Share

9: Jealous

Unti-unting dumilat ang pagod na mga mata ni Karleigh at itim na kisame kaagad ang bumungad sa kan’ya. Nagising siya sa isang malaking kwarto na ngayon lamang niya nakita at hindi niya maalala kung paano ba siya napunta doon.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kulay puti ang mga gamit doon. Mayroong malaking cabinet, aircon na nakakabit sa dingding, side table na may lamp shade at isang bintana na natatabunan ng kurtinang puti. Malinis ang silid at base sa hitsura nito ay pagmamay-ari ito ng lalaki.

“Hello. Can I order two breakfast meal in room 69?”

Narinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa labas ng silid. May maliit na siwang kasi ang pinto ngunit hindi niya masyadong maaninag ang tao sa labas no’n. Marahan siyang bumangon kahit na masakit pa ang kan’yang katawan. Nilakad niya ang distansiya niya mula sa pintuan ngunit napahinto siya sa harap ng salaming nakadikit sa pader.

Saka niya lamang napansin ang hitsura niya. Iba na ang suo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status