LOGINSAGE
Limang araw na mula nung unang araw ko sa Cortez Holdings, pero hanggang ngayon, parang hindi pa rin ako marunong huminga nang normal kapag nasa loob kami ng iisang kwarto. Limang araw ng pagpapanggap na hindi ko kilala ang lalaking dati kong hinalikan sa ilalim ng buwan. Limang araw ng pagtitimpi, ng pagpapaka-propesyonal, at ng pagbubuo ng mataas na pader sa pagitan namin, kahit paulit-ulit rin naman niya ‘yong binabasag ng isang tingin lang. Lalo na kapag siya ‘yung nakakasabay ko sa hallway. Lalo na kapag magkakatinginan ang mga mata namin kahit isang segundo lang. Walang sinasabi, pero parang may mga salita na gustong kumawala, mga tanong na ayaw naming sagutin. --- Mag-a-alas siyete na ng gabi nang mapilitan akong bumaba sa accounting floor para magpasa ng reports na kailangan ni Mr. Cortez first thing tomorrow. Halos wala nang tao sa office, ‘yung mga ilaw sa hallway nagdi-dim na. Tahimik. ‘Yung tipo ng katahimikan na maririnig mo pa ang sarili mong paghinga, pati ang mahinang tiktak ng orasan sa dingding. Gusto ko lang matapos ‘to, gusto ko lang umuwi. Simple lang naman ‘yung dasal ko, pero bakit parang allergic ang universe sa peace? Pagpasok ko sa elevator, akala ko mag-isa lang ako. Pero bago pa tuluyang magsara ‘yung pinto, may humabol—isang kamay ang mahigpit na humawak sa gilid ng pinto para pigilan ito. Pagtingin ko, parang tumigil ‘yung oras. Siya. Nox Gabriel Cortez. Naka-black shirt lang, at ‘yung mga mata na nakikita ko tuwing sinusubukan kong kalimutan siya. Same quiet gravity na parang hinihigop ka kahit gusto mong umiwas. I didn’t expect him to be there. Actually, hindi ko alam kung bakit laging ganito, kapag kalmado na ako, bigla siyang sumusulpot, para guluhin lahat. “Ms. Villafuente,” malamig niyang bati habang pumapasok, halos hindi ako tinitingnan pero ramdam ko ‘yung bigat ng presensya niya sa maliit na espasyo. “Good evening, Sir,” sagot ko, mahina pero diretso. Pinindot ko ‘yung button papunta sa ground floor at umatras nang kaunti, keeping a safe distance. Keeping it professional. Tahimik kami habang bumababa ang elevator. Ang mababang ugong ng makina ang tanging naririnig, pero kahit gano’n, ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin. Naamoy ko ang pabango niya, yung parehong amoy na nanatili sa balat ko nung gabing iyon sa Siargao. Hinawakan ko nang mahigpit yung folder, pilit nagkukunwaring composed, pero ramdam ko sa bawat tibok ng puso ko na hindi normal ang sitwasyong ito. Then suddenly, the elevator stops. Umindap-indap ang ilaw bago biglang namatay. “Shit,” I whisper, sabay lunok ng kaba. Narinig ko ‘yung tunog ng emergency system na bumubuhay ng dim red light, pero enough lang para makita ko ‘yung outline ng mukha niya. Tahimik pa rin siya, kalmado pero nakikita ko ‘yung pag-igting ng panga niya. “Power outage,” sabi niya. “The backup should kick in soon.” Tumango ako, kahit hindi ko alam kung naririnig niya ‘yung tibok ng puso ko. Ang sikip ng elevator, ang init, parang ang bawat paghinga niya humahalo sa hangin na nilalanghap ko. Ilang segundo lang dapat ng katahimikan, pero parang tumagal ng minuto. Hindi ko maintindihan bakit, pero siya ang unang nagsalita. “You look different in the city.” Mabagal, mababa at parang tinatantsa kung hanggang saan siya pwedeng lumapit. I look up, finally meeting his eyes in the red light. “And you,” sagot ko, halos bulong lang, “you look exactly the same, like trouble.” Bahagya siyang natawa. Hindi malakas, pero ‘yung tipong may halong pag-alala at amusement. “Still think I’m trouble?” tanong niya, isang hakbang lang ang layo sa akin. “You proved it once,” sabi ko, pilit kong tinatawanan. “No need for a sequel.” Tahimik ulit. Pero iba na ‘yung katahimikan ngayon. Hindi na siya awkward. Ramdam ko ‘yung init ng katawan niya kahit