Share

Chapter 2

Penulis: KhioneNyx
last update Terakhir Diperbarui: 2022-02-26 20:34:05

Chapter 2

MARINA saw how Filan’s deep brown eyes look at her seriously. Ramdam na ramdam ni Marina ang kabang yumayakap sa kanya. Wala na siyang magagawa lalo na’t nangyari na ang lahat, tahimik pa rin ang paligid at pakiramdam ng dalaga nasa kanya lang ang atensyon ng binata.

Naniniwala siya na dapat practice nila ng maayos ang ibabatong tanong sa kahit kanino, they need to stay their integrity and dignity with respect kahit gaano man kasama ang kaharap nila. Be bias sa lahat ng pagkakataon, gusto niyang sisihin ang mga kasama niya, hindi naman siya ang naroon sa sitwasyon na iyon at hindi man lang na-filter ang mga tanong sa interview.

Nabigla siya nang ngumiti si Filan sa kanya na para bang wala lang ang tanong na iyon, but she feel something on it na para bang may hindi magandang mangyayari.

“Thank you for that question, Ms. Hidalgo,” pagdidiin ni Filan sa kanyang apelyido.

Hindi man siya pansinin sa tatlong magkakapatid sa Hidalgo, hindi siya makakaiwas na kilala siya ng binata.

“As far as I know wala pang napapatunayan ang korte sa nangyari noong nakaraang taon, sinabi ring binayaran ang mga magsasakang nagreklamo sa kanya tungkol rito, alam naman siguro lahat ng iyon…”

Alam na alam ni Marina dahil ang ama niya ang humawak ng kaso na iyon laban sa mga Sanchez.

“Sa totoo nga niyan ang ama ko, si Mayor Sanchez ang nags-suggest ng batas na ito na makakatulong sa lahat lalo na sa probinsya, mahal niya ang bayan lalo na ang mga magsasaka dahil naniniwala siyang backbone ng ekonomiya ang mga magsasaka, kung walang agrikultura babagsak ang ekonomiya  natin,” dagdag pa ni Filan. “May gusto ka pa bang itanong, Ms. Hidalgo?”

Napailing na lamang si Marina at wala sa sariling napaupo. Hindi na niya natapos ang mga susunod pa niyang itatanong.

*

Umiikot ang sinaryo na iyon sa isipan ni Marina nang paulit-ulit kahit pa tapos na ang event. Hindi niya magawang lumabas ng opisina nila nang magkaroon ng emergency meeting ang organization nila at tanging si Hendrix ang nanatiling maingay habang sinisermunan sila.

“Sinabi ko sa inyo na walang magtatanong ng ganu’n, ilang beses kung sinabi na kailangan nating umiwas sa issue lalo na’t malaking tao si Mr. Sanchez, hindi talaga kayo nasasabihan!”

“Pero mukhang okay naman yung outcome-”

“Isa ka pa, Alfie! Hindi ka man lang nagkunsulta sa akin bago mo binigay.”

“Ang akala ko po kasi i-check po ninyo.”

“Dahil may tiwala ako sa ‘yo sa ginawa mong script.”

Isa-isa tumingin ang mga kasamahan ni Marina sa kanya.

“Rina, sorry na talaga,” wika ni Karen na nagka-LBM kaya bilang nawala sa event na hindi man lang makapagpaalam.

“Wala na tayong magagawa, nangyari na,” halos pabulong na wika ni Marina pero natatakot pa rin siya.

Patuloy pa rin si Hendrix sa panenermon sa kanila hanggang sa hayaan na silang makauwi. Paglabas ni Marina agad namang sumunod si Hendrix sa kanya.

“Ayos ka lang ba?” tanong ni Hendrix nang sumabay ito sa paglalakad sa kanya sa hallway.

Naghahalo na ang kahel sa kulay asul na kalangitan nong hapon na iyon, paisa-isa na ring umuuwi ang mag-aaral at tanging nag-practice sa soccer field ang natitira roon.

“I’m fine,” bulong ni Marina.

“Magiging okay ba ‘to sa pamilya mo lalo na sa mama mo?” Hendrix knows kung anong iniiwasan ni Marina. “Pasensya ka na talaga.”

Huminto si Marina sa harapan ng parking lot dahil ilang sandali at darating na rin ang magsusundo sa kanya. Hinarap na muna niya sandali si Hendrix na nag-aalalang nakatitig ang mga mata nito sa ilalim ng specs na suot.

Ngumiti siya ng bahagya. “Okay nga lang ako, ako nang bahala kung sakaling malaman nila mama, wala ka rin namang kasalanan.”

“Meron, alam mong meron ayaw mo lang akong sisihin sa nangyari.”

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya kung paano siya titigan at mag-alala si Hendrix sa kanya. Since first year pa lamang siya may sikreto na siyang pagtingin sa binata pero nanatili siyang tikom dito at mas gusto niyang irespeto ang pagkakaibigan nila lalo na’t may ibang kasintahan ang binata.

