Share

5: Chiz

"Fiance?" saad ni Gael at tumawa. "Are you kidding me?"

Ngumisi si Shawn. Si Karleigh naman ay napaka bilis ng pagkabog ng dibdib, sigurado siyang kukulitin na naman siya ng mga kaibigan mamaya or worse, baka makarating pa iyon sa kuya niya.

"I'm not kidding, me and Karleigh will be married soon. And no one can stop us, right, Babe?" Pinisil niya ang balikat ng babae.

"Ahh… o-oo," nag-aalangang tugon ni Karleigh at pilit na ngumiti.

Madiing kumuyom ang mga kamao ni Gael bago umiwas ng tingin. Tumikhim siya bago muling tumingin sa dalawa. Pinipigilan niya ang galit dahil ayaw niya ng gulo lalo na at nasa harapan niya si Karleigh. Ayaw niyang mag-iba ang tingi nito sa kanya.

"Well… congratulations in advance. Kung saan masaya si Lei, doon na din ako. I need to go, may lakad pa 'ko." Tumingin siya kay Shawn. "Nice to meet you, Deshawn."

Matapos no'n ay tinalikuran na niya ang dalawa at diretsong naglakad papalabas ng glass door. Sumakay siya sa kotseng kulay puti na nakaparada sa harap ng departamento. Sa kabilang parte ng kalsada ay naroroon ang itim na kotseng pagmamay-ari ni Shawn.

Kaagad na humiwalay si Karleigh sa binata nang makaalis ang sasakyan ni Gael. Napatingin siya sa mga kaibigan na kapwa nakatingin sa kanya at naghihintay ng eksplenasyon niya.

"Uhm… p-pwede bang iwan niyo muna kami? May pag-uusapan lang kami ni Shawn," kandautal niyang wika at tipid na ngumiti.

Kaagad namang tumalima sila Briah at Zahra at sabay na umalis. Nang masigurong wala na ang dalawa ay napangiwi si Shawn nang bigla siyang kurutin ng babae sa tagiliran.

"Ouch! What's that for?" d***g niya.

"Anong ginagawa mo dito, ha? At talagang pati sa mga kaibigan ko sinabi mo pa ang kasinungalingan mo."

"Hey! Dapat ka pa ngang magpasalamat sa 'kin, sigurado akong titigilan ka na ng… sino nga 'yon?"

Napairap na lang si Karleigh. "Gael. Gael Fabro. And for your information, hindi ko naman hiningi ang tulong mo kaya hindi ako dapat magpasalamat sayo. I can handle him."

"If you say so, anyway, I'm here to gave you this." Dinukot niya ang isang malit na kahon mula sa bulsa. "Naiwan mo sa kotse."

Inabot niya iyon kay Karleigh ngunit pinagmasdan niya lamang iyon. Alam niyang singsing ang laman niyon.

"Sinadya ko 'yang iwan. Hindi ko 'yan matatanggap." Akmang aalis na siya nang kabigin ni Shawn ang kanyang braso.

"But you need to wear this, para maman convincing ang act natin." Binitawan niya si Karleigh bago kuhanin ang singsing mula sa kahon. Kinuha niya ang kanang kamay ni Karleigh.

Pinagmasdan lamang siya ni Karleigh na dahan-dahang ilagay ang singsing sa kanyang daliri. Ngayon lamang niya napagmasdan ng malapitan si Shawn. Napangiti na lang siya nang pagmasdan ni Shawn ang kamay niyang may singsing, kung normal na sitwasyon lamang iyon ay iisipin niyang napaka saya ng lalaki dahil sinagot niya ito base sa reaksyon nito.

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang umangat ang tingin ni Shawn sa kanya. Binitawan na nito ang kanyang palad at nagpamulsa.

"You need to wear that when you're with me. And just for you to know, that ring cost fifty-six thousand pesos kaya 'wag mong iwawala 'yan," wika niya.

"Anong tingin mo sa 'kin? Burara?"