hindi siya lumalapit nang todo. Yung espasyo sa pagitan namin unti-unting lumiliit. I try to look away, pero hindi ko magawa. His eyes are searching. Parang gusto niyang marinig lahat ng hindi ko sinasabi. “Sage,” mahina niyang tawag. Hindi Ms. Villafuente. Hindi malamig at pormal. Sage lang. ‘Yung pangalan kong parang biglang naging ibang tunog kasi sya yung bumanggit. I swallow hard. “Sir—” “Don’t call me that,” putol niya, mas mahina, halos bulong. “Not here.” Ang tanga ko lang, kasi hindi ako umatras. Hindi rin siya lumapit nang buo, pero ‘yung pagitan namin ay parang sinadya na gawing masikip. Dumampi lang ang kamay niya sa akin, baka aksidente, pero ‘yung kuryenteng dumaan… hindi na siguro. Ramdam ko agad ang pagbabago sa paghinga ko, mabagal, mabigat, yung tipong breathing pattern na nararamdaman mo lang bago mangyari ang isang delikadong bagay. He leans in slightly, sapat para makita ko ang brown flecks ng mata niya. Sapat para ma-rewind ang gabing ‘yon sa isla: ulan, tawanan, at ‘yung tingin niya sa akin na parang kaya niyang patigilin ang mundo. His hand moves, dumampi lang ang mga daliri niya sa braso ko. Magaan lang, parang alaala na hindi ko hiniling bumalik. Hindi siya humawak, hindi rin humila. Just contact — barely there, pero sapat na para kumilos lahat ng tinatago kong emosyon.. “No,” I whisper, but my voice betrays me. Hindi galit. Hindi rin sigurado. Hindi sya kumibo, pero nanatili ‘yung tingin niya sa akin, ‘yung parang may gusto siyang sabihin pero pinipili niyang manahimik. And for one terrifying second, nagbago ‘yung hangin sa pagitan namin, parang huminto ‘yung oras. Mas lumapit pa sya sa mukha ko, sapat para maramdaman ko ‘yung hinga niya sa pisngi ko. Nox doesn’t move, pero ‘yung tingin niya, parang tanong. Parang hinihintay kung ako na ba ‘yung unang susuko. At ako? Hindi ko alam kung gusto kong umatras o tuluyan nang mahulog. Kalahating pulgada lang ang pagitan namin. At sa distansyang ‘yon, parang kaya nang mabura lahat ng dahilan kung bakit hindi dapat. Napapikit ako bago ko pa mapigilan sarili ko. Pero bago pa tuluyang mangyari ‘yung bagay na alam namin na parehong mali, biglang bumalik ‘yung ilaw. Natigilan kami pareho. He steps back first. Ako naman, napaayos lang ng postura, pilit na kinakalma ‘yung kamay ko na nanginginig pa rin. “Looks like it’s back,” sabi niya, tono niyang bumalik sa pagiging neutral at safe. “Good,” sagot ko, sabay pindot ng button. My voice sounds steady, but I can feel the chaos underneath. Nang bumukas ‘yung pinto, pareho kaming lumabas, walang salitaan. His stride is confident, while mine feels like I’m walking away from something I barely escaped. At kahit hindi ko siya nilingon, alam kong pareho kaming nadala sa bigat ng pangyayari. Kasi kahit walang halik, kahit walang salita, malinaw na malinaw—may nabuhay ulit.SAGEAkala ko tapos na ang mga bagyong kailangan kong pagdaanan.Akala ko ‘yung dinner kagabi na ang simula ng katahimikan na matagal ko nang hinahanap.At sa totoo lang, naging maayos naman.Tahimik si Mrs. Cortez, pero ramdam ko ‘yung pagsusuri sa bawat tingin niya.May mga pasimpleng comment pa rin, ‘yung tipong ngiti pero may tusok.“Ang simple ng suot mo, Sage. I guess you’re going for understated elegance?”Ngumiti lang ako. “Yes po, ma’am. I prefer simple things.”She nodded, but I could tell—hindi siya kumbinsido.Sa buong gabi, ramdam kong binabantayan niya bawat galaw ko. Pero sa ilalim ng mesa, marahan akong hinawakan ni Nox sa kamay. At doon ako kumapit.Kasi kahit gaano ka lamig ‘yung paligid, mainit pa rin ‘yung hawak niya.Pero at least, walang eksenang masakit.Naging civil lahat, at sa bandang dulo, parang nabawasan ng kaunti ‘yung bigat sa pagitan namin.Kinabukasan, maaga pa lang, ramdam ko na ‘yung bigat.Parang may paparating na hindi ko maipaliwanag.