Magsasalita pa sana si Marina pero bumisina na ang kotse at paglingon niya’y ang BMW na magsusundo sa kanya. Muling binalik niya ang atensyon sa binata. “Alis na ako, bukas na lang siguro tayo mag-usap tungkol dito.”

Tuluyan na siyang nakasakay sa sasakyan nang makapagpaalam siya sa binata. Kita pa rin niyang nanatili si Hendrix sa kinatatayuan nito hanggang sa makaalis ang kotse.

*

Tahimik ang Hidalgo family sa kanilang hapunan at tanging ingay mula sa kanilang mga kubyertos ang maririnig. Ilang beses din siyang napapasilip sa mga magulang niya, nagtataka siya kung may ideya na ba ito sa nangyari kanina sa unibersidad. Natapos ang hapunan at ganging desert na lamang ang kinakain nila.

“Kumusta na ang pag-aaral?” tanong ng ama ni Marina.

Napasulyap siya rito, siya lang naman ang tinatanong at ang bunso niyang kapatid na si Marian. Wala naman ang panganay nilang kapatid na nagtatrabahong private doctor sa Finland na si Marguax.

“Okay naman po, Dad,” wika ni Marian.

“Not you, your ate mismo ang tinatanong ko.”

Agad na napasulyap si Marina sa kanyang saka napalunok. Mabait at hindi istrikto ang mga magulang niya lalo na ang ama nila na para bang kaibigan kung ituring sila at makipagbiruan.

“Nalaman ko na ikaw daw ang nag-interviewed kay Mr. Sanchez sa conference niya sa university ninyo,” wika nito. “Hindi ba’t sinabi ko hangga’t maari huwag kayong makikisali sa gulo sa politika.”

Nag-aalala siyang magkwento. “Hindi naman po ako ang gumawa ng script na iyon. I-we didn’t mean to ask that question, biglaan yung pangyayari.”

“Wala naman ata talagang kasalanan ang anak natin,” saway ng ina niya.

“Alam naman nating walang kasalanan si Marina pero hindi ba’t pag may ganitong nangyayari palaging balik sa atin, hindi natin basta mapapatay ang isyu na ‘to lalo na’t alam ng probinsya natin kung gaanong magkagalit ang pamilya natin. Baka maipit si Marina rito kaya kung ako sa inyo lalo ka na Marina, mag-iingat ka palagi.”

Bigla na naman bumalik ang kaba ni Marina na nagsisisi sa nangyari. “Wala naman pong mangyayaring masama, hindi po ba?”

“Sa ngayon wala, pero hindi natin alam kung paano mag-isip ang mga Sanchez na iyan,” sabi ng ama niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Dangerous Love   Chapter 63

    Chapter 63“Ang anak lang po niya at ang asawa lang po ang nakita namin, patay na po ang asawa,” wika ng lalaking katabi ng batang konsehal na si Alfonso Sanchez.Nanginginig ang kamay ni Alfonso habang tinatapos ang trabaho na inuutos sa kanya ng kanyang ama na ngayo’y mayor na ng Castilla na siyang bayang kinalakihan niya. Gulong-gulo ang mansyon na pinuntahan nila, hindi rin alam ni Alfonso kung bakit siya napapayag ng ama ngunit gusto niya ang kapalit ang posisyon at kayamanan na ipagkakaloob sa kanya.“Ano na pong gagawin namin sa kanya?” tanong muli sa kanya.“Dalhin ninyo sila sa akin.”Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng iyak na papalapit galing sa itaas na bahagi ng mansyon. Nagmamakaawa, natanaw niya ang ginang na hindi nalalayo ang edad sa kanya.“Huwag ninyong sasaktan ang anak ko! Nagmamakaawa ako sa inyo, ako na lang! Huwag lang ang anak ko!” hagulgol nito.Ngunit walang magagawa ang pagmamakaawa ng ginang sa maaring mangyari sa kanilang mag-ina. Itinulak ang ginang ng b

  • Dangerous Love   Chapter 62

    Chapter 62Halos hindi makatulog si Filan nong gabing malaman niyang hindi siya totoong Sanchez, wala siyang kahit na anong koneksyon sa mga ito maliban sa kinuha siya sa bahay ampunan ng kinikilala niyang ina. Bumaba na siya sa kusina nang makapagtapos siyang mag-ayos sa sarili niya para sa araw na iyon, kailangan niyang magkunwari na para bang walang nangyari kagabi ngunit durog na durog ang kanyang puso na para bang gusto na niyang mawala.Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa o kailangan pa ba niyang hanapin ang totoo niyang mga magulang o saan siya nang galing? Pagdating niya sa dining room naroon na ang mga magulang niya, usual wala na naman si Francis na nasa labas palagi o kaya’y nasa malayo para sa mga laro nito bilang soccer player at wala pa ring ideya sa kung ano na ang nangyayari sa pamilya nila.Napaisip din siya na kung alam ba ni Francis na hindi sila totoong magkapatid?“Good morning, kailangan mong sumama sa akin ngayong araw? Huwag na muna natin isipin ang pr

