LOGINSAGE
Maaga akong nagising kahit halos hindi naman ako nakatulog. Siguro dahil ramdam ko pa rin sa dibdib ko yung bigat ng lahat ng hindi ko kayang aminin. Tahimik pa ang buong isla. Wala pang dumadaan sa kalsada, wala pang ingay na sumisira sa payapang tunog ng mga alon. Wala nang dahilan para manatili. O baka masyado nang marami. Nakatalikod ako kay Nox, pero ramdam ko pa rin ‘yung bigat ng braso niya sa bewang ko. Parang ayaw niyang bitawan kahit sa panaginip. Mahina ang paghinga niya, parang wala siyang iniisip na kahit ano. And for a second, gusto kong magpanggap na totoo ‘to. Na ako si Elle Navarro. Na hindi ako si Sage Adessa Villafuente na may magulong past, at walang dapat patunayan sa kahit kanino. Pero hindi ko kayang mahulog sa ilusyon na ‘to. I can’t stay, just because he asked me to. Dahan-dahan akong bumangon at sinuot ‘yung oversized shirt niyang ginamit kong cover-up kagabi, pilit na hindi gumagawa ng ingay. Tinitigan ko siya ng ilang segundo. Sa unang pagkakataon mula nang magkakilala kami, mukha siyang… vulnerable. Wala ‘yung linyang mahigpit sa noo niya. Wala ‘yung pagod sa mata. Huminga ako nang malalim, pinilit pakalmahin yung tibok ng puso ko na parang ayaw akong paalisin. Kinuha ko yung tissue at pen sa bedside table na galing sa restaurant kagabi. Ang daming salitang gustong lumabas pero isa lang ang kaya kong isulat. “Thank you for reminding me what it feels like to be alive. — Elle” “Elle.” A name that isn’t mine. A name I can leave behind. I rested the note beside him. Hindi ako lumingon ulit. Kasi kapag nakita ko siyang gising, baka hindi na ako makaalis. Paglabas ko ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin at liwanag ng papasibol na araw. Parang sinasabing tama yung gagawin ko, ang tumakbo bago ako pa ako tuluyang mahulog. Habang naglalakad ako sa shoreline pauwi sa villa, ramdam ko ‘yung buhangin na dumidikit sa paa ko, parang mga alaala na ayaw ako paalisin. Pero pinilit kong magpatuloy. Step by step. Breathe in. Let go. Breathe out. Forget. This trip was supposed to be a break. A temporary escape. Huminga ako nang malalim. “Okay na ‘to, Sage,” bulong ko. “Vacation lang ‘to. Hanggang dito lang ‘to.” Pero kahit anong isipin ko, parang may parte sa sarili ko ang naiwan ko sa loob ng villa nya. Yung ako na natutong ngumiti ulit, kahit sandali. Pagdating ko sa kwarto, mabilis akong nag-impake. Wala namang masyadong dadalhin, ilang pirasong damit, wallet, phone, at lahat ng emosyon na kahit ayaw ko ay kailangan kong bitbitin. May flight ako mamaya pabalik ng Manila. Habang binubuhat ko ang bag ko palabas, isang malungkot ngiti ang sumilay sa labi ko. Hindi ko alam kung para sa kanya yun, o para sa sarili kong kinaya pang ngumiti kahit sobra ng lungkot. “This is it,” bulong ko sa sarili ko. “Back to reality.” Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko— Hindi na ito ‘yung parehong mundong babalikan ko. Because somewhere in Siargao, May lalaking nagpaalala sa’kin na buhay pa pala ako. Even if he’ll never know who I really am. Even if I’ll never see him again. Even if I’m starting to wish… that I would. --- NOX Pagmulat ko ng mata, unang sumalubong sa akin ay ‘yung liwanag ng araw. Kasunod noon ‘yung malamig na hangin galing sa bukas na bintana. At saka ko lang naramdaman na walang tao sa tabi ko. Hinablot ko ‘yung unan, malamig na. Parang matagal na siyang umalis. “Elle?” tawag ko, paos pa ‘yung boses. Walang sumagot. Umupo ako, mabilis na ginulo ang buhok ko sa inis na hindi ko maintindihan. Tumayo ako, tumingin sa paligid, baka nasa banyo lang. Pero wala. Lahat ng gamit niya, wala na. Tumingin ako sa bedside table at may nakita ako. A small tissue, with sloppy handwriting. Words that hit too close. “Thank you for reminding me what it feels like to be alive. — Elle” Bakit siya umalis? Bakit hindi