Share

Dark Desires I.I Dark Temptation
Dark Desires I.I Dark Temptation
Author: LyxValentine

Prologue

SUMASALAMIN sa mga mata ni Lyxelle ang mga bituing nagniningning sa kalangitan. Napakaaliwalas ng gabing iyon. Walang makikitang ulap na tumatabon sa buwan at mga bituin. Subalit kabaligtaran niyon ang kaniyang nararamdaman.

Simula nang araw na iwan niya ang kaniyang asawa, ang lalaking pinakamamahal niya, palagi na lang mabigat ang kaniyang dibdib. Tumatawa nga siya pero walang laman iyon. Para bang hindi na niya mararamdaman pa ang totoong kaligayahan.

Alam naman niyang hindi dapat sa lalaki umiikot ang buhay. Pero hindi lang talaga niya maisawalang-tabi ang kaniyang nararamdaman. Umaasa rin siyang hihilom ang sugat niya sa puso sa pagdaan ng panahon subalit tatlong taon na ang lumipas at hindi pa rin naiibsan ang sakit, mas lalo pa ngang lumala iyon.

Bumuntunghininga siya.

“Hey, babe, what’s up?”

Nilingon ni Lyxelle ang lalaking kasama niya. Nasa anim na talampakan ito at masasabi niyang napakagwapo nito…sa paningin ng ibang babae at binabae. Isa lang ang guwapo sa paningin niya. Iyon ay ang hudas niyang asawa. No, ex-husband to be exact.

Ngumiti siya ng mapait. Tatlong taon na silang hindi nagkikita pero hindi pa rin niya magawang kalimutan ito. Walang araw na hindi niya ito iniisip. Minsan gusto na niyang iumpog ang ulo dahil sa kaiisip dito.

“Babe.”

“I’m fine. May naisip lang ako.” sagot niya kay Aldin.

Nakilala niya ito dahil na rin sa mga katrabaho niyang binubuyo siyang mag-boyfriend na raw dahil hindi na siya bumabata. Noong una ay hindi niya pinapansin ang mga panunukso ng mga ito pero kalaunan ay naisip niyang baka iyon ang solusiyon para makalimutan niya ang kaniyang dating asawa.

May pagkahambog si Aldin pero marunong naman itong humingi ng tawad kapag sumusobra na ito at maalaga rin. Nakita niya iyon sa ilang beses nilang pagde-date. Isa pa, nasa middle class lang ito, wala siyang puproblemahin sa antas nito sa buhay. Hindi katulad ng dati niyang asawa na mahirap abutin dahil anak ito ng maimpluwensiyang pamilya. Hindi na nga niya matandaan kung paano silang naging mag-asawa.

“Let’s get out of here and have fun, shall we?” nang-aakit na tanong nito sa kaniyang tainga.

She shrugged. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot. She needed to get laid. Sa paraang iyon ay makakalimutan niya ang kaniyang asawa. No, ex-husband! She hissed. Bakit ba hindi niya makalimutan ang isang iyon?

Her eyes watered when she saw a woman from across the street carrying her baby. Unconsciously, she clutched her necklace with the pendant of her wedding ring. Three years has passed and she’s still holding on to the wedding ring. Kailangan niyang mag-let go kung gusto niyang mag-move on.

Napakislot siya nang maramdaman na may humawak sa kaniyang magkabilang balikat mula sa likod. Pagkatapos ay may dumiin na mainit na katawan sa kaniyang likod. Kilala niya

“Are you sure you’re okay, babe?”

“Y-Yeah.”

Pinaharap siya nito rito. Tinitigan siya nito sa mga mata na yari bang binabasa kung ano ang iniisip niya. Tumitig din siya rito. Hindi niya alam kung ano ang hinahanap nito sa kaniyang mga mata pero pinanatili niya ang pagtitig dito.

Dahan-dahan itong yumuko. Hindi baguhan sa ganoong moves ng mga lalaki si Lyxelle. Alam niyang hahalikan siya nito at naghihintay lang itong itulak niya. Aldin was giving her the choice of pushing him away. She almost did. But she stopped herself and firmed her resolve. She needed this kind of distraction to forget what she wanted to forget. It might not be the best way but it will help her.

Tuluyan ng sinakop nito ang kaniyang mga labi. Tinugon niya ang halik nito. Hungrily. Yari bang uhaw na uhaw siya sa isang halik. Lyxelle’s mind was blank, her lips moving on instinct. For a while. And then she was back in time when she and Raziel were still lovers. Every time Raziel is late on their dates, he would hug and kiss her. Just like that, she would forgive him.

“Raziel.”

“Babe, ang sarap mo.”

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Hindi si Raziel ang kasama niya. Dahil iniwan na siya ng dati niyang asawa.

Nang akmang hahalikan ulit siya ni Aldin ay marahan niya itong itinulak.

“Let’s go to your condo first,” namamaos na saad niya. Her heart beating wildy in her chest she couldn’t hear anything aside from it.

“Alright.”

Pareho silang sumakay sa kotse. Hindi na nagsalita pa si Aldin. Ikinuyom ni Lyxelle ang mga kamay. Ngayong tahimik na at nagmamaneho na sila papunta sa apartment ni Aldin naisip niya kung tama ba itong gagawin niya? 

Nagsimulang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Ano ba ang iniisip niya at napagdesisyonan niyang gawin iyon? Ilang beses na silang lumabas ni Aldin pero handa na ba siyang ibigay dito ang sarili niya?

Kaya ba niya? Pwede pa bang mag-backout?

She opened her mouth to speak pero walang tinig na lumabas. It was as if Aldin could sense her hesitation, he pressed on the accelerator and the car speeded up like the hounds are chasing after them.

“Pwede bang bagalan mo ang pagpapatakbo ng sasakyan?” Kinakabahang hiling niya rito. Napakapit siya handle na nasa bubong sa gilid ng pinto. “Baka mabangga tayo.”

Oo nga at gusto niyang makalimutan ang kaniyang nakaraan pero wala sa hinagap niya na magpakamatay o mamatay.

“Relax, babe.”

Sisigawan sana niya ito pero hindi niya naituloy. A blinding light flash before her eyes at wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang kaniyang mga mata. Ang sumunod na narinig niya ay ang isang pagsalpok ng sasakyan at pagtama ng ulo niya sa salamin ng kotse. She cried out in pain and felt a hot liquid run down from her forehead to her face.

Pilit na iminulat niya ang kaniyang mga mata. Noong una ay wala siyang makita hanggang sa may maaninag siyang liwanag, unti-unti iyong lumawak hanggang sa nakakakita ng siya ng malabo. Paulit-ulit na kinukurap niya ang mga mata. Luminaw ang tingin niya ilang sandali pa.

 Sumalpok ang sasakyan niya sa isang truck. Ilang pulgada na lang at aabot na sa mukha niya ang katawan ng truck. Binalingan niya ang lalaking kasama. Nakita niya itong walang malay at duguan. Nanghihinang binuksan niya ang pinto ng kotse at lumabas doon. Kailangan niyang humingi ng tulong.

Ilang metro pa lang ang layo niya sa pinangyarihan ng insidente nang makakita ng ilaw na papalapit sa direksiyon niya. She waved her hand and stood dizzily in the middle of the road. Her vision was blurring again. She collapsed on the road before the car stopped right in front of her.

Sa nanlalabong paningin, nakita niyang may lalaking bumaba sa kotse pero hindi niya maaninag ang mukha nito dala ng nakakasilaw na head light ng kotse nito.

Lumapit sa kaniya ang lalaki at umuklo sa harap niya.

“Raziel…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status