"Malay ko ba kung maisipan mong isangla."

Madiing naglapat ang mga labi ni Karleigh ngunit nagulat siya nang halikan siya nito sa pisnge.

"See you later… Babe." Kumindat pa ito bago na umalis ng lugar.

Sandaling pang natulala sa kawalan si Karleigh. Hinaplos niya ang parteng hinalikan ng binata at hindi niya alam kung bakit parang nararamdaman pa niya ang mga labi nito doon.

Napailing siya nang mabalik sa ulirat at napakagat sa labi bago na bumalik sa trabaho.

**

Hinaplos ni Shawn ang picture frame na hawak. Sa loob no'n ay nakalagay ang isang letratong may kalumaan na. Mayroon doong dalawang batang nasa edad limang taon, ang lalaki doon ay si Shawn.

"Kung buhay ka pa, sigurado akong napaka ganda mong dalaga," bulong niya at mapait na ngumiti.

Napasandal siya sa couch na nasa opisina at napatingala. Muling nagbalik sa ala-ala niya ang mga panahong kapiling pa ang babae.

-Flashback-

"Sandali, Shawn! Hintayin mo naman ako!" Tumakbo ang batang babae upang maabutan si Shawn na tumatakbo patungo sa gusali na nasa paaralan nila.

Kapwa nakasuot siya ng uniporme at tagaktak na ang pawis dahil sa paglalaro. Tumigil sa pagtakbo ang batang lalaki at napahawak sa magkabilang tuhod habang habol ang hininga.

"Ang daya mo! Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwan?" nakangusong tanong ng babae nang maabutan ang kaibigan.

Bahagyang natawa si Shawn at napatingin sa hagdan na nasa likuran niya. Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan at saka inilahad ang kanyang palad.

"Tara, Princess, sabay na tayong umakyat," wika niya.

Pinagkrus ni Princess ang braso at masamang tumingin kay Shawn. "Ayaw ko nga, pagod na 'ko. Umakyat kang mag-isa kung gusto mo. Babalik na 'ko sa classroom."

Akmang aalis na ang babae nang hilain ni Shawn ang braso niya.

"Sorry na. Maaga pa naman, hindi pa tayo male-late kaya tara na. Ayaw mo bang ilibre kita ng sitsirya mamayang uwian?"

Nag-isip muna si Princess. Paano ba siya makakatanggi kung alam nito ang kahinaan niya? Dahil mayaman si Shawn, palagi siya nitong binibilhan ng tsitsirya sa hapon o kaya sa recess nila. Alam kasi nito na paborito niya ang lahat ng klase ng chips.

"Promise?"

"Oo nga, promise, promise, promise, promise."

Sa huli ay sumama pa din siya. Inakyat nila ang apat na palapag na gusali patungo sa rooftop nito. Doon sila madalas tumambay kapag tanghali o kung wala pa silang klase.

"Hindi ka ba nagsasawang umakyat nang umakyat dito araw-araw? Eh, halos pudpod na ang sapatos ko kakaakyat-baba natin ng hagdan," wika ni Princess habang nakahawak sa railings ng rooftop.

Sa tabi niya ay nakatanaw naman si Shawn sa malawak nilang paaralan. Mula sa kinatatayuan nila ay makikita ang mga estudyanteng naglalabas-masok sa gate at ang mga estudyanteng nakakakalat sa field.

"Hindi, kasama naman kita, eh." Ngumiti ito bago tumingin kay Princess.

Dalawang taon ang agwat ng kanilang edad ngunit hindi iniisip nila na magka-edad lamang sila. Nang matahimik sila pareho ay biglang may pumasok sa isip ni Shawn.

"Princess, paglaki ko, gusto kitang pakasalan."

Kaagad na napalingon sa kanya ang bata na bakas sa mukha ang pagkabigla.

"T-talaga?" kandautal niyang tanong.

Bahagyang natawa ang lalaki at saka hinawi ang buhok bago tumango.