niya hinintay na magising ako? Bakit parang… ang sakit? Two days. Two fvcking days. Hindi ko inasahan. At hindi ko na mabubura. I clenched the tissue in my fist, habang sunod-sunod na bumabalik sa isip ko ‘yung tawa niya, ‘yung tingin niya, ‘yung paraan ng pag-iwas niya sa mga tanong ko pero halatang hindi niya kayang itago ‘yung lungkot sa mata. “Elle Navarro,” bulong ko. Wala akong kahit anong panghahawakan. Wala akong number, wala akong clue. Nothing. Just a memory that feels too real to forget. It should’ve been casual. It should’ve been nothing. Pero bakit parang mas mabigat pa ito kaysa sa kahit anong relasyon na dumaan sa buhay ko? Nilingon ko ‘yung dagat sa harap—kalmado, parang walang nangyari. Pero sa bawat hampas ng alon, bumabalik siya. The way she laughed. The way she looked at me. “Fvck,” napamura ako, mahina, halos mapatawa sa sarili. “Really?” But what can I do? We were strangers. She didn’t owe me anything. Pero hindi ko mapigilan isipin… Kung sakaling makita ko siya ulit— Hinding-hindi ko siya hahayaang umalis nang walang dahilan. Pero paano? Walang kahit anong paraan para mahanap ko siya. I crumpled the note in my hand, pero hindi ko kayang itapon. So I pressed it flat again, para bang kung aalagaan ko ang tissue na ito, babalik ulit siya. I kept it. Because what else do you do? With the only trace left of the person that you know you'd yearn for, longer than you had her. --- Back in Manila Sage walks through the airport pretending her heart isn’t heavy. Nox drags himself to a meeting pretending nothing changed. Both try to forget. Both fail. Some nights are never meant to stay in Siargao. Some follows you home… Like a promise you’re scared to keep.SAGEAkala ko tapos na ang mga bagyong kailangan kong pagdaanan.Akala ko ‘yung dinner kagabi na ang simula ng katahimikan na matagal ko nang hinahanap.At sa totoo lang, naging maayos naman.Tahimik si Mrs. Cortez, pero ramdam ko ‘yung pagsusuri sa bawat tingin niya.May mga pasimpleng comment pa rin, ‘yung tipong ngiti pero may tusok.“Ang simple ng suot mo, Sage. I guess you’re going for understated elegance?”Ngumiti lang ako. “Yes po, ma’am. I prefer simple things.”She nodded, but I could tell—hindi siya kumbinsido.Sa buong gabi, ramdam kong binabantayan niya bawat galaw ko. Pero sa ilalim ng mesa, marahan akong hinawakan ni Nox sa kamay. At doon ako kumapit.Kasi kahit gaano ka lamig ‘yung paligid, mainit pa rin ‘yung hawak niya.Pero at least, walang eksenang masakit.Naging civil lahat, at sa bandang dulo, parang nabawasan ng kaunti ‘yung bigat sa pagitan namin.Kinabukasan, maaga pa lang, ramdam ko na ‘yung bigat.Parang may paparating na hindi ko maipaliwanag.
SAGEAkala ko pagkatapos ng lahat, hindi ko na mararanasan ‘yung ganitong uri ng katahimikan.‘Yung tahimik na hindi nakakabingi.‘Yung tahimik na hindi nakakatakot.‘Yung may halong pag-asa na parang unang hinga pagkatapos ng matagal na paglangoy.Tatlong araw na rin mula nung nag-usap kami ni Nox sa opisina. Tatlong araw mula nang tuluyan kong piniling huwag nang umiwas. Tatlong araw na hindi ko na kailangang itago kung ano talaga ang nararamdaman ko.At ngayong umaga, habang nakaupo ako sa desk ko, parang mas madali nang huminga.Wala na ‘yung pakiramdam na bawat kilos ko ay sinusukat, bawat salita ay pwedeng maging headline. May mga tumitingin pa rin. Yung mga usiserong sanay sa chismis, pero hindi na tulad dati. Hindi na ako ‘yung babae na kailangang itago. Hindi na rin siya ‘yung lalaking kailangan kong iwasan.Siguro kasi, sa wakas, wala nang kailangang itago.Paglabas ko ng office, nadatnan ko siya sa labas ng elevator, nakasandal sa pader na parang eksena sa pelikula. Rol
