NAGISING si Lyxelle dahil sa liwanag na tumatama sa mga mata niya. Gusto niyang bumalik sa pagtulog pero gising na gising na ang diwa niya. Dahan-dahan niyang imulat ang mga mata.
Kinabahan siya sa nakita. Hindi siya pamilyar sa kwartong iyon. Hindi rin siya sigurado kung ano ang mararamdaman sa kulay itim nitong motif. Halos lahat ng bagay sa silid na iyon ay kulay itim. Bedsheets and all.
Kinalma niya ang sarili. Walang mangyayari kung hindi siya kakalma. Ipinikit niya ang mga mata at marahang nagbilang habang humuhugot ng hininga. Hindi niya maalala kung sino ang nagturo sa kaniya ng breathing technique na iyon. Nakalanghap siya ng panlalaking pabango. Imbes na mag-panic ay kumalma siya.
Hindi niya maipaliwanag kung ano ang mayroon sa amoy na iyon. Basta gustong-gusto lang niya. Hindi siya pamilyar sa amoy na iyon pero hindi rin siya nakararamdam ng pagkatakot. Bagamat hindi pa rin siya sigurado sa kung nasaan man siya.
Nang muli niyang imulat ang mga mata, inilibot niya ang tingin sa buong silid. Malaki iyon at may tatlong pinto. Ang hula niya ay papunta sa sala ng bahay ang pintong nakaharap sa kama at banyo naman ang nasa kanang bahagi ng kuwarto pero hindi niya alam kung ano pa ang isang pinto na katabi ng banyo.
Naalala niya ang babae at lalaking tumulong sa kaniya. Namula ang pisngi niya sa pagkapahiya nang maalala na nagwala siya sa harap ng mga ito. Pero kasabay niyon ay ang pagbalik ng alaala niya sa mainit na brasong pumulupot sa katawan niya para pakalmahin siya.
Sino ang nagmamay-ari ng brasong iyon? Hindi niya maalala. Medyo blur din sa paningin niya ang mukha ng mga taong tumulong sa kaniya. Sino kaya ang mga ito? Ano ang nangyari sa kaniya? Bakit wala siyang maalala? Maski na ang pangalan niya.
Nanuyo ang lalamunan niya nang mag-sink in sa kaniya iyon. Saan siya nakatira? May mga magulang pa ba siya? Kapatid? O siya na lang ang mag-isa sa mundong ito? Totoo bang mabubuting tao ang tumulong sa kaniya? O ang mga ito rin ang dahilan kung bakit siya nasa ganoong kalagayan.
Nahihilo siya dahil sa dami ng tanong na umiikot sa kaniyang ulo. Mas mabuti sigurong lumabas siya ng silid na iyon. Walang mangyayari kung sarili lang niya ang kaniyang tatanungin. At pilitin man niyang takbuhan ang problema, alam niyang kailangan niyang harapin iyon ng harapan.
Lumapit siya sa pinto na inaakala niyang banyo. Pero nakahalerang mga damit na puro naka-hanger ang bumungad sa kanyia at mga drawers. May malaking parang cake din na may ilang layer sa gitna pero mga sapatos naman ang nakalagay doon. Saka lang niya napagtanto na nasa walk-in closet siya.
Lumabas siya roon at pumasok sa katabing pinto. Natigilan siya nang makita kung gaano kalaki ang banyo. Kasya ang dalawang tao sa bathtub at may shower din. Just how rich is the owner of this house?
Naiilang na isinara niya ang pinto. Hindi siya sanay sa ganito karangyang bahay o buhay. Kailangan na niyang magpaalam sa may-ari ng bahay na iyon para bumalik sa—
Naipikit niya ang mga mata. Wala nga pala siyang maalala. Her face contorted as she tried to stop herself from wailing. Her throat burned, but she tried very hard not to cry. Hindi iyon ang panahon para mawalan siya ng pag-asa o maging histerikal. Kailangan niyang gamitin ang utak niya.
