Share

15

Author: cereusxyz
last update Last Updated: 2025-11-04 21:14:07

SAGE

Isang linggo matapos ‘yung gabing ‘yon, mas naging kalmado ang lahat.

Tahimik ang opisina. Tahimik rin ako.

Wala na ‘yung bigat na parang araw-araw akong may kailangang itago. Pero hindi rin naman ibig sabihin na magaan na. Parang lang akong humihinga ulit nang dahan-dahan kahit bitbit pa rin ‘yung pagod, yung pait pero may konting liwanag na.

Maya-maya pa, tinawag kami ng HR para sa announcement.

“Annual company team-building,” sabi ni Jamie, “We’re going out of town next week for our team building… sponsored by the CEO himself.”

May mga nagpalakpakan, may mga napa-“Wow.”

“Anong destination?” tanong ng isa.

Ngumiti si Jamie at proud pa na isinigaw. “Siargao!”

Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko. Parang may humigop ng hangin sa loob ko at nahirapan akong huminga.

Napalingon ako agad kay Nox, pero nakayuko lang siya sa laptop niya. Parang walang reaction. Parang ordinaryong lugar lang.

Gusto kong itanong kung sinadya niya ba yun, pero naisip ko naman na hindi lahat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Dangerously His   17

    SAGEDalawang linggo matapos ang Siargao trip, balik sa normal ang opisina. Or at least, mukhang ganon.Pero sa pagitan ng lahat ng iyon, may mga tingin na hindi na tulad dati.Hindi na kami nag-iiwasan ni Nox.Hindi rin kami masyadong nag-uusap, pero bawat sandali na magkasama kami sa iisang kwarto, may tahimik na unawaan.Minsan, sa gitna ng meeting, mahuhuli ko siyang nakatingin, tapos bigla ring babalik sa screen.Hindi tulad ng dati dahil ngayon, parang may sinasadyang lambing sa bawat kilos.Kaya nang tawagin ako ni HR at sabihing ako raw ang sasama kay Nox sa Cebu para sa client pitch, hindi na ako nagulat.Pero ramdam kong humigpit ang dibdib ko nang marinig ko pa mismo sa kanya.“Please, prepare the presentation deck. You’ll present with me.”Walang tanong at paliwanag.Parang natural lang.---Mabilis lang dapat ang biyahe.Overnight lang.Pagdating sa airport, magkatabi kaming naglakad, parehong abala sa phone, parehong nagkukunwaring walang iniisip.Pero sa bawa

  • Dangerously His   16

    SAGEMatagal kaming tahimik ni Nox sa may bar.Walang musika, walang ingay, tanging tunog lang ng mga alon at ‘yung mahina at tuloy-tuloy na hampas ng hangin.Hindi ko alam kung bakit ako umupo.Siguro kasi pagod na akong umiwas.“You shouldn’t be out here alone,” sabi niya nang hindi tumitingin.Ngumiti ako ng mahina. “You say that like something’s waiting to happen.”“Sometimes it does.”Napatingin ako sa dagat, sa mga alon na parang humihinga.“This place…” sabi ko, halos pabulong. “Dapat tapos na ‘to, diba?”Hindi siya sumagot.“Pero nandito ka pa rin,” dagdag ko.“Maybe because it’s the only place that ever felt real,” sagot niya.Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.O baka alam ko, pero ayokong aminin.Nilingon ko siya. ‘Yung ilaw mula sa bar, sumasayad sa gilid ng mukha niya. Yung parehong tanawin na nakita ko noong una kaming nagkakilala.At bago ko pa mapigilan, bumalik lahat. Parang maikling clip ng video ang nag-flashback sa utak ko. Yung tawanan, ‘yung al

  • Dangerously His   15

    SAGEIsang linggo matapos ‘yung gabing ‘yon, mas naging kalmado ang lahat.Tahimik ang opisina. Tahimik rin ako.Wala na ‘yung bigat na parang araw-araw akong may kailangang itago. Pero hindi rin naman ibig sabihin na magaan na. Parang lang akong humihinga ulit nang dahan-dahan kahit bitbit pa rin ‘yung pagod, yung pait pero may konting liwanag na.Maya-maya pa, tinawag kami ng HR para sa announcement.“Annual company team-building,” sabi ni Jamie, “We’re going out of town next week for our team building… sponsored by the CEO himself.”May mga nagpalakpakan, may mga napa-“Wow.”“Anong destination?” tanong ng isa.Ngumiti si Jamie at proud pa na isinigaw. “Siargao!”Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman ko. Parang may humigop ng hangin sa loob ko at nahirapan akong huminga.Napalingon ako agad kay Nox, pero nakayuko lang siya sa laptop niya. Parang walang reaction. Parang ordinaryong lugar lang.Gusto kong itanong kung sinadya niya ba yun, pero naisip ko naman na hindi lahat

