Share

2: Offer

Grabe, gano'n ka na ba kadesperada sa raffle, Lei?" hindi makapaniwalang tanong ni Zahra sa babae.

Nasa opisina na sila ngayon ng Huang Animation Company o mas kilala bilang HAC. Matapos ng nangyari sa restaurant ay mabilis na nilisan ng tatlo ang lugar dahil sa mga titig ng mga customer doon. Sa mga oras na iyon ay pinagdadasal na lang ni Karleigh na sana'y kinain na lang siya ng lupa dahil mukhang wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao.

"Oo nga, alam ko naman na gagawin mo lahat para sa Disney pero hindi ko naisip na aabot sa point na hahalik ka talaga ng hindi mo kilala," saad naman ni Briah.

Inilagay ni Karleigh ang mga kamay sa baba na kanina'y nakatabon sa kanyang mukha. Sa tuwing magmumulat siya ng mata ay tila ba nagfa-flashback sa utak niya ang nangyari kanina.

"Pero seryoso, Lei, anong feeling?" Bahagya pang lumapit si Zahra sa kaibigan at gano'n din si Briah. 

Tiningnan niya ang parehong kaibigan na halos halikan na siya sa lapit ng mukha. Amoy na amoy niya tuloy ang kinain nilang manok kanina sa resto. 

"Hay naku! Tigilan niyo nga 'ko!" Tumayo siya at nagsimulang mag-ayos ng gamit. Hapon na din kasi at maya-maya'y maglalabasan na sila.

"Naku, pabebe ka pa, alam naman naming yummy, eh," wika ni Briah.

Napatingin sila sa kaibigan nang tumigil ito at maya-maya'y ngumiti bago tumango. Nagsigawan silang tatlo na parang mga baliw.

"This is an office, hindi 'to bar para magsigawan kayo." 

Sabay-sabay silang natahimik nang mapadaan si Pearl Ford sa pwesto nila. Seryoso ang mukha nito habang nagsasalita at nang madako ang paningin kay Karleigh ay umirap ito bago lampasan ang kanilang pwesto. 

Napaismid na lamang si Zahra habang sinusundan nila ng tingin si Pearl hanggang sa makaupo ito sa table niya.

"Matagal na talaga 'kong asar sa babae na 'yan, eh. Mas bagay sa kanya ang pangalang kabibe," bulong ni Zahra na tama lang para marinig ng mga kaibigan.

Naupo si Karleigh at pinagpatuloy ang ginagawa. 

"Hayaan niyo na, alam niyo na ngang gano'n ang ugali ng tao, pagpasensyahan niyo na lang," saad ni Karleigh.

"Ang hindi ko nga lang maintindihan, bakit lagi na lang umiikot ng 360 degree ang mga mata no'n kapag nakikita ka? As if naman na may kasalanan ka sa kanya," saad ni Briah at nagsimula na ding mag-ayos ng gamit.

Naputol ang usapan nila nang tumunog ang bell mula sa labas ng kanilang opisina. Nangangahulugan itong tapos na ang trabaho nila sa araw na iyon. Sinukbit na ni Karleigh ang hand bag at saka inayos ang upuan.

"Una na 'ko, ingat." Bineso pa niya ang dalawa bago na naunang lumabas ng silid at bumaba ng building.

Dumaan muna siya sa isang fast food upang kumain ng hapunan, sigurado siyang pag-uwi niya'y babagsak na naman siya sa kama dahil sa pagod. Nang matapos ay naglakad na siyang muli patungo sa terminal ng bus na hindi naman kalayuan mula sa pinanggalingan niya. 

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone mula sa bag kaya sandali siyang tumigil sa paglalakad at binasa ang mensaheng kakarating lang.

FROM: BRI

Sorry, Lei, puno na daw 'yong slots sabi ni Daddy:(

Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago patayin ang cellphone. Wala din palang saysay ang kakapalan ng mukha niya kanina, hindi din pala matutupad no'n ang pangarap niya. 

May naapakan siyang isang flyer kaya kaagad niya itong dinampot at bumagsak lang ang balikat niya nang makita na tungkol ito sa Disney Princess Meet and Greet raffle. 

"Next year na lang siguro, Cinderella. Kapag nakaipon ako, at tumigil na si Papa sa pagtaya sa weteng, pupuntahan kita sa Hong Kong, pangako 'yan." Hinaplos pa niya ang letrato ng mga ito. 

Nang malingap ang kanyang pansin ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking nasa resto kanina. Nakasandal ito sa kotse at mukhang may problema dahil kulang na lang ay basagin nito ang cellphone sa kakatipa.

Bumilis ang kabog ng puso niya nang magtama ang paningin nila. Sa isang iglap ay nawala ang madilim na awra ng lalaki. Mabilis niyang itinakip sa mukha ang flyer na hawak at nagkunwaring hindi napansin ang binata. 

Ngunit huli na nang makita niya ang pares ng puting sapatos na nasa harapan na niya. Ang lalaki na mismo ang kumuha ng flyer na hawak niya upang makita ang mukha nito. 

"You're the girl in the restaurant, right?" he said in a fruity voice.

"H-hindi ako 'yon, promise, hindi talaga ako ang h*****k sayo kanina."