SAGEAng bilis talaga ng mga balita sa opisina, parang apoy na hindi mo mapapatay kahit ilang ulit mong tapakan.Ngayon, ibang kwento na naman ang kumakalat. Pero ako pa rin ang bida.“Dalawa daw,” sabi ng isa. “Si Sir Nox at si Ryker. She played them both.”Natahimik lang ako habang pinapakinggan sila. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Nakakapagod mag-explain sa mga taong ayaw makinig.Nasa monitor lang ako nakatitig nang pumasok si Arabella, mabilis ang hakbang.“Sage, nakita mo na ba?” tanong niya.“Ang ano?”“May picture na pinagpapasa-pasahan ang mga katrabaho natin. It’s you and Ryker. Sa labas ng café. He was hugging you.”Parang tumigil lahat. Hindi pa ba matatapos ang mga usapan na yan? Kaunting kibot lang, pagti-tsismisan na.Naramdaman ko agad ‘yung kaba sa lalamunan ko na bumagsak sa sikmura ko.Pagtingin ko sa phone ni Arabella — ayun nga. Isang frame lang.Nakayakap si Ryker, umiiyak ako, pero sa picture, kung titingnan mo sa ibang anggulo, makakabuo ka nga
SAGEMabilis ang mga araw, pero parang hindi ko talaga nararamdaman ‘yung takbo ng oras.Gumigising ako, nagta-trabaho at umuuwi ng diretso. Parang checklist lang. Walang kulay, walang tunog.Sa bawat umaga, tinuturuan ko ‘yung sarili ko na magmukhang okay. Na ngumiti kahit hindi ko nararamdaman. Na magsalita kahit wala namang laman.Pero kahit anong pagtatago, may mga sandaling sumisilip pa rin ‘yung sakit. Sa pagitan ng mga email, sa katahimikan ng elevator, sa tuwing dumadaan ako sa pintuan ng opisina niya.Hindi ko siya hinahanap. Pero hindi ko rin alam kung paano siya hindi hanapin.Tatlong araw na mula nang huli kaming mag-usap.Tatlong araw na puro pilit ang katahimikan.---Paglabas ko ng building, nakita ko agad si Ryker. Nakasandal sa kotse, may hawak na dalawang cup ng kape, at ‘yung pamilyar na ngiti na kahit na noong mga bata pa kami, nakakagaan talaga ng araw.Parang sandali, may naalala akong parte ng sarili ko na hindi pa ganito kabigat.“Hindi ka sumasagot sa m
SAGETahimik lang ang opisina. Pero hindi ‘yung tahimik na nakaka-relax, kundi ‘yung klase ng katahimikan na parang may kasunod na bagyo.Lahat busy sa mga monitor nila, pero ramdam ko ‘yung mga patagong sulyap. Lahat ay aware, pero walang gustong maunang magsalita.Ang hirap magpanggap na normal, lalo na kapag bawat tunog ng keyboard ay parang bulungan ng “siya ‘yung nasa video.”I keep my head down, pretending I don’t feel it. Pretending I don’t hear it.‘Kape lang. Focus lang. Breathe, Sage.’Pero pagbalik ko mula pantry, biglang bumukas ang elevator.At doon, lumabas ang isang presensiyang kayang patigilin ang buong floor.Victoria Cortez.Elegant, matikas, at malamig ang aura. ‘Yung tipong kahit walang salita, ramdam mong may kapangyarihan siya.Nakatayo siya sa gitna, suot ang itim na dress na simple lang pero mukhang milyon ang halaga.Nakangiti siya sa mga tao, pero ‘yung ngiti niya ay yung tipong hindi nandito para makipagkaibigan.It was the kind of smile that says I o
SAGEAkala ko matapos ‘yung gabi ng gala, unti-unti na kaming magiging okay.Minsan nga, naiisip ko pa na baka sa wakas, may chance na kami ni Nox na hindi na kailangan itago. Na hindi na kailangan iwasan ang mga mata ng tao, ang bulung-bulungan, ang mga tingin na parang sinusukat ang bawat kilos mo. Na puwede na lang kaming dalawa, normal lang sa mundo namin, na hindi nakakabuo ng pelikula sa isip ng iba.Pero kinabukasan, nagising akong parang may bigat sa dibdib, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification sa phone ko.Hindi ko alam kung gusto ko bang sagutin o itapon na lang.Isang message mula kay Arabella.“Sage, check Twitter. Ngayon na.”Napatayo ako agad, pagbukas ko ng Twitter, halos mahulog ‘yung phone ko sa gulat.Doon sa feed, short clip ng video namin ni Nox. Sa gala, sa balcony at naghahalikan.Ang caption:“CEO Nox Cortez spotted kissing a mysterious employee after the company gala last night.”Napatakip ako ng bibig. Parang biglang t



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



