Share

Kabanata Apat

Napakalma ko na si Israel kahit papaano. Tumayo na ako saka binalingan ang mga madre na ngayo'y natutuwa.

"Mabuti at napaamo mo," nakangiting pahayag ni Sister Jenevive. "Hindi pa naman madaling patahanin si Iza."

"Oo nga," segunda ni Sister Chriselle. "Edi wala tayong problema."

May bumusinang sasakyan sa labas. Tingin ko si Jeremiah na iyon. Anong oras na rin ngayon. Baka mag-aalas diyes na ng gabi.

"Ayan na pala ang guwapo mong pinsan!" Teased by Sister Susana.

"Naku..." nahihiya kong bulalas.

Ang sabi niya sa akin noon na akala niya nobyo ko si Jeremiah dahil sa pagiging caring nito. Ganoon lang talaga si Jeremiah. Kahit naman kay Fiall maalaga siya. Minsan inaaway niya kasi 'yon ang love language niya.

"Oh sige na. Anong oras na't madilim na sa daan," si Mother Superior.

Lumuhod muli ako sa harap ni Israel na ngayo'y nakangiti. Nabuhayan kaagad ako ng pag-asa. She's my hope. My Hope Israel Fernando.

"Aalis na ang nanay, 'nak. Huwag mong kalimutan ang mga bilin ko sa'yo, okay?"

"Opo, 'nay." Hinalikan niya ako sa labi. "Mag-ingat po kayo, 'nay." Then she grinned.

I smiled and planted a kiss on her forehead. "I will, 'nak. Mag-iingat ang nanay para sa'yo. Wait for me, okay?"

"Opo!"

And for the last time, I hugged her tight. For sure I would miss my little angel. At dahil sa kaniya, I would dream high. Iaahon ko ang aking sarili. Gusto kong maging mabuting ina sa kaniya. Gusto kong ibigay lahat ng kaniyang pangangailangan. At gusto ko na rin siyang makasama sa iisang bubong.

Nasa labas na kami. Nakipag-usap pa sila kay Jeremiah na ngayo'y nakangiti. Mabuti na lamang talaga at walang taglay na kasungitan itong lalaking 'to. Mukha lang seryoso pero kalog pala.

After the short chitchats ay tumulak na kami. Tahimik lang ako buong biyahe. Wala naman akong dapat na ikuwento dahil alam na niya ang mga nangyari sa araw na ito. Siyempre tinuturuan ko ang mga bata ng magagandang asal at nakikipaglaro na rin sa kanila.

Jeremiah didn't know about Israel yet. Kagaya nga ng gusto kong mangyari, pribado lang ang kaniyang buhay. Kahit sino pa 'yan, ayaw kong ipaalam sa kaniya ang tungkol sa bata. At nakiusap na rin ako sa mga madre. Mabuti at nakipag-cooperate naman sila. Walang ibang nakakaalam kung 'di kami lang. Even Manong Garyo didn't know about my daughter.

Huminto ang sasakyan dahil sa traffic. Sakto namang nasa tapat kami ng isang bar.

Bar.

Dito nangyari ang isang kasalanan na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o hindi. Wala naman akong regret na kinikimkim sa aking puso. Kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa aking sarili, babies were gift from heaven. They were wonderfully made by God's love. Kaya ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na malas ako dahil sa pagkakaroon ng anak na hindi man lang alam kung sino ang ama.

"You okay?"

Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang narinig ko ang baritonong boses ni Jeremiah. Nilingon ko siya habang nakahawak sa d****b. Pakiwari ko'y kanina pa gumugulong ang kaniyang sasakyan.

"H-huh? O-Oo naman," pagaring kong sagot.

"I was talking to you. I guess you didn't hear a thing since you're not responding."

"I-I'm sorry. Siguro pagod lang ako," pagdadahilan ko which was partially true.

"I see. Dapat ay magpahinga ka na pagdating natin sa bahay."

"Ah oo. Tama ka," sabi ko nalang at nag-iwas ng tingin.

Kinakabahan ako kahit wala namang dapat na ikaganito. Pero marahil sa paglilihim ko kaya ako nagkakaganito.

The rest of the ride was silent. Hindi na siya umimik pa at maging ako. I had nothing to say, anyway. And I preferred to shut my mouth to avoid misinterpretation. Ikanga, "Less talk, less mistake." Iba pa naman 'tong si Jeremiah kasi machismoso.

Pinarada na niya ang sasakyan sa garahe. Baka gising pa sila tita dahil may ilaw pa sa loob.

"Mom's been waiting for you," bigla niyang sabi.

"But why?" Kunot noo kong tanong, nagtataka.

"I don't know." Kibit balikat niya. "Maybe for business proposals?"

"God, Jeremiah. I already told you I'm not interested with any business proposal."

"Relax," natatawa niyang sabi.

Umiling nalang ako saka kumalas sa seatbelt.

"Hindi ko talaga alam kung bakit. You better find it for yourself," nakangisi niyang sabi.

Umirap ako saka binuksan ang pinto at lumabas. Pagkatapos ay naglakad na ako papasok ng bahay. Hindi ko na hinintay si Jeremiah.

