Share

3: Promotion

Oh, bibig mo baka pasukan ng langaw."

Nabalik si Karleigh ss ulirat nang marinig ang boses ng kuya niya. Nasa hapag kainan na sila ngayon habang kumakain ng hapunan. Kahit na sinabi na nitong kumain na siya kanina ay pinakain siya ulit ng ina, pakiramdam niya'y wala na ngang espasyo sa bituka niya.

"Bakit ba tulala ka d'yan, Lei? May problema ba?" tanong ng papa Eliseo niya.

Tipid na ngumiti si Karleigh bago umiling. "Wala po, pagod lang sa trabaho."

"Baka naman pinapagod mo ng husto 'yang sarili mo sa trabaho, Lei. Hindi mo naman kailangang sagarin 'yang katawan mo kakakayod," saad ng mama Kloe niya.

"'Ma, 'Pa, okay lang po ako. At saka kailangan ko pong magtrabaho para kay Kelsi, isang taon na lang high school na ang bunso natin." Tiningnan niya ang kapatid na babaeng nasa tabi ng ina na kumakain.

"Kahit na, nad'yan pa naman ang kuya mo. Pareho kayong kumakayod kaya hindi mo kailangang pahirapan ng husto ang sarili mo," saad ng kanyang ina.

"Oh, basta, Lei, wala munang magbo-boyfriend, ha," singit ni Kirk sa usapan.

Napaismid na lamang si Lei dahil sa sinabi ng kapatid. Wala pa sa isip niya ang nga gano'ng bagay kaya kahit hindi ipaalala ng kanyang kuya ay mukhang malabo pa din iyong mangyari.

"Ano ka ba, Kirk? Bente-singko na 'yang kapatid mo, nasa tamang edad na 'yan. 'Wag mong igagaya sayong bente-otso na, eh wala pa ding asawa," wika ng ama nila.

Natawa naman si Kelsi at Karleigh dahil doon. Sinamaan naman siya ng tingin ng kuya ngunit patuloy lang siya sa pagtawa. 

Naputol ang usapan nila nang maramdaman ni Karleigh ang pag-vibrate ng kanyang cellphone mula sa bulsa kaya kaagad niya itong kinuha at tiningnan.

FROM: 09*******83

Si Shawn 'to, magkita tayo bukas sa fast food malapit kung saan tayo nagkita kanina.

Nangunot ang noo niya nang mabasa iyon, paano kaya nito nalaman ang number niya? Habang abala siya sa pagtipa ng reply ay sumulyap naman sa ginagawa niya ang kapatid.

"Sino 'yan?" seryoso nitong tanong.

Mabilis na itinago ni Karleigh ang phone sa bulsa.

"W-wala, si Bri lang," pagsisinungaling niya at bumalik na sa pagkain.

**

"My father closed all my bank accounts, and he says that he will only open it all if I will introduce him to the girl that I will marry," panimula ni Shawn sa usapan nila.

Maaga pa lang kaya wala pang masyadong tao sa fast food. Ang ilang mga establisyemento sa labas ay ngayon pa lamang binubuksan.

"Bakit naman atat 'yang daddy mo? Mamamatay ka na ba?" 

"Of course not. I'm a womanizer, I'll admit that. 'Yon ang reason kung bakit ginawa ni Daddy 'yon, but I don't want to. Ayaw kong matali sa iisang babae, I hate commitments."

"Kaya naman pala, oh eh bakit naman ako nadawit d'yan sa plano mo? Bakit hindi na lang 'yong ibang babae ang ipakilala mo. 'Yong mas maganda, mas sexy, at mas nababagay sayo."

"Dahil alam kong hindi maniniwala si Daddy sa 'kin kapag magaganda ang dinala ko sa bahay."

Laglag ang panga ni Karleigh dahil sa narinig. 

"So, sinasabi mong pangit ako?!" hindi makapaniwalang tanong niya at napasandal bago pinagkrus ang mga braso.

"No! Well, magiging honest ako sayo, hindi ka naman kagandahan pero ikaw lang ang naiisip kong makakatulong sa 'kin. Like I said yesterday, I will give you everything you want or need if you will cooperate. Kapag nakuha ko na ang pera ko, you can wish whatever you wants, pareho pa tayong makikinabang."

