Share

10: Fight

Nanginginig ang mga kamay ni Karleigh habang nagpapalaman ng peanut butter sa slice ng tinapay. Nasa kusina siya habang ginagawa ang inutos ni Kirk na gumawa siya ng meryenda. Sandali siyang sumulyap sa sala nila kung saan magkaharap na nakaupo sa sofa ang kuya niya at si Shawn.

Natatakot siya sa reaksyon ng kuya niya ngayon. Hindi kasi ito mukhang galit, hindi din naman mukhang masaya. Mas natatakot siya sa nakikita niyang reaksyon ni Kirk dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.

“Anong pangalan mo?” pormal na tanong ni Kirk sa kaharap na kanina pa napaka lawak ng ngiti.

“I’m Deshawn Reyes Moore, Shawn for short.”

“Boyfriend ka ba ng kapatid ko?”

“Naku! Nagkakamali po kayo, I’m not her boyfriend.”

Tumaas ang isang kilay ni Kirk at pinagkrus ang braso niya. Kanina pa niya kinikilatis si Shawn simula nang madatnan niya itong kasama ni Karleigh sa labas ng bahay nila. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagdadala ng lalaki ang kapatid ngunit kadalasan ay mga katrabaho lamang ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status