  • Dangerous Love   Chapter 61

    Chapter 61“Walang tutulong sa atin, at sayo, kundi ako lang, tayo lang ang magtutulungan, na saan ba ang sinasabi mong Marina? Ayon! At hinayaan ka na!” bulyaw ng ama ni Filan sa kanya nang makauwi sila sa mansyon galing sa kulungan dahil sa kaso nito na siyang nadawit naman siya.Hindi na alam ni Filan kung anong nangyayari, kung ano ba ang tama at mali. Gulong-gulo na siya sa mga oras na ito at alam niyang tanging magpapakalma sa kanya ay si Marina, si Marina lang ang gusto niyang makita sa magulong oras na ito.Wala siyang pakialam kung hindi man siya maintindihan ni Rina pero gustong-gusto niyang mayakap ang dalaga, naiintindihan naman niya kung bakit sasama ang loob o worst magalit sa kanya ang kasintahan. Iniisip niya na dapat matagal na niyang tinama ang lahat, nalunod siya sa pag-aalala at takot sa iisipin ni Rina sa kanya, ngayon huli na ang lahat.Nawala siya sa malalim na pag-iisip nang itulak siya ng ama na siyang kamuntik na niyang ikatumba, dahil nanghihina rin siya.

  • Dangerous Love   Chapter 60

    Chapter 60Hindi nagsalita si Filan at sinenyasan lang niya ang mga body guard niya na iwan ang mga bulaklak doon sa kinatatayuan nila, sumunod naman ang mga ito at pinapanood lang sila ng maraming estudyante roon. Hindi papayag si Marina na they will disrespect of her friend’s vigil, kinuha niya ang mga bulaklak ngunit isang korona lang ang kinaya niya.Agad na sumunod si Alfie kay Marina kung anong gagawin, paalis na sila Filan nang ibato niya ito sa direksyon nila Filan ngunit hindi akalain ni Marina na matatamaan sa likod ito sa pagkakabato niya, tumigil ang grupo nila Filan at kinagulat ito ni Rina habang nanunuyo ang luha sa kanyang mukha.Pero mabilis na nagbago ang mukha ni Rina, walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya kesa sa sakit na natamo ni Filan sa pagkakabato niya sa mga bulaklak. Hindi humarap si Filan at hindi rin kumilos ang mga bodyguard nito.“Mas masahol pa kayo sa kriminal, nabubulok ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!” all her hatred will never stop.Umalis n

  • Dangerous Love   Chapter 59

    Chapter 59Mas lalong lumakas ang ulan, hindi akalain ni Rina na sasalubungin niya ang bagong taon ng ganito. Hinatak si Rina ng mga bodyguard nila pabalik sa loob ng mansyon nila, lumuluha, nagmamanhid at walang maramdaman kundi ang pag-aalala niya kay Filan.Anong maaring mangyari kay Filan? Hindi na ito panaginip kay Rina, this is all in a reality na gusto niyang takasan, napakagulo at hindi niya alam kung paano niya hihilahin si Filan pabalik sa kanya, pabalik sa dating wala pa silang inaalala.“Hindi ka munang pwedeng lumabas hangga’t hindi naayos ang lahat ng ito, nainintindihan mo ba?”Tulala si Rina at walang pakialam kung basang-basang siya. Napansin ni Mrs. Hidalgo ang pagiging tulala ng dalaga dahil sa lamig, agad niyang nilapitan si Rina at saka hinawakan sa magkabilang balikat na saka lang siya napansin, hindi niya makilala ang anak sa pares ng mga mata nito na walang emosyon.“Marina, naiintindihan mo ba ako? Hindi ka pwedeng madamay sa nangyari ng mga Sanchez, dito ka n

  • Dangerous Love   Chapter 58

    After lunch sa mansyon ng mga Hidalgo ay sinamahan ni Rina si Filan hanggang gate, maghahating-gabi na rin at kailangan na nitong magpahinga. Ang dami pa ring gumugulong tanong sa isipan ni Rina hanggang sa mapansin ito ni Filan na para bang wala sa sarili si Marina.“Are you okay?”Dahan-dahan na tumingala si Rina kay Filan na nag-iisip pa rin.“Ikaw, okay ka lang ba?” hindi maiwasan ni Rina na mapakunot-noo, she always wanted the truth.Wala bang tiwala si Filan sa kanya? Hindi pa ba talagang lubos na kilala ni Rina si Filan? Bakit parang marami pa ring walang alam si Rina kay Filan?Isang ngiti ang iginawad ni Filan na para bang wala itong pinoproblema.“I’m fine, kung may problema ka magsabi ka agad sa akin para naman mapag-usapan natin.”Talaga bang ganu’n sila? Pero bakit pakiramdam ni Rina na ang layo-layo ni Filan ngayon kahit na ang lapit nito sa kanya, hindi na niya maintindihan ang realidad sa kanyang iniisip.“I’m looking forward to the New Year’s Eve, I will go here strai

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status