LOGINSAGEIsang linggo matapos ‘yung gabing ‘yon, mas naging kalmado ang lahat.Tahimik ang opisina. Tahimik rin ako.Wala na ‘yung bigat na parang araw-araw akong may kailangang itago. Pero hindi rin naman ibig sabihin na magaan na. Parang lang akong humihinga ulit nang dahan-dahan kahit bitbit pa rin ‘yung pagod, yung pait pero may konting liwanag na.Maya-maya pa, tinawag kami ng HR para sa announcement.“Annual company team-building,” sabi ni Jamie, “We’re going out of town next week for our team building… sponsored by the CEO himself.”May mga nagpalakpakan, may mga napa-“Wow.”“Anong destination?” tanong ng isa.Ngumiti si Jamie at proud pa na isinigaw. “Siargao!”Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko. Parang may humigop ng hangin sa loob ko at nahirapan akong huminga.Napalingon ako agad kay Nox, pero nakayuko lang siya sa laptop niya. Parang walang reaction. Parang ordinaryong lugar lang.Gusto kong itanong kung sinadya niya ba yun, pero naisip ko naman na hindi lahat
SAGEMula nung gabing ‘yon, parang humina ang ingay sa paligid. Wala nang mga salitang kailangang sagutin, wala na ring galit na kailangang itago. Tahimik ang mga araw na sumunod.Walang malaking pagbabago sa opisina, pareho pa rin ang mga meeting, ang ingay ng keyboard at ang amoy ng kape tuwing umaga. Pero may kung anong nabago sa pagitan namin ni Nox. Hindi halata sa iba, pero ramdam ko sa mga maliliit na bagay.Hindi na siya ganon katigas magsalita. Mas madalas na lang siyang manahimik, at kapag may iniaabot siyang folder, parang sinasadyang huwag hawakan ang kamay ko. Ang dating mga utos niya, ngayon ay parang mga pakiusap na maingat niyang binabalot sa propesyonal na tono.“Take your time,” sabi niya minsan, habang inaabot ang report na dati ay kailangan “by end of day.”Simple lang, pero naramdaman ko ‘yung pagkakaiba. Parang tinatantya niya kung gaano kalapit pwede siyang tumayo nang hindi ako umaatras.At ako naman itong hindi sigurado kung dapat ba akong lumapit o tumakb
SAGETahimik na halos ang buong floor pagbalik ko mula sa CR. Madilim na sa labas, at ‘yung mga ilaw ng city ay nagkikislapan parang mga mata na matagal nang gising. Naka-off na ang karamihan sa mga cubicle lights, pero naiwan kong bukas ‘yung sa desk ko. Hindii ko alam kung bakit ako bumalik. Siguro kasi mas madali magpanggap na okay ako kapag may ginagawa pa ako.Umupo ako ulit, binuksan ‘yung laptop kahit wala na akong balak tapusin. Ang tunog ng mga key ay parang tanging buhay na bagay sa paligid ko. Sa tabi, malamig na ‘yung kape na kanina ko pa iniwan. Nilalaro ko lang ‘yung tasa sa daliri ko, pinapanood kung paanong kumikintab ‘yung lamig sa ibabaw.Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ‘yung lumipas. Nagpalamon lang ako sa katahimikan, hanggang sa bumukas ‘yung pinto ng opisina.“Sage?”Boses ni Nox. Hindi ko siya agad tiningnan. Alam kong siya ‘yun sa paraan ng pagbigat ng paligid. Parang lahat ng tunog huminto sandali.“Late ka na,” aniya, dahan-dahang lumapit. “Akala ko
SAGENasa pantry ako ng opisina, nagtitimpla ng kape. “Ms. Villafuente.”Pamilyar ang boses, at kahit hindi ko tingnan, alam kong siya ‘yun.Si Ethan.Parang bumalik lahat. ‘Yung mga gabing nagmakaawa ako sa sarili kong kalimutan siya. ‘Yung mga umagang pinilit kong bumangon kahit gusto kong hindi na magising.“Mr. Mendoza,” sagot ko, hindi tumitingin.“Ethan na lang,” aniya, mahinahon. “You disappeared before I could apologize.”Tumigil ako sa paghalo ng kape.Ang lakas ng loob.Napangiti ako, mahina. “Ganun ba? Baka kasi wala na akong kailangang marinig.”“Actually, meron. I was an idiot, Sage. I hurt you in ways I can’t undo.”Ngumiti ako, malamig. “Tama ka dun. Hindi mo na kayang ayusin.”“Still, I want to try.”Napailing ako. “Hindi ito reunion. It’s a workplace.”Tahimik siya sandali. Tumingin sa sahig, saka nagbuntong-hininga. “I deserve that. Pero kung pwede lang… coffee tayo? Hindi bilang ex. As colleagues.”“Hindi tayo magkaibigan,” sagot ko. “At kahit magkatrabaho ta
SAGELate morning. Tahimik lang ang buong conference room, tanging tunog ng projector at mga papel ang pumupuno sa hangin.Tahimik lang akong nakaupo sa gitna, abala sa pag-aayos ng presentation deck habang isa-isang pumapasok ang mga partners. Walang kakaiba. Normal lang.Until Jamie leaned in to announce, “The team from Alveron Group just arrived, Sir.”Alveron.The name alone felt like static in my ears.Sinubukan kong itago ‘yung panandaliang pag-igting ng dibdib ko. Tumango lang ako, kunwari walang narinig.Maraming kumpanya ang naka-tie up sa amin. Walang dahilan para kabahan. Walang dahilan.Pero nang bumukas ang pinto, parang biglang lumiit ang buong kwarto.“Sage?”Isang pamilyar na boses, dating malambing para sakin, pero ngayon para nang lason.“Wow. Long time no see.”Napatingala ako.Si Ethan Mendoza.Naka-dark gray suit, same easy confidence, same ngiti na dati kong pinaniniwalaan.Ang tanging naiba lang ay ako, na mas tahimik, mas matatag sa labas, pero s
SAGEPagpasok ko sa office kinabukasan, parang normal lang ang lahat. Maaga akong dumating, kagaya ng nakasanayan ko kapag gusto kong umiwas sa mga mata ng mga tao. Tahimik pa ‘yung hallway, wala pang masyadong ilaw, at ‘yung tunog lang ng heels ko ang sumasabay sa tibok ng puso kong hindi pa rin mapakali mula nong isang gabi. Gusto ko lang sana ng isang araw na tahimik, isang umaga na walang memorya ni Nox, pero parang sinadya ng tadhana na hindi ako bigyan ng ganoon na kapayapaan.Pag-upo ko sa desk, binuksan ko ‘yung drawer ko para ilabas ‘yung mga files na kailangan kong iayos. Pero sa loob, may isang maliit na kahon. Parang ordinaryong gift box, kulay itim na may manipis na tali sa ibabaw.Akala ko una, baka galing kay Arabella, mahilig kasi siyang mag-iwan ng random snacks or sticky notes na may “You got this!” kapag alam niyang pagod ako. Pero pagtingin ko, walang note. Walang kahit anong nakasulat, walang clue kung kanino galing.Pagbukas ko, napasinghap ako ng hangin dahil







