Share

Chapter 4

Chapter 4

FIRST night ng foundation week ng Castilla, alam ni Marina na marami pa siyang gagawin, ihahabol na requirements this week at laking pasalamat na lamang ay binigyan siya ng chance na makahabol pagkatapos ng foundation week. Isa sa perks ng pagiging anak ng isang politika ay mga ganitong pagkakataon, ito rin ang kinaiingitan ng ilan sa mga kakilala niya sa kanya.

Minsan pa nga’y makakarinig siya na kaya lang naman siya nakakuha ng full scholarship dahil sa kanyang ina na vice mayor but deep down hindi alam ng nakakarami na she’s doing her best para lang makuha kung anong achievements niya na walang tulong ng mga magulang niya lalo na ang kanyang ina.

Ngayon lang naman kukunin ni Marina ang tyansa na iyon dahil gahol na rin siya sa oras, pagkababa pa lamang ng mga magulang niya sa parking lot may mga body guard at ilang tagasuporta ng mga magulang niya lalo na ang ina niya.

Samu’t saring bati ang natanggap nila at wala siyang nagawa kundi ang ngumiti sa mga camera na nag-flash sa harapan nila. Todo pasalamat pa ang ina niya sa mga ito at nakikipagkamayan pa.

Nahirapan silang nakarating sa puwesto nila sa unahan malapit sa stage sa harapan ng putting munisipyo na may tatlong palapag na gawa sa bato. May area para sa kanilang special visitors kesa sa mga taganayon na nasa labas ng barricade. Napalingon si Marina nang pasimple sa kanan niyang gawi kung na saan ang pamilya ng mayor Sanchez na kakarating lang, todo ngiti ang pamilya lalo na ang asawa nitong kung todo suot ng nagmamahalang alahas at damit.

Malakas ang tugtugan sa speaker na nang gagaling sa stage para hindi rin maboring ang mga tao roon at nagkalat din ang mga panindang pagkain sa paligid. Saka lang napansin ni Marina na wala si Filan sa pamilya nitong dumating.

‘Busy kaya siya?’ saka lang niya napagtanto ang tanong na iyon sa isip saka napakunot-noo sa sariling tanong. ‘Ano namang pakealam ko sa lalaking iyon?’

Tumayo siya kasabay ng kanyang mga magulang nang lumapit sa kanila ang mga Sanchez na may ngiti kaya kailangan niyang magpakita na masaya rin siyang nakita ang mga ito. Isang palabas lamang ang mga ganitong bagay sa publiko para hindi sila mabahala.

Nakipagkamayan si Mayor Sanchez sa kanyang ina. Napansin niya ang makahulugang paglingon ng bunsong anak ng mga Sanchez na si Franco na parehas niyang 20 years old. May ilang pagbati pa ang naganap sa kanila bago tuluyang lumayo ang mga Sanchez sa kanila para maupo nang upuan sa kanan nila.

“Magandang gabi sa lahat ng Castilliano! Maligayang pagkakatatag ng bayan ng Castilla sa Sorsogon!” masiglang bati ng baklang emcee na may katangkaran at katabaan ang pangangatawan na may kulay asul pa ang buhok.

Isang malakas na hiyawan at palakpakan ang iginawad ng mga manonood sa pagbati.

“Hindi na tayo magpapaligoy-ligoy pa dahil papakinggan na muna natin ang speech ng ating butihin at napakasipag na mayor Sanchez!” tawag niya kay mayor na pinalakpakan ng lahat.

Nang tumayo ang mayor ay kumakaway-kaway pa ito sa mga taong nasasakupan niya bago siya naglakad patungo sa stage. Nang makaakyat siya roon ay bahagyang natahimik ang manonood para pakinggan siya.