"Oo, sa totoo niyan, crush kita, Princess. Kaya kapag malaki ka na, 'wag kang magpapaligaw sa iba, ha? Ako lang din dapat ang crush mo."

Napangiwi naman ang babae dahil sa pagtatapat ng kaibigan. Wala pa sa isip niya ang mga gano'ng bagay, ni hindi niya nga alam kung ano ba ang crush.

"Paano mo 'ko liligawan kung nasa Norte na 'ko?" wika niya.

Nangunot ang noo ni Shawn dahil sa narinig. "Norte?"

"Oo, ang sabi ni Mama at Papa ita-transfer na daw nila 'ko sa Norte. Aalis na kami sa susunod na linggo tapos sasakay kami ng barko! Excited na nga 'ko, eh. Makakakita na 'ko ng dolphin!"

Kung gaano kasaya ang reaksyon ni Princess ay gano'n naman kalungkot ang naging reaksyon ni Shawn. Iniiisip pa lang niyang papasok siya ng paaralan na hindi kasama ang babae ay parang gusto na lang niyang sumama dito.

Natigilan si Princess nang mapansin ang pananahimik ng kaibigan. Saka niya lang napansin ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito.

"Uy, Shawn. Okay ka lang? Ba't ka umiiyak?"

Imbis na samagot ay bigla na lang tumakbo paalis ang lalaki. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at hindi iniisip na pwede siyang maaksidente sa ginagawa.

"Shawn!" Nangunot na lamang ang noo ni Princess dahil sa ginawa ng kaibigan. Minsan ay hindi niya din maintindihan ang lalaki kahit na matagal na silang magkaibigan.

Simula ng araw na iyon, madalas ay nasa rooftop na lamang si Princess at hinihintay ang kaibigan na sundan siya ngunit hindi ito dumadating. Pansin din niya ang pag-iwas nito sa kanya hanggang sa dumating ang araw ng pag-alis nila.

Sa araw na iyon din ay nabalitaan na lamang ni Shawn na naaksidente ang sinakyang bus nila Princess at ng pamilya nito papuntang pier. Ang balita ay ilan lamang ang nakaligtas dahil bumagsak ang bus sa bangin at sumabog.

-End of Flashback-

Nabasa ang bubog ng frame dahil sa mga luhang nagmumula sa binata.

"I'm so sorry, my princess. I should stop you that day, kung alam ko lang na iyon na ang huling araw na makakasama kita, sana hindi na 'ko umiwas sayo." Pagak na tumawa ang binata.

"Palagi kitang naiiwan noon kapag naglalaro tayo ng habulan, pero ngayon, ikaw naman ang nang-iwan. Alam mo, ikaw ang madaya, eh. You left me, but this time, you didn't come back anymore."

**

Pauwi na si Karleigh ngayon sa bahay nila. Kasalukuyan siyang lulan ng pampasaherong jeep na hindi naman masyadong puno. Dahil medyo malayo pa naman ang bahay nila ay naisipan niyang mag-scroll muna sa Teeter account niya nang biglang may mag-notif na post na naka-tag siya.

Nangunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng nag-post. Hindi niya ito kilala at mas lalong hindi niya ito friend sa social media.

"Chiz Pimiento?"

Natutop niya ang bibig nang makita ang post na naka-tag siya. Hindi siya maaaring magkamali, kanina lamang ito. Dalawa iyon at ang una ay ang letrato niya na inabutan ni Gael ng bulaklak habang ang pangalawa ay ang letratong nakaakbay sa kanya si Shawn.

May caption ito na: Slutty, squammy.

Nang i-check niya ang comment section ay puro masasakit na salita ang nabasa niya. Gold digger daw siya, two timer, manggagamit, makati, p****k, at madami pang iba.

Halos mapatalon na siya mula sa kinauupuan nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kuya niya. Ngayon pa lang ay pinagpapawisan na siya.

FROM: KUYA BEAST

Bilisan mong umuwi, Karleigh, may pag-uusapan tayo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status