Parang gusto na niyang sampalin ang sarili dahil sa sinabi. Hindi ba siya masyadong obvious sa pagiging indenial niya?

Tumawa ang lalaki kaya mas lalong gumwapo ito kumpara kanina. Nagpamulsa siya at saka inilahad ang kamay sa kanya.

"Deshawn Moore, Shawn for short."

Tinanggap niya ang kamay ng binata ngunit natulala siya sa mga mata nitong titig na titig sa kanya. Sa isang iglap ay tila nakalimutan na niya kung paano magsalita. 

"And you are?" nag-aalangang tanong nito.

Doon lamang natauhan si Karleigh at pilit na ngumiti. "K-karleigh, Lei na lang." Mabilis niyang hinila ang palad at saka itinago sa likuran. 

Umiwas siya ng tingin dahil baka pati ang paghinga ay makalimutan na din niya kapag nagtagal pa siyang nakatingin sa mukha nito.

"Right timing ata na nakita kita ngayon. I have a problem, and I'm thinking if you can be my solution."

Napatingin siya kay Shawn na naguguluhan. 

"Ano 'yon?" tanong niya.

May kinuha mula sa bulsa niya si Shawn. Isa itong maliit na itim na kahon. Nabigla siya nang pagbukas nito ay nasa loob ang isang gintong singsing na may malaking diyamante at kumikinang-kinang pa. Sigurado siyang mahal iyon.

"Karleigh… be my fiancee."

(Five hours before the incident)

[Fireworks by Katy Perry playing in the background]

"Cheers!" Sabay na ininom ni Shawn at ng kaibigan niyang si Yusef Stone ang beer at saka ibinaba sa lamesa.

Nasa bar sila ngayon at kasalukuyang nag-iinom kahit na katanghaliang tapat. Nasa kanang braso ni Shawn ang babaeng blonde at mahaba ang buhok habang sa kaliwa naman niya ang babaeng itim ang nakataling buhok. 

"Saan ka galing kanina? Akala ko hindi ka na pupunta dito, galing ako sa opisina mo kanina ang sabi ng secretary mo umalis ka daw," saad ni Yusef habang hinahalik-halikan siya ng isang babaeng nakaupo sa kanyang tabi.

"I ate lunch, nagsasawa na din ako sa restaurant na nasa harapan ng company kaya pumunta ako sa iba. And guess what? A girl kissed me out of nowhere." Napailing si Shawn at muling uminom.

"What?! Why? Is she hot?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan.

Kumunot ang noo ni Shawn at inalala ang hitsura ng babae.

"Yes, I mean, nah. Slight lang, average girl kung tawagin."

"Pero bakit ka daw niya hinalikan?"

"Maybe she's attracted to me. Alam mo namang malakas ang karisma ko sa mga babae." Ngumisi pa siya at saka inamoy ang babaeng nasa kaliwa niya.

Naputol ang usapan nila nang dumating ang waiter at inabot sa kanya ang bill. Kinuha niya ang wallet at kinuha ang credit card. Ibinigay niya ito sa waiter kasabay ng bill. Ilang segundo pa'y bumalik ito.

"Sir, you don't have enough credits," wika nito.

Tumigil sa pakikipag-usap si Shawn at binalingan ng tingin ang waiter.

"Maybe it was an error, try it again, please."

"I'm sorry, Sir. But I already did, may cash po ba kayo?"

Naguguluhang napaiwas ng tingin ang binata bago humugot ng pera mula sa pitaka at iyon ang ibinigay sa lalaki. Ibinalik niya ang card sa wallet nang iabot ito sa kanya. 

Nag-alisan na ang mga babaeng kasama nila at lumapit naman sa kanya ang kaibigan.

"Hey, what's wrong with your credit?" tanong niya.

"I don't know, either. Pati ang ATM ko kanina hindi din mabuksan noong sinubukan kong mag-withdraw."

"Tinanong mo na ba si Tito Lazar?" 

"Nope, I'll call him. I have to go, marami pa 'kong trabaho."

Tumango naman si Yusef at pinanood ang kaibigan na makalabas ng pintuan ng bar. Paglabas pa lang ng binata ay nag-vibrate na ang kanyang telepono mula sa bulsa at halos maibato na niya ito nang mabasa ang mensahe mula sa ama.

FROM: DAD

You want your money back? Then stop being a playboy, introduce me to the girl you will marry. Come home early, may pag-uusapan tayo.

Napahilamos siya sa mukha habang sunod-sunod na napapamura. 

(Present)

"Ano—" Naputol ang dapat na sasabihin ni Karleigh nang ilapat ng lalaki ang hintuturo sa labi niya upang patahimikin siya.

"Come on, Lei. I know that it was shocking but I'm begging. I-I will give you anything that you want, just please agree. I'm not a bad person, and let me rephrase what I said earlier, be my pretend fiancee," mahabang litanya ni Shawn.

Nagpakawala ng buntong-hininga ang babae bago tabigin ang kamay ng binata. Ang nakabusangot niyang mukha ay unti-unting nagliwanag nang maalala ang sinabi nito.

"Ibibigay mo lahat ng gusto ko?" pag-uulit niya sa sinabi nito.

Nakangiting tumango ang binata. Doon na pumasok ang isang ideya sa utak niya. 

Mabilis niyang nilahad ang palad. "Deal."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status