Lumapit siya sa toilet bowl at ibababa na sana niya ang shorts pero nagulat siya nang mapansing wala na siyang ibang suot maliban sa malaking itim na t-shirt.
Namula ang kaniyang mukha dahil doon. Sino ang naghubad ng mga damit niya? Surely, she was dressed when she asked for help. Hopefully, it was the woman who helped her. Hindi niya lubos maisip ang kahihiyang aabutin niya kung iyong matipunong lalaki ang nagbihis sa kaniya.
Nagbanyo na lang siya at pilit na iwinaksi iyon sa isipan. Masasagot din ang mga tanong niya kaya hindi niya kailangang mataranta.
Nang matapos ay naghugas siya ng mga kamay. Narinig niya ang malakas na tunog na nanggagaling sa tiyan niya. Mabuti na lang at walang nakarinig. Hinawakan niya ang tiyan at hinimas iyon.
Lalabas na sana siya ng banyo pero napamulagat siya nang makitang isang malaking salamin pala ang pinto! Hard wood naman iyon sa labas kaya marahil ay sa loob lang ang salamin.
Nang tingnan niya ang sarili, napailing na lang siya. She looked like a mess. Magulo ang may kahabaan niyang buhok. Oily ang mukha may mga pasa sa katawan.
Nakakahiya kung haharap siya sa mga tumulong sa kaniya na ganoon ang hitsura.
Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi naman siguro mamasamain ng tumulong sa kaniya kung makikiligo rin siya, `di ba? Marumi siya at medyo napapangiwi siya sa kaniyang amoy. Deciding to make herself fresh before confronting what awaits her, she unclothed herself and stepped into the shower.
Namilog ang kaniyang mga mata nang mapansin ang ilang pasa sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan. Anong klaseng insidente ba ang kinasangkutan niya? Was she involved in a car accident? Was she beaten near to death?
She swallowed, not wanting to dwell on the matter of her accident just yet, she continued to clean herself. Medyo napapangiwi siya sa tuwing may nasasagi siyang bugbog. Kaya naman dahan-dahan at maingat ang naging galaw niya.
Medyo matigas din ang kaniyang buhok, at nang mabasa iyon ay maduming tubig ang dumaloy, guessed it was blood and dirt. Tinanggal niya ang bandage sa ulo at muling napangiwi. She shouldn't have done that.
Carefully wrapping herself in a towel, she inspectioned her wounds on the mirror. Some were nasty looking, some are just small gushes, others would take time to fully heal and others would leave marks.
Naghanap siya ng suklay pero wala siyang makita kaya sinuklay na lang niya ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Lumipat siya sa wardrobe at nakihiram ng mga damit doon. May nakita siyang pambabaeng damit sa dulo ng kwarto. She wore the short shorts, white v-neck shirt and fluffy slippers.
Muling tumunog ang kaniyang tiyan nang makaamoy ng masarap na pagkaing niluluto. Taking a deep breath, she gathered her courage to open the door leading to the whole house.
May narinig din siyang lalaking kumakanta. It was like she was enchanted by the voice. She followed it unknowingly.
Wala sa sariling pumunta siya sa kusina. Bahagya pa nga siyang nagulat dahil hindi naman niya alam ang pasikot-sikot ng bahay pero madali lang niyang nahanap ang kusina. Napakalaki pa naman ng bahay na iyon.
Nakita niya ang isang lalaking walang pang-itaas at naka-boxer shorts lang na nakatalikod sa kaniya. Base sa galaw nito ay nagluluto ito habang kumikimbot ang baywang at gumagalaw-galaw ang ulo. It was like the man has no care in the world.
Namula ang mga pisngi niya dahil sa kahubdan nito. Pero hindi rin niya mapigilan ang sarili na tingnan—much accurate, titigan ang likod nito. He had broad sholders and rippling muscles that seems strong enough to carry her while he was making love to her in a standing position.
