flag logo sa kanilang kanang kwelyo sa uniporme.

Hindi nagtagal nang makapasok sila sa aircon office ng dean. Huminto ang tatlo sa pinto. “He’s waiting inside, go on,” wika ng dean.

“Sige po,” pinagbuksan siya ng isang lalaki saka siya nagpasalamat at nang makapasok siya narinig niya ang pagsara ng pinto sa likuran niya.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita kung sino ang naghihintay sa private room na iyon, napalingon agad siya sa dalawang CCTV sa kanto sa kisame na nakatutok sa sahig kesa sa usual na itsura nito.

He’s always smiling sa lahat ng nakakaharap niya pero seryoso ang binata sa mga oras na ito. Nakaupo lang ito sa swivel chair habang suot ang long sleeve na puti na nakatupi hanggang siko na may vest na itim na patong.

“Go-good morning, sir-”

“No need to be formal, where is my cat?”

Napakunot-noo si Marina at sandaling napaisip. ‘Parang hindi naman siya nag-aalaga ng pusa sa itsura niya.’

Kinuha niya ang bag sa likod, nilabas ang natutulog at kagigising lamang na pusa na bahagya pang nag-uunat. “Sigurado ka bang sa ‘yo ‘to?” nag-aalalang tanong ni Marina.

“Mukha ba akong nagbibiro, Ms. Hidalgo.”

‘Bakit ang intimidating niya ngayon? Galit ba siya sa akin dahil sa pusa niya o galit siya dahil sa nangyari kahapon kaya siya nandito?’

Umalis sa pagkakaupo si Filan saka humarap sa kanya. Doon niya napagtantong sobrang tangkad ng isang 25 years old Sorsogon Representative ng senado si Filan Sanchez, umabot lang siya hanggang balikat nito kaya kailangan niyang tumingala.

Wala siya sa sariling kinuha ni Filan sa kanyang bisig ang pusa. “Hindi ko ipapa-atras ang meeting ko ngayon with the counsellor para lang sa pusa ko, dala-dala ko siya kahapon nawala siya kaya kailangan kong bumalik and they found out na ikaw ang nakakuha, what a coincidence right?”

Hindi nagsalita si Marina at nanatili siyang nakatitig kay Filan.

“Maraming salamat for taking him kahit sandali,” tila ba naging maamo si Filan habang hinihimas at sinusuklay ang buhok ng pusang natutulog.

“W*-walang anuman, aalis na ako may klase pa kasi ako,” saka tumalikod si Marina pero muling sumagi sa kanyang alaala ang nangyari kanina kaya muli siyang humarap.

Nakatingin pa rin sa kanya si Filan.

“Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari kahapon, hindi ko intensyon iyon kaya sana huwag mong masamain pero maiintindihan ko kung magagalit ka.”

“No, wala namang problema sa akin para lang siyang propaganda laban sa pamilya namin pero sanay na ako.”

“Propaganda?” kunot-noong tanong ni Marina sa binata.

“Wala lang, pero I hope I see you tomorrow sa foundation day together with your family,” paalala ni Filan saka nilagpasana si Marina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status