LOGINSAGE
Mainit ang ilaw sa lobby ng Cortez Holdings, pero malamig ang hangin. Hindi ko alam kung papasok ako o tatakbo nalang palayo. Ang linis ng paligid. Lahat ng tao naka-corporate, lahat ng hakbang may direksyon. Ako lang ‘yung parang naligaw, nakatingin sa taas ng glass wall habang pilit kong pinapakalma ‘yung dibdib kong walang ginawa kundi magpigil ng kaba. Three weeks. Tatlong linggo mula noong iniwan ko siya sa Siargao. Akala ko kasi totoo ‘yung kasabihang “out of sight, out of mind.” Pero mali pala. Kasi kahit anong pilit kong iwasan, kahit anong libang ko sa sarili ko para hindi ko sya maisip, kahit ilang ulit kong sinabing tapos na ‘yon, paulit-ulit pa rin bumabalik ‘yung mga gabing gusto kong kalimutan pero ayaw kong mawala. I remind myself, new city, new job, and new life. Wala nang “Elle Navarro.” Wala nang Siargao. Ang meron na lang ngayon ay si Sage Adessa Villafuente, twenty-four, orphan, trying her best to survive. “Ms. Villafuente?” tawag ng babaeng naka-blazer, professional at diretso. “The CEO would like to see you before you proceed with your team.” My chest tightens. “The CEO?” “Yes. Mr. Nox Gabriel Cortez likes to meet new hires personally.” Nox? Nox Cortez? The name hits harder than I expect, pero sinubukan kong itago sa likod ng pilit na ngiti. Hindi pwedeng siya ‘yon. Marami namang Nox ang name. Right? Pero habang papalapit kami sa dulo ng hallway, habang mas lumalakas ‘yung tibok ng puso ko, parang unti-unti nang bumabalik ‘yung pakiramdam ng gabing matagal ko nang gustong kalimutan. Kumatok ang secretary ng dalawang beses, bago nya binuksan ang pinto. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang CEO. Nakatayo sa harap ng bintana, naka-itim na suit, nakatalikod, parang eksenang pinaghandaan ng tadhana para lang ipamukha sa akin kung gaano ako kahina. He turns around. Nox. Same face. Same faint scar sa gilid ng labi. Same eyes that once looked at me like I was the only thing worth noticing in a crowded bar. For a moment, wala akong narinig kundi ‘yung tunog ng sarili kong paghinga. Pareho kaming napahinto, hawak pa rin niya ‘yung folder, at ako, naninigas sa tapat ng pinto, pilit umaaktong parang hindi nanghihina ‘yung tuhod ko. Siya ang unang bumasag ng katahimikan. “Ms. Villafuente,” malamig na boses, wala na ang kahit anong bakas ng pagkagulat, pero alam kong nandun parin. Kita sa mata niya. “Sir,” sagot ko, halos hindi ko makontrol ‘yung tono ko. “Good morning.” “Have a seat.” Umupo ako, sinubukang ‘wag masyadong tumingin sa kanya. Pero kahit iwasan ko ‘yung mga mata niya, ramdam ko pa rin ‘yung bigat ng tingin niya sa akin. He flips through the papers in front of him. “You came from Alveron Group?” “Yes, sir,” sagot ko, steady as I can. “Marketing associate.” “And now?” “Assistant manager under corporate communications.” Tumango siya, pero walang sinabi. Tahimik lang. At sa pagitan ng katahimikan na ‘yon, parang biglang bumigat ‘yung hangin, pamilyar, parang déjà vu ng isang gabi na matagal ko nang pilit kalimutan. He clears his throat. “We expect discipline and commitment here, Ms. Villafuente. I assume that won’t be a problem.” “Not at all, sir.” Napadako ulit sa’kin ‘yung tingin niya, isang kisapmata lang, pero sapat para gumulo ulit ‘yung tahimik kong mundo. “That’s good,” sabi niya, sabay balik ng tingin sa papel. “You may proceed to your department.” Tumayo ako agad, thankful na matatapos na ‘yung eksenang ‘to. Pero bago pa ako makalabas ng pinto, narinig kong mahina siyang huminga, halos pabulong na sinabing, “Welcome to Cortez Holdings.” Paglabas ko, parang biglang lumiit ‘yung corridor. Ang tunog ng takong ko sa sahig ay masyadong maingay at mabilis. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinapakalma ‘yung puso ko na parang ayaw magpaawat. Kahit wala syang sinabi. Alam kong nakilala nya ako base sa pagkagulat nung makita nya ako. At kahit ilang beses kong i-convince ‘yung sarili ko, hindi ko maalis sa isip ko ‘yung titig niya. That same look from Siargao. Madilim at para kang hinihigop. --- NOX Nakaupo ako sa mesa ko, hawak ‘yung pen pero hindi ko magawang pirmahan ang mga papeles na nasa harapan ko. The moment she walked in, everything came back — the sound of waves, the taste of salt and tequila, the way she looked at me like she wasn’t afraid of anything. And how she left ng walang paalam. Just a note. So she’s Sage Adessa Villafuente. I open my drawer, the one no one ever touches. Nasa loob pa rin ‘yung maliit na papel — gusot na, halos punit na sa tagal, pero buo pa rin ang mga salitang iniwan niya: “Thank you for reminding me what it feels like to be alive.” — E.N. Hindi sya si Elle Navarro. She has no idea how much I tried not to look for her. Kung gaano kahirap pigilan ‘yung sarili kong bumalik sa mga lugar na baka sakaling makita ko siya ulit. Pero kahit hanapin ko pala talaga sya, walang mangyayari. Dahil hindi naman totoo ‘yung pangalang binigay niya. Naalala ko tuloy kung ilang beses kong paalalahanan ang sarili ko. It was just a night. Baka para sa kanya, distraction lang ako at temporary escape. At dapat, gano’n din ang isipin ko. Pero ngayon, habang naririnig ko pa rin ‘yung boses niya kanina, alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko. She’s here now. Working for me. At kahit anong pilit kong bumalik sa mga papel na nasa harap ko, hindi na ako makapag-focus. Ang naiisip ko lang ay ‘yung paraan ng pagtitig niya kanina. Na parang walang nangyari. Na parang hindi niya ako kilala. Ang hirap kalimutan ng taong saglit na pinasaya ka kahit hindi mo naman talaga lubusang nakilala. Pero ngayon, nandito siya. Ibang pangalan. Ibang postura. Pero pareho pa rin ‘yung mga mata. ‘Yung tingin na minsang nagpahinto sa mundo ko. I drag a hand through my hair, frustrated. This isn’t supposed to happen. But fate’s funny that way, it always finds a way to remind you of those nights you swore to forget.SAGEAkala ko tapos na ang mga bagyong kailangan kong pagdaanan.Akala ko ‘yung dinner kagabi na ang simula ng katahimikan na matagal ko nang hinahanap.At sa totoo lang, naging maayos naman.Tahimik si Mrs. Cortez, pero ramdam ko ‘yung pagsusuri sa bawat tingin niya.May mga pasimpleng comment pa rin, ‘yung tipong ngiti pero may tusok.“Ang simple ng suot mo, Sage. I guess you’re going for understated elegance?”Ngumiti lang ako. “Yes po, ma’am. I prefer simple things.”She nodded, but I could tell—hindi siya kumbinsido.Sa buong gabi, ramdam kong binabantayan niya bawat galaw ko. Pero sa ilalim ng mesa, marahan akong hinawakan ni Nox sa kamay. At doon ako kumapit.Kasi kahit gaano ka lamig ‘yung paligid, mainit pa rin ‘yung hawak niya.Pero at least, walang eksenang masakit.Naging civil lahat, at sa bandang dulo, parang nabawasan ng kaunti ‘yung bigat sa pagitan namin.Kinabukasan, maaga pa lang, ramdam ko na ‘yung bigat.Parang may paparating na hindi ko maipaliwanag.