Nakikita niya ng malinaw sa kanyang isip kung ano ang hitsura nilang dalawa ng lalaki habang nagtatalik ng nakatayo. Kapwa hubad at mainit ang katawan. Inaalalayan nito ang likod niya habang buhat siya at siya naman ay nakasabunot sa—
“Oh, you’re awake.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses na iyon. Nararamdaman niya ang labis na pamumula ng mga pisngi. Puwede bang lamunin na siya ng lupa? Nakakahiyang pinag-iisipan niya ng kung anu-ano ang lalaki. Ni hindi nga niya ito kilala.
Granted hindi nito nababasa ang kaniyang isip pero nakakahiya pa rin. Sobra.
Nahihiyang tiningnan niya ang lalaki na ngayon ay nakaharap na sa kaniya habang may hawak ng sandok.
“Tigilan mo ang pag-iisip ng—” nahinto ang pagkastigo niya sa sarili nang matitigan ang katawan nito.
Lumipad yata ang utak niya niya nang makita ang matipuno nitong dibdib at…at six pack abs na mukhang kay sarap paglandasin ng kaniyang dila roon. Napalunok siya nang makita ang umbok sa gitna ng hita nito. Medyo malaki iyon kaya halata. Ano kaya ang mararamdaman niya kapag—
“Hey, are you okay?”
Malakas na ipinilig niya ang ulo pero nanigas din siya sa kinatatayuan nang makitang sobrang lapit na pala nito sa kaniya. Kung bakit naman kasi iba ang iniisip niya?
A shiver ran down her spine when the back of his palm gently caressed her neck and her forehead.
Wala sa loob na napatingin siya sa lalaki at napalunok na lang siya nang makita sa malapitan ang mukha nito. Kulang ang salitang guwapo upang ilarawan ang mukha nito.
He has a thick eyebrows, long lashes and dark eyes that could melt a woman, aristocratic nose and even lips, the upper lip was curved upward so it seemed that he was always smiling.
Nakagat niya ang ibabang labi at nanatili ang titig niya sa mga labi nito. She mentally berated herself for thinking of dirty things first thing in the morning. Ang sarap batukan ng sarili niya.
“Don’t look at me like you want to devour me, Lyxelle.” He said in a husky voice.
He put an arm around her shoulder and guided her to the chair in front of the kitchen island counter. Naramdaman niya ang pagwawala ng puso niya.
“Lyxelle?”
“LYXELLE?” her heart jumped when she murmured the name. She felt familiar with the name. Iyon kaya talaga ang totoo niyang pangalan? Hindi siya nakaramdam ng pagtutol sa pangalang iyon. Tinitigan siya nito ng matagal. Gusto niyang iwasan ang titig nitong hindi niya mabasa. Nako-conscious kasi siya sa klase ng pagtitig nito. She felt lost just staring at his dark eyes. “Yes. That’s your name.” saad nito na may penalidad ang boses. Nagtagpo ang kaniyang mga kilay. Hindi ba’t sabi nito ay hindi sila magkakilala bago siya nito iligtas? Bakit siguradong-sigurado ito sa kaniyang pangalan? “Magkakilala ba tayo dati?” Muli siya nitong tinitigan bago nag-iwas ng tingin. May emosiyong nagdaan sa mga mata nito pero hindi kaagad niya iyon nabasa dahil mabilis itong nag-iwas ng tingin. “N-No.” “Bakit alam mo ang pangalan ko?” nagtatakang tanong niya rito. “Nabangit mo `yon habang natutulog ka. I assume that it was you name.” “Oh.” Pero parang nakadama siya ng munting pagkadismaya sa sinabi