Nang nakapasok na ako sa loob ay bumungad sa akin ang maliwanag na ilaw. Halos lahat ay nandito at gising na gising pa. Wala yatang balak na matulog.

"Hija!" Maligayang bati sa akin ni Tita Jane.

"Tita," sambit ko pabalik at nakipagbeso sa kaniya.

"Kumusta ang lakad? For sure pagod ka na," aniya.

Tita Jane was the sister of my mother. Siya na ang tumayo bilang pangalawang ina at pangalawang ama naman ang kaniyang asawa. Their boys were like brothers to me kahit na mga pinsan ko lang sila. At nagpapasalamat ako nang husto dahil maayos ang trato nila sa akin. Kung sa iba pa ako nakatira, I could not imagine my life. Siguro ay hindi ako ganito ngayon.

"A little bit. Pero teka, wala po ba kayong balak na matulog?"

"Meron naman. Ano ka ba." She laughed richly. "It's just that, we are busy in work."

"Ah. Ganoon po ba?"

"E ikaw? Anong balak mo sa buhay? Ej told me nagdodonate ka ng pera sa isang bahay-ampunan."

Nilingon ko si Jeremiah with my dismay look. Nagkibit balikat lamang siya sabay inom ng pulang alak.

"Opo. Bawat katapusan ng buwan," sagot ko at binalingan ang kausap.

"Ganoon? Saan ka kumukuha ng pera? I mean, don't get me wrong, okay? Kasi wala ka namang trabaho. Paano ka nakakapagbigay ng pera doon?"

"I have my savings, tita."

"Hay naku..." bumuntong hininga siya. "Sabi ko naman sa'yo na sa kompanya ka na namin magtrabaho. You can be the chief of staffs."

"Tita..."

"I know, Sheika," agap niya. "It's just that... mataas naman ang sahod. Saka makakatulong rin kami para makapagbigay ka ng donation sa bahay-ampunan. What's wrong with that?" 

"Huwag mo ng pilitin, wife. Ayaw nga niya," si Tito Joseph na ngayo'y nakapambahay na.

"Tito." Sambit ko't lumapit sa kaniya para magmano.

"Ayaw mo ba talaga sa kompanya namin?" Tanong niya.

"Tito naman!" Reklamo ko. Tumawa lamang siya.

"Eh kasi naman, hija. We can give you any position you want-"

"Janitress could be," putol ko.

"Janitress?!" Si tita kaya napalingon kami sa kaniya. Sa tono ng kaniyang boses ay parang minamaliit niya ang trabahong iyon.

What's wrong of being a janitress? As long as it's a decent job, I have no problem with that. 

"Come on, pamangks! Janitress you want? Ano nalang iisipin ng Mama mo? Ginagawa ka naming alipin?"

"Joke lang po. I have no choice."

Napasapo si tita sa kaniyang noo at umiling. "Ah bahala ka. But if ever you'll change your mind, don't hesitate to call for a help. We can provide you anything."

"Thanks, tita. Actually," umupo ako sa sofa bed. "... kaya po ayaw ko sa kompanya niyo ay para maghahanap ako ng trabaho. I want to be independent, tita. At magagawa ko lang 'yon kapag hindi ako hihingi ng tulong mula sa inyo. Sigurado naman po akong kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."

"It's a big disgrace in our part, Sheika," singit ng malamig na boses.

Hinarap ko siya na ngayo'y nakalong sleeve gray shirt, black jeans at may relong ginto.

"It's like you don't see us as your family."

"Hindi naman sa ganoon, Genesis," giit ko. "Just like I said, I want to be an independent woman. At magagawa ko lang iyon kung hindi ako aasa lagi sa mga tulong niyo."

"Tama na 'yan," si tito. "I understand, Sheika. At pasensiya ka na kung ginugulo ka namin."

"Tito naman."

Bumuntong hininga ako. Sana ay maintindihan nila ako. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayaw kong palagi na lamang akong umaasa sa kanila. They could provide me everything I wanted and needed. Tama iyon. Pero kung lagi ganito ang sitwasyon, na laging sinusubo sa akin ang lahat, I would never learn a thing. I would never grow up. At ayaw ko ng ganoon. Gusto kong may mapatunayan sa aking sarili. I wanted to be a better version of myself hindi lang para sa sariling interes kundi para na rin kay Israel.

"Pasensiya na, Sheika," si tita. "O sige ganito nalang. Hindi ka na namin pa kukulitin tungkol dito. At mas mabuti pang magpahinga ka na."

"Thank you for understanding," matamlay kong sabi saka tumayo.

Nilingon ko pa si Genesis na ngayo'y dismayado sa akin. I turned to Jeremiah, Matthias, and Rex na ngayo'y tahimik akong pinapanood. Sa isip ko'y umiling ako. Umalis na lamang ako sa kanilang harapan at dumiretso sa aking silid. After all, ako pa rin ang masusunod. This was my life. No one could ever dictate me what to do. But if I failed, it only meant tao ako. And I would take it positively. I would gather all the lesson learned at isasabuhay ko ito para maiwasang maulit ang pagkakamali.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status