  • Dangerously His   14

    SAGEMula nung gabing ‘yon, parang humina ang ingay sa paligid. Wala nang mga salitang kailangang sagutin, wala na ring galit na kailangang itago. Tahimik ang mga araw na sumunod.Walang malaking pagbabago sa opisina, pareho pa rin ang mga meeting, ang ingay ng keyboard at ang amoy ng kape tuwing umaga. Pero may kung anong nabago sa pagitan namin ni Nox. Hindi halata sa iba, pero ramdam ko sa mga maliliit na bagay.Hindi na siya ganon katigas magsalita. Mas madalas na lang siyang manahimik, at kapag may iniaabot siyang folder, parang sinasadyang huwag hawakan ang kamay ko. Ang dating mga utos niya, ngayon ay parang mga pakiusap na maingat niyang binabalot sa propesyonal na tono.“Take your time,” sabi niya minsan, habang inaabot ang report na dati ay kailangan “by end of day.”Simple lang, pero naramdaman ko ‘yung pagkakaiba. Parang tinatantya niya kung gaano kalapit pwede siyang tumayo nang hindi ako umaatras.At ako naman itong hindi sigurado kung dapat ba akong lumapit o tumakb

  • Dangerously His   13

    SAGETahimik na halos ang buong floor pagbalik ko mula sa CR. Madilim na sa labas, at ‘yung mga ilaw ng city ay nagkikislapan parang mga mata na matagal nang gising. Naka-off na ang karamihan sa mga cubicle lights, pero naiwan kong bukas ‘yung sa desk ko. Hindii ko alam kung bakit ako bumalik. Siguro kasi mas madali magpanggap na okay ako kapag may ginagawa pa ako.Umupo ako ulit, binuksan ‘yung laptop kahit wala na akong balak tapusin. Ang tunog ng mga key ay parang tanging buhay na bagay sa paligid ko. Sa tabi, malamig na ‘yung kape na kanina ko pa iniwan. Nilalaro ko lang ‘yung tasa sa daliri ko, pinapanood kung paanong kumikintab ‘yung lamig sa ibabaw.Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ‘yung lumipas. Nagpalamon lang ako sa katahimikan, hanggang sa bumukas ‘yung pinto ng opisina.“Sage?”Boses ni Nox. Hindi ko siya agad tiningnan. Alam kong siya ‘yun sa paraan ng pagbigat ng paligid. Parang lahat ng tunog huminto sandali.“Late ka na,” aniya, dahan-dahang lumapit. “Akala ko

  • Dangerously His   12

    SAGENasa pantry ako ng opisina, nagtitimpla ng kape. “Ms. Villafuente.”Pamilyar ang boses, at kahit hindi ko tingnan, alam kong siya ‘yun.Si Ethan.Parang bumalik lahat. ‘Yung mga gabing nagmakaawa ako sa sarili kong kalimutan siya. ‘Yung mga umagang pinilit kong bumangon kahit gusto kong hindi na magising.“Mr. Mendoza,” sagot ko, hindi tumitingin.“Ethan na lang,” aniya, mahinahon. “You disappeared before I could apologize.”Tumigil ako sa paghalo ng kape.Ang lakas ng loob.Napangiti ako, mahina. “Ganun ba? Baka kasi wala na akong kailangang marinig.”“Actually, meron. I was an idiot, Sage. I hurt you in ways I can’t undo.”Ngumiti ako, malamig. “Tama ka dun. Hindi mo na kayang ayusin.”“Still, I want to try.”Napailing ako. “Hindi ito reunion. It’s a workplace.”Tahimik siya sandali. Tumingin sa sahig, saka nagbuntong-hininga. “I deserve that. Pero kung pwede lang… coffee tayo? Hindi bilang ex. As colleagues.”“Hindi tayo magkaibigan,” sagot ko. “At kahit magkatrabaho ta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status