“THE pretty woman is my mother and the man with long hair is my younger brother. My mother is a doctor kaya hindi ka na namin dinala sa ospital dahil sabi ni Mommy hindi naman daw malubha ang nangyari sa `yo. Kailangan lang daw ng katawan mo ang mahabang pahinga kaya hindi ka nagigising kahit anong gawin kong paggising sa `yo.” Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ako nagigising kahit anong gawin mo?” Tumango ito. Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa balitang iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero naaalala niyang nakakulong siya sa isang matatag na bisig. Hindi iyon noong nagising siya kundi mas nauna pa kaya baka niyakap nga siya nito sa sobrang pag-aalala. Medyo blurry ang alaala niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong nangyari iyon o halusinasiyon lamang niya. Ang naaalala lang niya ay ang matipunong bisig na nakapalibot sa kaniya at ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kama. Napatingin siya rito. Napakaguwapo nit
“INJECT her.” utos ng lalaki. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. “A-Ano `yan?” Hindi siya sinagot ng babaeng may dala ng injection na may kung anong nakakahinalang likido. “Please, maawa ka. Pakawalan na ninyo ako.” Nanigas siya nang tuluyang i-inject sa kaniya ng babae ang kung ano mang gamot iyon. “Sigurado akong malaki ang kikitain natin sa babaeng `yan.” sabi ng isang may katandaang lalaki. “Oo nga, makinis.” “Pwede bang tikman muna natin, Joseph? Bago mo ibinta.” “Lyxelle! Lyxelle!” Mabilis na naimulat ni Lyxelle ang mga mata at napabalikwas ng bangon habang habol ang hininga. Pinagpapawisan siya at nanginginig ang katawan. Napaiyak na lang siya. Naramdaman niya ang pagbalot ng mainit na braso sa katawan niya. “Shh…it’s just a dream. Wala na iyon at ligtas ka. Nasa tabi mo lang ako.” Kumalma ang sistema niya dahil sa boses na narinig. Nanlalambot ang kaniyang katawan. Malamig ang kaniyang mga pawis pero wala siyang lakas para magpunas. She was still shak
“WHEN I found you, you were high on a drug.” Iyon ang mga katagang nagpaulit-ulit sa isipan ni Lyxelle magdamag. Hindi na siya nakatulog pang muli kahit na sinabihan siya ni Raziel na matulog. It bothered her. Bakit siya naka-drugs? Anong klaseng drugs? Base sa mga sinabi ni Raziel, may ideya siya kung anong klase ng drugs ang nasa sistema niya nang gabing iyon. Ang tanong niya ay kung bakit? Siya ba mismo ang uminom ng drugs na iyon? Wala bang kabuluhan ang buhay niya bago siya nawalan ng alaala? O may mga tanong nagsamantala sa kaniya? Nadagdagan lang ang maraming tanong sa isip niya. Hindi talaga niya alam kung saan mag-uumpisa ngayon. Mabuti na lang at may mabait na taong nakahanap sa kaniya noong panahong kailangang-kailangan niya ng tulong. Lubus-lubos ang pasasalamat niya na si Raziel ang nakakita sa kaniya. Umungol siya nang matamaan ng liwanag ang mukha niya. Mas lalong sumakit ang kaniyang ulo. Sinubukan niyang matulog ulit pero nakapikit lang ang mga mata niya habang a
PAGTAPAK na pagtapak ni Lyxelle sa loob ng ospital ay pinagpawisan siya. Hindi siya makahinga at nahihilo siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya nang mga oras na iyon. Nanlalamig din ang kaniyang katawan, nanginginig ang mga kamay. Napahawak siya sa kaniyang leeg, yaring may hinahanap doon ang kaniyang kamay. Nang wala siyang mahawakan ay mas lalong lumala ang nararamdaman niya. Nang mapansin ni Raziel na hindi na siya sumusunod dito ay huminto ito at nilingon siya nito. He looked at her questioningly, but when he noticed her pale appearance, his face was etched with worry. Mabilis na lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. “Lyxelle? What’s wrong? May masakit ba sa `yo?” Bumuka ang bibig niya para sabihin dito ang nararamdaman niya pero walang salitang lumabas. Lumunok muna siya bago muling sinubukang magsalita. “P-Panic attack…” Sigurado siyang naramdaman na niya noon ang kasalukuyang nararamdaman. Hindi lamang niya maalala. Kung ano man ang nakapagpa-t