SAGEAkala ko pagkatapos ng lahat, hindi ko na mararanasan ‘yung ganitong uri ng katahimikan.‘Yung tahimik na hindi nakakabingi.‘Yung tahimik na hindi nakakatakot.‘Yung may halong pag-asa na parang unang hinga pagkatapos ng matagal na paglangoy.Tatlong araw na rin mula nung nag-usap kami ni Nox sa opisina. Tatlong araw mula nang tuluyan kong piniling huwag nang umiwas. Tatlong araw na hindi ko na kailangang itago kung ano talaga ang nararamdaman ko.At ngayong umaga, habang nakaupo ako sa desk ko, parang mas madali nang huminga.Wala na ‘yung pakiramdam na bawat kilos ko ay sinusukat, bawat salita ay pwedeng maging headline. May mga tumitingin pa rin. Yung mga usiserong sanay sa chismis, pero hindi na tulad dati. Hindi na ako ‘yung babae na kailangang itago. Hindi na rin siya ‘yung lalaking kailangan kong iwasan.Siguro kasi, sa wakas, wala nang kailangang itago.Paglabas ko ng office, nadatnan ko siya sa labas ng elevator, nakasandal sa pader na parang eksena sa pelikula. Rol
SAGEAng bilis talaga ng mga balita sa opisina, parang apoy na hindi mo mapapatay kahit ilang ulit mong tapakan.Ngayon, ibang kwento na naman ang kumakalat. Pero ako pa rin ang bida.“Dalawa daw,” sabi ng isa. “Si Sir Nox at si Ryker. She played them both.”Natahimik lang ako habang pinapakinggan sila. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Nakakapagod mag-explain sa mga taong ayaw makinig.Nasa monitor lang ako nakatitig nang pumasok si Arabella, mabilis ang hakbang.“Sage, nakita mo na ba?” tanong niya.“Ang ano?”“May picture na pinagpapasa-pasahan ang mga katrabaho natin. It’s you and Ryker. Sa labas ng café. He was hugging you.”Parang tumigil lahat. Hindi pa ba matatapos ang mga usapan na yan? Kaunting kibot lang, pagti-tsismisan na.Naramdaman ko agad ‘yung kaba sa lalamunan ko na bumagsak sa sikmura ko.Pagtingin ko sa phone ni Arabella — ayun nga. Isang frame lang.Nakayakap si Ryker, umiiyak ako, pero sa picture, kung titingnan mo sa ibang anggulo, makakabuo ka nga
SAGEMabilis ang mga araw, pero parang hindi ko talaga nararamdaman ‘yung takbo ng oras.Gumigising ako, nagta-trabaho at umuuwi ng diretso. Parang checklist lang. Walang kulay, walang tunog.Sa bawat umaga, tinuturuan ko ‘yung sarili ko na magmukhang okay. Na ngumiti kahit hindi ko nararamdaman. Na magsalita kahit wala namang laman.Pero kahit anong pagtatago, may mga sandaling sumisilip pa rin ‘yung sakit. Sa pagitan ng mga email, sa katahimikan ng elevator, sa tuwing dumadaan ako sa pintuan ng opisina niya.Hindi ko siya hinahanap. Pero hindi ko rin alam kung paano siya hindi hanapin.Tatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap.Tatlong araw na puro pilit ang katahimikan.---Paglabas ko ng building, nakita ko agad si Ryker. Nakasandal sa kotse, may hawak na dalawang cup ng kape, at ‘yung pamilyar na ngiti na kahit na noong mga bata pa kami, nakakagaan talaga ng araw.Parang sandali, may naalala akong parte ng sarili ko na hindi pa ganito kabigat.“Hindi ka sumasagot sa m
SAGETahimik lang ang opisina. Pero hindi ‘yung tahimik na nakaka-relax, kundi ‘yung klase ng katahimikan na parang may kasunod na bagyo.Lahat busy sa mga monitor nila, pero ramdam ko ‘yung mga patagong sulyap. Lahat ay aware, pero walang gustong maunang magsalita.Ang hirap magpanggap na normal, lalo na kapag bawat tunog ng keyboard ay parang bulungan ng “siya ‘yung nasa video.”I keep my head down, pretending I don’t feel it. Pretending I don’t hear it.‘Kape lang. Focus lang. Breathe, Sage.’Pero pagbalik ko mula pantry, biglang bumukas ang elevator.At doon, lumabas ang isang presensiyang kayang patigilin ang buong floor.Victoria Cortez.Elegant, matikas, at malamig ang aura. ‘Yung tipong kahit walang salita, ramdam mong may kapangyarihan siya.Nakatayo siya sa gitna, suot ang itim na dress na simple lang pero mukhang milyon ang halaga.Nakangiti siya sa mga tao, pero ‘yung ngiti niya ay yung tipong hindi nandito para makipagkaibigan.It was the kind of smile that says I o
SAGEAkala ko matapos ‘yung gabi ng gala, unti-unti na kaming magiging okay.Minsan nga, naiisip ko pa na baka sa wakas, may chance na kami ni Nox na hindi na kailangan itago. Na hindi na kailangan iwasan ang mga mata ng tao, ang bulung-bulungan, ang mga tingin na parang sinusukat ang bawat kilos mo. Na puwede na lang kaming dalawa, normal lang sa mundo namin, na hindi nakakabuo ng pelikula sa isip ng iba.Pero kinabukasan, nagising akong parang may bigat sa dibdib, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification sa phone ko.Hindi ko alam kung gusto ko bang sagutin o itapon na lang.Isang message mula kay Arabella.“Sage, check Twitter. Ngayon na.”Napatayo ako agad, pagbukas ko ng Twitter, halos mahulog ‘yung phone ko sa gulat.Doon sa feed, short clip ng video namin ni Nox. Sa gala, sa balcony at naghahalikan.Ang caption:“CEO Nox Cortez spotted kissing a mysterious employee after the company gala last night.”Napatakip ako ng bibig. Parang biglang t