Nag-isip-isip muna si Karleigh bago ibalik ang tingin sa binata. Iisa lang naman talaga ang gusto niya, eh. Ang makaharap ang mga Disney Princess, base sa estado ng buhay ni Shawn mukhang chicken na chicken lang dito ang hihilingin niya. 

"Oh, eh hanggang kailan naman 'yan?" tanong niy at umayos ng upo.

Nagkibit-balikat si Shawn. "Siguro hanggang sa ibalik na ni Daddy ang accounts ko. Ako na ang bahalang dumiskarte kung paano ko 'yon isasara na hindi niya mapapakeelaman."

"Paano kapag mabuko tayo? Baka madamay pa 'ko sa parusa ng ama mo."

Ngumisi ang lalaki. "That won't happen. I'm smarter than my father."

Nakagat pa ni Karleigh ang labi dahil nag-aalinlangan pa din talaga siya hanggang ngayon. Pero naka-oo na siya dito kahapon, wala na talagang bawian 'yon. At saka isa pa, pareho silang makikinabang sa huli. Natupad na ang pangarap niya, nakatulong pa siya sa kapwa, okay na sigurong reason 'yon para hindi siya mag-back out.

**

"Miss Estrada and Miss Ford."

Natigil sa pagguhit si Karleigh mula sa laptop nang marinig ang pagtawag ng apelyido niya. Napatingin siya sa mga kaibigan na ngayon ay nagtataka din kung bakit bigla siyang pinatawag ng boss nila.

Tumayo na siya at tinahak ang daan patungo sa opisina ng amo. Magkasunod lamang sila ni Pearl na pumasok ng pinto at pareho silang yumukod nang makaharap ang amo. 

"Have a seat," anyaya ni Mr. Huang.

Naupo naman sila sa magkaharap na silya na nasa harapan lamang ng lamesa ng boss. 

"So, I will not make this conversation longer. Of all my employees, the two of you have the most beautiful artwork and I'm glad that I have you, Ms. Estrada, and you Ms. Ford, in this company."

Ngumiti sila dahil sa papuri ng amo. Akmang ngingitian niya din sana si Pearl ngunit naudlot ito nang umirap lang ito sa kanya.

"And I am happy to announce that the promotion as Supervisor in Huang Animation Company is now open. But," sandali niyang pinutol ang sasabihin upang tingnan ang dalawang empleyada, "only one of you can get it."

Dahan-dahang napatingin si Karleigh kay Pearl na ngayon ay napaka laki na ng ngisi. Mukhang mataas ang kompiyansa nito sa sarili na siya ang makakakuha ng promotion. 

"I'm expecting the two of you to work hard. Don't waste the opportunity." Sumenyas siya bilang pagtatapos ng usapan. 

Tumayo na silang dalawa bago yumukod at lumabas ng pintuan. Malaking tulong ito kay Karleigh kung sakali mang siya ang makakatanggap ng promotion. Malaki-laking salary increase din ang makukuha niya, sa gano'ng paraan ay makakaipon na din siya. 

"Ready to lose, Karleigh."

Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses ng katrabaho. Humarap siya dito ang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit napak suplada nito sa kanya gayong napaka bait naman niya dito simula noon. 

"Good luck sa 'tin, Pearl,", saad niya.

Nagkrus ng braso niya ang babae bago umirap. "Whatever."

Unti-unting nawala ang ngiti niya nang lampasan lamang siya nito. Nang maupo si Pearl ay sinundan pa niya ng tingin ang katrabaho. Alam niyang magaling siya ngunit hindi pa din maalis sa isip niya ang mabahala. Alam niyang marami na ding nakamit na achievements si Karleigh kaya hindi siya dapat makampante.

Maduming maglaro si Pearl. Noon pa lang ay malaki na ang inggit niya kay Karleigh. Hindi siya papayag na matatalo siya nito sa pagkakataong iyon. Ngayon pa lang ay nag-iisip na siya ng paraan kung paano madudungisan ang pangalan ni Karleigh sa kumpanya. 

Hindi siya sanay na nalalamangan, alam niya sa sarili niyang deserving siya para sa pwesto as Supervisor. 

"Maybe a little cheating won't matter."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status