“RAZIEL, sirado pa yata ang restaurant na ito.” Napahawak si Lyxelle sa laylayan ng suot na itim na t-shirt ni Raziel upang pigilan itong pumasok sa restaurant na halatang sirado pa. Nang magising siyang muli sa ospital, hindi na sana nito itutuloy ang paggala nila dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Pero pinigilan niya ito at sinabing okay lang naman siya. Ayaw niyang masira ang pinlano nito sa araw na iyon dahil lang sa panic attack niya. Isa pa, nabo-bored na rin naman siyang palagi na lang nakahiga sa kama. Sigurado kasi siyang kapag umiwi na sila sa bahay pagpapahingahin na naman siya nito. Hindi sana ito papayag na ituloy ang pamamasyal nila dahil nag-aalala ito sa kalagayan niya. Mabuti na lang at naroon ang butihing doktor na si Dr. Jarred Arquillano. Jerrod ang pakilala nito sa kaniya pero Jarred naman ang nasa name plate nito. Nakakatuwa itong doktor kaya na-curious siya kung ano ang hitsura ng kapatid nitong nagngangalang Jerrod. Base sa nasabi ni Raziel sa kaniya ay
NAGISING si Lyxelle dahil sa pakiramdam niyang may nakatingin sa kaniya. May hula siya kung sino ang nakatitig sa kaniya. It comforted her knowing that someone was worried about her even when she doesn't remember anything from her life. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sinalubong siya ng nag-aalalang mukha ni Raziel. “Lyxelle, ayos ka na ba?” Marahang tumango siya at bumangon. Kaagad itong tumayo upang tulungan siya sa pamamagitan ng paglalagay ng mga unan sa kaniyang likod. “Ano’ng nangyari?” tanong niya rito. Ang huli niyang naaalala ay umiikot ang kaniyang paningin. “Bigla ka na lang hinimatay. Hindi namin alam kung bakit.” Naalala niyang sumakit ang ulo niya at parang may naalala siya mula sa kaniyang nakaraan pero nakalimutan na rin niya kung ano iyon. Sinubukan niyang alalahanin kung ano iyon pero blanko lang ang kaniyang utak. “M-May naalala lang ako.” “Ano?” tila nasasabik na tanong nito pero may pakiramdam siyang may halong nerbiyos ang tanong na iyon. Kinakaba
“TRY this on.” May ibinigay ulit itong damit sa kaniya para isukat niya. Hanggang sa nagsunod-sunod na iyon. Hindi pa rin siya makapaniwalang alam nito ang sukat niya dahil wala itong ibinibigay na damit na masikip o maluwang sa kaniya. Naa-appreciate niya ang atensiyong ibinibigay sa kaniya ni Raziel subalik hindi siya komportable sa mamahaling lugar na pinagdalhan nito sa kaniiya. Nakahinga siya ng maluwang nang lumabas sila sa boutique na walang bitbit kahit na isang paper bag. Dudugo yata ang mga mata niya sa presyo ng bawat damit na ipinasukat nito sa kaniya. Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na sukatan ng mga damit ay hinila naman siya ni Raziel sa boutique ng mga lingerie. Halos lumuwa ang mga mata niya nang makapasok sila roon. “Oh, my god. Raziel, hindi na natin kailangang pumunta pa rito.” Siya ang nahihiya sa pagpasok nila roon. Hanggang sa mga panloob ba ay tutulungan siya nitong mamili? Hindi ba pwedeng siya lang mag-isa ang mamili? At saka, Raziel seems so out of p