SAGEAkala ko pagkatapos ng lahat, hindi ko na mararanasan ‘yung ganitong uri ng katahimikan.‘Yung tahimik na hindi nakakabingi.‘Yung tahimik na hindi nakakatakot.‘Yung may halong pag-asa na parang unang hinga pagkatapos ng matagal na paglangoy.Tatlong araw na rin mula nung nag-usap kami ni Nox sa opisina. Tatlong araw mula nang tuluyan kong piniling huwag nang umiwas. Tatlong araw na hindi ko na kailangang itago kung ano talaga ang nararamdaman ko.At ngayong umaga, habang nakaupo ako sa desk ko, parang mas madali nang huminga.Wala na ‘yung pakiramdam na bawat kilos ko ay sinusukat, bawat salita ay pwedeng maging headline. May mga tumitingin pa rin. Yung mga usiserong sanay sa chismis, pero hindi na tulad dati. Hindi na ako ‘yung babae na kailangang itago. Hindi na rin siya ‘yung lalaking kailangan kong iwasan.Siguro kasi, sa wakas, wala nang kailangang itago.Paglabas ko ng office, nadatnan ko siya sa labas ng elevator, nakasandal sa pader na parang eksena sa pelikula. Rol
SAGEAng bilis talaga ng mga balita sa opisina, parang apoy na hindi mo mapapatay kahit ilang ulit mong tapakan.Ngayon, ibang kwento na naman ang kumakalat. Pero ako pa rin ang bida.“Dalawa daw,” sabi ng isa. “Si Sir Nox at si Ryker. She played them both.”Natahimik lang ako habang pinapakinggan sila. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Nakakapagod mag-explain sa mga taong ayaw makinig.Nasa monitor lang ako nakatitig nang pumasok si Arabella, mabilis ang hakbang.“Sage, nakita mo na ba?” tanong niya.“Ang ano?”“May picture na pinagpapasa-pasahan ang mga katrabaho natin. It’s you and Ryker. Sa labas ng café. He was hugging you.”Parang tumigil lahat. Hindi pa ba matatapos ang mga usapan na yan? Kaunting kibot lang, pagti-tsismisan na.Naramdaman ko agad ‘yung kaba sa lalamunan ko na bumagsak sa sikmura ko.Pagtingin ko sa phone ni Arabella — ayun nga. Isang frame lang.Nakayakap si Ryker, umiiyak ako, pero sa picture, kung titingnan mo sa ibang anggulo, makakabuo ka nga
SAGEMabilis ang mga araw, pero parang hindi ko talaga nararamdaman ‘yung takbo ng oras.Gumigising ako, nagta-trabaho at umuuwi ng diretso. Parang checklist lang. Walang kulay, walang tunog.Sa bawat umaga, tinuturuan ko ‘yung sarili ko na magmukhang okay. Na ngumiti kahit hindi ko nararamdaman. Na magsalita kahit wala namang laman.Pero kahit anong pagtatago, may mga sandaling sumisilip pa rin ‘yung sakit. Sa pagitan ng mga email, sa katahimikan ng elevator, sa tuwing dumadaan ako sa pintuan ng opisina niya.Hindi ko siya hinahanap. Pero hindi ko rin alam kung paano siya hindi hanapin.Tatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap.Tatlong araw na puro pilit ang katahimikan.---Paglabas ko ng building, nakita ko agad si Ryker. Nakasandal sa kotse, may hawak na dalawang cup ng kape, at ‘yung pamilyar na ngiti na kahit na noong mga bata pa kami, nakakagaan talaga ng araw.Parang sandali, may naalala akong parte ng sarili ko na hindi pa ganito kabigat.“Hindi ka sumasagot sa m
SAGETahimik lang ang opisina. Pero hindi ‘yung tahimik na nakaka-relax, kundi ‘yung klase ng katahimikan na parang may kasunod na bagyo.Lahat busy sa mga monitor nila, pero ramdam ko ‘yung mga patagong sulyap. Lahat ay aware, pero walang gustong maunang magsalita.Ang hirap magpanggap na normal, lalo na kapag bawat tunog ng keyboard ay parang bulungan ng “siya ‘yung nasa video.”I keep my head down, pretending I don’t feel it. Pretending I don’t hear it.‘Kape lang. Focus lang. Breathe, Sage.’Pero pagbalik ko mula pantry, biglang bumukas ang elevator.At doon, lumabas ang isang presensiyang kayang patigilin ang buong floor.Victoria Cortez.Elegant, matikas, at malamig ang aura. ‘Yung tipong kahit walang salita, ramdam mong may kapangyarihan siya.Nakatayo siya sa gitna, suot ang itim na dress na simple lang pero mukhang milyon ang halaga.Nakangiti siya sa mga tao, pero ‘yung ngiti niya ay yung tipong hindi nandito para makipagkaibigan.It was the kind of smile that says I o
SAGEAkala ko matapos ‘yung gabi ng gala, unti-unti na kaming magiging okay.Minsan nga, naiisip ko pa na baka sa wakas, may chance na kami ni Nox na hindi na kailangan itago. Na hindi na kailangan iwasan ang mga mata ng tao, ang bulung-bulungan, ang mga tingin na parang sinusukat ang bawat kilos mo. Na puwede na lang kaming dalawa, normal lang sa mundo namin, na hindi nakakabuo ng pelikula sa isip ng iba.Pero kinabukasan, nagising akong parang may bigat sa dibdib, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification sa phone ko.Hindi ko alam kung gusto ko bang sagutin o itapon na lang.Isang message mula kay Arabella.“Sage, check Twitter. Ngayon na.”Napatayo ako agad, pagbukas ko ng Twitter, halos mahulog ‘yung phone ko sa gulat.Doon sa feed, short clip ng video namin ni Nox. Sa gala, sa balcony at naghahalikan.Ang caption:“CEO Nox Cortez spotted kissing a mysterious employee after the company gala last night.”Napatakip ako ng bibig. Parang biglang t