“Maligayang gabi sa lahat, hindi ko naman papahabain ang gusto kong iparating at gusto kong magpasalamat para sa pagdalo ninyo sa first night ng ating foundation week ngayong taon, kung mapapansin ninyo’y hindi namin kasamang dumating ang aking nakasipag na anak kong si Filan dahil abala siya pero ang sabi niya sa akin ay hahabol siya…”

Nawala ang focus ni Marina nang pagkapa niya sa bulsa ng suot niyang floral blue collar dress ay wala roon ang cell phone niya, napataas ang kilay niya saka niya tinapik ang kapatid na si Marian.

“Ano yon?” ngusong tanong ng kapatid.

“Na saan na yung cell phone ko, hawak mo ba?”

“Nakatulog ka diba sa biyahe, naiwan mo ata sa upuan mo sa sasakyan,” sagot ng bunsong kapatid.

Magpapaalam sana si Marina sa parents niya nang mapansin niyang abala itong may kinakausap mula sa opisina, ganito ang parents niya walang oras na hindi sila tumantanggi sa trabaho lalo na kung kailangan. Naalala niyang nasa bag ni Marian ang susi ng kotse kaya nabigla ang kapatid niya.

“Anong gagawin mo?”

“Kukunin ko lang yung cell phone ko baka may importanteng messages sa GC namin at babalik din ako,” hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng kapatid kaya nagmadali na siyang umalis sa puwesto niya.

Sa may likod siya dumaan at halos walang nang nakapansin sa kanya hanggang sa makabalik siya sa parking lot. Hindi naman natatakot na mag-isa si Marina kahit pa walang katao-tao roon. Pagkalapit niya sa kotse nakapansin agad siya ng kaluskos sa paligid niya, paglingon niya para hanapun ang ingay na yon wala naman siyang napansin na kakaiba.

Nagkipit-balikat na lamang siya nang ipapasok na sana siya pagka-unlock ng pinto nang mapatili siya sa gulat nang may tumapik sa kanyang balikat.

“Don’t shout-aray!”

Pinaghampas niya ng walang tigil ang magtatakip sana sa kanyang bibig para patahimikin siya, wala tigil hanggang sa makita niyang nakahiga ito sa semento.

“Teka! Tama na!”

Saka lang siya huminto nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon, nabigla siya nang makita si Filan na nakahiga habang nakatago sa braso na pinangharang para hindi tamaan ang mukha sa mga hampas niya.

“A-ano bang ginagawa mo kasi?” sabay hawak sa dibdib si Marina. “Magkakaroon ako ng heart attack-shit! Anong nangyari sa ‘yo, bakit ka may sugat?” bumaba si Marina para tulungan si Filan sa pagkakaupo.

Sinandal niya ito sa malapit ding kotse, namumutla ang binata at pinagpapawisan. Hawak-hawak ni Filan ang sugat sa tagiliran ngunit patuloy ito sa pagdurugo.

Hindi alam ni Marina kung anong gagawin niya ngunit hindi mawala ang pag-aalala niya sa binata. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ng dalaga sa kaba nang makita niya ang kalagayan ni Filan.

“Tatawag ako ng tulong-” tatayo na sana si Marina para gawin ang una niyang plano ngunit mabilis siyang pinigilan ni Filan nang hawakan siya sa kamay at hilahin pabalik.

Namilog ang mga mata ni Marina sa pagkabigla.

Umilinga ng binata sa kanya na para bang nakikiusap. “Don’t. Please. Don’t. Hindi nila kailangan malaman baka mas lalong lumala ang gulo.”

“Huh? Anong gulo? Jusko baka maubusan ka ng dugo.”

“No, tulungan muna lang ako pabalik sa kotse ko and ako nang bahala.”

Walang nagawa si Marina kundi ang alalayan ang binata patungo sa itim nitong kotse, hindi na niya isip kung anong kahihinatnan nang pagtulong niya sa binata. Siya na mismo ang nagbukas ang pinto para sa binata, dahil nanghihina na ito una niyang pinapasok ang binata ngunit nahatak siya nito nang mapahiga si Filan sa likod ng kotse at bumagsak siya sa ibabaw ng binata para mamilog ang mata niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status